"ANG LAMIG!" tili ni Michelle.
Naliligo sila ni First sa dagat.
Tawa lang nang tawa si First. Tila hindi nito iniinda ang ulan at ang lamig ng panahon kung makalangoy. Ang totoo, hindi niya alam kung bakit hinayaan niya itong buhatin siya palabas ng bahay pagkatapos ng agahan. Dahil basa na rin lang siya, pumayag na siyang maligo sa dagat.
"Lumangoy ka kasi para hindi ka gaanong lamigin," anito bago muling lumubog sa tubig.
Ginawa niya ang sinabi nito. Hindi naglaon, nasanay na ang katawan niya sa lamig. Tuwang-tuwa siya sa mga alon. Mataas ang mga iyon. Naghabulan pa sila ni First sa ilalim ng tubig. Para silang mga bata. Nasorpresa siya nang magawa na niyang ngumiti at tumawa nang totoo.
Nang mapagod sila sa paglangoy ay umahon na sila at humiga sa buhangin. Hinayaan niyang pumatak ang ulan sa kanya. She welcomed the cold. It was like an anesthesia to her aching soul.
"Michico?" tawag ni First.
"Hmm?"
"Ano ang iniiyakan mo kagabi?"
She sighed.
"Naalala mo na naman si Miguel?"
"Puwede ba namang hindi?"
"Mahal mo talaga siya?"
"Hindi ko siya pakakasalan kung hindi. Kagabi, iniisip ko kung ano na sana ang nangyayari sa akin ngayon kung hindi niya ako iniwan sa altar. Siguro, nasa Paris na kami at masayang namamasyal. Iniisip ko rin kung ano'ng dahilan niya kung bakit niya nagawa iyon. Did he realize he doesn't really love me and I am not the woman he wanted to marry?"
Bumuntong-hininga si First. "Ayokong madaliin ka sa paglimot. Gusto kong bigyan ka ng panahong malungkot at masaktan. Ayokong pilitin kang maging masaya. Pero sana, Michico, humakbang ka kahit paano. Move on. Unti-unti mong tanggapin na hindi na siya babalik."
"Sa palagay mo, hindi na talaga siya babalik?"
"Hindi ko na siya hahayaan. Pagkatapos ng ginawa niya sa `yo, hindi ko na siya hahayaang bumalik sa buhay mo. Mas pinili niya ang takbuhan ka, magdusa siya," sabi nito sa mariing tinig.
"Pero paano kung—"
"Michico, please stop. Don't hope too much. At magalit ka naman sa kanya. He jilted you."
Nanahimik siya. May kaunting galit siyang nadarama ngunit mas nangingibabaw ang sakit. Hindi niya maiwasang isipin ang mga posibilidad kung bakit nagawa ni Miguel sa kanya ang ginawa nito. Bakit ito umurong sa kasal nila? Bakit bigla ay ayaw na siya nitong pakasalan? Napakarami niyang mga pangarap na nawasak. Napakarami niyang plano na hindi naisakatuparan.
Paano na siya mag-uumpisa ngayon? Wala na siyang trabaho. Ano ang gagawin niya? Paano niya haharapin ang mga tao? Nais niyang gumawa ng panibagong plano para sa hinaharap ngunit hindi niya alam kung paano mag-uumpisa.
Miguel ruined everything.
"Michico?" tawag ni First.
"O?"
"Did you ever think of us being together? Together as in romantically involved. Mag-boyfriend-girlfriend. Mag-asawa."
Napalunok siya. Hindi niya magawang sumagot. Napakadaling magsinungaling ngunit hindi niya magawa. At bakit ba ito nagtatanong ng ganoon?
"I take that as a 'yes.'"
Muli ay hindi niya nagawang sumagot.
NASA terrace si Michelle at pinapanood ang pagpatak ng ulan. Hindi yata titigil ang pag-ulan sa araw na iyon. Hindi naman gaanong malakas ang ulan ngunit tuluy-tuloy naman iyon.
Mayamaya ay sinamahan siya roon ni First. Ang isang kamay nito ay may hawak na isang mug ng umuusok na inumin. Ang isang kamay naman nito ay may tangan-tangan na gitara. Inilapag nito sa harap niya ang mug na mainit na tsokolate pala ang laman. Umupo ito sa tabi niya at kinalabit ang gitara.
Napangiti siya habang pinagmamasdan ito sa ginagawa. Hindi ito marunong tumugtog ng gitara dati. Tinuruan lang daw ito ni Maken. Gustung-gusto niya kapag tumutugtog ito. Sa paningin niya ay lalo itong gumuguwapo.
Nang maitono na ang gitara ay nagsimula na itong tumugtog. He started to sing, too.
"Life comes in many shapes. You think you know what you got until it changes... And life will take you high and low. You gotta learn how to walk. And then which way to go... Every choice you make when you're lost. Every step you take has its cause…"
Napapapikit-pikit siya habang kinakantahan nito. First had the most wonderful voice in the planet. It never failed to make her feel good. Nang maging Lollipop Boy ay lumabas ang mga itinatago nitong talento.
"After you clear your eyes, you'll see the light somewhere in the darkness. After the rain has gone you'll feel the sun comes. And though it seems your sorrow never ends, someday it's gonna make sense."
Tumatagos sa puso ni Michelle ang nais sabihin ni First sa kanya. Pakiramdam niya ay napakasuwerte niya dahil nagkaroon siya ng kaibigan na katulad nito. Hindi niya mapigilang maluha.
Bigla itong tumigil sa pagtugtog. "Hey," anito. "Don't cry," he said softly while wiping away her tears.
Pinilit niyang ngumiti. "I'm just happy to have you. Masaya ako kasi nandito ka ngayon."
Inilapag nito ang gitara sa mesita at tuluyan na siyang niyakap. "Hindi kita iiwan kailanman. Hindi-hindi kita tatakbuhan."
Gumanti siya ng yakap. As usual, being in his arms felt so nice. It felt home. She felt secure.
Nanatili silang tahimik na magkayakap sa mahabang sandali hanggang sa basagin nito ang katahimikan.
"Do you mind if I ask a bit uncomfortable question?"
"What is it?" nagtatakang tanong niya. May uncomfortable question pa ba sa kanilang dalawa?
"When did you feel something different for me?"
Nanigas siya. Tama ito, hindi siya magiging komportableng sagutin ang tanong na iyon. Ano ba ito? Bakit pa siya nito tinatanong ng ganoon? At bakit siya naiilang na sagutin iyon? It was already part of the past. Dapat ay madali na niyang masasagot ang bagay na iyon.
"First, bakit kailangan mong ungkatin `yon?" Sinubukan niyang kumawala ngunit hindi siya nito hinayaan.
"So, talagang nagkagusto ka sa `kin dati?" tanong nito sa tinig na tila tuwang-tuwa sa nalaman.
Nag-init ang mga pisngi ni Michelle. Napapahiya siya. Natampal niya ang balikat ni First. "Nakakainis ka!"
Natawa ito. "Bakit ako nakakainis? Nagtatanong lang naman ako. Kailan nga?"
Napangiti na rin siya. What the heck! What was the big deal anyway? Her memory of herself being in love with him was fun. Nasiyahan naman siya sa pagmamahal niya rito noon kahit palihim iyon at hindi nagkaroon ng katuparan.
"I don't know when exactly. Siguro noong start ng puberty natin. Ikaw ang first crush ko, eh. Ikaw rin ang first love ko—sa paniniwala ko. When we grew older, I realized it was just a puppy love."
"How did you get over me?"
"When I started accepting the fact that we'll never cross the line of friendship."
"It's a fact? Bakit hindi ko alam `yon?"
Nagbibirong sinabunutan niya ito. "Kung nagkaroon ng posibilidad na maging tayo, sana noon pa. But I'm sort of glad we never attempted to be romantically involved. I mean, we have this very beautiful friendship. Mula pa pagkabata, magkasundo na tayo. Kapag hindi nag-work ang relationship natin, sayang ang magandang friendship na binuo natin sa napakatagal na panahon."
Lumayo ito nang bahagya sa kanya at tinitigan siya nang husto. Napakaseryoso ng mukha nito. Nagtatakang napatingin din siya rito. Mayamaya ay pumaloob sa buhok niya ang kamay nito habang unti-unting bumababa ang mukha sa kanyang mukha.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto ang plano nitong gawin. He was going to kiss her! Maglalapat na ang mga labi nila nang bigla siyang umiwas. Sa pisngi niya dumako ang mga labi nito. Tila may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya.
Nais niyang lumayo kay First ngunit hindi siya nito hinayaan. "F-First, why are y-you d-doing this?" Tila may mga kabayong naghahabulan sa loob ng dibdib ni Michelle. Ilang na ilang na siya. "Let me go," sabi niya ngunit hindi naman niya ito itinutulak.
Huminga ito nang malalim. Ang akala niya ay pakakawalan na siya ni First ngunit hinagkan-hagkan nito ang kanyang pisngi hanggang sa matagpuan ng mga labi nito ang mga labi niya. Nanlambot siya. Pakiramdam niya ay wala siyang buto.
Sa umpisa ay dinampi-dampian lamang nito ng mga mumunting halik ang mga labi niya. Napapikit siya. Halos wala sa loob na ibinuka niya ang mga labi para dito. Hindi na niya napigilan ang sarili. She wanted more.
Noong una ay marahan lamang ang paghalik ni First ngunit unti-unti iyong lumalim. He kissed her thoroughly. Lumipad ang lahat ng matinong mga kaisipin sa isip niya.
He moaned when she started to kiss him back. Nais niyang iparamdam din kay First ang mga kaiga-igayang damdamin na ipinaparamdam nito sa kanya sa pamamagitan ng halik.
Why are we kissing?
Hindi na niya hinayaan ang sarili na pag-isipan pa nang husto ang sagot sa tanong na iyon. Ang tagal-tagal din niyang pinangarap noon na mahagkan ni First sa ganoong paraan. Sa paraang tila sabik na sabik ito sa paghalik sa kanya. Sa paraang tila napakaganda niya at nais nitong hagkan siya sa napakatagal na panahon.
Naramdaman niyang umangat siya. She suddenly stopped kissing him when she realized she was straddling him already. His lips were still moving against hers. For a while, she just let him taste her. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. It was delicious. She was happy. His lips were soft and sweet. Pakiramdam niya ay natupad na ang matagal na niyang pinapangarap.
Kapwa nila habol ang hininga nang sa wakas ay pakawalan ni First ang kanyang mga labi. They stared at each other's eyes for a while. She saw the obvious happiness in his eyes. He looked so boyish. He looked like the old Lollipop Boy First Nicholas that she loved so much.
Isinubsob nito ang mukha sa kanyang leeg at niyakap siya nang napakahigpit. "Michico... Michico... Michico..." he chanted softly.
Napangiti siya. The way he said her name, it sounded like "Michie ko." Kahit alam niyang pinagsama lamang nito ang dalawang pangalan niya ay hindi niya maiwasang kiligin.
"Let's not talk," bulong niya. Mamaya na lang siya babalik sa realidad. Mamaya na lang siya mag-iisip nang matino. Mamaya na lang siya magsisisi at pagagalitan ang sarili.
Kinapa niya ang sariling damdamin. May pagsisisi ba siyang nadarama? Wala. Wala siyang makapa kahit katiting. What happened was special and it would forever remain that way.
HINDI pa rin maiwasan ni Michelle na mailang habang naghahapunan sila ni First. Hindi sila nag-iimikan. Pakiramdam niya ay nawala ang mahikang nakabalot sa kanila kanina. Mukhang hindi naman ito naiilang nang husto katulad niya dahil pangiti-ngiti pa ito paminsan-minsan. Mukhang magandang-maganda ang mood nito.
Nang matapos silang kumain ay inako nito ang pagliligpit. Lumabas siya ng bahay. Sa wakas ay tumila na ang ulan. Naglakad-lakad siya sa baybayin.
Ramdam na ramdam niya ang malaking pagbabago sa relasyon nilang magkaibigan. Iniisip niya kung ano ang iniisip ni First. Ano ang motibo nito sa paghalik sa kanya? May romantikong damdamin ba ito para sa kanya? At bakit parang masaya siya sa naiisip?
Nawala bigla ang saya niya nang maalala si Miguel. Pakiramdam niya ay nagtataksil siya rito. It was absurd. Nang takbuhan siya nito at iwan sa altar ay tapos na ang lahat sa kanila. Wala na siyang obligasyon dito. Hindi na dapat siya makaramdam na tila may pinagtataksilan siya. Pero sa isang banda, wala pa silang masasabing closure.
Umaasa pa ba siya na magkakabalikan sila ni Miguel pagkatapos ng ginawa nito? Paano si First? She couldn't deny the fact that his kiss still affected her so much. Hindi niya maaaring bale-walain iyon. Pakiramdam pa niya ay bumabalik siya sa mga panahong may lihim na pagsinta siya sa kanyang kaibigan.
Ang isa pang tanong ay kung ano ang motibo ni First sa pagpapakita ng interes sa kanya. Ganoon ba ang paraan nito ng pag-comfort sa kanya? Ginawa ba nito iyon upang mabilis niyang makalimutan si Miguel?
Gulung-gulo ang isip niya.
Napaigtad siya nang maramdamang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Kaagad na naamoy niya ang pamilyar na amoy ni First. Napalunok siya nang sunud-sunod. Hindi niya alam na nilalamig siya hanggang sa maramdaman niya ang init na nagmumula sa katawan nito.
"What are you doing here?" tanong nito habang hinahagkan ang balikat niya. "Malamig na."
Napapikit siya, kapagkuwan ay inihilig niya ang kanyang ulo sa balikat nito. "Gusto kong mag-isip."
"Tungkol sa?"
"What is happening, First?" tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito.
"Let's go home. Madilim dito." Inakay na siya nito pauwi sa bahay.
Dismayado siya ngunit wala na siyang nagawa kundi ang magpaakay rito. Pagdating sa terrace ay pinigilan siya nito nang akma na siyang papasok sa loob ng bahay.
"I wanna answer your question here. Iyong nakikita natin ang mukha ng isa't isa. Madilim sa labas." Seryosung-seryoso ang tinig nito at ang uri ng tingin sa kanya.
Bumilis agad ang tibok ng puso niya. Napapikit siya nang hagkan nito ang kanyang noo.
"Let's try to be together," wika nito habang sinasalubong ang tingin niya.
Napalunok si Michelle. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at iisipin. Seryosung-seryoso pa rin ang mukha nito.
"First..." sambit niya.
Pinagdikit nito ang mga noo nila at hinapit siya palapit. "I know it's too soon. I know it's only been days. Hindi naman kita minamadali. Hindi ko lang maatim na hindi kumilos kaagad. Baka mawala ka uli. This time, I don't wanna regret anything. Ayokong maulit uli ang eksena sa simbahan. Baka hindi na maawa sa `kin ang Panginoon."
"What are you saying, First?" nagtatakang tanong niya. Lalo yatang bumilis ang tibok ng puso niya. Nahihirapan na rin siyang huminga nang maayos.
"I love you, Michico. I've always been in love with you."
Namasa ang kanyang mga mata. Napakatagal niyang hinintay na sabihin nito ang mga katagang iyon noon. Bakit ngayon lang kung kailan tumigil na siya sa paghihintay? Bakit kung kailan iba na ang itinitibok ng kanyang puso?
"Baka sakaling gustuhin mo uli ako tulad ng pagkagusto mo noon. I am willing to wait. Hindi naman kita mamadaliin."
"It was just a puppy love, First."
"It can be true love," giit nito. "Give me a chance to prove to you how much I love you. Hindi ko kaya kung mawawala ka uli sa akin. Ayoko nang maging duwag. Ayokong mabuhay sa lungkot at pagsisisi. I'll make you love me. Matututuhan mo rin akong mahalin. Mahal mo ako bilang isang kaibigan, matututuhan mo ring mahalin ako bilang lalaki."
Bigla siyang napaiyak. Hinampas niya ang dibdib nito. "Nakakainis ka! Bakit ngayon lang? Kung noon mo pa sana sinabi `to, sana... sana hindi na ako umibig kay Miguel. Hindi sana magiging kami. Hindi sana kami magpaplanong magpakasal. Hindi ko na sana nararamdaman ngayon ang sakit na dulot ng pagtalikod niya. Nakakainis ka! Nakakainis ka!"
Niyakap siya nito. Napahagulhol siya. Halu-halo ang kanyang nadarama. Masaya siya dahil mahal naman pala siya ng lalaking lihim na inibig niya noon. Kasabay noon ang panghihinayang sa mga taong nasayang. Kung nagsabi lamang ito noon. Kung naging matapang lamang ito. Nalulungkot din siya dahil hindi na siya ang babaeng umiibig dito. She was over him. Si Miguel na ang nasa puso niya.
But Miguel was gone. He didn't want to marry her. First was there. He said he loved her—had always been in love with her. Hindi raw siya nito iiwan. Minsan na niya itong minahal. Hindi masamang—
She shook her head. Hindi tamang gawin niyang panakip-butas si First. He was not just a man. He was her best friend. Mula pagkabata ay magkasama na sila. Hindi ito puwedeng maging Band-Aid ng sugat na nilikha ni Miguel.
"I'm sorry," he murmured while kissing her temple. "I'm sorry for being a coward. I'm sorry for always hesitating. Sorry kung mas may mga pinahalagahan at inuna ako noon kaysa sa `yo. Babawi ako sa `yo, Michico. Ipaparamdam ko sa `yo kung gaano kita kamahal."
"Sigurado ka ba rito sa ginagawa mo, First? What about our beautiful friendship?"
"Matagal ko nang pinahalagahan ang beautiful friendship na sinasabi mo, Michico. Ayokong mamatay nang hindi sumusubok. Parang naglolokohan din lang naman tayo, eh. I don't love you as a friend. I love you as a woman. Will you let me love you?"
"Hindi ganoon kadali ang lahat. It's too soon. I still love Miguel. Intindihin mo naman ako, First. Miguel and I almost got married."
Nanigas ito.
Hinaplos niya ang buhok nito. "Ayokong masaktan ka. Ayokong umasa ka masyado. Ayokong gamitin ka para makalimot ako sandali. Ayokong gawin kang panakip-butas. You deserve more than that."
"I don't wanna think of anything negative. I firmly believe we are meant for each other. Hindi ka pinahintulutan ng Diyos na maikasal kay Miguel. Hindi kayo ang para sa isa't isa."
"First—"
"Hindi kita aapurahin. Take your time. Grieve. Tandaan mo na nandito lang ako. Hindi kita iiwan katulad ng ginawa ni Miguel sa `yo. Mamahalin kita nang lubos, nang higit pa sa pagmamahal na ibinigay niya sa `yo."
"Salamat sa pagmamahal, First. This is a big surprise. Parang ang hirap paniwalaan. Parang hindi totoo. Parang panaginip lamang ang lahat."
He gently cupped her face. Pinaulanan nito ng mumunting halik ang buong mukha niya. "I love you. I love you. I love you so much," anito sa pagitan ng mga halik.
Halos sumabog ang puso niya sa kaligayahan. Ang saya niya. Pakiramdam niya ay walang kulang sa mundo. Parang lahat ng mga nais niya ay nakamit na niya.
Bakit may ganoon pa ring epekto sa kanya si First?