webnovel

Crazy for You

"You are crazy, Daniel. Have you told your manager about us already?" Tanong niya dito habang mahigpit siyang nakayakap mula sa likuran nito habang pinapaharurot nito ang motor na sinasakyan.

"Don't think too much, Yna. I am really crazy- I'm crazy for you." Seryosong ani nito habang nakatutok pa rin ang tingin sa daan.

"Daniel.." Angal niya dito. "I am sure balita na ang tungkol sa atin sa TV mamaya..at bukas ay hindi na ako makakalabas pa ng apartment." Reklamo niya dito.

"I have taken care of that already, baby." Sagot nito sa kanya saka mas pinaharurot pa ang motor.

Napabuntong-hininga na lamang si Yna saka mas hinigpitan pa ang pagyakap sa lalake na tila doon siya makakakuha ng lakas upang harapin ang bukas kasama ang lalake sa buhay niya.

"There you are! Ang aking mga apo!" Masayang bati ng lola ni Daniel ng lapitan nila itong naghihintay sa bukana ng mansyon.

"At ano na naman ang dahilan sa pagpadpad ng aking gwapong apo dito?" Pabirong ani ng matanda sabay halik sa pisngi ni Daniel.

"I want to ask for a favor, La." Bulong ng lalake sa tenga nito. Pormal ang mukha ng lalake kaya napakunot ang noo ng matanda.

Tila kinabahan si Yna ng iwan siya muna sandali ng dalawa sa sala. Tanaw niya na seryosong nag-uusap ang dalawa sa balkonahe ng mansion at pasulyap-sulyap sa kanya. Maya-maya pa ay parehong nakangiting bumalik na ang dalawa.

"Is everything ok?" Tanong niya sa dalawa na pinagpalit-palit niya ang tingin.

"Yes, iha. You have to get ready dahil later-"

"I have to tell her, La." Putol ng lalake sa iba pang sasabihin ng matanda.

"You haven't told her?!" Tila inis namang tanong ng matanda dito. Kunot ang noong napatingin siya sa lalake.

"What's that, lola?" Tanong niya sa matanda.

"Well, iwan ko na muna kayo dyan to prepare for everything needed." Paalam ng matanda saka sila tinalikuran.

Binalingan naman niya si Daniel na naupo sa tabi niya. Nagsusumamo ang mga matang tumitig ito sa kanya.

"I love you so much, Yna…do you love me?" Seryosong tanong nito sa kanya. Tila nagugulumihanan naman siya sa pagbabago ng mood nito.

"Yes, I do love you." Sagot naman niya na kunot pa rin ang noo na tila hinihintay ang iba pang sasabihin ng lalake.

"Then marry me, Yna." Ani naman nito saka kinuha ang maliit na kahon at binuksan iyon sa harapan niya. Nakasisilaw sa kinang ang bato ng sising na laman nito.

Napaawang naman ang bibig ni Yna dahil sa bilis ng mga pangyayari.

"I know masyadong mabilis Yna but I want to have you for the rest of my life. I am sure about myself that you are the woman that I want to be my wife..so Miss Yna Reyes, will you marry me?" Nagsusumamong tanong nito sa kanya.

Tila sumikip ang dibdib ni Yna at tila sasabog ang kanyang puso. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman.

"Yna…please be my wife?" Pag-uulit na lalake ng hindi pa rin niyang magawang makapagsalita.

"Ok." Tumatango naman niyang sagot. Kitang-kita niya ang pagbilog ng mata ng lalake at ang kakaibang kislap sa mga mata nito.

"Do you mean- YES?" Hindi makapaniwala nitong paninigurado sa kanya.

"Yes, I want to be your wife." Sagot naman niya. Napapikit siya ng maalab na sakupin ng lalake ang kanyang mga labi. Pagkatapos ng mainit nilang halikan ay isinuot na ng lalake ang singsing sa kanya at malalakas na palakpak ng lola nito na nakangiting nakatunghay sa kanila ang nagpanumbalik sa kanila sa reyalidad.

"Congratulation, mga apo ko! I am really happy for you." Mangiyak-ngiyak na ani nito saka sila binigyan ni Daniel ng mahigpit na yakap.

"I have called Father Antonio, he will be here at 30 minutes so better prepare yourselves. Nagluluto na rin ang mga cook ko for the celebration. I called your mom & dad na rin, Daniel..and your mom, iha." Masayang pagbabalita nito.

"Ba-bakit po?" Nagtataka niyang tanong sa nakangiting matanda.

"You'll getting married na.. as in right now." Deklarasyon nito na lalo niyang ikinakaba.

"Daniel.." Nag-aalala niyang ani sabay baling sa katabing lalake na mahigpit ang hawak sa kanyang kamay.

"Shhhh..everything will be alright, baby." Bulong nito sa kanya saka siya kinitalan ng maliit na halik sa noo.

Nächstes Kapitel