webnovel

Dating the Paparazzi

Mabigat ang loob na sumang-ayon siya dito. Wala rin siyang nagawa ng kunin nito ang cellphone niya.

"I'll ride that?" Napapantiskuhang tanong niya ng makita ang magarang motor nito na sa mga action movies lang niya nakikita.

"Yes. Unless you want me to file illegal trespassing and robbery?" Nakangising tanong nito sa kanya.

"Roberry?!!" Inis na balik na tanong niya dito. Tumango lamang ito saka siya nilagyan ng helmet. Napatili siya ng buhatin siya nito at isinakay sa motor. Dahil nabigla ay hindi na niya nagawang pang bumaba. Sobrang harurot ang ginawa nitong pagpapatakbo sa motor kaya mahigpit siyang napayakap dito para hindi siya mahulog.

Hindi alam ni Yna kung saan siya dadalhin ng lalake. Malayo na rin ang itinakbo ng motor. Puro malalawak na palayan sa paligid ang kanilang dinaraanan.

"Will you stop this!?" Sigaw niya para marinig siya ng lalake. Imbis na sumagot ay mas pinatulin pa nito ang pagmamaneho na tila nakikipagkarerahan kay kamatayan sa bilis.

"Daniel!!! What are you doing!! Kung nagpapakamatay ka, please..wag mo na akong isama !" Sigaw niya sa takot. Napapikit na lamang siya na tila hinihintay na lamang na sumalpok sila sa kung saan.

Matuling pinaharurot muli ng lalake ang motor at humalakhak pa ng malakas.

"Oh my God!" Bulong ni Yna sa sarili. Tila nabunutan naman siya na malaking tinik sa dibdib ng tahakin na nila ang baaku-bakong daan patungo sa natatanaw niyang mansyon. Hindi niya napigilan ang mapahanga sa ganda nag pagkakahanay ng mga bulaklak na tanim sa paligid.

Kita niya ang paglabas ng mga babaeng nasa edad na na sabay-sabay pang kumaway sa kanila ng nakangiti na kasama ang nakaunipormeng katulong.

Bahagang napaiktad si Yna na tila balewalang ipinulupot ni Daniel ang mga matitipuno nitong bisig sa kanyang katawan saka siya halos buhatin pababa ng motor nito. Hindi na ito nagawa pang sungitan ng dalaga dahil mabils na itong naglakad papunta mansion.

"Naku, ang apo ko! Akala ko hindi na ako naaalala!" Mangiyak-ngiyak na bati ng ginang saka niyakap ng mahigpit ang binata.

"Lola naman..alam nyo naman na masyado akong busy!" Masayang wika nito saka niyakap din ng mahigpit ang babae.

Nanatili lamang sa tabi ng motor si Yna habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Hmmm..pa-good boy ka ba Daniel? Gusto mong ipakita sa akin ngayon na isang mabuting apo?" Bulong ni Yna sa sarili saka naikuyom ang mga kamao sa alaala ng insidenteng muntik na rin niyang ikamatay.

"You want to play games, Daniel? Then let's see. Alam kong lalabas at lalabas ang baho mo." Ngingitngit pa niyang wika sa sarili. Napakunot ang noo niya ng kumaway ito sa kanya saka sumesenyas na lumapit siya ngunit imbis na sundin niya ang lalake ay tila nagkunwari siyang hindi naiintindihan ito. Kita niya na napabuga sa hangin ang lalake.

"Medjo may sumpong ang GF ko, la..Wait lang." Bulong ni Daniel sa matanda na ikinangiti nito. Tumunghay din ito kay Yna at nangingiting sinundan ng tingin si Daniel na papalapit dito.

"I am calling you, babe? Bakit ayaw mo lumapit ha?" Nagpapa-cute na ani nito kay Yna habang papalapit saka inakbayan ang dalaga na pilit na nagpumiglas.

"I told my gradma that you are my GF kaya please, Miss Reyes…kung ayaw mong ituloy ang kaso ko sa'yo na illegal trespassing.." Bulong nito sa kanya na may halong pagbabanta.

Masamang tingin ang ibinigay niya dito saka malakas na siniko ang tagiliran nito upang maalis niya ang kamay na nakaakbay sa kanya. Napaniwi naman sa sakit ang lalake. Dali-dali niya itong iniwan at lumapit sa ginang na kanina pa sila pinapanood.

"Good afternoon, po! I'm Miss Yna Reyes, ABM News Entertainment Head po." Pagpapakilala niya dito. Kitang-kita niya na nawala ang ngiti sa labi nito at napatingin kay Daniel na kumakamot sa ulo.

"What's going on, iho?" Nagaalalang tanong nito na nagpalitan ang mga tinign sa kanilang dalawa.

"Well, this is love di ba, La? Walang pinipiling tao..at situasyon." Masiglang paliwanag ng lalake.

Napaawang naman ang bibig ni Yna at napapantiskuhang napatingin sa lalake na binigyan pa siya ng isang kindat.

Napailing na lamang ang matanda na halatang hindi sigurado sa nakikita at naririnig.

Nächstes Kapitel