webnovel

Meeting the Paparazzi

"So this is how you plan to solve the problem with these paparazzi?!" Galit na wika ni Daniel sabay tapos ng dyaryo na hawak sa mesa.

Napaiktad naman si Felice sa gulat at napatitig kay Daniel. Si Herman naman ay panay ang hithit sa sigarilyo.

"We do not do it!" Mabilis na sagot ng babae.

"Daniel, we've been together for almost 7 years! Alam mong hindi namin magagawa yan!" Pagalit na wika ni Herman.

"Then who? I am sure mamaya susugurin na naman tayo ng press." Inis na wika ni Daniel saka tila pagal na naupo s swivel chair.

"Swear to God, Daniel! I don't know anything about this." Mariing sabi ni Hernan. "At tama ka na malamang na ili-link na ng media at pulisya ang nangyari sa alitan natin with ABM news at yan ang dapat nating harapin." Pagpapatuloy niya.

Tumayo naman si Felice at umakbay kay Daniel.

"You need a rest, Daniel. Umuwi ka na muna. Kami na ang bahala ni Hernan about this ok?" Malambing na sambit ng babae.

Matapos na mag-ayos ng sarili ay agad ng umalis ng studio si Daniel at malalim ang iniisip na sumakay ng kotse. Bago ito paandarin ay kinuha muna niya ang cellphone at nagdial.

"Hello pare, nasan ka?" Tanong niya sa kausap sa kabilang linya.

Natagpuan ni Daniel ang sarili sa bar na pagmamayari ng matalik na kaibigan na si Harold.

"Have you heard the news?" Pagpupukaw nito sa kanya habang lumalagok siya ng alak sa kopita.

"I've heard a lot of news." Sarkastikong tugon niya dito. Napatawa naman si Harold habang muling sinasalinan ang kopita ni Daniel.

"I mean, kanina. ABM reporters were killed yesterday & I've heard your name being linked to the case." Paliwanag ni Harold.

"You know me, pare." Maikling sagot niya dito ngunit may halong diin.

"Of course. I am just thinking kung hindi naman kaya makaapekto ang mga nangyayari sa career mo?" Nagaalalang tanong nito.

"Alam mong matagal ko ng gustong iwan ang career na ito. This is not even what I want!" Ani niya sa pagitan ng paglagok ng alak.

"Bakit pare, hindi pa rin ba kayo ok ni Tito Bert?" Banggit nito sa ama niya. Saksi kasi ito kung paanong halos mabugbog siya ng ama ng malamang nagdrop siya mula sa Engineering course na pinatake nito sa kanya. Naglayas siya at sandaling tumuloy sa condo ni Chad. Nang sumama siya sa family outing nito ay doon niya nakilala si Hernan.

"Well, lagi pa ring mainit ang ulo niya pag bibisatahin ko si mommy. He always telling me to quit showbiz." Paliwanag niya dito.

Napatango naman ito ngunit napakunot ang noo ng makita ang dalawang babae ng pumasok.

"Look who came! Wait pare, puntahan ko lang." Paalam ni Chad. Sinundan naman ito nt tingin ni Daniel na napakunot ang noo nito.

"Thanks for accepting my invitation, Yna and Shine. It's been how many years since we last met!" Masayang bungad nito kay Yna na pilit lang ngumiti.

"True. And eto, big time ka pa rin." Natatawang sabi ni Shine.

"Well, Chad. Pacenxa ka na kung my kasama kami ha." Bulong ni Yna dito sabay tingin sa apat na matitipunong lalaki n nkaupo malapit sa kanila na panay ang tingin.

"Who are they?" Nagtatakang tanong ng lalake.

"Mahabang kwento. Why don't you get drinks for us first?" Ani ni Yna. Umupo sila tatlo sa bandang sulok habang hinihintay ang waiter na kinausap ni Chad.

"So...?" Tila inip na tanong ni Chad.

"From security unit sila ng PNP na binigay samin while the NBI are still looking for the suspects." Paliwanag ni Shine.

"Suspect?" Naguguluhang tanong ni Harold.

"Wait, is that Daniel Dhanes?" Madilim ang mukhang tanong ni Yna ng mapansin ang isang pamilyar na mukha ng magisang umiinom malapit sa counter.

"Yes. Wait..pare!" Masaya namang pagtawag ni Chad dito. Agad namang tumayo si Daniel at lumapit sa kanila. Napatayo naman agad sina Yna at Shine.

"Ah,pare. Sina Yna at Shine nga pala..mga kasama ko sa council nung college." Masiglang pakilala nito sa kanila.

Ngunit makikita ang madilim na mukha nina Yna at Daniel. Kuyom ang kamao ni Yna na pilit hinahamig ang sarili.

"So a paparazzi is here!" Sarkastikong ani ni Daniel na imbis makipagkamay ay napapmulsa.

"And the killer is here!" Ganting sagot naman ni Yna.

"Hey, guys! What's going on?" Nagugulat na tanong ni Harold sa nagsisimulang tensyon sa pagitan nina Daniel at Yna.

"Why don't we take a seat first before we talk about this?" Natatawang pagpapatuloy ni Chad. "Remember, today is my birthday kaya sana mapagbigyan nyo naman aq?" Tila nagmamakaawang turan nito.

Huminga ng malalim si Yna saka muling naaupo na hindi inaalis ang matalim na titig kay Daniel na madilim din ang mukha at tiim ang bagang na nakatunghay sa kanya. Umupo ito sa tabi ni Shine kaya naging magkaharapan ang pwesto nila.

"So Yna, I guess you're in ABM Network now?" Pagbasag ni Harold sa katahimikan habang sinasalinan ang mga kopita nila.

"She's our department head on entertainment, Chad." Si Shine na ang sumagot habang nilalagyan ng tacos ang plato niya at ni Yna.

Bahagyang napatawa naman si Daniel ng makitang inirapan siya ni Yna saka ininom lahat ng laman ng kanyang kopita.

"You're pretty." Nakangising ani niya dito saka palihim na pinagaralan ang itsura nito. Simple lamang ang pananamit na dalaga- white shirt at jeans. Ang mahaba nitong buhok na halatang minadaling itali ay nakapagdagdag ng dating sa maamo nitong mukha ng mayroon lamang kaunting kulay sa pisngi at labing pinadaanan lamang ng lip gloss. Alam ni Daniel na iba ito sa lahat ng babaeng nakakasama niya sa showbiz na hindi makakalabas ng bahay na hindi kumpleto ang postura. Lihim na sinaway ni Daniel ang sarili sa iba-ibang bagay na tumatakbo sa isipan niya. Muli niyang tinitigan ang babae na tila pilit bang inaalala ang pamilyar na mukhang dalawang beses na nagpahamak sa pangalan niya.

"And so?!" Maanghang na sagot nito. "Mas mabuting aminin mo na, Daniel Dhanes, na ikaw ang may pakana sa pagkamatay ng mga tauhan ko. Baka sakaling mapatawad pa kita." Matigas na sabi ng babae.

Napatawa naman si Daniel at saka sinapo ang ulo. Bahagya niyang inilapit ang katawan upang maiparinig kay Yna ang mga sasabihin.

"First of all, Miss Paparazzi, I want to extend my sincere condolences to your lost. But God knows that I don't have any participation on that!" Mahinahong paliwanag niya. "Second, you should be the one to apologize in destroying my name, Miss Paparazzi." Madalim ang mukhang pagpapatuloy niya.

"I am just doing my job." Matigas na saad ng babae.

"And so do I." Balik na tugon ni Daniel.

Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa kanila. Nakikiramdam na lamamg sina Chad at Shine sa mga susunod na mangyayari. Ang inumin ang napagbalingan ng dalawa na tila nagpaligsahan sa pinakamaraming mauubos na bote.

Nächstes Kapitel