webnovel

Friendly Meeting

Chapter 5: Friendly Meeting 

Point of View

Makalipas ang ilang araw... 

Hindi ko pa rin nagagawang makita 'yung perverted camera man, wala naman akong napapansin na kahit na ano kapag lalabas ako kaya siguro ay wala pa siya sa paligid. Pero kapag talaga nakita ko siya ulit, 

...sisiguraduhin kong ibabalik ko ng doble 'yung ginawa niya. Hindi ko 'yun pwedeng palagpasin. 

Lumakad ako sa loob ng silid at luminga-linga. 

Masasabi na naming tahanan na talaga itong tinitirhan namin dahil nakaayos na 'yung mga gamit at karamihan sa mga furnitures ay mga bago. Saka natutuwa ako ngayon dahil maso-solo ko na 'yung TV dahil wala naman madalas sa bahay sila Mama.

Tss... Noong nasa Smith mansion kasi ako, nag-aagawan pa kami ni Harvey sa remote, eh, gusto niya palaging nasa sports channel.

And there was a time na nasapak ko talaga siya dahil sa may biglaang pangyayari na hindi namin ine-expect.

Flashback 

Nanonood ako ng Animal Planet sa TV kung saan Tiger ang main topic. Umupo sa tabi ko si Harvey. Kinuha niya 'yung remote na nilapag ko sa glass table. "Ililipat ko muna" Paalam niya at hindi pa nga ako pumapayag ay inilipat na niya 'yung channel. 

Kaasar, bastusan lang?

Inalis ko ang likuran ko sa pagkakasandal sa sofa. "Bakit mo inilipat?!" Inagaw ko sa kanya ang remote at inilipat sa Animal Planet, sumandal akong muli at ngiting tumango. "Mmh! Much better"

"Anong much better? Akin na nga 'yan!" At kinuha niya sa akin 'yong remote at balik ulit sa Sports Channel. "Ano ba naman yan, oh?! Nandoon na 'yong tiger, eh!" Kinuha ko ulit 'yung remote at lipat doon.

Dikit-kilay ko siyang nilingunan, at kung ano ang nakikita niyang expression sa mukha ko ngayon ay ganoon din ang ginagawa niya.

Galit na galit s'ya. Hah! Pwes! Kung galit siya, mas galit naman ako.

"Alam mo... Ang Animal Planet... Pwedeng makita sa libro, 'di ba? Mahilig kang magbasa?" At kinuha niya ulit 'yung remote sabay lipat nanaman ng channel.

Luh? As if namang nakikita ko 'yung bawat paggalaw nung na sa libro. 

"And for your information Mr. Smith, 'yang pinapanood mo na 'yan" Turo ko roon sa screen. "Pwede mong mapanood sa YouTube, kaya..." Kaagad kong kinuha 'yung remote sabay lipat ng channel, "...umakyat ka na lang sa kwarto mo't doon ka manood" Humarap siya sa akin, magkasalubong pa rin ang kilay niya.

"Kanino bang TV 'yan?" Asar nitong tanong.

"Kay tito Alexander and tita Cory" sagot ko

"Eh, sino anak nila?" Tanong pa niya ulit.

"Sino nagbabayad ng kuryente?" Tanong din ang sagot ko sa tinatanong niya.

"Sino nga anak nila?" Ulit niya pa sa tanong niya, at dahil doon ay binigyan ko siya ng napakasamang tingin. 

Hanggang sa agawin niya ulit ang remote ng hindi ko man lang napapansin.

"Ano ba! Ako nauna, eh!" Inagaw ko ulit sa kanya 'yung remote pero sa pagkakataon na ito ay higpit ding hinawakan ni Harvey iyon nang hindi ko na maagaw sa kanya. 

Unti-unti kong inilalapit sa akin ang remote. "Napaka immature mong lalaki ka, alam mong nanonood 'yung tao pero ililipat mo sa ibang channel." 

Unti-unti namang nababawi ni Harvey 'yung remote. "Alam mong ganitong oras ako nanonood, hindi ko naman siguro kasalanan 'yon, 'di ba?" 

"Act your age, idiot." Nanggigigil kong wika habang pilit na ibinabawi ang remote palapit sa akin pero lalaki siya kaya mas naaagaw niya sa akin ang remote. 

"Tigilan mo na, Haley. Bumalik ka na lang sa kwarto mo." 

At sa kakaagaw namin ng remote, napunta bigla ang channel sa hindi namin inaasahang scenario.

It was a scene when the two couples were making out, kissing... Cuddling... Hugging... Flirting at kung anu-ano pa!

Siguro kung isa akong character sa isang anime, dumugo na siguro 'yung mga tenga't ilong ko.

Pero balik tayo sa realidad,

Umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa nakikita ng aking mga mata, 'tapos nasapak si Harvey dahil sa hiyang nararamdaman. Bumagsak siya sa carpet.

"Ano 'yang pinapanood niyo?!" Gulat na tanong ni Reed na kararating lang, binato ko lang 'yung remote sa mukha niya dahilan para bumagsak din siya sa sahig

I hopelessly combed my hair with my fingers. 

End of Flashback 

Akalain mong napaka immature namin ng mga panahon na 'yon.

Umupo ako sa sofa at kinuha ang remote, bubuksan ko sana ito pero naisip kong wala rin naman akong papanuorin kaya inilapag ko na lamang ulit 'yung remote sa tabi ko't tiningnan na lang ang phone ko. 

Biglang nag pop sa screen 'yung unknown number dahilan para kumunot-noo ako. 

From: 09**-***-****

Hello Haley, kumusta? May ginagawa ka ba ngayon? :))

Itinabingi ko ang ulo ko. "Magte-text hindi man lang sinasabi kung sino 'to" Sabi sa sarili at ilalapag na sana ang phone sa lamesa nang tumawag ang number na iyon.

Inilapit ko ang cellphone para ibalik ang tingin sa screen, taas-kilay akong tumitig doon. 

Oo, wala akong balak sagutin, hihintayin ko lang mawala. "3... 2... 1." Pagbilang ko kung sa'n namangha pa ako dahil tumigil iyon sa pagtunog, 'tapos ang sunod na nangyari ay nag text ang number na iyon at napagtantong si Jin pala ito. Nag-iba pala siya ng number. 

From: 09**-***-****

Sorry, si Jin ito. Hindi lang kita nasagot 'agad kasi first time kong makipag call, medyo kinikilig lang. 

Umangat ang magkabilaan kong kilay bago mapasimangot. "Ano ka? Babae?" Tanong sa sarili saka niya ako tinawagan. Napabuntong-hininga ako. May ugali kasi talaga ako na hindi nagte-take ng calls dahil hindi ako mahilig makipag-usap through phone. Nauubusan kaagad ako ng energy. 

Pero ngayon lang naman siya tumaawag kaya sasagutin ko na. "Jin." Pagtawag ko sa pangalan niya nang maidikit ko na ang phone sa tainga ko. 

"Hi, Haley." Malambing niyang bati sa kabilang linya. For some reason, parang nadadala ako ng boses niya. Ano nga 'yung tawag sa ganito? 

"Bakit ka napatawag?" Tanong ko sa kanya. 

Naringi ko ang pagtawag niya sa kabilang linya. [Ang ganda talaga sa feeling na sinagot mo ako 'no?]

Walang gana kong tinignan ang kung saan. "Medyo weird 'yang pagkakasabi mo, sabihin mo na kung ano 'yung kailangan mo. Aayain mo ba akong lumabas?" Pangunguna ko. 

"How did you figure it out?" Mangha niyang tanong. 

"You're that kind of person, and you also asked me kung may ginagawa ba ako ngayon." Tugon ko sa kanya. 

"Oo nga naman 'no? So free ka ba ngayon?" Tanong niya sa akin na hindi ko kaagad nasagot. 

Today is Saturday, I was supposed to go out with Reed. Pupunta nga sana kami sa simenteryo pero hindi na natuloy dahil nasabi ni Kei na tinutulungan siya ng bestfriend niya na matapos 'yung project. Kaya hindi ko na pinaalala kay Reed na ngayon ang alis namin. 

Kay Jin na lang ba ako magpasama? 

"Haley, nandiyan ka pa?" Tanong ni Jin. 

Huwag na lang. 

"Sorry, medyo mahina signal." Palusot ko saka tumalon sa kandungan ko si Chummy para ro'n humiga. I patted her head. "Ngayon na ba?" 

"Pumapayag ka ng makipag date sa akin?!" Sabik niyang tanong saka ko naalala 'yung panghahalik na ginawa niya sa akin nung third year ako. 

Sumeryoso ang paraan ng pagtingin ko. He's actually expecting something from me, 

...I should get rid of it. I don't want to hurt anyone.  

"Ngh. Jin, ano--" 

"Alam ko 'yung sasabihin mo." Pagsabat niya kaya nagtaka naman ako. "You are a reserved person, you don't easily show your emotions or feelings either. But you have nothing to worried about, and you don't have to answer me immediately. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pa nakukuha 'yung puso mo ngayon, kaya ginagawa ko 'to dahil gusto kita." 

Sandaling huminto ang puso ko, napatungo rin ako habang ramdam ang pang-iinit ng pisngi ko.

"And I'm asking you to let me do what I want for you," He paused. "Medyo selfish ba?"

Naglabas ako ng hangin sa ilong. "I don't know," Pag-iling ko kahit hindi niya nakikita. "Sige, papayag akong lumabas tayo but I won't call this a date. But a friendly meeting." 

Humagikhik siya sa kabilang linya. "Imposible 'yan sa akin pero sige, friendly meeting." Pagpayag niya kaya napangiti ako. 

Inangat ko na ulit ang tingin at minasahe ang likuran ni Chummy gamit ang isang kamay. "Sa'n ba tayo magkikita? Para alam ko kung sa'n ako pupunta." 

"Hindi, ako ang pupunta diyan." Sambit niya. "Ngayon na tayo alis para maaga rin 'yung uwi nating pareho, ayokong mag-alala 'yung mga tao diyan." 

Ngayon ko lang talaga 'to naisip pero talaga bang thoughtful na tao si Jin? 

"Okay..."

"See you, Haley." Paalam niya bago niya ibinaba ang tawag. 

Ibinaba ko na rin ang cellphone ko't tiningnan ang screen bago inilayo ang tingin. 

Is this even a good idea? 

Third Person's Point of View 

Sa eksaktong oras kung kailan naliligo si Haley ang siya namang palipat-lipat ng tingin ni Reed sa wall clock gayun din sa cellphone na nasa kama niya. Maaga niyang tinapos 'yung ginagawa niyang pagtulong kay Kei dahil mayro'n siyang lakad na hinihintay. 

"Tawagan ko kaya siya para itanong?" Tanong ni Reed sa sarili at napayamot. "Kaso baka isipin naman niyon, excited akong makita siya-- pero totoo naman kaso basta! Hintayin ko lang muna siya nang kaunti." Dagdag niya't umupo sa edge ng kama para maghintay pa ng ilang minuto. 

Malawak namang nakangiti si Jin at nagtatatalon. Kung tutuusin ay nawe-weirduhan na sa kanya 'yong mga kapatid niya. "Hoy kuya? Ano nanaman 'yang ngiti na 'yan? At bakit nakaporma ka? Saan punta?" Taas-kilay na tanong ni Mirriam nang mapuntahan niya ang kapatid na si Jin. 

"May date kami ni Haley" Sagot ni Jin at nagtaas-baba pa ng kilay.

Tumaas ang kaliwang kilay ng kanyang kapatid, parang hindi makapaniwala sa sinasabi ng kuya niya. Kilala niya ang kaibigang si Haley, kaya para sa kanya, napaka imposibleng makipag date ang dalaga sa kanyang nakatatandang kapatid. 

"Utot." si Mirriam. 

Tumayo si Jin 'tapos ginulo ang buhok ni Mirriam. "Sisiguraduhin ko talagang magiging ate mo siya." 

Namilog ang mata ni Mirriam 'tapos humawak sa baba niya na parang nagustuhan ang ideya ng sinabi ng kapatid niya. "Hindi rin masama." aniya 'tapos tumalikod. "Kung ano man ang resulta. Kaya mo 'yan." Paraan ni Mirriam bilang pagsuporta saka lumakad para ibalik ang pagtu-tutor kay Julius. 

Kinuha na ni Jin ang shoulder bag purse niya at nagpasyang umalis sa bahay para puntahan ang Rouge Residence. 

Samantalang namimili naman si Haley ng damit na susuotin niya. Sa unang pagkakataon ay naging makalat ang kwarto niya, may mga nakapatong sa swivel chair, sa carpet, nakasabit sa mga pwedeng sabitan at sa kung saan-saan pa.

Lumingon siya sa mga damit niyang sabog-sabog. "Seriously, what am I doing?" 

*** 

"H-Haley! Oh!" At pina-practice naman ngayon ni Reed 'yung pagbibigay niya ng late present niya kay Haley na plush toy chick. Ngayong araw niya napagdesisyonang ibigay bilang comfort dahil ramdam niya na ito ang tamang oras lalo pa't pupunta sila ng simenteryo, nakaramdam si Reed na medyo down ang mood ni Haley.

"N-Nakuha ko lang 'to bilang premyo, at alam kong nalulungkot kaya ibibigay ko na lang 'yan sa 'yo. Tutal, hindi ko naman magagamit kaya sa 'yo na lang. Pero walang malisya, ah? Ano lang, para lang gumaan 'yung pakiramdam mo-- Mali!" Sigaw niya at napakamot sa ulo. "Bahala na nga! Basta ibibigay ko ito ngayon" Determinadong sambit ni Reed. 

"Ahm, ayaw kitang isturbohin pero kukunin ko lang 'yung flash drive." Pilit na pag ngiti na wika ni Kei dahilan para pulang pula siyang nilingon ni Reed. 

"A-Ah! Oo! Sorry." he's flustered. 

Nakababa na si Haley matapos mag-ayos, na sakto naman ang pagpindot ni Jin ng doorbell dahilan para dumiretsyo si Haley sa pinto at lumabas kasabay noong pag lock no'n. Sumilip siya sa labas, nandoon si Jin at kumakaway kaya lumakad na si Haley palapit doon. 

Namilog ang mata ni Jin habang pinagmamasdan ang kagandahan ng dalaga na animo'y may kumikinang sa paligid nito.

Haley is wearing a black curl skirt and Red turtle neck sleeveless. Making her look a bit mature.

Binuksan ni Haley ang gate at inangat ang tingin kay Jin na nakatulala lang sa kanya. 

Her eyebrows furrowed. "Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan." Pakiusap niya na nagpaawang-bibig kay Jin saka tumalikod at tinakpan ang mukha. 

"You look so adorable that I just want to take you away from here." Kinikilig na saad ni Jin dahilan para inis siyang tingnan ni Haley. 

"What are you talking about?" Iritableng wika ni Haley at humalukipkip. "Tara na." Labas sa ilong na ngiti ni Haley kaya lumingon na sa kanya si Jin at tumayo ng maayos.

Tumango si Jin at inilahad ang kamay na parang nag-aalok na kunin ang kamay nito pero pataray na hinampas ni Haley ang kanyang kamay saka nangunang maglakad. "Ano ba 'yan, Jin." Inis na kumento ni Haley pero natatawa lamang siyang sinundan ni Jin. 

Na siya naman sa paghinto ni Reed mula sa pagtakbo. Nakita niya ang pag-alis ni Haley at Jin sa Rouge Residence, inaakala't inaasahan na sila ang dapat na magkasama ngayon. Itinago na lamang ni Reed sa kanyang likuran ang plush toy na ibibigay sana niya kay Haley. 

Bakas sa mukha niya 'yung sakit dahilan para mapahawak siya sa dibdib niya habang sinusundan ang papalayong imahe ni Haley. "Akala ko ba ako ang gusto mong kasama?" 

*****

Nächstes Kapitel