webnovel

Cupid

Chapter 2: Cupid 

Haley's Point of View 

"What is massage therapy?" Tinaas ng guro ang kamay niya at tinignan kami isa-isa. 

"Anyone?" Tanong niya na parang inaasahan na may magtataas ng kamay namin, subalit walang nagtangkang magtaas ng kamay upang sumagot. 

Nag heads down ako kasabay ang pagbuga ko ng hininga.

Gusto kong maiyak dahil inaantok pa rin ako. Dapat pumunta na lang ako sa clinic nang hindi naman ako nagdudusa rito. 

"Ms. Rouge" Inangat ko kaagad yung ulo ko para tingnan 'yung teacher kong si Sir Santos. "Mukhang alam mo na 'yung tanong ko kaya ka natutulog diyan, ah?" Ni hindi nga ako makatulog 'tapos sasabihin mong-- Aish!

Lumapit siya sa akin. "What is Massage Therapy? Ms. Rouge?" Pag-uulit niya sa tanong niya kanina kaya wala naman akong nagawa kundi ang tumayo.

"It refers alternative medicine which is known to improve one's well-being" KIta ko namang medyo nagulat siya pero binawi rin niya iyon ng ngiti. 

Punitin ko 'yang bibig mo para hindi ka na makangiti ng ganyan, eh.

"Very good" Tumalikod na siya sa akin. "Massage Therapy helps you to..." Umupo na ako 'tapos sumalong-baba na lamang. 'Yang teacher na yan! Ang init talaga ng ulo niya sa akin simula nang sipain ko yung likod niya. 

Flashback

Sinipa ko ang likod ni Sir Santos dahilan para mapasubsob ang katawan niya sa lupa maski ang mukha niya. And honestly, gusto kong matawa but I have to keep calm and cool para hindi naman masyadong nakakabastos sa kanya.

Tumayo siya at hinarap ako. "P-Paano mo nagagawa 'yan sa guro mo!?!"

"Sinipa ka lang naman kaya ka nasubsob" Pamimilosopo ko at ngumisi.

End of Flashback 

Napahawak ako sa noo ko nang maalala ang mga nakaraan. 

Just thinking about it makes me wanna puke. Pa'no ko nga nagawa 'yon?

Tiningnan ko ulit si Sir Santos at muli nanamang humikab. "Augh... Ang boring" Mas aantukin talaga ako nito kapag nagpatuloy pa ito.

"We will perform Massage Therapy by tomorrow, so don't forget to bring your P.E Uniform. Understood?!" May awtoridad na pagkukuha ng atensiyon namin. 

"Yes, Sir!" Sagot ng lahat kasabay ng pag ring nung bell. "That's all, good-bye" Umalis na siya kaagad, hindi na niya hinintay 'yng pagpaalam namin sa kanya dahil mukhang nagmamadali.

Isinubsob ko na lang ang ang mukha ko sa mga braso ko. "Haley, ayaw mo ba talaga pumunta ng clinic?" Tanong ni Mirriam nang maramdaman ko ang paghinto niya sa harapan ko. "Ayoko, dito na lang muna ako" Sagot ko sa kanya.

"Hindi ka pa nakakabili ng tubig kanina 'di ba? Gusto mong ikuha kita?" Alok ni Kei

"Gusto kong matulog." Sagot ko lang habang nakapikit. 

"Okay 'yan, para naman tumangkad ka kahit papaa-- Araaay!" sinipa ko ang tuhod ni Reed. Alam ko kasi 'yung sapatos niya kaya nung sumilip ako mula sa ibaba, siya na 'agad ang tinira ko. 

"Ikaw'ng--" Para namang tinakpan ang bibig ni Reed saka sila nag-umpisang maglakad. 

"Mauna na kami, Hale ~" Paalam ni Jasper, he also patted my head before he left. 

Sinuksok naman ni Mirriam ang isang pirasong candy sa kamay kong nakakuyom, kinuha ko lang iyon. 

Nang mawala na sila sa classroom ay iniangat ko na ang ulo ko't tiningnan ang candy na inabot ni Mirriam sa akin. 

Laking gulat nang makita ko ang candy na madalas kainin ni Lara nung bata kami. 

Napahawak ako sa noo ko. "Ayaw mo talaga akong tatantanan." I whispered. 

Reed's Point of View 

"Dalawang tubig po, ale." Pagbili ko sabay abot ko ng bayad nang makuha ko na 'yung dalawang mineral na binili ko. Para 'to kay Haley. 

"Ba't hindi mo bilhan ng chocolate?" Suhestiyon ni Kei na matamis na nakangiti 'tapos tinuro 'yung isang stante sa kaliwang bahagi. "Marami ro'n, oh?" 

Tumagilid naman akong bumusangot. "H-Hindi na, baka kung ano pa isipin no'n." I said as I averted my eyes. Lumakad na rin ako para bumalik kung nasa'n sina Jasper, sumunod lang si Kei. 

Ngiti siyang naglabas ng hangin sa ilong. "Bakit pinapa-komplikado mo 'yung sitwasyon? Wala ka bang balak na umamin?" 

"Hindi naman sa wala akong balak, pero," I paused. 

Bumalik kasi sa isipan ko 'yung mga nangyari nung nakaraan, sa dinami-rami ng mga trahedyang naganap. Pakiramdam ko, hindi pa ito 'yung oras para sabihin kung ano man 'yung nararamdaman ko. 

Tumungo ako. "Marami siyang iniisip. Kung dadagdag ako, baka hindi niya ako masagot ng maayos." 

Nakita ko sa peripheral eye vision ang pamimilog ng mata niya bago ibinaling ang tingin. "I never thought you would notice that." Sabi niya kaya nilingon ko siya. Bakas sa mukha niya 'yung pag-aalala. "May bumabagabag kay Haley." 

Haley's Point of View 

"Hailes" dikit-kilay kong nilingon si Lara. 

Nakatayo lang siya sa isang area ng lugar. Masyadong malabo 'yung mga bagay na nakapaligid sa amin kaya 'di ko na masyadong pinagtuunan ng pansin.

"Sabi ko sa'yo na 'wag mo akong tinatawag na Hailes."

Matamis siyang ngumiti at ipinag krus ang mga kamay.

Isabay mo pa na bigla siyang nag suot ng pokerface, tumaas tuloy ang kaliwa kong kilay. "Are you copying me?" I asked her. 

"It's none of your business" Panggagaya niya sa paraan ng pagkilos ko.

Binigyan ko siya ng masamang titig dahilan para humagikhik siya.

"Have you realized something, Haley?" Panimula niya. "Maliban sa mukha, paano kung pareho tayo ng gusto? Kinaaayawan, o 'yung paraan ng pagsusuot natin ng damit lalong lalo na ang ugali natin," Lumingon siya sa kanang bahagi nang hindi inaalis ang ngiti sa labi. "...tingin mo may makakakilala sa 'tin?" Tanong niya na hindi ko pa pinag-iisipan noon. 

"Ewan?" Patanong kong sagot dahilan para ngitian niya ako. 

"Kung sakali mang magkasakit ka sa school, pwede bang ako ang pumalit sa'yo?" She stated as if she was trying to asked me for a favor. "Don't you feel excited? 'Yong taong kausap nila, hindi naman pala ikaw kundi ako." Inilabas pa niya ang ngipin niya nang lumapad ang linya sa labi niya. 

Nakaawang-bibig lang ako nang ngumiti ako't ini-stretch ang pisngi niya. "Hindi mo 'yan magagawa dahil magkaiba tayo ng kulay ng mata, mahuhuli tayo." Tugon ko pero ngumuso lang siya kaya pareho kaming natawa. 

Dumilat ako nang tawagin ng mga kaibigan ko ang pangalan ko. Nakatulog ako.

Inangat ko ang ulo ko't tinignan sila isa-isa.

"Wow, nakatulog ka talaga" Manghang sambit ni Jasper. 

"Pumunta ka na kasi sa clinic" Labas sa ilong na sabi ni Harvey.

Umayos ako nang upo at kinusot ang mata ko.

"Yeah, I guess I should. Masama rin 'yung pakiramdam ko, eh." Tumayo na ako at napalingon sa inaabot ni Reed. 

He's not looking in my way but he's trying to be nice. "Uminum ka ng gamot, ah?" Bilin niya. Ibinaba ko ang tingin sa bottled water, kinuha iyon at tumango. Hindi na ako nakipag-away. 

Binigyan ko siya ng tipid na ngiti bago siya tinalikuran. "I'll do that"

***

BINUKSAN KO ang sliding door ng infirmary at hinanap 'yung school nurse. "Miss nurse?" Tawag ko sa kanya at pumasok kasabay ang pagsara ko nung pinto. Lumakad na ako at luminga-linga upang hanapin siya, subalit mukhang lumabas siya dahil wala siya rito. 

Dumiretsyo na lang ako sa hospital bed. 

Inurong ko ang kurtina at nagulat nung makita si Irish. "Ergh, sino 'yan?" Ungol niya at humarap sa akin mula sa pagkakatagilid niya ng higa.

Umangat ang dalawa niyang kilay nang mapagtanto kung sino itong na sa harapan niya. "Huh? Ano'ng ginagawa mo rito?" Taka niyang sabi.

Kaagad siyang umupo at umurong, akala mo naman kakainin ko siya.

"Ano ba ang dahilan kaya pumupunta ang estudyante sa clinic?" I asked sarcastically.

"Para tumakas sa klase at matulog" Sagot niya. This girl...

Binigyan ko siya nang panghihinalang tingin. "Oh...? So, you went here just to skip class?"

"No! Masakit 'yung ulo ko, I swear" Depensa niya.

Inangat ko lang din ang dalawa kong kilay. "Hmm..." Nasabi ko na lang 'tapos inurong na lang ulit 'yung kurtina para matakpan siya.

Pumunta ako sa kabila't bakanteng kama at humiga.

Nagbuga nang maraming hininga, ni-relax ang katawan at pinikit ang mga mata. Handa na sanang matulog noong marinig ko ang pag-urong ng kurtina ni Irish na medyo nagpataas pa sa balahibo ko sa gulat. 

"Ikaw? Ano ang ginagawa mo rito? May sakit ka?" Sunod-sunod niyang tanong. 

Inangat ko ang kalahati kong katawan, kaliwang siko ko ang gamit bilang pagsuporta. "Huwag mo ngang inuurong-urong 'yung kurtina ng walang pahintulot."

"Back at you."

Nagsalubong ang kilay ko. "Just mind your own business" Inurong ko ang kurtina ko nang sa gano'n ay hindi ko na siya makita. I don't like her at all.

Irish's Point of View 

"Ang sungit" Humiga na nga lang ako at tumitig sa kisame. Ang dami talagang nangyari matapos kong mabunggo 'yung sasakyan ng asungot na 'yon. 

Pero gaya ng sabi ko, lahat ng mga cliche na nangyayari ng isang main character ay hindi para sa akin, 

...sa kwentong ito. Supporting character lang ako. Kupido sa kwento nila Haley. 

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. "May tao?" Boses ng school nurse iyon. Nakabalik na pala siya. 

Nakabuka na ang bibig ko, handa na akong magsalita pero bigla akong inunahan ni Haley. "Miss, may nagkukunwari estudyante sa tabi ko na masakit daw ulo niya." Pagpaparinig niya sa akin kaya napaupo na ako't muling inurong ang kurtina ni Haley. 

"Pampam ka?" Pikon kong tanong sa kanya pero ipinikit lang niya ang isa niyang mata at tinalikuran ako dahilan para pumitik ang ugat sa sintido ko. Bubulyawan ko sana siya pero kumirot nanaman ang ulo ko kaya humiga na ako. |

Kung magiging main character ako sa isang kwento. Malamang, si Haley ang magiging kontrabida sa buhay ko. 

Yes, I am back!

Kindly like Yulie_Shiori facebook page para alam n'yo kung kailan ang schedule of posting ko. Pino-post ko rin ang mga illustration mula sa mga artist as a commemoration.

Haha! Or maybe puntahan n'yo ako sa Wattpad Timeline ko. (@Yulie_Shiori) tutal nagpo-post din ako sa message board ko ng announcement.

Yulie_Shioricreators' thoughts
Nächstes Kapitel