webnovel

Playing Games

"Alexia, are you ready?" Tanong sa kanya ni Terry matapos siyang igiya sa harap ng mga shampoo products na naka-display sa tabi ng bulwagan. Marami pa ring iba't ibang mga produkto ang nakahilera doon na kinatatyuan ng iba pa ring modelong tulad niya.

Katatapos lamang ng maikling programa at nagsimula na ang party para sa silver anniversary ng kompanya ng mga Ferrer.

Nakahanda na ang kanyang photographer habang muling inayos ng kanyang make-up artist ang kanyang itsura.

Nasa harapan niya si Mrs. Henzon at iba pang opisyales ng kompanya nito na siyang my kontrata sa agency ng pinagtratrabahuhan ni Sierra.

"Y-yes." Pilit niyang pinasigla ang tinig ang kinalma ang sarili. Mula ng iginiya kasi siya ni Terry para sa pictorial niya ay hindi na niya nabantayan pa si James upang makuha pa sana niyang makaiwas dito. Lihim ang kaniyang dalangin na hindi na sana mag-abala pa ito na panoorin ang pictorial ng mga modelo ng kompanya.

"Ok. Ready na. Come on, give me your best shots, Alexia!" Sabi sa kanya ng photographer. Agad naman siyang nagbigay ng mga kaakit-akit na poses sa harap ng camera nito. Sa iba't-ibang anggulo siya nito kinunan kasabay ang nakakasilaw na mga flash ng camera nito.

Hindi na niya tuloy namalayan ang isang lalakeng seryosong lumapit malapit sa kanya na napahinga ng malalim habang pinagmamasdan ang maganda niyang mga ngiti sa harap ng kamera.

"What a nice smile!"

Napakislot siya mula sa kinatatayuan ng marinig ang pamilyar na baritonong tinig mula sa kanyang tabi. Ang magandang ngiti sa kanyang labi kanina ay napalitan ng isang blankong ekspreson. Kita niya ang madilim na mukha ni James habang palapit sa kanya.

"Mr. Ferrer! Oh my God! Good evening po! I'm Terry Gomez of Queen Agency. She's Alexia Lee, my model." Natatarantang pakilala ni Terry dito na inilahad ang kamay sa lalake.

Pormal na tinanggap ng lalake ang palad nito na nakatuon pa rin ang paningin sa kanya, na tila pinag-aaral ang pagbabago nang kanyang itsura. Ang dati niya kasing simpleng ayos ay napalitang ng makapal na make-up na lalong nagpatingkad sa kanyang angking ganda. Ang dating hanggang balikat lang niya na buhok ay naging hanggang bewang na. Ang suot niya na pulang damit na hapit sa napakagandang hubog sa anyang katawan ay lubhang nakakapang-akit lalo na kitang-kita ang makikinis niyang hita maging ang malusog niyang dibdib na halos lumuwa na dahil sa lalim na neckline ng kanyang damit.

"Good evening, Mr. Ferrer. Ako ang may kontrata sa kanila for this pictorial para sa advertisement para sa bago nating shampoo product." Bati rin dito ni Mrs. Henzon.

"Oh, Mrs. Henzon. Thank you for bringing this beautiful woman here." Nakangiti ng sabi ng lalake saka tumitig sa kanya. Si Sierra ay nanatiling tila tuod na nakatunghay sa mga ito. Ngayong nasa harapan na niya si James, hindi niya mapigil ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay nanunuyo ang kanyang lalamunan kaya siya'y napalunok.

"Hindi niyo ba siya ipapakilala sa akin?" Nanunudyo nitong sabi saka siya binigyan ng isang nakakalokong ngiti.

"Of course, Sir. Meet my gorgeous model, Alexia. Come here girl!" Tawag sa kanya ni Terry para lumapit siya dito. Mabigat ang katawang lumapit siya sa nga ito at pilit iniwas ang paningin kay James.

"Alexia. What a nice name. I'm James Ferrer, the owner of this company. Thanks for coming." Nakangiting sabi ng lalake saka inilahad ang mga palad sa kanya.

Inangat niya ang ulo at nagtagpo ang kanilang mga mata. Kita niya ang kislap sa mga mata nito habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi.

Tila nahihiya naman niyang tinanggap ang mainit nitong palad at sinuklian ito ng isang tipid na ngiti.

"Well, I look forward to see you Alexia as one of the main models of our major products. Is it ok, Mr. Gomez?" Baling naman ng lalake kay Terry na halatang sumasakay ngayon sa ginagawang pagkukunwari ni Sierra. Lalo namang napahinga ng malalim ang babae na gusto ng matapos ang oras na iyon.

"O-of course, sir. Actually, I'm planning to open up the same proposal sa inyo kanina." Natatarantang ani ng bakla na masayang tumingin kay Sierra na tila naging tuod sa harapan nila.

"That's great! The company will have its extended party on Wednesday in Felicia Island with the stockholders and other officials of the company. I want to see you there- with Alexia, of course." Nakangiti nitong sabi saka muling sinulyapan si Sierra na isang irap ang isinukli sa binata. Lalo namang napalawak ang ngiti ng lalake at saka napabuntong-hininga.

"Thank you, sir! Thank you very much!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Terry na ang binata na ang unang nag-alok sa kanila.

"You just prepare the contract and see me tomorrow in my office." Ani ng lalake saka na nagpaalam sa kanila dahil di umano ay may kakausapin pa ito.

Pakiramdam ni Sierra ay hindi siya humingiha habang nasa harapan nila ang lalake kanina kaya hingal na hingal siya na iwan na sila nito. Laking pasalamat niya ng hindi nito ibinulgar ang kanyang pagkatao sa mga sandaling iyon.

"Oh..my..God!!!!" Tili ni Terry habang pinagyuyugyugan ang kanyang katawan.

"Nakita mo 'yun te? Halatang tinamaan sayo si Mr. James Ferrer! At siya na mismo ang nag-offer na maging part na tayo ng main company!" Pagpapatuloy nito. Si Sierra naman ay nanatiling tikom ang bibig na ang mga mata ay nakapukol pa rin kay James na may mga kausap na negosyante. Kita niya na hindi umaalis ang mga mata nito sa kanya na tila ba binabantayan ang bawat kilos niya upang hindi na muling mapalayo pa dito.

"Gosh! What's your plan, James? Hindi mo ako binuking kay Terry. You didn't even confront me sa paglalayas ko. Ano bang binabalak mo?" Tanong ng kanyang isip habang nakatingin sa lalake. Nagtagpo ang kanilang mga mata na tila ba nabasa nito ang kanyang iniisip at isang ngisi ang isinukli nito sa kanya. Muli niya itong inirapan at bumaling kay Terry.

"Uy, Alexia! Wala ka man lang bang sasabihin jan? Ang haba ng hair mo 'te!" Muling pukaw ni Terry ng pansin sa kanya.

"I don't know what to say, Terry. 'Di ba may asawa na nga siya? Kaya hindi ako magpapadala sa kanya. Ganyan naman ang mga mayayaman." Nakisamangot niyang sagot dito.

"..But I'm happy about his proposal..I know ito na ang break na hinihintay mo." Pagpapatuloy ni Sierra.

"Korek ka 'jan 'te. Sana tuluy-tuloy na itech!" Ani ng bakla saka sandaling nagpaalam sa kanya upang kumuha ng maiinom. Kita niya ang muling paglapit ni James sa kanya na may hawak ng dalawang kopita. Ang isa ay inabot nito sa kanya na tila napipilitan niyang kinuha.

"I never expect na ikaw mismo ang lalapit sa akin..my lovely wife." Seryosong sabi nito ng tumabi sa kanyang kinauupuan. Dirediretcho nitong nilagok ang alak sa kopita saka sumenyas sa waiter na lagyan muli ng alak ang kopita nito. Agad lumapit ang waiter at sinalinan iyon.

Si Sierra naman ay nanatili lamang tahimik na sinulyapan ang pabalik na sanang si Terry na nanatili lamang nakatayo sa may 'di kalayuan ng makitang kausap niyang muli si James. Kinindatan siya ng bakla saka siya binigyan ng isang pilyang ngiti.

"I don't know what you are talking about, Mr. Ferrer. I'm Alexia Lee. I'm not your wife." Mariing wika niya dito.

Nahalakhak ang lalake.

"So you still want to play this game, Sierra? Fine. I will give what you want. I maybe just have to make some fun on this game of yours." Ani nito na matiim na tumitig sa kanya. Ang babae naman ay nanatiling tahimik na makikita ang lungkot sa mga mata.

"Hindi na muli pang nawaglit sa aking isipan kung kailan ko siya huling nakitang ngumiti na kay tamis. Ngayon ay puno ng kalungkutan ang kanyang mata. Inaasam ko na muli niya akong bigyan kahit isang nakaw na sulyap lamang. Sa pagkakataong ito, tila nagsisilbi na lamang akong isang palamuti sa makipot na pader ng isang dating puno ng kaligayahan na kahapon." Bulong ni James sa sarili ngunit may malaking bahagi sa kanyang isipan na humihiyaw na dapat niyang ipaglaban ang nararamdaman.

Muli niya itong inirapan at saka lumagok ng alak.

"I'm sorry, Mr. Ferrer. I'm so tired. I have to go." Iwas niya dito saka tumayo. Mabilis din namang nakatayo ang lalake saka mariing humawak sa kanyang braso at bumulong sa kanya.

"Hindi mo ako matatakasan, Sierra. I'll do everything to bring you back again to my life." Mariing bulong nito sa kanya saka siya iniwan.

Hindi naman malaman ni Sierra kung ano ang mararamdaman. May bahagi sa kanyang puso na nakakaramdam ng labis na kagalakan sa katotohanan na siya pa rin ang nilalaman ng puso ng lalake, ngunit sa kabilang banda ay naroon pa rin ang bahagi na sumisigaw na kailangan na niyang kalimutan ang nakaraan at tahakin ang bukas na wala ng bahagi ang lalake sa buhay niya.

Nächstes Kapitel