Chapter 49.5:
Haley's Point of View
Alas dose ng umaga…
Pahagis na ipinasa ni Jasper ang kahuli-huling gamit kay Harvey para ilagay ito sa compartment ng sasakyan niya kaya sa ngayon ay na sa loob na rin sila Kei ng sasakyan dahil wala na rin naman din silang dapat na gawin kundi ang maghintay sa pag-alis. Tumuntong na nga ako para makaakyat na sa sasakyan ni Harvey pero napalingon din sa Smith Mansion.
Nakapatay na lahat ng ilaw at wala ng bukas. Sino bang mag-aakala na mangyayari 'yung mga ganito sa totoong buhay? Nakakatawa talaga.
Nagbuga ako ng hininga at pumasok na nga sa loob ng sasakyan. Wala naman na akong dapat na ipag-alala, dinala ko naman na ang kakailanganin ko. Nag double check pa 'ko kanina.
Pero mami-miss ko 'yung baby ko!
Dinala namin ni Jasper sila Sam at Chummy sa Animal Day Care kanina dahil hindi naman sila p'wedeng dalhin nila manang sa mga bahay nila.
Hmm, but I guess I'm kind of happy na magkasundo 'yung alaga namin ni Jasper. So, hindi malulungkot 'yung baby Chummy ko.
***
Reality:
"Hinding hindi kami magkakasundo ng mabahong asong 'to!" Reklamo ni Chummy habang hinaharot siya ng alaga ni Jasper na si Sam.
***
"Haley, tumabi ka na lang kay Kei para hindi tayo gano'n kasikip." Turo ni Mirriam sa gitnang upuan katabi si Kei. Bale nandoon siya sa pangatlong row na tatabihan ni Jasper mamaya, samantalang si Harvey ang driver at si Reed ang na sa passenger seat. Silang dalawa 'yung magda-drive para sa gabing ito.
Pumasok na si Harvey at Jasper sa loob at umupo na sa dapat sa mga pwesto nila. "Wala na kayong nakalimutan?" Tanong ni Harvey na inilingan naman namin kaya bumaling na siya kay Mirriam.
"Hindi na talaga makakapunta 'yung kuya mo?" Tanong ni Harvey kay Mirriam.
Ngiti na umiling si Mirriam. "Ite-text ko na lang siya kapag nakarating na tayo sa pupuntahan natin." Tugon niya.
Tumawag sa kanya kanina 'yung kapatid niyang si Jin at nasabing nagkaroon sila bigla ng camping ng 2 days at mukhang hindi na talaga siya makakasama dahil kailangan na kailangan daw siya ro'n sa practice.
Kung sabagay, ganito kadalasan kapag college ka na. Mas maraming outdoor activities kumpara sa high school.
Ang totoo niyan, recently ko lang naalala na (first year) college na si Jin. Well, hindi naman din niya ako inimbita nung graduation day niya at wala namang binabanggit si Mirriam kaya natural na lang siguro na mawala sa isip ko 'yung mga gano'ng klaseng bagay, 'di ba?
Pero sandali, bakit kailangan pa akong imbitahin ni Jin sa graduation niya? Hindi naman niya ako kaanu-ano?
Pinaandar na ni Harvey ang makina nung sasakyan niya kaya sumalong-baba na nga lang akong tumingin sa labas ng bintana, at hindi pa nga kami nakakalayong bumiyahe ay naririnig ko na ang pagbukas ng chichirya mula sa likod.
"Ang asim naman, Jasper!"
"Vinegar Chips 'to, eh." Plain lang na sabi ni Jasper saka ko narinig ang paghampas ni Mirriam sa kanya.
"Hindi mo muna sana 'yan binuksan!" Bulyaw sa kanya ni Mirriam.
They're at it again.
Lumingon sa kanila si Reed at binigyan ng walang ganang tingin. "Hoy… Gabi na, baka nakakalimutan n'yo kung anong oras na?" Wika ni Reed dahilan para sumagot din sa kaya 'yung dalawa. Hindi ko na lang sila pinakielaman at nanahimik na nga lang.
The more na maaamoy ko 'yung air conditioner ng kotse na 'to lalo na't umaandar na ang sasakyan, nasusuka na lang talaga ako.
Ba't ang hilig hilig nilang maglagay ng pine tree bilang car perfume?!
Hinawakan ni Kei ang ulo ko at bigla akong inihiga sa kandungan niya. S-She smells good.
Tila mas angat 'yung amoy niya kaysa ro'n sa car perfume ni Harvey which is good.
Napatingin ako sa kanya gamit ang peripheral eye view ko, nakatingin lang din siya sa akin nang ngitian niya ako. Kaya hindi na ako umimik pa't hinayaan na lamang siya. Inilipat ko na lang 'yung tingin sa harap. Tutal, inaantok na rin naman ako kaya matutulog na lang ako.
Kaso,
…paano ko nga gagawin 'yon?
"Dapat ina-appreciate mo 'yung mga ganitong klaseng flavor, Mirriam-- Ah! Baka naman gusto mo talaga nito? Ayaw mo lang aminin?" Pangungulit ni Jasper kaya mas lalong nagalit sa kanya si Mirriam.
Pumikit ako nang mariin dahil sa naririnig kong ingay ng dalawang tao sa likuran. Hindi ko na magawag magreklamo sa sawayin sila dahil nahihilo nanaman ako. Ngayon lang kasi gumamit ulit si Harvey ng Pine Tree perfume simula kahapon noong palinisan niya ito sa guard nila.
Kinuha ko na nga lang sa bulsa ng jacket ko ang earphone at phone para magpatugtog ng kanta at nang makatulog na ako mayamaya.
"Jasper, I despise people who lie and I'll send anyone who lies to the depths of hell!" Huling salita na narinig ko mula kay Mirriam bago ko isuksok ang earphone sa tainga kong nagpe-play na ang music.
When you looked at them? It seems like walang panganib ang naghihintay kina Mirriam at nagagawa pa rin nilang magsaya kahit papaano sa mga oras na ito.
Yes, it's not that they are not thinking of the situation. It's just that they chose not to think of anything that worries them too much. Well, there are things in this world you can't do anything about no matter how much you think about them.
And the truth is, I envy them. Ang mature nila sa totoo lang. Sobrang balance ng mind nila. So, I'm thinking kung hanggang kailan ako mananatiling ganito.
…or am I thinking too much?
Reed's Point of View
Nakaharap lang ang tingin ko nang marinig ko ang sinabi ni Kei. "She fell asleep."
Lumingon ako kay Kei bago ibaba ang tingin kay Haley na mahimbing ng natutulog ngayon. Tulad ko, hindi rin talaga siya nakatulog at palabas-labas siya ng kwarto niya para pumunta sa kusina't magtimpla ng kape.
"Iniisip ko lang." Panimula ni Jasper. "Paano kung lumipas 'yung mga araw, wala pa rin tayong mabalitaan na nahuli na si Ray? Are we just going to stay there and just wait hanggang sa may mangyaring himala?" Tanong niya.
Tumingin sa labas ng bintana si Kei. "Ako ang nagsabi na hahanapin natin si Ray bago pa niya tayo matagpuan. But I don't exactly know where he is. I tried to tracked his location using his old mobile phone para kahit papaano mayro'n tayong ideya kung saan siya malapit. Pero malabo-- error." Iiling-iling niyang sambit.
Namilog ang mata ko. "Kaya ba hiningi mo rin sa akin 'yung code kahapon?" Tanong ko kaya bumaling siya sa akin at ngumiti.
"Oo, saka tinulungan din ako ni Mirriam na mang hacked sa isang site kung sa'n puwedeng kumuha ng system para makapag locate ng isang user through mobile numbers." Ngumiti siya nang pilit. "But it didn't go well." Pagkibit-balikat ni Kei.
Humalukipkip si Mirriam. "Natural na lang din siguro dahil galing sa PDEA 'yung kukunan natin ng code. Kaya mahigpit 'yung security." Balewala niyang sabi.
"PDEA?!" Hindi ko na napigilan ang mapasigaw kaya dahil sa gulat ni Harvey ay napa-preno siya. Halos masubsob kami sa dahil doon samantalang natumba naman si Haley sa ibaba ng kanyang inuupuan.
"Luh! Lagot ka, Harvey." Pananakot ko.
Pinaltukan niya ako. "T*ngina mo, huwag ka kasing magsisisigaw--" Naputol iyong sinasabi niya nang takpan niya ang bibig niya. Ngunit mukhang mayro'n din naman siyang na-realized kaya ibinaba rin niya ang kamay niya't pinaandar na lang ulit ang sasakyan.
Sabagay, nakasanayan din ni Harvey na sawayin siya ni Kei kapag nagmumura siya ng hindi sadya.
Sinulyapan ko si Kei na ngayon ay tinutulungan si Haley na makabalik sa inuupuan niya 'tapos humagikhik noong bulyawan na ni Haley si Harvey.
Bumaling na lang ulit 'yung tingin ko't umidlip na muna sandali, magda-drive pa ako mamaya kapag napagod si Harvey.
Jasper's Point of View
Nakatulog na ako't nagising na lamang noong mag alas tres na ng umaga.
Si Harvey pa rin pala 'yung nagda-drive. Sa Antipolo kasi ang diretsyo namin ngayon at imbes na sa hotel ng Smith ang punta namin ay sa pwedeng rest house kami mananatili.
"Hindi ka pa napapagod?" Tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang sandaling pagsulyap ni Harvey mula sa rear mirror. "No." Tipid lang niyang sagot kaya hindi na ako nagsalita at napatingin lang sa mga kasamahan ko bago kay Mirriam na maingay kung matulog.
"Stop it, you idiot..."
Namilog ang mata ko. Nagse-sleep talking si Mirriam?
Paanas ang paraan ng pag-ungol ni Mirriam at napapapikit nang mariin. Nakikita ko 'yung mukha niya dahil sa liwanag ng mga post lights sa labas. "Jasper…"
Tawag niya sa pangalan ko kaya napaawang-bibig naman ako sa pagkakataon na ito, pero kaagad ding tinikum iyon at napangiti. "Ano ba'ng ginagawa ko riyan sa panaginip mo?"
Tumigil si Harvey sa isang gasolinahan kaharap ang convenience store. "Magka-kape lang ako." Paalam ni Harvey bago lumabas ng sasakyan. Gusto ko rin sanang lumabas para magpahangin pero ayoko namang isturbohin si Haley sa rason na iyon.
Umupo ng maayos si Mirriam 'tapos pinunasan 'yung laway na tumutulo sa bibig niya. "Nasa'n na tayo?" Unang tanong niya pagkagising pa lang niya.
"Good morning, Sleeping Beauty." Pinitik ko pa ang bangs ko kaya binigyan niya ako ng disgusting look. Humagikhik ako. "W-Wala pa tayo sa Antipolo." Sagot ko na lang dahil wala rin akong ideya kung nasa'n kami ngayon.
Nag-unat si Mirriam 'tapos malalim na nagbuga ng hininga. "Sana makarating na tayo, sumasakit na rin 'yung pwet ko."
Tinapik ko naman ang kaliwang kandungan ko na may ngiti sa aking labi. "Higa ka." Alok ko pero binigyan niya ako ng masamang tingin.
Nagbibiro lang naman ako! Siyempre, hindi niya gagawin 'yon, 'no?
Ngunit nakakagulat dahil bigla siyang lumapit sa akin para pabagsak na ihiga ang kanyang ulo sa aking balikat. "Mas kumportable ako kapag ganito"
Pinagdikit ko ang mga labi ko gayun din ang biglang pag-init ng mukha ko. Nawala lang iyon dahil sa naging tanong ni Mirriam. "Don't get yourself in to danger, Jasper."
Ibinaba ko ang tingin ko sa kanya. "No matter what happens," Humawak siya sa suot kong jacket. "Always choose to stay with me, and don't ever leave." Ramdam ko iyong kaunti ng pagnginig ng mga kamay niya hindi dahil sa lamig nung aircon ng sasakyan kundi sa takot.
"Hindi ko alam kung ano 'yung napanaginipan mo kaya mo 'yan nasabi sa akin, but it was just a dream." Kumbinsi ko. "A bad dream."