MAHIGIT isang araw nanatiling unconscious si lolo Que, kaya nagulat sila kinabukasan ay gising na daw ito—kaya after school ay mabilis siyang nagtungo sa hospital para makita ito, naabutan niya ang mag-pinsan sa labas ng ICU at nakaupo sa stainless chair, ngunit hindi niya inaasahan na makikita rin doon si Reneé na mukhang kababalik lang mula sa Europe, katabi nito si Toffer at nakasandig ang ulo nito sa balikat ng binata.
Ang narinig niya mula sa mga kaibigan kanina ay nanalo ang babae mula sa kompetisyon na sinalihan nito at dahil isang malaking karangalan ang naiuwi nito sa bansa lalo na sa paaralan nila, sa entrance gate ay naglagay ang school ng malaking tarpaulin nang pagbati para dito.
Saglit siyang naestatwa sa kanyang kinatatayuan—para kasing nawalan na siya nang kakayahang igalaw ang kanyang mga paa para lumapit sa mga ito, excited pa naman siya sa magandang balitang 'yon, pero mas magugulat pala siya—lalo na sa nakikita niya ngayon.
Tumalikod na siya at akmang maglalakad na paalis nang marinig niyang tinawag siya ni Emir, kaya napakagat siya sa ibabang labi niya at dahan-dahang bumaling sa mga ito. Nakita niyang nakatayo na ang mga ito habang nakatingin sa kanya.
Napatitig siya kay Toffer na mukhang hindi rin inaasahan ang kanyang pagdating. Nang madako ang kanyang mga mata sa braso nitong hawak ng dalaga ay mabilis na inalis 'yon ni Toffer at agad na naglakad palapit sa kanya.
"Thank you for coming here, lolo is awake." Masayang imporma nito. "He said he's happy to see us again, complete. Umuwi kasi ang parents ni Emir mula sa States kaya kumpleto kami." imporma nito.
Tumango-tango siya at ngumiti. "A-At nandyan din pala si Reneé, kaya mas kumpleto kayo." Aniya. Sana lang ay hindi nagtunog 'selos' ang sinabi niya. Pinipilit niyang labanan ang sakit na nagsimulang sumalakay sa puso niya sa kaalaman na magkasama ito at si Reneé at mukha pang sweet ang mga ito kanina—na kahit sinong makakakita sa mga ito ay aakalain na magkasintahan ang mga ito—at nagseselos siya!
"Next week na ang engagement party, dadalo si lolo, gagaling na si lolo!" positibong sabi ni Toffer, kaya nagulat na lang siya nang bigla siyang kabigin nito para yakapin nang mahigpit. "Thank you, thank you for being there when I needed someone the most." Madamdaming wika nito.
Dahan-dahan siyang tumingin sa kinaroroonan ni Reneé na noon din ay mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya. Tipid naman ngumiti si Emir.
"Anything for you, Toffer." Halos pabulong niyang sagot sa lalaki, na hindi niya alam kung umabot 'yon sa mga tainga ng binata.
MALAWAK, maganda ang ambiance at punong-puno ng iba't ibang mga bulaklak ang loob ng pavilion kung saan ginaganap ang engagement party nina Toffer at Chynna Lee. Mga piling guests lamang ang imbitado sa party; kasama na ang buong angkan ng Lim at malalapit na kaibigan ng mga ito, at buong pamilya Versoza—hindi na niya inimbitahan ang mga kaibigan niya dahil hindi pa niya alam kung paano sasabihin sa mga ito ang lahat.
Ganito pala ang pakiramdam ng na-engage, lalo na nang isuot ng binata ang singsing sa kanyang palasing-singan at gano'n din siya sa lalaki—parang siyang nakalutang sa ere. At mas nasiyahan pa siya nang i-announce na 'they are now officially engaged', sobra ding natuwa ang buong miyembro ng kanilang pamilya—lalo na si lolo Que.
Maraming mga guests ang bumati at nagbigay ng regalo sa kanila, medyo nahihiya pa siya dahil lahat ng atensyon ay nasa kanilang dalawa ni Toffer, lalo pa at nasa harapan ang table nila ng binata. At hindi pa rin siya nakaka-move on sa ibinulong sa kanya kanina ng binata na "you are the most beautiful girl I've ever seen", na labis niyang ikinakilig. Nagpaganda talaga siya nang husto para sa okasyon na ito at bumagay sa kanya ang minty green colored gown—na siya ring motif ng event.
"You looks so dashing, Chynna Lee." Nakangiting nabungaran ni Chynna ang nakangiting si Emir, na noon ay pormal sa suot nitong two piece suit na bagay na bagay dito.
But of course, Toffer is still the best, dahil nagmukha itong artista na mag-a-attend sa isang awards night sa suot nitong two piece black suit; he looks so handsome and very stunning. Nang sunduin nga siya nito kanina sa bahay nila ay halos matulala siya sa nakakasilaw nitong kaguwapuhan, mabuti na lang at mabilis din siyang nakabawi.
"Ikaw din naman, Emir." Nakangiting ganti niya sa binata.
Iniwan siya saglit ng "fiancé" niya dahil may kinausap itong mga kakilala, abala din ang mga magulang niya at si Pen-pen sa pakikipag-usap sa mga magulang at lolo ni Toffer na noon ay nakaupo sa wheelchair nito—nang mga sandaling 'yong masayang-masaya ang aura ni lolo Que, hindi aakalain ng sinuman na malubha na ang sakit nito. Masaya din nitong binabati ang mga guests na dumarating, mukha itong nanghihina ngunit dahil sa kagustuhan nitong maging maganda ang gabing 'yon—hindi nito iniinda ang sakit.
Mahigit isang linggo na simula nang ma-discharge ito sa hospital, na-postpone pa nga ang dapat ay engagement nila two days ago, dahil sa pagpapagaling ng matanda. Masayang-masaya siya dahil masayang-masaya si Toffer dahil maayos na ang lolo nito.
Nagpaalam din siya saglit para mag-CR kanina hanggang sa bumalik siya at nakasalubong si Emir, na dumalo rin pala sa okasyon—may ini-expect pa siyang isang bisita, ngunit hindi niya ito makita doon—si Reneé.
"Excited na excited na si lolo na ipakasal ang first apo niya." nakangiting sabi ni Emir.
Tumango siya at ngumiti. "Thank God, okay na si lolo Que."
Tumango din si Emir. "God is good, Chyn." Nakangiting sabi nito. "He's a good grandfather, kahit pa madalas akong pasaway. Lagi niya akong binibigyan ng advice as an independent man and stuffs, he's very cool."
Tumango-tango siya at tinapik ang balikat nito. "Matagal pa ang buhay ni Lolo, tiwala lang."
Hinawakan ni Emir ang kamay niyang nasa balikat nito. "I hope and I pray." Nakangiting sabi nito.
Mabilis siyang bumitiw sa pagkakahawak ni Emir ng kanyang kamay nang marinig niya ang malakas na pagtikhim ni Toffer na nasa kanilang likuran. Nagulat pa siya nang biglang hawakan ni Toffer ang kamay niya at hinila sa tabi nito.
"Parang may masaya kayong pinag-uusapan ng fiancée ko?" ani Toffer sa pinsan nito saka diniinan ang salitang 'fiancee'.
"Masaya lang ako dahil masaya ang lahat." nakangiti ring sagot ni Emir dito. Saka ito lumapit sa kanya at yumuko para magpantay ang kanilang mga mukha. "Kapag ayaw na sa 'yo ng pinsan ko, nandito lang ako para sa 'yo." Anito, saka ito umayos ng tayo at tinapik ang ulo niya bago ito bumaling kay Toffer na noon ay halos magdugtong na ang mga kilay, tinapik nito ang balikat ng pinsan bago ito naglakad palayo sa kanila.
"Dream on, Emir!" pahabol ni Toffer sa pinsan nito.
Hindi tuloy niya napigilang mapangiti at kiligin, mukha kasing nagseselos ang hitsura ni Toffer na kulang na lang ay upakan na nito ang pinsan nito. Hindi naman masama mangarap e!