webnovel

Nine

"WALANG dapat makakaalam sa agreement na ito, dahil kung sino man ang mahuhuli o madudulas sa pagsasabi nang tungkol sa kasunduan ay may kapalit na consequence. Deal?" malamig na wika ni Toffer saka nito inabot sa kanya ang kamay nito para i-seal ang kanilang usapan, na mabilis din naman niyang sinang-ayunan. "At bawal kang makipag-relasyon sa ibang lalaki, kung ayaw mong magkagulo ang buong pamilya natin."

Kung ayaw nitong malaman ng buong Princeton University ang tungkol sa kasunduan nila, kailangan nilang pangalagaan nang husto ang sikretong 'yon.

Napasimangot siya, ang arte naman nitong usapan nila! Fine! "Bawal akong makipag-relasyon? E, dapat ikaw din! Saka ano'ng consequence?"

"Anything under the sun."

"Fine!" 'Yon lang at natapos na din ang kanilang gabi, dahil inihatid na siya nito sa bahay nila.

Nagulat nga siya nang pagpasok niya sa loob ng kanilang tahanan ay nasa harapan ng pintuan ang buong pamilya niya at naghihintay ng balita tungkol sa naganap na 'sarilinan' sa pagitan nila ni Toffer, kaya ikinuwento niya ang lahat—maliban na lang sa nainuman niyang frappe nito—dahil nakakahiya! Baka bigyan pa ng malisya ng mga ito!

"Ahm, excuse me. Ikaw ba si Chynna Lee Versoza?" isang lalaki ang lumapit sa kanya sa round table—kasama niya noon ang dalawang kaibigan niya para doon mag-meryenda.

"Oo, bakit?" nagtatakang tanong niya, hindi kasi niya ito kilala at sa pagkakatanda niya ay hindi naman siya sikat sa paaralan nila.

Bigla itong may iniumang sa kanyang harapan—isang red na paperbag. "May nagpapabigay." Anito.

"Sino?" aniya, saka niya kinuha ang paperbag sa lalaki. Hindi tuloy naiwasang tuksuin siya ng dalawang kaibigan niya, na tinawanan lang niya.

"May note yata sa loob kaya pakibasa na lang. Sige." Tulayan nang umalis ang lalaki sa kanilang harapan.

Siya naman ay mabilis na hinanap ang note sa loob ng paperbag at binasa ang nakasulat doon.

Hey,

My mom cooked and prepaped a lunch for you, she hopes that you'll like it.

PS. I'm giving back your hanky.

-Toffer

Kumabog ang puso niya nang mabasa niya ang note na 'yon mula kay Toffer. Ang weird pero parang bigla siyang nakaramdam ng excitement nang mabasa niya ang pangalan nito bilang sender—kahit wala naman talagang nakaka-excite sa pagsasauli nito ng panyo niya—o baka doon sa thoughtfulness ng mommy nito. Hindi niya naiwasang mapangiti.

"Kanino galing 'yan?" sabay na tanong nina She at Che, saka dumukwang ang dalawa sa kanyang harapan, kaya mabilis niyang itinago ang note—ayaw niyang maglihim sa mga ito, saka kilala niya ang sariling open sa lahat ng bagay sa dalawang closest friend niya—pero nang mga sandaling 'yon, kailangan niyang ilihim ang tungkol sa kanila ni Toffer—hindi lang dahil sa consequence, kundi dahil ayaw niyang maging kumplikado ang buhay niya. Someday, malalaman niyo rin. Anang isipan niya.

"G-Galing ito sa secret admirer ko!" natatawang sabi niya, para ilihim ang kabang naramdaman niya na baka mabuko siya ng mga ito.

"Aba naman! At may secret admirer ka na ha, ang ganda mo teh!" nakangiting sabi ni Che na tinawanan lang niya.

"Syempre, iba na ang charming!" sagot naman niya.

Pagdating nang lunch ay excited niyang kinain ang lunch na pinaabot ng mommy ni Toffer sa kanya, sa canteen. Ang sabi sa note ay ang mommy nito mismo ang nagluto at naghanda ng lunch na 'yon—hindi lang niya maiwasang makaramdam ng pagka-overwhelm dahil kilala ang pamilya Lim na isa sa pinakamayaman sa bansa—ngunit napaka-simple at down to earth ng mga ito.

"Nakangiti ka dyan." Pansin ni She sa kanya, dahil hindi niya maawat ang sayang bigla na lang umusbong. "Siguro dahil 'yan kay secret admirer, 'no?" tukso pa nito.

"Paano na 'yan, e, di akin na lang si Emir dahil may secret admirer ka na?" sabi naman ni Che.

"Wow! Chyn, kung gano'n wala na kaming makakaribal kay Emir!" masayang wika naman ng ibang mga kaklase niya na kasama din nila sa mahabang mesa.

Itinaas niya ang dalawang kamay sa ere para patigilin ang mga ito. "Of course, si Emir pa rin ang number one!" mabilis niyang depensa. Updated pa rin naman siya sa mga latest song covers ng binata at sa mga posts nito sa facebook account nito. "Siya ang forever ko!" nakangiting sabi niya.

"O, di ikaw na ang maraming boys." Natatawang biro ni Pilar.

Umiling-iling siya at natawa sa sinabi nito. "Pwede nila akong i-crush, pero hindi nila kailanman makukuha ang puso kong nakalaan lang para kay Sandro Emir Lim." Biro din niya na ikinatawa ng lahat.

Nang matapos silang kumain ay saglit pa silang nagkakuwentuhan at habang nagkukuwentuhan ay panay ang linga niya sa paligid, hinahanap kasi niya si Toffer para magpasalamat sa lunch na niluto ng mommy nito—hanggang sa madako ang mga mata niya sa labas ng canteen at nakita si Toffer na naglalakad na may kasamang magandang babae.

"Oh! What a sweet scenery. Si Toffer at Reneé magkasama." Sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan niya na sinang-ayunan niya. So, that's Reneé, the famous pianist in their school—and the rumored girlfriend of Toffer Lim. Like Toffer, naririnig niya ang pangalan ng babae, pero hindi niya kilala sa mukha.

Saglit siyang na-focus sa mukha ng dalawang magkasamang naglalakad—they looks so perfect together—pero hindi 'yon ang nakaagaw ng kanyang atensyon—it was Toffer's cute smile. Yes, nakangiti si Toffer habang nagkikipag-kuwentuhan sa babaeng kasama. And that was very unusual for an unemotional guy like Toffer.

Oo at nakita na niya itong mainis—pero mas gusto niyang makita itong nakangiti kapag magkasama sila—but unfortunately, sa babaeng ito lang yata ito ngingiti at ayaw man niyang tanggapin ngunit may kaunting impact 'yon sa kanya—na sa buong buhay niya ay ngayon lang niya naramdaman. Lihim siyang napailing, bakit bigla na lang niyang naramdaman 'yon? May usapan silang dalawa ni Toffer na bawal makipag-relasyon sa iba—gusto niya 'yong ipaalala sa lalaki, pero baka mapahiya lang siya dito lalo pa at wala naman siyang katibayan na magkasintahan talaga ang mga ito.

"Simula first Year College, sila na ang laging magkasama. I've heard na magka-schoolmate din sila no'ng high school. Walang gaanong friends si Toffer maliban kay Reneé." Narinig niyang sinabi ni She.

Hindi niya ini-expect ang biglang paglungkot na nararamdaman niya. Ano naman ngayon kung close sina Toffer at Reneé o kung nagkakagustuhan ang mga ito? Hindi ba dapat masaya siya dahil may chance nang hindi matuloy ang engagement nila ni Toffer? Pero bakit siya nakakaramdam ng weird na feeling na 'yon? Bakit? Baliw! Baliw ka, Chyn! Naiinis niyang sinabunutan ang sarili niya, isang gabi lang naman sila nagkasama ng binata—kumpara sa matagal nang pagsasama nito at ni Reneé—ang arte na niya!

"Okay ka lang ba, Chyn? Kanina ka pa kasi nakasunod ng tingin kina Toffer at Reneé tapos parang maiiyak ka na at malapit nang sumabog sa galit." Puna ni Che sa kanya—kaya mabilis niyang pinaalis ang weird niyang nararamdaman saka tumawa para kunwari walang nangyari.

"Hindi ah, may naisip lang kasi ako." palusot niya.

"Huwag mong sabihin na pro-Toffer ka na? Aba naman talaga! Nagpapaubaya ka na talaga kay Emir ha, sige lang, ipagpatuloy mo 'yan." Natatawang sagot ni Che. Tumango-tango na lang siya.

PAGKATAPOS ng kanilang klase ay naunang nagpaalam si Chyn sa mga kaibigan niya dahil palusot niyang may emergency siyang lakad—pero ang totoo niyan ay aabangan lang naman niya si Toffer sa entrance-exit ng Science building—gusto lang niyang ipaabot ang pasasalamat niya sa mommy nito at isauli ang lunch box na kanina ay hinugasan na niya sa HRM lab.

Nakita na niyang naglalakad si Toffer palabas sa entrance-exit ng building, kaya inihanda na niya ang sarili niya. Tiyenempuhan talaga niyang walang makakarinig sa kanya na kausap ang binata—at walang makakakita sa kanila—tinakpan pa niya ang kalahati ng kanyang mukha gamit ang panyo. Nang maramdaman niyang nasa bukana na si Toffer ay mabilis niya itong sinalubong—pero nanlaki ang kanyang mga mata nang ibang lalaki ang nasa harapan niya—mabilis na kumabog ang puso niya nang makita ang hindi niya inaasahang makita—si Sandro Emir Lim!

"E-Emir..." nabubulol na wika niya, saka mabilis na tinanggal ang panyo na nakatakip sa kanyang mukha.

Nagtataka namang nakatitig ito sa kanya na naghihintay nang kung ano man ang gusto niyang sabihin dito, pero dahil sa gulat niya, nawala na yata ang dila niya.

"Ahm, excuse me, may gusto ka bang sabihin sa akin?" tanong ng binata. Napakagat siya sa ibabang labi niya para pigilin ang mapangiti—ang guwapo kasi nito at ang ganda talaga ng boses nito, para tuloy siyang idinuduyan sa ere. "Miss?"

"H-Ha? Ah wala, I mean oo—" naputol ang sasabihin niya nang makita niyang dumaan si Toffer sa likuran ni Emir—na saglit lang siyang tinapunan ng tingin bago tuloy-tuloy na naglakad palayo.

"Tof—" napailing-iling siya, hindi niya tuloy alam kung sino ang uunahin niya. Chance na kasi niyang makausap nang sarilinan ang pantasya niyang si Emir—pero kailangan din niyang habulin si Toffer para magpasalamat sa mommy nito! Kung bakit ngayong araw pa niya nakasalubong si Emir. Nakakainis! "Hi, my name is Chynna Lee from the HRM department. Gusto ko lang malaman mo na sobrang fan mo ako. Good luck sa singing career at ingat pauwi." Hindi na niya ito hinintay magsalita, pagkatapos ay kumaway na lamang siya dito at nagtatakbong hinabol ang mabilis maglakad na si Toffer.

Sinunandan niya ang binata sa parking lot kung saan niya ito nakitang lumiko. Sakto namang iilan lang noon ang mga tao doon, kaya lakas-loob niyang tinawag nang malakas ang pangalan ng lalaki para huminto ito at lumingon sa kanya—na nangyari naman, kaya mabilis siyang nagtatakbo para makalapit dito.

"Time first," humihingal na wika niya, saka siya huminga nang malalim at bumuga ng hangin. Ang bilis maglakad nito palibhasa ay malalaki ang hakbang nito; ang isang hakbang nito ay parang apat na hakbang na yata niya.

"What?" malamig na tanong nito sa kanya, wala na namang anumang reaksyon ang mukha nito—ang unfair lang dahil nang kasama nito si Reneé kanina ay nakangiti ito! Ngali-ngaling mag-reklamo na siya dito, kaya lang ay wala siyang karapatan!

Nächstes Kapitel