webnovel

Entry#19

Every end is a door to a new beginning. Sobrang bilis ng oras, no? Hindi ko namalayan na natapos na ang school year. Natapos na nga ang final exams namin at ang ibig sabihin nun? Pupunta na kami sa Davao para mag-OJT. At ngayon, naglalakad ako papasok sa isang matayog na building kung saan gaganapin ang bequethal night naming mga outgoing and incoming officers.

I didn't ran for the position because I was too tired. But then, kinuha akong magjng secretary ni Kissy, yung dating vice governor ng college namin na governor ngayon. I am just saying that I am too tired but may sariling bibig ang puso ko at um-oo siya. Hay. Hirap kapag passion mo. Hindi mo maiwan-iwan talaga. Kahit na tumatakbo ka, babalik at babalik ka pa rin. Parang true love lang.

Hinahawakan ko ang magkabilang dulo ng crystal blue dress ko habang umaakyat sa hagdan papuntang second floor. Hanggang talampakan ang haba nito. Mahirap nang matapilok o madisgrasya. Walang sasagip sa'kin kasi wala naman akong prince charming. Haha!

Kabado kong itinulak ang glass door. Medyo nanginginig pa ako dahil siguro sa malamig na hanging sumalubong kaagad sa'kin. Ang ikinakatakot ko, na baka mag-agaw pansin ako. Baka masyadong bongga ang suot ko. Baka ako lang ang naiba. Baka mamaya mukha pala akong loka-loka. Huhu.

Medyo kasalanan ko rin naman. Kung ano lang ang nahablot kong sakto sa theme, yun na ang isinuot ko. Huminga ako nang malalim. Bahala na nga. Dahan-dahan akong sumilip. Nakahinga ako nang maluwag at nagtuloy-tuloy na ako papasok. Wala pang tao! Ako pala ang pinakamaaga. Ang sabi sa invitation, 6 pm daw. Asan ang 6 pm? Pagtingin ko sa orasan ko, 6:30 na nga eh. Filipino time talaga.

Umupo ako sa upuan na nakabalot ng puting tela. lahat ng roundtable ay may puting white cloth din. I see blue and white everywhere. The stage is decorated with white and blue balls of different sizes. May mga creepe papers din na ginawang frills at isinabit sa ceiling.

Napangiti ako sa ganda ng mga frosts and crystals nila. Meron ding olaf and Elsa standee. I took the opportunity of me being alone with this fancy environment. I fetched my phone and captured the venue. It's time for editing!

While I was busy selecting filters, I felt someone sitted at my front. I lifted my head and I was kinda surprised. My heart skipped a beat pero kaagad ring bumalik sa normal.

"H-hi," sabi niya sabay ngiti. He wasn't wearing his black hooded jacket anymore yet his hair was still a little bit messy. He looks so pure with his white long sleeve polo and at the same time, cute because of the dark blue ribbon on his collar.

"Hi din, Adrix!" bati ko pabalik. Natigilan siya at nanahimik sandali bago nagsalita. Akala ko nga di niya na ako kakausapin. Nakakagulat naman 'to.

"Teka, kilala mo'ko?"

Omg! I mentally banged my head at the wall. How could I carelessly call him by name? Ano na lang iisipin niya? Baka malaman niya na pinag-uusapan namin siya ni Ailou? Hala, baka isipin niya crush ko siya? Eotteoke!

"Uh, narinig ko lang kay.. Ailou. Di'ba tinawag ka niya nung exam? Nung dumaan ka?"

"Ah." He then adjusted his black-rimmed eyeglasses and turned his head somewhere else. While me, on the other hand pretended to be busy with my phone. Cellphone is such a lifesaver for introverts. I thank whoever invented this one.

I am a psychology major, yes. But it doesn't mean that I will rule the conversation or I will never be shy to talk. Minsan, kailagan mo muna makiramdam. Di maiiwasan na maubusan ng topic o sasabihin.

Isipin mo, kung kuda ako ng kuda at puro kaplastikan ang lalabas sa bibjg ko, I am only building gaps between me and the person. Sometimes, awkward silence is the best choice.

Phew. Mukhang naniwala naman siya. Pero totoo naman. Ang hindi niya lang alam ay pinag-uusapan namin siya pagkatapos nung encounter na yun with him.

Natahimik kami for about a few minutes. But that few minutes felt like an hour for me. It was so awkward. Bakit kasi ang tagal nila dumating? Maga-alas syete na wala pa rin sila.

"Tagal naman nila," sambit ko sa hangin pero di ko inakalang sasagot siya.

"Oo nga. Kanina ka pa dito?"

"Mga 6:30 ako dumating. Akala ko nga late na'ko eh."

"Ano yung ginagawa mo kanina?"

"Ah, nage-edit ako ng mga pictures kanina. Eto oh," Tumayo ako at tumabi sa kanya. Pinakita ko yung mga pictures na kinunan ko at in-edit ko.

"Ikaw kumuha?" He slightly turned his head on me.

"Hmm.yup!" I nodded.

"Nice. Ang ganda."

"Thank you!"

"Uhmm, gusto mo bang magpicture?"

"Ah, okay lang ba?"

"Hmm." He nodded. I smiled widely.

Finally, makakapagpapicture na rin ako with the background. Gusto ko Kasi full body eh. Kaso nahihiya ako makisuyo na picturan ako.

Adrix is such a life saver. Nakalimang shots din kami bago magbukas ang pintuan at pumasok ang isang co-officer ni Adrix sa CET council.

"Yo! Close na kayo? Umuusad ka na pare, ah. Congrats."

"Haha." Adrix just laughed and did a handshake with his friend. "Okay na yan?" he asked me sabay pakita ng mga pictures ko.

Magaling siyang kumuha ng litrato. On point ang angles at ang lighting. Kaya lang humagalpak ako kakatawa kasi may isa akong picture na mukha akong sinapian ng espiritu! I was trying to be candid kaso napapikit ako.

Unti-unting dumami ang mga tao sa loob ng hall. Thankfully, I wasn't the only one wearing a semi-formal dress.

Ate Lyca, the CED's governor arrived together with kuya Gio, the SSG president. Ate is wearing a blue cocktail dress while kuya is wearing a simple navy blue polo shirt only paired with black pants. Si Kisses nga, may mga accessories pa at kumikinang na hairbun eh, ako nga nakabraid lang at white pearled hair clip.

Nagsimula na ang attendance hanggang sa pina-upo na nga kaming lahat dahil magsisimula na ang program. Bale, hinintay lang talagang makarating ang dalawa sa mga administrators ng school.

After magspeech ng OSAD director at ni Brother, napuno ng tawanan, kwentuhan, at kulitan sa bawat table nung kainan na. Iyon lang naman ang hinihintay namin eh, bukod kasi sa syempre, mamimiss namin ang mga graduating officers, opportunity din 'to para huminga pagkatapos ng nakakamatay na buong school year.

At yung pagkain, Isa na rin yun. Pero bakit ako magpapasalamat eh binayaran namin yun? Hindi gaanong masarap dahil hindi libre.

"Congrats!" sabi ko sa kanya at nakipagkamay. Wala na ang kuryenteng dumadaloy noon sa tuwing maghahawak kami ng kamay. The little light if false hope no longer exists. I successfully went out of the labyrinth and I am now free.

Kaibigan ko na lang siya.

"Haha! Kaw din, praningning." Sumimangot ako. Nang-asar pa nga! Pigilan niyo ako, sasakalin ko na'to.

"Anong position mo?" Secretary, ang sagot ko.

"Ganda mo ngayon. Dapat ganyan ka palagi."

I am grateful for the complement but no one can dictate what should be my fashion sense. Nothing's wrong with how I dress.

I do not have to impress anyone. I don't have to be a chicc every day. Because being a chicc will cost me time, money, and most especially, the respect. Being hot and beautiful means you are subject to men's sinful imagination.

"Ah ganon? Magsusuot ako ng gown sa school?"

Ngumisi siya habang mapang-asar akong tinitignan, mata sa mata. "Oo."

"Edi ikaw mag-gown! Ikaw magsuggest. Bakit mo ako uutusan?"

"Ikaw na. Bagay sa'yo eh."

Hindi ako nakapagpigil. Talagang napairap ako sa sinabi niya

Sasagot pa sana ako kaya lang, inawat na kami ni Kisses. "Uy~ oh tama na yan baka magkadebelopan."

"Yieeeeeeeee! Kayo ha!"

"Uy, tama na. May magseselos."

Yeah right. Kahit wala dito si Aubrey, I still respect her as the legit girlfriend. Imagine, your boyfriend is being teased and linked to other girls?

Aubrey is not a warfreak, I know. But we should still be considerate. Ilagay natin ang paa sa sapatos niya kahit hindi kasya. Haha.

What? Eww. Tinignan ko lang silang lahat. Sus! Para yun lang. Kung ako to dati, malamang nafall na naman ako ulit. I would fall for even more. But no. Natuto na'ko.

And when I'm done with something, I'm really done with it. Wala nang balikan. Final na. Kasi dapat kapag nagdesisyon tayo, dapat manindigan. Kung urong-sulong ka, hinding hindi ka talaga makaalis.

Niyaya ko ang lahat sa table namin para sa isang groufie. Kay Adrix ko pinahawak yung phone ko kasi alam ko namang maliit yung braso ko. Siya, mahaba ang braso niya, eh. Siya na ang payat na matangkad. "1, 2, 3, smile!"

xxxx

As soon as I entered my room, I laid down at my bed and closed my eyes. This was a tiring day, yet a productive one, I guess? It's time to say goodbye and go to the Dreamland.

My consciousness starts to drift away when his face showed up. Flashes of what happened earlier, especially the time when he took my photos kept on bugging me.

Yung mga pictures....

Dumilat ako at dinampot ang cellphone ko. I decided to upload the pictures on Facebook.

Ting! A notification suddenly popped out at the top of my screen. There, his name appeared together with the heart stopping words. Adrix Ian Mallorca sent you a friend request. I clicked his name and browsed on his profile.

Eh? Ano ba yan! Wala man lang halos kalaman-laman. Nagfe-facebook pa ba'to? Puro tagged posts lang ang nakikita ko sa timeline niya. And the rest, pagpapalit niya ng profile picture at cover photo. He doesn't post status or kahit magshare man lang ng memes. Wala akong napala sa pagso-stalk ko sa kanya.

Nevertheless, I clicked the accept button.

Nächstes Kapitel