webnovel

The Elixir

realistisch
Abgeschlossen · 29.1K Ansichten
  • 5 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • NO.200+
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

A story becomes a love story when their hearts move in mysterious ways, that 'no one' becomes 'someone' and when something becomes unexpectedly magical. This is a normal connection between a fan and her idol. But their story is not quite normal. How can they avoid what's already written in the stars?

Tags
1 tags
Chapter 1Unang Tagpo

Marami akong hindi maintindihan sa buhay ko. Marami akong tanong na parang wala namang sagot. Isang bagay lang ang nagbibigay kulay sa buhay ko ngayon. Yun ay sa tuwing nasisilayan ko sa laptop ang idolo ko.

"Hindi ka na nagsawa dyan! Gabi-gabi mo ng pinapanuod yang mga yan. Anu bang nakukuha mo dyan?", galit na tanong ni Mama bago umalis.

Patuloy lang ako sa pagkanta kasabay ng pagtugtog nila. Dati, noong hindi pa sila gaanong sikat ay nakakaya nilang mag-upload ng video araw-araw. Pero iba na ang mundo nila ngayon, hindi na lang sila basta sa maliit na studio kundi sa malalaking stage at city nagtatanghal.

Ako si Louisa Madrigal, fan ng Elixir na isang American Band. Naging interesado ako sa bandang ito nang minsang mabasa ko sa isang forum na Filipino-American ang vocalist nila, si Blake. Pero hindi ako yung fan na makikita mong nagkakandarapa sa idol nila. Ayaw rin kasi ni Mama ang pag-fafangirl ko sa kanila. May isa akong kapatid, si Ace. Strikto si Mama na halos lahat na lang ipinagbabawal sami. Si Ace, hilig niya rin ang manuod ng banda at marunong rin siyang kumanta. Pero ayaw ni Mama na makita siyang may hawak ng kahit anong instrumento.

"Isang saway na lang, Louisa! Hindi mo na mahahawakan yang laptop mo."

Sa gulat ay agad ko namang naisara ang laptop. Alam ko kasi na hindi nagbibiro si Mama. Pinatay na ni Mama ang ilaw nung alam niyang nakahiga na ako.

Kasabay ng pagpikit ng mata ko ay ang pagbabalik ng masasayang pangyayari noong bata pa ako sa luma naming bahay.

Medyo may malay na ako nung taong buntis si Mama kay Ace. Sa dating bahay namin ay may music room na puno ng iba't-ibang instrumento. Pinaglalaro pa ako dun ni Mama dati at masaya rin siyang pinaparinig sakin ang paborito niyang kanta na hindi ko alam ang pamagat. Natatawa pa nga siya kapag naiisip niyang malungkot ang meaning ng kanta na yun pero napapasaya siya nito sa tuwing naririnig niya. "Hindi kasi lahat ng kanta, nasa lyrics ang tunay na mensahe. Minsan makikita mo ito sa puso ng mismong kumanta.", ang tandang-tanda kong linya niya sa amin ni Ate Maddy, kasama namin sa bahay. Palagi niya ring pinapakita ang paborito niyang kwintas na bigay daw ng Papa ko, hugis nota ang pendant nito.

Dumating na yung araw na ipinanganak si Ace, katulad ng ulan nung panahon na iyon na basta na lang bumagsak ay ganun din ang masasayang ngiti ni Mama. Unti-unti, napapansin kong busy na siya sa trabaho at iniiwan niya na lang kami kay Ate Maddy. Hindi niya na ako hinahayaang maglaro sa music room at nakikita ko na lang siya minsan na umiiyak habang pinapakinggan ang paborito niyang kanta. Katulad ng ulan na nawala ay hindi ko rin alam ang dahilan ng mga iyak ni Mama.

Hanggang sa tuluyan na kaming lumipat ng bahay. Dahil bata pa ako noon, ang tanging ikinalungkot ko lang ay ang mga instrumentong nilalaro ko sa music room.

Pero ngayong nasa tamang edad na ako, naisip kong hindi lang pala yon ang dapat na ikalungkot ko. Kundi yung mga masasayang moments namin ni Mama sa lumang bahay namin. Hindi ko na iyon muling naranasan ngayon, hindi ko na muling nakita na ngumiti si Mama. Naging boring ang buhay namin.

Madalas kaming binubully noon sa school dahil wala kaming kinilalang Ama. Ang pinag-kaiba lang namin ni Ace ay lumalaban ako habang siya, tinatakbuhan at iniiyakan na lang ito. Nung nalaman ito ni Mama ay hindi niya na pinahiwalay sakin si Ace. Gusto niyang ihatid ko ito sa room nila, samahan tuwing break time at sunduin kapag uwian. Dahil takot na takot ang kapatid ko sa mga kaklase niya ay pumayag siya kay Mama.

Ngayong college na ako ay hindi na kami magkasama ng school ni Ace. Napapansin ko rin na hindi na siya komportable kapag hinahatid at sinusundo ko siya sa gate ng school nila. Hihintayin niya lang ako dun pero hindi kami magsasabay sa paglalakad. Binata na kasi siya at alam kong napipilitan na lang siya dahil kay Mama.

Paminsan-minsan ay kinakausap ko ang adviser ni Ace para humingi ng update sa performance niya. Ayon dito ay hindi na siya nag-iiwan ng unfinished activities ngunit hindi pa rin maiwasan ang pag-skip ng 4PM class nito. Ang laging sinasabi sakin ni Ace ay ayaw niya ng chemistry.

Tahimik kaming naglalakad ni Ace ngayon at gusto ko siyang kausapin pero baka nga may problema siya sa school kaya ganun. Niyakag ko siya sa pinakamalapit na fast food chain, alam ko kasing paborito niya ang hamburger. Hindi pa man kami nagtatagal sa loob ay nagyakag na siyang lumabas. Napansin ko naman ang mga bagong dating na estudyante, mga seniors sila sa school ni Ace. Yung isang may dala ng gitara na halatang may edad na ang bumati samin.

"Hey Junior! Napag-isipan mo na ba yung sinabi ko?", ito ang unang beses na meron siyang kaibigang galing sa school na bumati sa kanya. Napatingin naman ang lalaki sakin. "Siya ba yung ate mo?"

Tumango si Ace sa kanya. "Sa susunod na lang po ulit ako sasama.", sagot nito. Hinawakan ng lalaki ang balikat ni Ace at ngumiti bago siya tuluyang umalis.

Habang naglalakad kami pauwi ay hindi ko na naiwasang magtanong sa kanya. "Mga kaibigan mo ba sila, Ace?", Pero hindi siya sumagot at patuloy lang sa pagkain ng natirang hamburger niya. "Ayokong husgahan sila Ace dahil alam mong may tiwala ako sa iyo. Pero kung sila ang dahilan kung bakit ka palaging nagis-skip ng 4PM class mo -"

"Hinuhusgahan mo na sila, Ate. Ako ang may mali kaya hindi ako pumapasok sa klase ko.", putol niya sakin. "Wala silang kasalanan. Mga tunay na kaibigan sila.", yun lang at binilisan niya na ang lakad para kahit papaano ay makalayo sakin. Madali siyang marindi kapag pinagsasabihan. Ayaw niya na hahaba pa ang usapan kaya umiiwas na lang siya. Kaya mas lalo akong nahihirapang kausapin siya ng maayos. Hindi ko na tuloy alam kung nagsasabi pa ba siya sakin ng totoo.

Kinagabihan ay napag-isipan kong magbukas ng facebook. Bihira ko iyong gawin since lagi akong nasa youtube para panuorin ang Elixir. May isang message ako at galing ito kay Opay. Nagpasa siya sakin ng isang link.

Louisa: Nag-papalike ka ba?

I click the link. Sa isang facebook profile ako dinala nito. Blake (Official) ang nakalagay.

Joey Rose: Alam ko kasi na hindi ka active sa twitter. Baka gusto mong private message na lang ang isend sa kanya. Yup, that's his real account according to my reliable source. Unfortunately, hindi na siya na-aadd. Follow mo na lang. Pwede ka pa rin namang magmessage.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mawari kung anghel ba itong si Opay o sadyang pinanganak lang para maging mabait. Nung lumipat siya sa school namin dati ay sobra yung naging selos ko sa kanya dahilan para hindi ko siya kausapin ng isang buong taon kahit na palagi siyang nagpapapansin sakin.

Mula elementary kasi hanggang first year high school ay palagi akong napupuri ng mga teachers ko. Lalo na kapag minsan ay top 1 ako. Pero nung lumipat siya nung second year ay biglang nagbago ang lahat. Parang hindi na ako kilala ng mga teacher at parang natabunan niya ako nun. Siya na yung palaging mabait, masipag at matalino.

"Mayaman sila, Ma'am. May tutor yan sa bahay. Kaya advance siya sa klase natin", sabi ko nung minsang pinuri ulit siya ng teacher namin. Tumingin lang siya sakin non at ngumiti.

Hanggang third year ay naging ganun ako sa kanya pero siya ay hindi pa rin napapagod na maging mabait sakin. Sinasabihan ko na siya ng masasakit na salita katulad ng "Sipsip", "Plastic" at "Epal" ngunit hindi ko siya nakitang nagalit sakin. Inis na inis ako sa kanya non at palagi kong sinasabi na "Siguro kaya wala kang magulang na napunta tuwing PTA meeting ay kahit sila ayaw sayo." Hindi ko alam na sobra-sobra na pala ang masasakit na nasasabi ko sa kanya. Hindi ko iyon napapansin dahil hindi niya pinapakitang naaapektuhan siya nito at nagagalit.

Dumating ang last PTA meeting namin nung Third year high school. Ako ang class president nun kaya ako ang naiwang katulong ng adviser namin. Nagulat ako nung may dumating na magulang kay Opay, hindi lang isa kundi nanay at tatay niya pa ang nandun. Nakwento sakin ni Ma'am na sobrang busy daw pala ang mga ito kaya hindi nakakapunta. Doctor ang Mama niya at Businessman naman ang Papa niya.

"You must be Louisa?", tanong ng Papa niya. Nangangatog ang tuhod ko nung mga oras na iyon. Naisip ko na baka isinumbong na ako ni Opay sa kanila. Pero nawala ito nung lumapit ang Mama niya at niyakap ako. "I'm happy to see you. Thank you for everything that you've done to my daughter.", sabi niya.

Gusto kong lamunin na ako ng lupa. Anu ito? Sarcastic ba sila o nananaginip ako?

Inabot sakin ng Papa ni Opay ang isang invitation. Para iyon sa birthday ni Opay at gusto nila na pumunta ako. Malulungkot daw si Opay at magtatampo sila kapag hindi ako nagpunta.

Ilang gabi kong pinag-isipan kung totoo ba iyong mga narinig ko sa kanila. Hindi ba nila alam na ang sama-sama ko sa anak nila? Naisip ko rin na baka pain lang ito sakin at papahirapan nila ako kapag nagpunta ako. Pero nagkamali pala ako.

Dala na rin ng curiosity ay nagpunta ako sa birthday celebration niya. Pinayagan rin kasi ako ni Mama dahil umaga naman daw iyon at sa isang safe na subdivision gaganapin. Nung makarating ako sa bahay nila ay namangha talaga ako dito. Ang laki at halatang mayaman talaga sila. Nakita naman agad ako ni Opay at talagang napakalaki ng ngiti niya.

Nung nabigyan na siya ng pagkakataon na makausap ang mga bisita niya ay una niya na akong pinuntahan.

Inabutan niya ako ng isang slice ng chocolate cake at tinabihan ako. "Ako ang nag-bake niyan. Tikman mo." Sinabi niya rin na sobrang saya niya dahil nakarating ako. Nagsorry na lang ako kasi wala man lang akong nadalang regalo. Ang sagot niya lang "Higit pa sa sayang dulot ng regalo ang presensya mo. Salamat talaga."

Kahit ayaw kong bumuo ng mahabang conversation sa kanya ay mukhang kailangang kailangan ko na. Tinanong ko siya ng mga bagay na gumugulo sa isip ko nung mga nakaraang araw.

"Bakit kahit ang sama-sama ko na ay ganyan pa rin ang trato mo sa akin? Yung mga sinabi sa akin ng magulang mo, hindi naman totoo yun eh. Kabaligtaran lahat. Bakit sinabi mo yon sa kanila?"

"Kasi gusto kitang maging kaibigan."

"Pero bakit? Alam mo naman na galit ako sa'yo, 'di ba? Dapat nga nagagalit ka na lang rin sakin para naman patas ang laban natin."

"Kapag may mali sa sitwasyon, ikaw na ang gumawa ng paraan para itama ito. Hindi natin hawak ang isip ng isang tao. Hindi ko hawak ang isip mo, Louisa... pero alam ko na hindi ka masama."

"Yung pagpapahiya ko sa'yo? Yung hindi ko pagpansin sa'yo sa school, hindi ba iyon kasamaan?"

"Hindi. Pagpapakatotoo lang."

Nung una hindi ko naintindihan... Until she explained it all...

"Ikaw lang yung taong nagpakita ng ganung ugali sa akin, Louisa. Simula ng pumasok ako sa school ay puro kabaitan lang ang nakikita ko. Walang may galit sakin, lahat sila gustong maging kaibigan ako. Pero hindi ko kailanman naramdaman yung totoong kalinga ng isang kaibigan. Nandyan lang sila kapag kailangan nila ako. Pero sa labas ng school, hindi ko na naman sila kaibigan eh.", tumigil siya sandali. "Hindi mo ako kinaawaan sa oras na walang pumupuntang magulang sa akin para lang ipagmalaki sa magulang mo na isa ako sa mayayaman na kaibigan mo. Hindi mo ako sinabihan ng magagandang salita sa tuwing may bago akong gamit o damit para lang mapahiram kita, hindi mo ako sinasamahan sa canteen kapag break time para lang mailibre kita, hindi mo ako binabati ng good morning sa umaga para lang mapakopya kita ng assignments, at higit sa lahat hindi ka kailanman lumapit sa akin sa oras na kailangan mo ng kaibigang panandalian lang."

At dun naging kaibigan ko ang isang makulit na si Joey Rose Payton. Jopay ang nickname niya na dahil bulol siya nung bata ay naging Opay. Aaminin ko, napaiyak niya ako nung mga oras na yun.

Sa haba ng pagbabalik-tanaw ko ay hindi ko na napansing ang layo na pala ng narating ko sa timeline ni Blake.

Yes, I stalked it. Maraming pictures. May post pa siya na papunta na silang Illinois, 1 hour ago. Araw-araw updated ang status niya. Medyo kapani-paniwala naman na real account niya ito. May picture ng family nila. Meron pa ngang picture nung naglalaro sila ng Dad niya ng Xbox. Tapos may katabi siyang aso. Mama niya ata ang nagpicture. Marami akong nababasang masasakit na salita sa comment section pero hindi ito pinapansin ni Blake. Bakit daw suplado na siya porke raw sikat na. Lalo pang nagalit ang ibang tao nung minsang may nag-tag sa kanyang picture at nag-comment siya rito. Maganda ang babae sa picture dahilan para mas uminit ang ulo ng ibang followers niya. Porke daw maganda ay pinapansin niya.

As a fan, nasasaktan din ako. Bakit kailangan nilang husgahan agad si Blake?

May recent status siya dun na: You just know us, but not the real story behind the band.

I felt this sudden urge to comment. Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang ipagtanggol sa mga naninira sa kanya. But again, ito na naman yung hina ng loob ko. Hindi ko na naman nagawa yung gusto ko.

Maybe I'll just send him a private message instead, right? Mas nakakahiya ata yon. Pero baka kasi minsan naiisip niyang hindi talaga siya magaling or nadodown niya na yung sarili niya at ang banda sa dami ng bashers nila. Kapag naman kasi sikat, asahan ang bashers everywhere. Baka sakaling mapagaan ko yung loob niya sa pamamagitan ng message ko about how famous he is dito sa Philippines. Diba?

I click the message button. "Shoot." I whispered to myself. Anu tong ginagawa ko?

Louisa: Hello Blake :) How was your day?

Time Check: 6:57 PM dito sa pinas. It means madaling-araw sila umalis papuntang Illinois.

Louisa: I am a fan of Elixir band. I am a fan of you, specifically. I will not make this long because that would be a disturbance for you. I just want to say hello and ask if you're okay. I heard people's rants over you. Don't bother to make a reaction about that. Don't mind them, they're just insecure. We're here to support you and you are awesome Blake. Trust me. More power and may God bless you and your band always.

"Kakain na daw tayo", biglang sigaw ni Ace.

"What the -" Bigla kong naclick ang send button. I'm not supposed to send that one. Well, I am but- Nakakahiya talaga.

I was so shocked ng makita kong nag-seen yung message ko. Agad agad? He's online at this time? Shocks! Zombie mode is on for him.

Pero hindi ko alam kung bakit parang natuwa pa ako ng makita ko ang 'seen 7:01'.

Louisa: You're online? OMG! Thanks for reading my message. Anyway, goodluck in Illinois :)

Nakaramdam ako ng kakaiba. Yung para bang abnormal beat ng heart? Kinakabahan siguro ako kaya ganun.

Das könnte Ihnen auch gefallen

a love that never fades(TAGALOG) (BL)

ALTNF 1 Ben Cariaga's POV "Ano na, asan ka na?" Sabi ko dahil hindi ko na talaga siya makita. Asan na ba siya? Masyado nang mataas ang narating niya! Mamaya mahulog to eh. "Wait, teka lang babi! Ang kati ng likod ko. Jan ka lang!" Sigaw niya mula sa itaas ng puno. Sa totoo lang, kanina pa ako nangangalay dito. Paano ba naman, kanina ko pa bitbit ang pagkalaki-laking bayong na 'to na naglalaman ng mangga. Yep, nasa mango-hunting kami ngayon ni Kristal. "Ano na bes? Nakakangalay na! Asan ka ba? You are nowhere to be found!" Sigaw ko. "Nandito ako, look!" Hinanap ko siya sa itaas pero hindi ko talaga siya makita. Masyado kasing maraming sanga ang nakaharang. Maya-maya ay may ginalaw-galaw siyang mga sanga at hinanap ko iyon. Nang makita ko ito ay ako ang nalula sa sobrang taas. "Hala Kristal! Gagi ka ba? Ang taas mo masyado! Bumaba ka na dyan, bago ka pa mahulog at masisi pa ako ng masungit mong mudrakels dahil ako ang nagpaakyat sa'yo dyan!" Sigaw ko sa kanya. "Babi, magtiwala ka sa akin. Kaya ko 'to. Ang dami kaya dito. Ready mo na yang bayong, dali!" Sabi niya. I frowned. Ano ba 'yan, bigat na bigat na nga ako dito tas biglang change location. Huhu. Hinanda ko na ang dala-dala kong bayong. Tama siya, ang dami ngang bunga ng mangga sa pwesto niya. Kumpul-kumpol at malalaki na. Sana lang hindi pa hinog ang mga 'yam. "Kris, ang dami masyado. Bawasan mo. Baka sa ulo ko tumama 'yan imbes na shumoot sa bayong." She chuckled, "Ok." At hinulog na niya isa-isa yung mga mangga. Marami-rami rin kaming nakuha. No, marami talaga kaming nakuha. Samantalang kami lang din naman ni Kristal ang mangangain nito. You know, summer. Ang sarap ng may mangangata. "Marami rin tayong nakuha. Tirahan natin si kuya Japs ng lima." Sabi ko. Bumaba na si Kristal sa ng puno nang walang kahirap-hirap. Taong unggoy 'yan eh. Kayang umakyat ng puno kahit gaano kataas ng effortless. Kahit maliit na babae yan si Kristal wag mong mamaliitin yan. Maraming 'yang kayang gawin sa buhay. "Tatlo lang? Gawin mo nang sampu." Sabi niya. I gave her a meaningful look, "Ok, ok, fine, fine. Crush mo eh." "Huh? C-crush ka diyan, wala akong crush no." She said, blushing. "Asus, oke, sabi mo eh." Sabi ko naman. Nagligpit na kami ng mga pinanguha namin at umuwi na rin kami. Bago ang lahat. Ben Cariaga ang pangalan ko. Si Kristal naman itong kasama ko. Kristal used to call me "Babi" dahil, wala lang. Trip lang daw niya. Kami 'yung tipong unexpected best friends kasi pagkalipat na pagkalipat nila dito, inapproach niya kaagad ako. Then ayun, instant BFFs. Minsan tinanong niya ako if I'm a gay. Napansin niya daw sa behaviour ko at way ko ng pagsasalita.

johndrewmac · realistisch
Zu wenig Bewertungen
20 Chs