webnovel

Mermaid’s Tale: Rescue

"AZURINE!!!" malakas na sigaw ng dalawang lalaki sa itaas. Tanaw sa malaking butas sa bubong ng palasyo. Matapos gamitin ni Azurine ang kapangyarihan niya, nagawa niyang pasabugin ang itaas na bahagi gamit ang liwanag na nagmula sa kanyang awitin.

Natingala ang lahat nang makita ang pulang dragon na lumilipad sa langit at patungo sa kanilang lahat sa loob. Nang makapasok sa loob tumalon kaagad si Eldrich upang takbuhin sa kinatatayuan si Azurine.

"Prinsipe Eldrich!" tawag ni Azurine.

"Azurine!" Mabilis na niyakap nang mahigpit ni Eldrich si Azurine.

Gusto pa sanang yakapin ni Eldrich si Azurine nang matagal pero may kinakaharap pa silang panganib. Bumaba rin si Seiffer at hinayaang lumipad-lipad si Seiffy sa loob. Bumuga ng apoy ang dragon at nawasak ang iba pang parte ng palasyo.

"D-Dragon?!" Napaatras ang mga pirata nang makita ang dragon na bumubuga at nagpapasabog ng apoy.

"Tsk! Ang crimson dragon, paanong napunta sa kamay n'yo ang ganyang mythical creature?" Nanlilisik na tanong ni Hellsing. Itinaas niya ang kanyang kamay at sa isang iglap lang ay lumitas ang mahaba, itim at makapangyarihang espada sa kanyang kamay.

"Ho!Ho!Ho! Ang espada ng kadiliman. 'KuroKen', nasa sa 'yo pala iyan!" Lumapit si Seiffer, may kaunting distansya sa pagitan nilang dalawa.

Tumaas ang kilay ni Hellsing nang makita ang nag-aalab na kulay lilang mga mata ni Seiffer.

"Ang mga matang 'yan—hahaha!" biglang tawa ni Hellsing nang may maalala sa mga mata ni Seiffer.

Hindi naman nagpatinag ang mga pirata at sumugod sila sa dalawang prinsipe. Sa tulong ni Seiffy hindi nakapalag ang ibang tauhang pirata maliban sa tatlong hari. Lumusob sina Ashlando at Zanaga patungo kina Azurine.

"Azurine, ikaw nang bahala kina Octavio!" Mariing utos ni Eldrich na siya namang sinunod kaagad ni Azurine.

Tumakbo si Azurine sa kinaroroonan nina Octavio upang kalagan ang mga ito mula sa pagkakatali. Sinuportahan naman siya ni Eldrich, siniguro ng prinsipe na makakatakbo si Azurine patungo sa kanila.

"Hindi kayo makakalampas sa akin!!!" Hinawi ni Eldrich ang kanyang espada sa dalawang pirata. Dalawa laban sa isa.

"Tingnan nga natin ang galing mo, prinsipe!!!" Lumusob si Ashlando gamit ang two handed maze.

Slash!

Woosh!

Nakipagpalitan ng galing sa pakikipaglaban si Eldrich sa dalawa. Walang makatama sa prinsipe, maliban sa magaling siyang humawak magaling din siyang umilag. Parehong mataas ang damage ng sandata ng dalawang pirata kumpara sa single blade one hand sword ni Eldrich.

Tumalon nang mataas si Ashlando at inihataw ang two handed maze niya na may kasamang full force. Tumama ito sa sahig at gumawa nang malaking butas. Tumalsik ang mga bitak ng simento na siya namang ginamit ni Zanagang panlinlang sa prinsipe. Dahil sa mga batong nag-angatan at talsikan, hindi napansin ni Eldrich si Zanaga sa likuran niya't nahiwa siya ng malaki, matalim nitong sandata.

"Ugh!!!" hiyaw ni Eldrich matapos tanggapin ang malalim na sugat sa likod.

Napaluhod si Eldrich, tinusok niya ang espada sa sahig para makuha ang suporta at hindi tuluyang humandusay sa lupa. Pinagitnaan ni Zanaga at Ashlando si Eldrich.

"Prinsipe Eldrich!!!" sigaw ni Azurine, habang pinapanuod ang laban nila.

Tatakbo sana si Azurine ngunit pinigilan siya ni Van Gogh. "Dito ka lang! Hayaan mo nang ako ang tumulong sa kanila!"

"G-Ginoo…"

"Nagawa mo na ang parte mo, Prinsesa." Ngumiti si Van Gogh, tapos ay tumakbo patungo kay Eldrich.

Napaatras sina Azurine at Octavio nang puntahan sila ni Seiffy at isinakay sa likod.

"Seiffy!!!" Napayapos si Azurine sa mahabang leeg ni Seiffy. Maluha-luha ang prinsesa sa mga nangyayari ngayon. Ngunit nangako na siya sa sarili niyang lalaban din siya at hindi na magiging mahina.

"Seiffy, tuluyangan natin sila!" untag ni Azurine sa kaibigang dragon.

Grawwh!

Sa pag-alulong ni Seiffy, sumasang-ayon ito. Hindi rin naman papayag ang dragon na mawala ang kanyang kinikilalang magulang.

Habang lumilipad sina Azurine at Octavio sakay ni Seiffy, pinagmamasdan din nila ang labang nagaganap sa ibaba. Nabaling ang tingin nila kay Eldrich na tinulungan ni Van Gogh.

"Bata, ayos ka lang?!" pabirong tanong ni Van Gogh sa dati niyang estudyante.

"Maestro!" Tumayo si Eldrich at pinagpatuloy ang pagsugod sa dalawa.

Sa ngayon isa sa isa na ang laban. Sumugod din si Van Gogh gamit ang one bladed sword na mahaba at istilong pang samurai. Minana pa niya ito sa kanilang ancestor, 'Sun Sword'.

"Sun sword slash!" Isang mala sinag ng araw ang lumabas sa talim ng espada ni Van Gogh na siyang humiwa sa hangin at nagpatuloy sa katawan ni Ashlando. Hindi nakaiwas ang manunubos na pirata at napaatras ito.

"Tsk! Hindi ko akalaing kaya mo ring itago ang sanda mo sa loob ng ibang dimensyon!" asar na wika ni Ashlando.

Ang pagtatago ng sanda sa ibang dimensyon ay ginagawa ng mga mandirigmang may kakayahan ding gumamit ng magic. Dahil sa kaalaman nila sa mahika nagagawa nilang buksan at hiwain ang dimensyon at doon itago ang kanilang sandata. Madali nila itong nakukuha kapag kailangan nila. Dahil bound o sabihin na nating nakipagkasundo sila sa mga sandatang ito. Kahit ano'ng oras ay magagamit nila ito.

"Huwag mo akong minamaliit, matandang manyakis! Hindi porket bumagsak ang kaharian ng Wyvern sa kamay n'yo ay magagapi n'yo na ang hari nang gano'n-gano'n lang!" Lumaki ang ngisi ni Van Gogh.

Habang sa laban naman ni Eldrich at Zanaga, ay tapos na. Tumilapon ang malaking sandata ni Zanaga at napahandusay ito sa sahig. Nakatutok ang talim ng espada ni Eldrich sa leeg ni Zanaga.

"Kumilos ka at tapos ka!" banta ni Eldrich.

Nagtungo sina Azurine sa kinaroroonan nila Van Gogh at Eldrich. Nagtipon sila sa tabi ni Seiffy. Isang buga lang ng apoy ng dragon at takot na kaagad ang mga pirata.

Kaagad bumaba si Azurine upang tingnan ang kalagayan ni Eldrich mula sa pinsalang natamo nito sa talim ng sandata ni Zanaga.

Mabilis niyang nilapat ang kanyang palad sa likod ni Eldrich at umawit nang taimtim. Nawala at naghilom ang sugat ni Eldrich.

"Salamat, Azurine!" Hindi makalingon si Eldrich kahit gusto na niyang yakapin si Azurine. Nasa paligid pa rin ang mga kalaban kaya dapat siyang humanda.

Nang biglang silang nakaringi nang malakas na pagsabog. Mula sa kinaroroonan naman ni Seiffer kalaban niya ang Dark Lord at si Serarah.

Nabaling ang pansin nilang lahat sa pagtilapon ng katawan ni Seiffer sa sahig. Malaki ang hiwa sa kanyang dibdib at may itim na enerhiyang pumapalibot sa kanyang katawan.

"S-Seiffer!!!" Tumakbo si Eldrich upang tulungan ang kapatid.

"Ugh! Huwag kang lumapit!!!" namimilipit na sigaw ni Seiffer, pinigilan niyang lumapit s akanya si Eldrich.

Nakakatakot na hakbang ang nagpanginig sa kalamnan nilang lahat nang makita ang nakakatakot na kalaban. Hindi si Serarah ang may gawa noon. Nakatayo lang ang babaeng pirata sa gilid nila.

Ang puminsala kay Seiffer ay walang iba kundi ang skeleton wizard na si Soke. May dark magic, poison sword at isang death eater.

"Isang dark spell ang inilagay ko sa kanya. Ang hiwang natamo niya sa poion sword ko ay may kakayahang kumain hindi lang ng katawan kundi pati kaluluwa. Kakainin siya nito hanggang bawian siya ng buhay!" malaki at malalim ang boses ni Soke. Para siyang isang higante kung magsalita.

"G-Ginoong Seiffer!"

Hindi kinaya ni Azurine ang nasaksihan niya't lumusob siya patungo kay Seiffer. May kung anong kirot sa puso niya na hindi niya makayang nakikitang nahihirapan si Seiffer. Kahit pa ito ay may kasinungalingang ginawa sa kanya. Isang awit ang kumawala sa bibig ni Azurine. Muli ay iwinaksi ng liwanag ang kadilimang bumabalot sa paligid. Gumawa ng healing barrier si Azurine. Sa loob nito ang lahat ay makakatanggap ng healing magic at ma-re-restore ang mana at lakas.

Bumulusok sa kalangitan ang kwagong si Knowledge. Nag-aabang lang ito sa mga kaganapang mangyayari at nakahandang umalalay sa kanila.

"Prinsesa! Ako na ang bahala kay Seiffer!" Lumaki ang katawan ni Knowledge at naging dambuhalang kwago. Dinagit niya si Seiffer at inihagis sa likod. Dahil may dark attribute si Knowledge at immune siya sa dark magic, hindi magiging mapanganib ang dark aurang lumalabas sa katawan ni Seiffer.

"Umalis na tayo rito!!!" sigaw ni Knowledge.

Umakyat silang lahat sa likod ni Seiffy habang binibigyan sila ng proteksyon ni Azurine. Humakbang si Soke patungo sa kanila upang pigilan silang tumakas ngunit…

"Hayaan mo na, Soke!" pigil ni Hellsing sa kanyang right hand man.

Nakita ni Azurine ang pagkakataon at tumakbo siya patungo sa kanila. Mabilis na lumipad si Seiffy palayo. Ramdam ni Azurine na pinalaya lamang sila ni Hellsing. Nakatitig ang Dark Lord sa mga mata ng prinsesang sirena. Ngumiti pa si Hellsing na tila nagsasabing hindi pa ito ang katapusan.

Nanginig ang kalamnan ni Azurine sa mga titig na iyon. Batid niyang hindi pa sila tunay na ligtas. Sa ngayon ang tanging magagawa nila ay lumayo at iligtas ang kanilang mga buhay.

Isang mahigpit at mainit na yakap ang nagkumot sa katawan ni Azurine.

"Azurine, alalang-alala ako sa 'yo!" wika ni Eldrich. May pag-aalala sa tinig nito na may halong pananabik.

"Prinsipe Eldrich, ayos na ako. huwag ka nang mag-alala!" Hinawakan ni Azurine si Eldrich sa magkabilang pisngi upang bigyan ng kasigurahan na maayos na siya.

Nagkatitigan ang dalawa't niyakap siyang muli ni Eldrich sa kanyang bisig. May kung anong pakiramdam si Azurine, naguguluhan siya ngayon. Lalo pa nang marinig nila ang naghihirap na pag-ungol ni Seiffer habang sakay sa likod ni Knowledge.

"Ginoo!" nag-aalalang tawag ni Azurine.

"W-Wala ba tayong magagawa para sa kanya?" tanong ni Octavio. May pag-aalala pa rin sa binata kahit may galit siya rito.

Tumayo si Van Gogh at pinalapit si Knowledge. Lumipat siya sa likod ng kwago upang tingnan ang lagay ni Seiffer.

"Mister, huwag mo siyang hahawakan. Delikado ang dark aurang pumapalibot sa katawan niya ngayon. Pati ikaw mahahawa sa poison at maaaring kainin din ang laman at kaluluwa mo," babala ni Knowledge.

"Uhmm…" Napakamot si Van Gogh. "Dito lang ako sa likod babantayan siya."

Tumango at pumayag si Knowledge basta't huwag lang niyang hahawakan si Seiffer. Kitang-kita nila ang paghihirap ng binata. Nakahawak sa leeg at na parang may nakabara rito. Nanlalaki ang mga mata at waring nababaliw sa maya't mayang pagpa-ikot-ikot ng katawan.

"Dalhin natin siya kay Meister Hellena, baka matulungan niya si Seiffer," atubiling suhestiyon ni Eldrich.

"Oo! Tama kay Meister Hellena nga. Hindi ba't kilala siya at malakas na witch ng Oero?" pagsang-ayon ni Azurine kay Eldrich.

Tumango si Eldrich. Sumang-ayon din ang lahat. Ngayon ay pabalik na sila sa isla ng Luxerto upang daanan si Zyda. Sa pamamagitan ng barko babalik sila sa kontinente ng Sallaria patungo sa kaharian ng Oero.

Kailangan ding magpahinga ni Knowledge at Seiffy kaya mas mainam na nasa barko sila. Nang makarating sa barko hindi na sila nagpatumpik-tumpik pa't naglayag na kaagad. Ipinaliwanag nila ang sitwasyon at buong kaganapan kay Zyda. Habang si Seiffer ay matiyagang binabantayan ni Azurine. Naluluha siya habang inaalala ang kalagayan ng binatang iniligtas niya noon. Marami pa siyang gustong sabihin, itanong kay Seiffer. Kailangan niyang manalig na magiging maayos din ang kalagayan niya.

Nächstes Kapitel