webnovel

Chapter Twenty Eight

Gael looked at the woman sleeping beside him. Mahimbing itong natutulog, for the first time in a few days since they were married ay nakita niya itong ganitong payapa katabi niya. She was facing his side of the bed, hindi nito namalayang napalapit na ito sa kanya sa pagkakatulog, ang mga unan na iniharang nito sa pagitan nila ay natanggal na. Napangiti siya, she was acting childish, na tila ba mapo-protektahan ito ng mga unan sa pagitan nila kung nanaising niyang gawan ito ng 'masama'.

Matapos ang nangyari sa pagitan nila sa unang gabi ng kanilang kasal ay hindi na sila nagkaroon ng intimate moment. It's not like he doesn't want it, because lord knows how he's suffering going to the same bed as her every night and not be able to touch her. But he wanted to stay true to his word - na wala siyang gagawin until she lets him.

The past few nights had been torture for him, for crying out loud! he had waited 6 long years for the perfect opportunity to meet her again and now that she is within arm's reach, ni hindi niya ito mahawakan, o mahagkan... just thinking about how he'll make love to her when the right time comes make him ache!

Ang pagkaka acquire niya ng mga ari-arian ng mga Saavedra was just a part of the plan. He despises the clan, matapos ang mga ginawa ng matandang Saavedra sa kanya. At ang buong akala niya, poot at galit din ang mamamayani sa kanyang damdamin towards Louise, who never gave him even the slightest chance to explain, who turned her back on him and their promise the moment things went south, pero sa halip, ang damdaming pilit niyang sinasakal sa loob ng mahabang taon ang naghari sa kanyang pagkatao ng muli itong makita. Yes, marrying her was a part of his revenge plot against Enrique, para ipamukha dito na nakuha pa rin niya ang pinaka iingatang anak nito. He can't wait to see the shock on the old fool's face kapag nalaman nito ang katotohanan - that he is AG group and that he is the man Louise married.

He very gently tucked away some hair that fell on her face. Marahan niyang pinaraanan ng likod ng kamay ang pisngi nito. Bahagya itong gumalaw at pumihit. Napalunok si Gael, isa sa mga butones ng pang itaas nitong katerno ng pajama ay humulagpos sa butones, exposing part of her chest. He knows he should look away pero tila mas malakas ang hatak ng mapanuksong niyang mata sa bahaging iyon. Tila naramdaman ng babae ang kanyang tingin dahil maya maya ay nagmulat ito ng mata.

"G-Gael!" Garalgal pa ang tinig nito. Daglian itong napatingin sa direksyong kinapapakuan ng kanyang paningin. She immediately grabbed the blanket all the way up to her neck to cover herself "bastos!"

He gave out a laugh at muling nahiga, facing her, inunan niya ang kaliwang braso "there's nothing to be ashamed of, sweetheart. I will see that eventually anyway" nanunuksong sabi niya. Lalong lumaki ang mata nito sa kanyang sinabi.

"Siguro kung anong ginawa mo sa akin hano?!"

Lalong tumawa si Gael, nag echo ang halakhak niya sa malaki nilang kwarto "kung may ginawa ako sayo, it's impossible na hindi mo maramdaman, love" hinagod niya ito ng tingin "at isa pa, hindi ako makapapayag na hindi mo maramdaman because I am going to show you how good it is to make love"

Binato nito ng unan ang kanyang mukha "bastos ka talaga!" Gigil na sabi nito at nagmamadaling bumangon at naglock sa banyo. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ito na nakapagpalit na ng damit at mukhang nakapag hilamos na rin.

"Are you not having breakfast?" Tanong nito na kinuha ang cellphone mula sa night side table nito. He lazily stretched out his arms above his head "let's go together, my dear wife" he started getting up from bed.

"Mauuna na ako, sumunod ka na lang" mataray na sagot nito.

"Hep- hep, not so fast" mabilis na habol niya rito at pinigilan ito sa kamay. She turned around to face him at nakita niya ang paghagod nito ng tingin sa kanyang kabuuan. Her gaze lingered on his chest, pababa and she blushed a little bit ng mapatingin sa bahaging iyon ng kanyang katawan. He sleeps half naked, no, actually he usually sleeps in his birthday suit kaya nga lamang ay alam niyang baka himatayin sa gulat si Louise kapag nalaman iyon so he forced himself to wear pajama bottoms simula ng maikasal sila.  Sinundan niya ng tingin ang bahagi ng katawan niyang nagpa blush dito and caused her to abruptly look away. He chuckled. It is natural for a man to be like that kapag umaga, but he can't blame her dahil alam niyang hindi ito sanay makakita ng isang lalaki right out of bed.

"M-magbihis ka na sa...sa banyo" anitong hindi siya tinitignan

"Bakit?" Hinila niya itong palapit sa kanya "am I making you feel uncomfortable?" Tumaas ang sulok ng kanyang labi into a smile. He is enjoying making her blush even more.

"Just... just change ok?!"

"I will. But only if you promise to wait for me"

Narining niya ang pagbuga nito ng hininga "ok! Fine!"

He let go of her hand at dumeretso sa banyo upang magpalit "kapag bumaba ka ng wala ako, sweetheart, you will see more of this" tudyo niya

"I hate you!" Nanggigigil na sagot nito

Naupo si Louise sa gilid ng kama pagkapasok ni Gael sa banyo. That wicked bastard! How can he stand in front of her like that?! Diyos ko! She will look like a pervert glancing at that! Eto naman kasing matang ito, bakit ka ba napatingin doon?! Mahina niyang tinampal ang sariling ulo. She placed her hand in front of her chest. So early in the morning and yet her heartbeat feels like she has joined track and field! The bastard is as handsome as the devil at kahit pa kagigising ay hindi nabawasan ang kagwapuhan nito.

Naramdaman niya ang muling pag iinit ng pisngi ng maisip ang matipunong katawan nito. He was shirtless at nakatambad kay Louise ang malapad na dibdib nito, at 6-pack abs na kahit yata tiyan ni Brad Pitt ay mahihiya. And then, there was... that... it just looks... ipinilig niya ang ulo ano ba ang pinag iisip mo, Louise?!

After a few minutes ay lumabas ito mula sa banyo, nakaligo na ito at nakapag palit ng damit.

"I was kinda hoping you left without me" he said habang pinupunasan ng tuwalya ang basang buhok

Inirapan niya ito "you told me to wait"

"Yeah, pero akala ko matigas ang ulo ni Louise Saavedra" he chuckled "I thought I could show you more tonight, love" tukso nito

"You wish!" Nagdadabog siyang lumabas ng silid.

Hapon, tinawag siya ni tiyang Amelia sa living room upang saluhan itong magkape. Si Gael ay nagtungo sa Maynila para sa isang meeting, doon na raw ito magpapalipas ng gabi. Bukas ay Sabado at nakatakda siyang umuwi sa Sta. Martha, kagaya ng napagkasunduan na nila. Si Patty ay sumabay kay Gael pa- Maynila. Hindi niya tuloy maiwasan ang mag-isip na baka magkasama ang dalawang magpalipas ng gabi? Isang kirot ang gumuhit sa kanyang dibdib.

"Thanks for joining me hija" nakangiting sabi ng matandand babae, humigop ito ng kape

"Walang ano man ho" she answered smiling back "mabuti nga ho at inanyayahan niyo ako"

"Naiinip ka na ba dito sa San Nicolas? Bakit hindi ka magtungo sa dagat?"

"Bukas ho ng umaga balak kong magpunta doon para makita ang sunrise"

Isang tango ang naging tugon nito "kumusta kayo ng pamangkin ko?"

Louise cleared her throat. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon "ma...maayos naman ho"

"Mabuti naman... sana ay hindi na masaktan pang muli ang pamangkin ko hija" bumuntong hininga ito "matindi rin ang pinagdaanan ng batang iyan"

Nabitin sa ere ang tasang hawak ni Louise. Ilang ulit na niyang narining ang statement na ito, first from Patty, and now from tita Amelia. Ano ba talaga ang ibig nilang sabihin? Si Gael ang nanloko, he was the one who betrayed her, the one who took advantage of her naivety.

"Tita...hindi ko ho alam kung natatandaan niyo pa ako, but 6 years ago... Gael and I were -"

"Alam ko hija at kilala kita. Hindi ko nakalimutan ang pangalang Saavedra ni minsan"

"Kung ganoon ho, alam niyo ang nangyari sa pagitan namin ni Gael, anim na taon na ang nakakaraan..."

"Hindi ko alam hija kung ang alam ko at alam mo ay parehas" malungkot itong ngumiti "pero hindi na mahalaga ang nakaraan hija" ginagap nito ang mga kamay niya at pinisil "ang mahalaga ay muli ninyong nakita ang isa't isa at naipagpatuloy ang pagmamahalan ninyo"

Pagmamahalan ninyo. Louise wanted to cry upon hearing those words. Kung ganoon lang sana kasimple na madugtungan ang naunsyami nilang nakaraan. Kung ganoon lang sana kadali ang magpatawad...

"Pero tita... gusto ko pa rin pong malaman... bakit po pati si Patty ay ganyan ang sinasabi sa akin?" Banayad siyang umiling, kasabay ng pag iinit ng kanyang mga mata "Gael broke our promise 6 years ago... kaya hindi ko ho maintindihan ang sinasabi ng lahat?"

Muling bumuntong hininga ang matanda "kung may gusto kang malaman hija, makabubuting asawa mo ang kausapin mo, para malinawan ka"

"Pero..."

"Wala ako sa posisyon para ipaliwanag sayo ang lahat, Louise. Si Gael lamang ang may karapatan niyon. Sana ay maunawaan mo"

Marahang tumango si Louise. Hindi na niya pipilitin ang matanda para sa mga sagot. Siguro kapag nagkaroon na siya ng lakas ng loob ay kaukausapin niya si Gael. She feels so wronged na parang siya pa ngayon ang lumalabas na may kasalanan? Hindi niya alam kung anong kasinungalingan ang hinabi ni Gael at ipinaalam sa mga taong nakapaligid dito.

"Oo nga pala hija. Gusto kong ipakita ang mga ito sa iyo" pinilit pasayahin ng babae ang tinig. Dinampot nito ang ilang mga album na noon lamang napansin ni Louise na nakapatong sa lamesitang katabi ng kinauupuan nito. Lumipat ang babae sa kanyang tabi upang ipakita sa kanya ang mga laman niyon.

"Tignan mo, eto si Gael noong anim na taon pa lamang siya. Ang cute hano?" May pagmamalaki sa tinig nito.

In fairness, kahit noong bata pa ito ay hindi maipagkakailang magandang lalaki ito.

"Oo nga po" she replied, scanning the pictures in front of her. Karaniwan ay larawan ng pamilya at ni Gael throughout the years. Mayroong mga larawan noong paslit pa lamang ito, ganoon din noong teenager. Ipinakita rin sa kanya ang larawan ng mga magulang dito.

"Kamukha po pala ni Gael ang mama niya" she commented. She couldn't help but smile looking at these pictures, at aminin man niya o hindi ay nag eenjoy siyang makita ang mga larawan.

"Ay oo hija. Alam mo ang mama niya ang isa sa pinaka maganda sa Sta. Martha noong araw. Halos lahat ng kalalakihan noon ay nagkakamatay diyan sa kapatid ko"

"Kita naman po. Ang ganda po niya"

She flipped the pages and saw that particular picture na dati ay nakita niyang naka display sa silid ni Gael. A picture of him and his ex-girlfriend who migrated to the States. A candid shot where both of them were still young, huge smiles were painted on their lips. Louise froze ng mamukhaan ang babae sa larawang iyon...

Si Patty Estevez.

Nächstes Kapitel