webnovel

Kikik: Aswang nang Siquijor

Ito po ay hango sa tunay na kwento na nangyari dito mismo sa Negros Oriental. Nakausap ko mismo ang isa sa mga karakter na nasa kwento. Ang pangalan nila ay sadya kong pinalitan para sa kanilang proteksyon. Pwede kayong magtanong-tanong sa mga kakilala nyo na taga Negros Oriental tungkol sa pangyayaring ito sapagkat naiulat ito sa radyo noon. Tandang-tanda ko pa, ako'y 2nd year high school nung nang yari ito.

"Handa na ba kayo mga anak? Jetro alalayan mo yang kapatid mo ha, unang beses nyang tumawid nang dagat baka mahulog yan." Bilin ni Tatay kay Kuya Jetro.

Kami ay mga Kikik, isang uri nang aswang na galing sa siquijor. Ang pangalang Kaskas ay hango sa tunog nang aming pakpak kapag itoy pumapagaspas. Ngunit hindi kami kumakain nang tao, sanay kaming kumain nang manok, baboy at baka.

Mula Lazi, Siquijor pupunta kami sa Capiz para dumalo nang isang pagtitipon nang mga kalahi namin. 9:30pm nang kami ay lumipad, dapat sana'y sa mataas na bahagi nang himpapawid kami dadaan ngunit masyadong malakas ang hangin.

"Babaan natin ang lipad, delicado sa taas." Utos ni ama.

Sa mga oras na iyon wala pa naman kaming nakikitang problema, maayos naman ang lipad Cleo kahit unang beses nitong tumawid sa dagat, nandoon naman si Kuya Jetro nakabantay sa kanya. Napakasaya talagang lumipad, malayang-malaya ang pakiramdam mo, parang lahat kayang mong gawin kapag nakakalipad ka.

Ilang sandali pa'y nakita na namin ang mga ilaw sa Rizal Boulevard sa Dumaguete, napakagandang tingnan nang mga kumikislap na mga ilaw nag nagbibigay liwanag sa lugar. Maraming tao ang nakatambay sa lugar na iyon kaya inutos ni tatay na bahagyang taasan ang aming lipad para hindi kami makita nang mga tao. Agad naman naming sinunod ito at tinaasan ang aming lipad, ngunit hindi namin alam na may nakakita pala sa amin.

Pagdaan namin sa lungsod nang Sibulan kinutuban nang masama si itay, parang nahihilo ito kaya pinilit ko syang magpahinga muna ngunit dahil nagmamadali kami sa byahe hindi nya ako pinansin. Laking gulat nalang namin nang biglang nahulog si Kuya Jetro.

"Tay, nanghihina ako, bumibigat ang mga pakpak ko! tulong!" Sigaw ni Kuya Jetro.

Agad na hinabol ni tatay si kuya na noon ay bumubulusok na pababa, inabot ni kuya ang kanyang kamay at nahawakan naman ito ni itay.

"May nag "yamyam sa iyo Jetro! Nanghihina rin ako pag nahahawakan kita". Bakas ang takot sa mukha ni ama.

Inutusan ako ni papa na lumipad sa itaas para hindi kami madamay ni Cleo sa "yamyam". Agad naman kaming sumunod. Mula sa itaas kitang-kita ko kung paano pilit na hinihila ni tatay si kuya Jetro paitaas ngunit hindi nya ito kaya pagkat nanghihina siya tuwing hinahawakan si kuya.

Masyado nang mababa ang lipad nina tatay at kuya hanggang sa nakita ko nalang na nakasabit na si kuya sa kawayan habang si tatay naman ay lumipad papunta sa amin na luhaan.

"Bilisan nyo mga anak, kailangan nating makarating sa Capiz para humingi nang tulong." Sigaw ni ama.

Mas binilisan pa namin ang paglipad hanggang sa makarating kami nang Capiz bandang 12:30 nang madaling araw. Pinaliwanag ni ama ang nangyari kay kuya at agad namang sumama ang ibang miembro ng lahi namin. 3:17 nang madaling araw na nang dumating sila ama, naglakad nalang sila nung malapit na sila sa lugar kung saan naroroon si kuya para hindi magkagulo lalo ang mga tao. Nakita nilang pinagbabato nang mga tao si kuya habang nakabitin sa kawayan. Napasigaw si ama sa sobrang galit na ikinagulat naman nang mga nambabato kay kuya. Yung ibang sumama ay naghanap sa mga kabahayan kung san doon ang bahay nang taong nag yamyam para bumagsak si kuya.

Naibaba na nila tatay si kuya mula sa kawayan nang marinig ko ang mga lalaking tila nag-aaway. Nahanap na nang mga kalahi ko ang bahay nang nag yamyam at sinita ito.

"Bakit mo naman kami ginanun manong? Eh dumadaan lang naman kami at hindi kami namemerwisyo sa inyo." Si itay na nagpipigil nang galit.

"Pasensya na, sinubukan ko lang kung talagang tatalab ang yamyam na mga gaya nyo. Hindi ko intensyon na masaktan ang anak mo." Sagot nito.

Hindi nagustuhan nang ibang kalahi namin ang sagot nang lalake, Sinuntok ni itay ang pader nang bahay nya at pagkatapos ay kwinelyohan siya.

"Subukan mong ulitin yan at alam mo na ang mangyayari sayo." Banta ni itay sa lalake.

Akala ko'y papatayin ni itay ang tampalasang lalake ngunit mas pinili ni itay ang magpatawad. Pero hindi ako katulad ni itay, papatay ako pag may umagrabyado sa pamilya ko. Kaya naman pinuntahan ko mag isa ang lalaki habang ito'y natutulog. Habang hawak-hawak ko sa kamay ang isang malaking bato ay tinawag ko ang kanyang atensyon para magising, at nang magising nga ito'y hinampas ko ang bato sa ulo nya at napisa ang bungo nito. Nagkalat ang utak at bumaha nang dugo sa kanyang kwarto. Ayon sa imbestigasyon nang pulis ukol sa pagkamatay nang lalaki ay namatay ito sa tama nang bato ulo nya, ang naiisip nilang dahilan ay dahil sa utang, marami raw kasing pinagkakautangan ang lalaking yon.

Malaya parin ako hanggang ngayon, at minsan hinahanap ko pa rin ang pakiramdam nang may napapatay na tao.

--wakas--

Nächstes Kapitel