webnovel

Si Tekla at Mahiwagang Latik

Andere
Laufend · 9K Ansichten
  • 1 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • N/A
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

Chapter 1Si Tekla At Mahiwagang Latik

Hapon na ng matapos sa pagsasaka si Tukne. Hapong hapo sya at nagugutom na kung kaya't sya ay ngpahinga muna at mga kasama nya.

Tukne: Tara na mga kasama! Silong muna tayo at mgpahinga mahaba haba naman itong nasasaka natin.

Gorio: oo nga tara.

Kasama1: ok cge tara na at nagugutom na rin ako..

habang sila'y nagpapahinga pagkatapos kumain, biglang dumaan naman ang tinderang si Bebang.laking tuwa ni tukne ng makita si bebang, lingid sa pagkakaalam ni bebang may lihim na pagtingin sya rito.

Bebang: Kalamay! Kalamay kayo dyan.o mga kuya! Panghimagas oh.. kalamay na malagkit.

Gorio. Oh Tukne kalamay daw oh.Naninigas ka na naman dyan. Para kng nakakita ng multo.

Sabay tawanan ng mga kasamahan ni tukne.kinakantyawan siya na manlibre nman.

Gorio. Bibilhin daw lahat ni tukne yan bebang.di ba Tukne?

Tukne. Ha?

Gorio:'Di ba sabi mo kukunin mo ng lahat yan para di na mapagod si bebang?'. Sabay siko kay Tukne.

Tukne: "ah! oo. Cge' .na parang napipilitan lang

Bebang: Ay Salamat sayo Tukne ha? Dahil sayo na di na ko mapapalayo.

Tukne: ah eh!ok lng yun Bebanag'. Sabay kamot sa ulo.

Habang inaabot ni Bebang ang mga kalamay kay Tukne. Matamang nakatitig sa mga mata ni Bebang.At sa pag-abot ng mga kalamay di naiwasang napahawak ang kamay nya sa kamay ni Bebang.di mawari ni Tukne kung bakit di nya maalis alia ang kamay nya.At biglang ngkantyawan ang mga kasamahan ni tukne..

Gorio: Tukne. Kalamay daw yung abutin mo. Di yung kamay hahaha!.

Doon lamang nagkamalay si tukne.

Tuken:Ay Pasensya na Bebang!

Bebang: 'Ok lng yun Tukne'! Sabay ngiti ng matamis. 'ah cge mauna na ko sa inyo ha?

Tukne: ah ok sige! Ingat na lang.' at bigla na lamang bumulong si gorio

Gorio:Pare! Ano ka ba? Pagkakataon mo na yan para mgpaalam sa knya?

Tukne:Magpaalam?di naman ako aalis ah?

Gorio: Sira, magpaalam para bumisita sa bahay nila.

Tukne: ah ganon ba? Ay Pare nahihiya ako eh.

Gorio: Sira torpe talaga nito! Ako'ng mgsasabi sige. Ah Bebang nga pla may ibig sabihin itong si Tukne sayo.

Sabay harap ulit ni Bebang.

Bebang:ano yun Tukne?'

Tukne: ah eh, kasi! Ano! Kuwan! Ah.ano nga ba yun.

Gorio: hay nku. Kasi bebang kung maari daw bang pumanhik ng ligaw si Tukne sayo mamayang gabi.

Bebang: ah yun lang ba? Ok sige.agahan nyo nalang ang pagpunta ha? Maaga kasing natutulog sina tatang at nanay.''

Gorio: ah ok cge. Oh Tukne narinig mo? Agahan mo daw!hahaha

Bebang:o sya! Ako'y lilisan na ha? Mauna nako sa inyo.. sabay talikod at napangiti. Ang lingid sa kaalaman ni Tukne siya ang lalaking gusto ni Bebang.

At nang gabi ding yun. Napagpasyahan na ni tukne na ipagtapat talaga kung ano ang nararamdaman nya para kay Bebang.

Tukne: ''Sana hindi mauwi sa wala ang Lahat''. Sabay lakad papunta kina Bebang.

At habang si Bebang ay nghihintay di nya mawari kung ano ang nararamdaman nya ngayon.Alam nya sa sarili nya na mahal na niya si Tukne, At ngayong gabi ring ito ay ipagkakaloob na nya ang matamis nyang oo.bigalng dating nman ni Tukne.

Tukne: tao po! Magandang gabi poh!' Sabay tingala sa may bintana ni Bebang

Sabay labas naman ni Ka Isko ang Tatay ni Bebang

Tukne: Mang Isko magandang gabi po! Ako po'y napadaan at gusto po sanang bisitahin si Bebang kung inyo pong mamarapatin.

KaIsko: Ah ganun ba Tukne? Walang Problema iho basta ikaw.dine pasok ka' sabay pasok ng pinto.

Tukne: maraming salamat ho mang Isko.nga pla eto po pang himagas nyo ahehe.'' sabay abot sa bote ng lambanog.

KaIsko: yan na nga ba sinasabi ko eh' di ka nakakalimot eh. Kaya nga ba gustong gusto kitang maging manugang eh..hala pasok ka dine at tatawagin ko na si Bebang,

Tukne: Slamat ho Tay!

KaIsko: ano kamo?!'

Tukne: ah wala ho. Sabi ko Salamat ho,

KaIsko: ah kala ko sabi mo Tay!o sya umupo ka muna dyan!at tatawagun ko lang si bebang

habang nakaupo si Tukne di nya mawari kung ano na ang magiging desisyon ni Bebang sa knya. At biglang lumabas na si Bebang sa Sala at umupo sa tabi ni Tukne;

Bebang: Magandang gabi Tukne!'

Tukne: Mas maganda ka pa sa gabi bebang!'' Sabay ngiti sa knya

Bebang: Ikaw talaga palabiro ka. Habang nangingiti ito dahil sa biro ni Tukne.

At biglang tumahimik ang dalawa, hinihintay kung sino ang unang magsasalita.magsasalita na sana si Tukne ngunit bigla silang nagsabay sa pagbuka ng bibig.

Tukne:ah sige Bebang Mauna ka na may sasabihin ka ba.

Bebang: ah ikw muna sige ok lang.

Tukne: Uhmm bebang alam mo naman siguro kung gaano na kita katagal nililigawan.'' sabay hingang malalim.''gusto mo sanang malaman kung ano na ang lagay ko sayo Bebang?

habanag nakatingin si bebang napagisip isp na rin nya ang mga sinabi ni Tukne na matagal na rin syang nanliligaw dito.

Bebang: Tukne alam kong matagal ka ng nagaalay ng pag-ibig mo kung kaya't napagdesisyunan ko ng.." biglang napatigil si Bebang matamang tiningnan sa mata si Tukne kung ano ang reaksyon nito.

Tukne: ano Bebang ano na napagdesisyunan mo?

Bebang: Tukne nais ko sanang malaman kung gaano mo ako kamahal?

Tukne: Bebang alam mong sa simulat simula ng pagkikita natin ay minahal na kita.Ikaw lang ang minahal ko ng ganito.wala akong ibang hanagrin kundi ang ibigin ka at mahalin ka, buong buhay ko ay inaaalay ko sayo.'' sambit ni Tukne.

Bebang: Puwes kong ganon Tukne. Nais ko sanang malaman mo na sa simulat simula din ay wala akong ibang hinangad kungdi ang mahalin mo ko.Pagkat.." sabay hawak sa kamay ni Tukne.." Ikaw pa lang ang unang lalaking Minahal ko. OO! Tukne mahal kita! Ata sinasagot ko na ang pag-ibig mo.naway wag mo akong paiiyakin. Pagkat di kakayanin ng puso ko kung mawawala ka sa piling ko. Mahal na mahal kita Tukne!

Di malaman ni Tukne kung anong ligaya ang nararamadaman nya ng mga oras na yun. Hindi na tumanggi si Bebang ng yakapin at halikan sya nito.

Tukne: OH Bebang ko di mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon.ipinangangako kong di ka mgsisisi sa sa akin. Mahal na mahal Kita.!

Dumating din ang araw na pinakahihintay ni Tukne, walang araw na di sila magkasama ni Bebang at hinde naglaon ay Kinasal na sila sa simbahan. Hanggang dumating ang araw na mabuntis na si Bebang. Habang nagbubuntis si Bebang napaglihian nya ang pagkain ng LATIK ng Kalamay kung saan pinapapak nya ito at ginagawang miryenda.

Dumating ang araw na manganganak na si Bebang.Nagsisisigaw ito sa sakit habang tinatawag si Tukne. Eksakto namang kakauwi lang ni Tukne sa bukid ng abutin nya si Bebang sa Kubo at dumadaing sa sakit.Nagtatakbo ito at binuhat si Bebang papunta kina KATERYANG HILOT.

Hindi mapalagay si Tukne Magkahalong Takot at tuwa ang nararamdaman nya, Tuwa dahil sa wakas ay magiging Ama na rin siya, takot dahil lubhang nahihirapan si Bebang sa panganganak.

Ka Teryang hilot: Sige pa Bebang iere moh malapit na siya nakalabas na ang ulo. Ire pa.

Bebang: ahhhh Tukne wlanghiya ka ang sakit.ano iton ginawa mo saken ahhhhhh.

Ka Teryang hilot:Ayan na ere mo pa Bebang. Malapit na sya..

Bebang: ahhhhh ahhhhhh

At lumabas na ang ating bida este ang bata pla.ng paglabas ng bata laking gulat na lamang ng manghihilot kung bakit ganon ang hitsura ng bata. May kagandahan ang bata ngunit itoy tadtad ng nunal sa mukha at ang isa ay sa ilong na ang laki laki na animoy parang Latik sa kalamay ang hitsura. Laking Gulat na lamang ni Ka Teryang hilot kung bakit ang nunal na nasa ilong nya ay umiilaw. Nagliliwanag ito at ang sakit sakit sa mata at bigla na lang nawala ng dumating si Tukne.Laking gulat na lamang ni tukne kung bakit ganoon ang hitsura ng kanyang anak.

Tukne: Ka Teryang hilot bakit ganito ho ang hitsura ng anak ko?

Ka Teryang hilot:Tukne iho may naalala ka bang napaglihian ni Bebang nung sya ay ngbubuntis pa?

Tukne:ah? Meron po Ka Teryang hilot nakikita ko sya na lagi syangb kumakain ng LATIK ng Kalamay''

Ka Teryang hilot: malamang dun nya ito napaglihian." at biglang nanahimik si Ka Teryang hilot di nya binanggit kay tukne ang nasaksihan.

Habang tumatagal ay natatanggapa na ng magasawa kung bakit ganoon ang hitsura ng kanilang anak.basta ang alam nila ay hulog sya ng langit.Kahit ganoon ang hitsura ni Bebang ay mahal na mahal sya ng kanyang mga magulang. May kagandahan pa rin syang taglay kahit puro nunal ang mukha nito at malaking bilog na nunal sa ilong nya.ngunit ganoon pa man naging tampuhan sya ng mga tukso ng mga kaklase nya at mga kalaro. Isang araw habang papauwi siya ay napagdiskatihan sya ng kanyang mga kamag aral at ang pinuno ay si Lukring. Habang nglalakad si TEKLA AY binato sya ng Kamatis at tumama sa ilong nito napisak ang kamatis sa ilong nya. Nagtawanan ang mga kaklase nya at sya ay umiiyak.tatakbo sana sya ngunit hinarang sya ni LUKRING.

LUKRING: at saan ka pupunta ka TEKLA?

TEKLA: LUKRING Maawa ka sa akin. Hindi ako lalaban sayo? Parang awa mo na padaanin mo ko.

LUKRING:eh kung ayaw ko ano gagawin moh?

Walang nagawa si TEKLA kundi ang umiwas dito at ng pagiwas nya ay itinulak sya ni LUKRING. Eksakto namang sa pagtulak nya ay dumapo sya TAE ng Kalabaw at tumama sa mukha nito. Nagtawanan ang lahat ng nakakkita sa kanya.At si di Kalayuan ay may Sumigaw " Itigil nyo yan". Si Jepoy. Ang uniko hijo ni Don Mayor at nagiisang tagapagmana ng lahat lahat ng kayamanan nito.

Jepoy: Sino ang may kagagawan nito? Maang na tanong nya!

Walang sumasagot kung sino ang may kagagawan.\

Jepoy: Ikaw na nman ang may kagagawan nito noh LUKRING?

LUKRING: Eh ano ngayon kung ako ang may kagagawan ha?"

Hindi nakatiis si jepoy at itinulak nya ito naduwal si LUKRING at sya namang dating ng mga kaibigang lalaki nito. Pinagtulungan sya ng mga ito ng makita ni TEKLA na nahihirapan ito tinulungan niya ito. Pinaghahampas ni TEKLA ang mga ito ng Bag nya ngunit di pa rin sila umaayaw sa kakasipa kay Jepoy. At may biglang may tumulong sa kanilang dalawa? Si KULASA AT Si BERTO ang mga magiging kaibigan ni TEKLA. Tinulungan nila ang dalawa at sya namang dating ng mga guro.naawat din silang lahat.Kahit puro TAE ang Mukha nito ay pinunasan pa rin nya ang mukha ni TEKLA.sa mumunting puso ni TEKLA may nararamdaman na ang munting puso nito.

Naging Mabuting magkakaibigan sina TEKLA at JEPOY pati na rin sina KULASA at BERTO.Dumating ang punto na nasa pang apat na sila sa High School at magkakaklase sila.Malapit na silang magtapos. Habang nagpipiknik sila sa sapa ay kanilang napgusapan kung saang eskuwelahan sila papasok.

KULASA: oy BERTO nga pala saan ka papasok Sa Kolehiyo.?

BERTO: Kung saan ka KULASA doon din ako. Alam mo namang love na love kita eh." sabay kurut sa pisngi nito. Natatawa man si KULASA ay batok ang ibinigay nito sa kanya.

KULASA: pak! Puro ka kalokohan.

BERTO: aray ko.! Totoo nman yun ah.mahal naman kita ah..

KULASA: Tsee! O kayong dalawa saan kayo papasok?

JEPOY: di ko alam eh baka sa maynila ako dalhin ni PAPA.'

Biglang nanahimik ang lahat na wari'y biglang nalungkot.

JEPOY: Ikaw TEKLA? Saan ka ba papasok?

TEKLA: hindi ko alam eh. Wala nman kasi kming Pera pambayad ng kolehiyo ko. Alam nyo nman kun anong buhay meron ako. Sabay punas sa ilong sa nangingintab na Nunal nya.

Lingid sa kaalaman ng lahat may masamang pangyayari na di inaasahan. Si DON MAYOR ang malupit na haciendero sa kanilang lugar. Gagawin ang lahat makamkam lamang ang lahat ng lupain sa kanilang lugar.

DON MAYOR: Ano mga bata? Hindi pa ba Pumapayag si KA TUKNE na ibenta ang kanyang lupain?

Alagad1: Don Mayor: Kahit anong pilit namin mukhang di papayag yang si KA TUKNE.

Alagad2: OO nga Boss! At ang sabi nya ay ipaglalaban ya ito ng patayan kahit anong mangyari eh di raw nya ito ibebenta kahit kanino. Kahit sa inyo.

DON MAYOR: ah ganon?o cge ako na ang pupunta sa kanila.ito na ang huling pagkakataon na aalukin ko sya..kung hindi pa rin papayag hehehe alam nyo na kung ano ang mangyayari. Ihanda ang mga sasakyan.

Sa Bahay nina TEKLA ay maya magandang balita ang kanyang Ama.Nakaipon kasi ang kanyang ama sa pagsasaka para sa pagaaral ni TEKLA sa maynila. Habang kumakain sila ay nabanggit na nya ito. Laking tuwa ni TEKLA ng Malaman nya ito.tuwang tuwa sya dahil makakapunta sya ng maynila at makakapagaral at para na rin kay JEPOY.Ganun na lamang ang pagkabigla nila ng dumating sa tapat ng bahay nila ang isang magarang sasakyan.lumabas si KA Tukne upang tingnan kung sino ang dumating.

Ka Tukne: O Don Mayor kayo pla? Napasyalho kayo.?

Don Mayor: Ka Tukne ako di na magpapaligoy ligoy pa. Alam mo nman cguro kung ano ang aking pakay dito. Huling alok ko sayo 3 Milyong piso para sa lupain mo.

Ka Tukne: Don Mayor ipagpaumanhin po ninyo ngunit ito'y di ko pinagbebenta.ito'y aking namana pa sa aking mga ninuno.kaya kayo'y makakaalis na.

Don Mayor: isang pagkakataon pa ka Tukne. Pagisipan nyong mabuti ang aking alok. Payag ka o hinde?

KA Tukne: ipagpaumanhin mo Don Mayor. Ngunit ito'y di ko ipagbebenta.

Don MAYOR: ganun ba KA Tukne? Pasensyahan na lamang tayo.tara na mga bata!

At silay umalis na habang nasa sasakyan sila isang plano ang kanilang gagawin mamayang gabi.

Gabi. Habang kumakain sila ay naitanong ni TEKLA sa kanyang ama kung ano ang Pakay ng Ama ni JEPOY sa kanya.

TEKLA: ama ano po ang ginagawa ni Don Mayor dito kanina?

KA TUKNE: hay nku anak ayun.pinipilit na nman akong ibenta sa kanyan itong lupain natin. Alam mo nmang mahal na mahal ko ang lupain na ito at namana ko pa ito sa mga lolo't lola mo.

Ka Bebang:oo nga nman anak. At mahal na mahal namin ang lugar na ito anak. At gusto nmin itong ipamana sayo ito, alm mo nman na wala kming mga kamag anak dito at nagiisa ka lamang sa buhay namin.

TEKLA: di ko naman po kailangan yan inay" bulung nito;

Ka Bebang: Ano kamo?

TEKLA: ah wala po inay. Kain na po tayo!'' di ko naman po kailngan yan dahil mayaman ang mapapangasawa ko. Bulong nito sa sarili.

Nang biglag may kumatok sa pintuan. Tok!tok!tok!

Ka Tukne: Sino yan?! Gabing gabi na eh.

Ng buksan ni katukne ang pinto ay isang lalaking naka takip sa mukha ang bumungad at may hawak na baril. Itinulak papasok si ka Tukne. Nagulat sina ka Bebang at TEKLA.takot na takot sila ng hawakan si ka tukne at sinuntok sa Tiyan.

Sabi ng isa sa mga nakatakip ang maskara.

Nakamaskara1: o Ka tukne kasalanan mo ito ayaw mong sumunod sa amo nmin eh.

Ka Tukne: At sinong amo nyo wala akong kasalanan sa inyo.

Nakamaskara2:Kung ibenenta mo na ang yung lupa di na sana akyo mapapahamak.

NakamasKara1: tanga! bakit mo sinabi yun" sabay batok sa ulo nito.

Nakamaskara2:ah oo nga pla..ahehe. Di bale di nman sila makakapagsumbong eh daihil huling gabi na nila ito.aheheh

Nakamaskara1: uhmm sabagay,.hahaha cge itali na ang mga yan.

Nakamaskara3: teka teka, wala yta sa usapan yan ah?

Nakamaskara2: wla nga eh pano kung nalaman nila na si Don Mayor ang may pakana nito di huli ang boss natin.

Nakamaskara1:ang tanga mo talaga.'' Sabay batok ulit.bkit mo sinabi kung sino ang boss natin sira ka talga..

Nakamaskara2:sori boss nadulas ako eh.

Nakamaskara1:sige na itali na ang mga yan.

Ka Tukne: ang hayop na Don Mayor pala ang may pakana ng lahat ng ito. Hinde nyo magagalaw ang pamilya ko.

Sabay sugod sa isang nakamaskara.nagpambuno sila sa baril at bigla itong pumutok tinamaan si kaTukne. At duguang humandusay ito. Sabay sugod din si Ka Bebang at binaril din nya ito.duguang humandusay si Ka bebang at humahagulgul na lumapit si TEKLA.

TEKLA: Itay! Inay! Huhuhu..wag nyo po akong iiwan huhuhu.

Ka Bebang:Anak.Tumakbo ka na. Iligtas mo ang sarili moh.ipangako mong mabubuhay ka. Tumakbo ka na anak.. mahal na mahal ka namin.

TEKLA: Itay! Inay!huhuhuhu..

Nang aktong dadamputin na ng nakamaskara si TEKLA ay sya namang tayo nito at tumakbo sa likod ng kubo, hinabol sya ng tatlo.

Nakamaskara1:Putsa lagot tyo nito. Kailangang makuha natin ang bata kundi lagot tayo.

TEKLA: Diyos ko wag nyo po akong pababayaan.'' takbo sya nang takbo. Sa kakatakbo ni Tekla ay may bangin na sa kanyang harapan. Biglang nalaglag si TEKLA sa bangin. Nagulat na lamang sila ng mawala si TEKLA.

Kinabukasan sa bahay nina TEKLA ay nagkakagulo ang mga tao, andun din si KULASA AT SI BERTO pati na rin si JEPOY.nakita nila ang duguang magasawa na wala ng buhay. Iyak ng iyak si KULASA hinahanap si TEKLA pero di nila ito mahanap.

KULASA: huhuhu nasaan na kaya si TEKLA? Berto huhuhu.

BERTO: di ko rin alam KULASA. Sana nasa mabuti syang kalagayan.at ligtas.

Ng darating naman si JEPoY sa knila, biglang nagalit si KULASA ng makita si JEPOY.

KULASA: Kasalanan nyo ito jepoy, dahil sa kasakiman ng ama mo ay dalawang buhay ang nawala at ang masakit di natin alam kung nasaan si Tekla..kung buhay pa ba ito o hinde na.huhuhu'' iyak ni KULASA. Kasalanan mo ito JEPOY. Kasalanan mo.

JEPOY: wala akong kasalanan KULASA di ko alm ang mga pinagsasabi mo.

KULASA:Anong hinde kasalanan mo ito ang iyong Ama.

JEPOY: wag mong idadamay ang ama ko dito ko KULASA.

BERTO: KULASA Tama na yan!

KULASA: anong hinde, hindi bat ang ama mo lang ang gustong makamkam ang laht ng lupain dito sa ating lugar.

BERTO: ibig mong sabihin ang TATAY nya ang may kagagawan na laht ng ito?

KULASA: oo berto. Kahit ang aking ama ay tinakot nila noon upang maibenta ang kalahati ng aming sinasaka sa knila.

JEPOY: hinde totoo yan. KULASA. Hindi totoo yan..'' sabay takbo pauwi ni Jepoy.

Samantala sa gubat si TEKLA ay nwalan ng malay ng malaglag sa Bangin. Isang babae ang nakapulot sa kniya at dinala nya ito sa kaniyang kubo sa kagubatan..

CHAPTER TWO

Nagulat na lamang si TEKLA ng hinahabol siya nung nakamaskarang lalaki. Hinatak ang buhok at pilit dinadala. Nagsisisgaw si TEKLA sa sakit habang hatak hatak ang kanyang buhok.Pilit na itinayo ng Nakamaskara si Tekla. Nang makatayo si Tekla ay takot na takot itong sumandal sa isang puno.binunot ng nakamaskarang lalaki ang baril at itinutok kay Tekla sabay putok ng baril. Bang!!

Hapon na ng biglang magising sya sa lugar nayun ng dahil sa panaginip.Uhaw na uhaw si Tekla tumayo siya at nghanap ng tubig. Di nya mawari kung saang lugar sya napadpad ang tanging natatandaan na lamang nya ay ang masaklap na ngyari sa mga magulang nya.unti unti pumatak ang mga luha nya sa mata.

TEKLA: Itay! Inay huhuhuhu.papano nako ngayon Itay,Inay huhuhu.

Sa kanyang pag-iyak isang tinig sa likuran nya ang Ngsalita na ikinagulat nya.

''Wag kang Mgalala tekla akong bahala sayo'.

Tekla: ay Teklang Kabayo.!" Gulat si tekla. Sino ho kayo tanong nya sa matandang babaeng mahaba at amputi na ang buhok.."Ako si KATERYANG HILOT Tekla'

TEKLA:ah ganun ho ba? Nasaan ho ba ako?

KATERYANG HILOT:Andyan ka tanga! Asan ka ba sa palagay mo..

TEKLA:ngek! Saang lugar ho?

KATERYANG HILOT: Sa Bahay ko.

TEKLA: Bakit nyo po ako dinala dito?sana hinayaan nyo na lang akong mamatay. Nagiisa na lang po ako sa buhay namatay na mga magulang ko.huhuhuhu!

KATERYANG HILOT: hindi ka pa pwedeng mamatay Tekla. Marami ka pang dapat gawin at malaman sa iyong tunay na pagkatao.hayaan mong kuwentuhan muna kita.

TEKLA:ganun po? Kilala nyo ko?

KATERYANG HILOT: OO Tekla! Kilalang kilalang. Ako ang nagpaaanak sa iyong ina noong ipinagbubuntis ka pa nya.Sa di sinasadyang pagkakataon hinde ko nasabi sa mga magulang mo ang tunay mong pagkatao.

Umupo si tekla at nakinig sa matanda.

KATERYANG HILOT:Noong ipinanganak ka isang pangyayari ang naganap sa sangkatauhan.Ang tagapagbantay ng mundo ay nasawi laban sa masasamang nilalang na gustong sakupin ang ating mundo. Sa di sinasadyang pagkakataon nasa kanya ang susi upang maging mas malakas ang mga ito,hindi pinayagan ng tagapagabantay na makuha nila ang hiyas sa kanya.At nung araw ding iyon ikaw ay ipinanganak ngpasya ang tagapagbantay na sayo isalin ang hiyas.' hbang inuubong ipinaliliwanag ang lahat

TEKLA: ho? Anong hiyas? Sabay silip sa panloob nya? Ito ho ba?

KATERYANG HILOT: Sira! Baliw! hindi yan ang sinasabi ko! Makinig ka muna.'

TEKLA:ah ok po sige. Kala ko yun eh" sabay kamot sa ulo

KATERYANG HILOT: ayun nga ngpasya ang tagapagbantay na sayo isaalin ang kanyang kapangyarihan.

TEKLA:ho? Anong kapangyarihan?

KATERYANG HILOT: Ang Kapangyarihan ng mahiwagang LATIK.

TEKLA: ho? Ano yun?ano hong kapangyarihan ng mahiwagang Latik? Teka pano nyo nalaman ang lahat ng ito?

KATERYANG HILOT:nung araw kasing iyon aking nasaksihan ang paglipat ng kapangyarihan nya sayo.at ng ako'y lumisan ako'y kanyang kinausap na sana ay manatiling lihim ang lahat hanggang sa dumating ang araw na ika'y lalaki nat magkakaedad.kaya ako dito sa kagubatan ako namalagi upang ang lihim ay ang aking maingatan at ako'y hinahabol ng mga alagad ng kadiliman.at sa tingin ko ay eto na ang tamang panahon upang malaman mo kung pano mo makukuha ang kapangyarihan.

Habang patuluy na ngkukuwento si KATERYANG HILOT ay papunta nman ang mga alagad ni DON MAYOR sa kanilang lugar.sa tingin kasi nila'y buhay pa si TEKLA.kaya t hinanap nila ito.

TEKLA: pano ko ho makukuha ang kapangyarihan na iyon?

KATERYANG HILOT: ang sabi sa akin ng tagapagbantay ay sa oras na dumating na ang mga alagad ng dilim kusang mgliliwanag ang HIYAS. Isubo mo ito at isigaw ang iyong pangalan.

TEKLA:ho? Anong HIYAS po iyon Lola?

Pero bago nakasagot si KATERYANG HILOT ay pumasok na si NAKAMaskara1 sa kubo. Nagulat ang dalwa sa pangyayari.

NAKAmaskara1: Mga pare andito nga si TEKLA buhay pa sya,'' sabay pasok ng dalawang nakamaskara.

Nakamaskara2: Andito ka lang pla TEKLA pinagod mo kmi.

Nakamaskara3: Mamamatay ka na Ngayon.

Inilabas ni Nakamaskara2 ang baril at sabay tutuk kay TEKLA.pero bago naiputok ang baril ay naharangan ni KATERYANG HILOT ang bala ng baril at ang bala ay tumama sa matanda.Tinamaan sa dibdib si KATERYANG HILOT at duguang humandusay sa harapan nito.

KATERYANG HILOT: Tekla tumakas ka na? Di ka pwedeng mamatay.ikaw ang mgliligtas sa sanlibutan..

TEKLA:KA Terya pano ko ho malalaman ang HIYAS huhuhu..iyak na sambit ni Tekla

KATERYANG HILOT: ang HIYAS Ay ang iyong ahhh" at si Ka TERYA ay nawalan ng hininga.

Nakamaskara1: ang bobo mo namang tumira! Ako na nga dyan amina yang abril

Nakamaskara2: oh sige ikaw na oh.

Nang aktong babarilin si TEKLA ay nawalan nman ito ng Bala. dali daling tumalon si TEKLA sa bintana at tumakbo sa lugar. Isang umaatikabong takbuhan ang nangyari. Pagod na pagod na si TEKLA at mukhang di na nya kakayanin pang tumakbo.nagtago sya sa mga puno upang di sya makita.nakaiwas si TEKLA sa mga humahabol sa kanya.at ng makita nyang malayo na sila nagiba sya ng daan, at sa kanyang paglalakad nakarating sa kapatagan nakakakita sya ng Karetela na puno ng prutas at gulay na wari niya'y dadalhin sa kabayanan.ng walang nakakakita siya'y nagtago sa karetela. Sa tingin nyay mahaba haba pa ang byahe buti na lamang at siya'y nakakain sa mga prutas. Kung kaya't siya'y nakatulog sa pagod..

Sa mansiyon ni DON MAYOR ay nagakakagulo ang lahat ng malamang nawawala si JEPOY sa kanyang kuwarto:

KATULONGNA SEXY1: Ser! Wla man gid si ser jepoy sa kanyang kuwarto. Di namen makita ser.

DON MAYOR:hay naku sabay pisil sa hita ng katulong asan na kaya ang anak ko?

KATULONGNA SEXY1: Ser oo nga po, sana nasa mabuti syang lagay. E ser kuwan!

DON MAYOR:Ano?

KATULONGNA SEXY1: yung kamay nyo ho nasa hita ko.

DON MAYOR: ay patawad iha. Sige balik ka na sa kuwarto ko. Este sa kuwarto" sabay punas ng pawis sa NOO.

Sa di kalayuan ay nagtatago si JEPOY sa isang sulok,JEPOY: kailangang mahanap ko si Tekla,Gusto kong mlaman nya na walang kinalaman si ama sa ngyari.Mapapatawad kaya ako ni Tekla sana hindi nya alam na si ama ang ngpapatay sa mga magulang nya, at walang kasalanan si ama. Kailangang makausap ko si Tekla. Sana buhay pa siya.oh Tekla asan ka na ba?.

CHAPTER THREE

Habang naglalakad si jepoy di nya mawari kung saan siya patungo.Sa kanyang paglalakad sa Parke nakasalubong nya si Lukring.matamang nagkatitigan ang dalawa.Iiwas sana si Jepoy pero hinarang sya ni Lukring, sabay hawak sa kamay nito.

Lukring: Saan ka pupunta?

Jepoy: Wala ka na doon.buset!

Lukring: Siguro hahanapin mo si Tekla noh? Wala na sya patay na sya!

Jepoy: hindi pa patay si Tekla! Buhay pa sya.

Lukring : bat ba gnyan na lang ang pagpapahalaga mo kay Tekla ha? Kaya tayo nagkaganito ng dahil sa babaeng yan eh kaya tayo nagkahiwalay.''

At biglang naalala ni Lukring ang mga panahon na masaya siya sa piling ni Jepoy. Likas na maganda si Lukring mula pagkabata kaya marami ang nahuhumaling dito at isa na nga si Jepoy dito.Pero sa kabila ng kagandahan ni Lukring ay sya nmang kapangit ng ugali nito, porket kaibigan ni jepoy si Tekla ay lagi na lamang niya itong inaapi.Isang araw ng di na nakayanan ni Jepoy ang mga pinagagawa ni Lukring kay Tekla kung saan ibinitin syang patiwarik sa ilalim ng sampaloc. Awang awa si Jepoy noon kay Tekla kung kaya't minabuti na lamang nyang makipaghiwalay kay Lukring upang maprotektahan ang kaibigan. Ang akala ni Jepoy ay matitigil na ang pananakit ni Lukring kay Tekla.Dun pa lang pala naguumpisa ang lahat.

Jepoy: Pwede ba Lukring tigilan mo na ko tapos na tayong dalawa. Di ko ka maatim ang kasamaan mo.

Lukring:Pagsisihan mo ito Jepoy. Walang ibang makakaangkin sayo kungdi ako.

Sabay talikod at iniwan si Jepoy.At unti unti pa ring iniisip ni Jepoy kung saan nya makikita si Tekla.alalang alala na siya sa kanya.Sa kanyang paglalakad bigla siyang may naapakan na kung ano. Tae ng kalabaw ang naapakan nya.At bigla nyang naalala ang unang araw ng pagkikita nila ni Tekla.Inaaway si Tekla nun at nasubsob ang mukha sa tae ng kalabaw.awang awa sya nung araw na yun kaya't sya ay tumulong.hindi maitatanggi ni Jepoy na sa kabila ng lahat pagmumukha ni Tekla ay umiibig sya dito.kung kayat ang dalangin nya sanay buhay pa ang kanyang minamahal na Tekla.

Samantala nagising na lamang si Tekla.sa sigaw ng isang Mama..

Mama:"Anak ng tokwa bat dyan ka natulog ha? At inubos mo pa ang mga paninda ko ha? Gumising ka nga dyan" sabay tayo ni Tekla.

TEKLA: Pasensya na po kayo mama. Babayaran ko na lamang po ang mga nakain ko" sabay dukut sa bulsa. Naalala nya wala pala syang dalang pera. "Mama wala po pala akong dalang pera. Pasensya na po".

MAMA: Anoooooo? Ang lakas mong lumamon sa mga paninda ko wala kng pambayad gusto mo pang ipakulong kita ha?.

TEKLA: "Wag ho mama parang awa nyo na. Gutom na gutom lang po ako.. Maawa na po kayo saken" maluha luhang sambit ni Tekla.. mabuti na lamang at mabait ang mama kaya pinagbigyan sya.

MAMA: "Ang mabuti pa tulungan mo na lamang akong magbuhat ng mga paninda ko bilang kabayaran sa mga nakain mo. Ano? Okey ba sayo yun ha?"

TEKLA: "Talaga po? Sige po, Sige po". Habang ngbubuhat napansin ni Tekla na Di mabuhat ng mama ang isang tiklis ng prutas dali dali tinulungan ni tekla ang mama sa kanyang pagtataka ay nabuhat n a lamang ni Tekla ng ganoon kadali ang isang tiklis ng prutas. Maang napatingin ang mama sa kanya. "

Mama: Wow ha. Sa dami ng nalamon moh Nakaya mong buhatin yan. Huh?.

Kahit si Tekla ay nagulat na lamang din sa kanyang sarili kung bakit nabuhat nya ang ganoong kabigat na prutas.

Wala pa ang isang oras eh natapos na nila lahat ng mga bubuhatin.

Mama:" Hay natapos din.. o dahil naging mabait ka sa akin at tinulungan mo koh. heto para sayo". sabay abot ng isang plastic ng prutas kay Tekla.

Tekla: "Maraming salamat po mama." sabay lakad palayo.

Sa kanyang paglalakad ni Tekla ay di na nya mawari kung saan sya patungo,Lakad dito, Lakad doon.at ang ulan ay bumuhos ng napakalakas, Nagtatakbo si Tekla, at sya'y basang basa na sa ulan,Takbo ulit sya naghananap ng masisilungan at sya'y nadapa sa putikan, punung puno ng putik ang katawan ni Tekla.Sa kanyang pagtakbo ay may naaninag syang isang kuweba.

TEKLA: "Hmmm. mukhang okey na ang kuwebang yun na masisilungan.".

Pumasok si Tekla sa kuweba.

At sa kaniyang pagninilay nilay sa loob ng kuweba, naalala nya ang kaniyang mga magulang. Naalala nya ang mga masasayang araw na kasama nya ang mga ito. At Sa isang sulok ng kaniyang mga mata. Pumatak ang kanyang mga nakakabagbag damdaming luha. Sabay singhot sa palabas ng sipon..

At sa kanyang pagkakatitig sa labas ng kweba. Ay Biglang kumulog at kumidlat.

TEKLA: AYY KABAYONG BAKLA!!! sabay pasok sa pinakagitna ng kweba.

At sa nagaalburutong kulog at kidlat, ang Patak ng ulan sa dalampasigan at pati ang pagagos nito at ang mga palakang nagkalat sa paligid, waring ang mga tunog lang na iyon ang maririnig. At si TEKLA'Y Biglang nakatulog...

KINABUKASAN..

Maagang nagising si TEKLA upang maligo. Nagtago muna sya sa Kuweba habang basa pa ang damit nya at hinihintay nya itong matuyo. At ng matuyo ang damit ay inumpisahan na nyang maglakad. Malayo malayo na rin ang kanyang nalalakad ng nakaramdam sya ng gutom. hindi na nya maalala kung saan nya naiwan ang isang plastic ng prutas na bigay ng mama kahapon, Naghanap hanap sya ng makakain sa mga puno na makikita. sa kakalakad nya may nakita syang isang bungkus ng hinog na saging.

Habang si Tekla ay Naglalakad sa Gubat,sya ay naligaw,

Binaligtad nya ang kanyang damit para di sya maligaw sabi nga sa kasabihan na natutuhan nya sa kanyang ama.

Ang di nya alam ay may isang strangherong nagbabantay sa kanya sa itaas ng puno

Habang Pinagmamasdan nya si tekla na ngappalit ng damit.

Eksakto namang namali ang apak nya sa isang sanga ng puno.

At syay nalaglag sa ibabaw ni TEKLA na nakahubo.

Sa kanyang pagkakalaglag si TEKLA ay nadaganan ng paharap.

At sa kanilang pagbagsak mataman silang nagkatitigan.

Mata sa Mata, Muta sa Muta.

At sa isang iglap ang mundoy nilay tumahimik.

Mga huni ng Kuliglig at mga Palaka ang maririnig sa paligid.

Namamalaka pala itong si Teroy at binebenta sa bayan.

At sa kanilang katahimikan Habang nagkakatitigan .

Isang Palaka ang bumasag sa tagpong iyon.

Tumalon ang pAlaka. Sakto sa bungaga ni Tekla. KUkak! Kukak! KUkak!

Naduwal si Tekla "gwwarrrkkk!!!. At bumalik sila sa katinuan ang dalawa.

Napagtanto ni Tekla na syay nakahubo pala.

Sumigaw sya.

TEKLA: "AAhhhhhhh! Manyakis! Manyak! Manyak!" Natakot Ang lalaki, Nagtatakbo, Nadapa,Pumara ng Taxi

Ay wala palang taxi :). Tumalon sa ilog at lumipat sa kabilang pampang ng ilog.

Ng Mahimasmasan Si Tekla at nakalayo na ang lalaki.

TEKLA: "Buwisit na lalaki yun.Manyak lang. hmmmmppp. In Fairness"... Sabay pacute.. "Type"

Sabay ngiti ng kanyang mga labi..

TEKLA: Sino kaya ang lalaking yun? Ang Pogi Pogi nman nya. Di ko alam pero nung magtama mga mata namen parang nawala ako sa sarili ko" sambit ni tekla sa kanyang sarili habang minmasdang palayo ang lalaki.gulat na lamang ni Tekla ng makaahon sa tubig ang lalaki ay kinawayan sya nito at pinaliparan ng Halik. Kunwari'y naiinis na tumalikod sya pero sa dulo ng kanyang mga labi eh may isang ngiting namutawi sa kanyang labi. Grabe!! ha! haba ng hair moh ;)

Samantala sa kabilang pampang nman habang nakatingin ang lalaki sa Papalayong si Tekla. Di nya lubos maisip kung bakit ganun na lang ang naramadaman ng binata sa dalaga. Si TEROY. Ang lalaking babago ng buhay ni Tekla.

Sa kakalakad ni Tekla may namataan na syang isang barangay. Ang Barangay Juan For All, All For One,. Joke. :). Ang Barangay Balasubas. Bakit? basahin nyo hahaha.

Nagugutom na naman siya at nauuhaw.

Tekla: Ilang oras na ba akong naglalakad sa gubat na yun. Hay nku sana lang malapitan man lang ako dito..

Sa kanyang pagpasok sa barangay napansin nyang parang walang babaeng nakatira sa lugar at puro mga kalalakihan ang kanyang nakikita. Nang may makita syang matandang babae sa isang tindahan. lumapit sya rito.

TEKLA: Ale!! Galing pa po kasi ako sa mahabang baiyahe, Baka nman po makahingi ng makakain o kahit tubig man lang.

Aleng Karya: Pinagmasdang maigi ng ALE si Tekla medyo may kalabuan na ang mata. " Hmmm teka babae ka ba?.

TEKLA: Opo Ale.

Aleng Karya: Susmaryosep!Joseph! Anong ginagawa mo dito ireng bata ka? di mo ba alam na delikado ang mga babae dito.?

TEKLA: Ho? Delikado? Bakit naman ho?

Aleng Karya: Di mo ba alam kung anung baryo ito?

TEKLA: Hindi Ho? Kayo ho alam nyo?

Aleng Karya: Gaga! Syempre tagarito ako. Ang Baryung ito ay ang baryo Balasubas. Sabay abot ng isang basong tubig kay Tekla.

TEKLA: balasubas?

Aleng Karya: OO. iha! at puro kalalakihan ang mga nandito at halang ang mga kaluluwa?

TEKLA: Ho? lalaki lahat? eh nasaan na po yung mga babae dito.

Aleng Karya: Ang mga kadalagahan dito ay napilitang lumisan ang mga iba'y nasawi sa mga kamay nila.

TEKLA: Eh bakit po kayo?

Aleng Karya: Gaga! Matanda nako. Di na nila ako mahahalay.May mga kasama din akong matatandang babae dito kami na lang ang natitira.

TEKLA: "eh bat di pa kyo umaalis dito?"

Aleng Karya: "Dahil hinihintay pa namin ang Hula ni Mariang Palad. na may isang taong tutulong at magbabalik ng Baryo Kapayapaan." Kapayapaan ang dating Pangalan ng baryo ngunit ito'y napalitan nang dumating ang mga grupo ni Badong.

"Pero teka iha pumasok ka na muna dito bago ka pa makita ng grupo nina badong."

Papasok na sana si Tekla sa kubo pero may nakapansin na pala sa kanya.laking gulat na lamang nya nang bigla syang buhatin ng isang lalaki.

Nagsisigaw ang Matanda.

Aleng Karya: "Mga walanghiya kayo,mga anak ni Satanas," sabay kuha ng walis tingting at ipinaghahampas si Tonyo. Ang Dakilang manyak.

pero di pa rin natitinag si Tonyo. binuhat si Tekla ni Tonyo at dinala sa lugar nina Badong. Ang Hari ng kamanyakan. Si Badong.

Badong: Hoy Tonyo.Sino yang dala mo ha?" Ibinaba ni tonyo si Tekla sa mesang iniinuman nina Badong, mahigit sampu sila.

Tonyo:Miryenda boss hahahah..

Badong: Wow. Ang sexy nyan ah.. habang sabik na nakatitig kay Tekla.Sampu ng mga kasama nito.

Nagsisigaw si Tekla habang pilit syang tinatali sa magkabilang kamay..

TEKLA: ahhhh Bitawan nyo ko. mga hayup kayoooo.

Nakalaalpas ang isang kamay ni Tekla, sinampal ni Tekla si Tonyo. sapul sa pgmumukha si Tonyo. Sabay sipa kay Badong. Tinamaan ang badong ni Badong ahihi. Sabay takbo ni Tekla.

Tonyo: Boss Sapul ata? iwww

Badong: Mga gago! habulin nyo wag nyong hayaang makatakas..

Tumatakbo si Tekla. Hinahabol sya ng grupo ni Badong. Nang Biglang madapa si Tekla. Inabutan sya ng mga tauhan ni Badong. Nahawakan ulit sya. nagpupumiglas si Tekla. naninipa, nananabunot at sa isang iglap may isang pamilyar na lalaki ang Dumating. SI TEROY.

Lumipad si Teroy Sabay Sipa. Nagmintis. Sapul ang mukha ni Tekla. nakatulog si Tekla.

At nakipag buno nman si Teroy. Sadyang malakas si Teroy. Sipa dito Tadyak doon. walang hinde nakakatulog pag hindi tinamaan ni Teroy. Hanggang Sa silang dalawa ni Badong ang naglaban.Susuntok si Badong, naiwasan ni Teroy. Sumipa si Teroy sapul ang mukha ni Teroy. Bumangon si Badong isskor ng left hook mintis ulit, right upper cut ni Teroy sapul sa panga si Badong, Sinabayan ng left Jab. duleng ang inabot ni Badong. at umigwas ng isang Flying Kick. talsik si Badong sa putikan. Tulog.

Nagtatakbo ang mag grupo ni Badong. habang hila hila si badong.

TEROY: Wag na kayung babalik dito mga gago kayo. Pag nakita Ko pa kayo dito di lang yan ang aabutin nyo.Sabay batok sa iang patakas na isa..

Nilapitan ni TEROY si TEKLA.

TEROY: Miss? miss? sabal tampal ng pisngi ni Tekla. Ngunit lubhang napuruhan at marahil sa pagod ay nakatulog si Tekla.Tinulungan sila ng ALE at dinala ito sa kanyang kubo

Gabi na nang magising si TEKLA dahil sa alog ni TEROY sa kanya.Nagising Si TEKLA,Nagulat.

TEKLA: ahhhh manyak! Manyak. Sabay Sampal kay TEROY. PAK!!

TEROY: Aray ano ka ba? Ang sakit nun ah. Kaw na nga tong tinulungan kaw pa tong nananakit.

TEKLA: Doon Napagtanto ni Tekla kung ano ang nangyari at naalala nya na si TEROY pala ang tumulong sa kanya.

Biglang pasok naman ni Aleng Karya.

Aleng Karya: Buti nman at gising ka na.bangin na dyan at ng mainom naman kayo ng mainit na sabaw.

Tatayo na sana si Tekla ng bigla syang alalayan ni TEROY.

At silay nagkakatitigan ng malagkit mata sa mata. At Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ni TEKLA. Habang naktingin si TEROY ay parang lumalapit ang mukha nya sa mukha ni TEKLA.. Sabay pindot sa ILong ni Tekla.

TEROY: ang kyut kyut namn ng ilong moh.. hmmmmm. Isang maliit na sampal ang iginanti Ni TEKLA sa pisngi ni TEROY.

TEKLA: Tara na nga hinihintay tyo ni lola.

Habang Kumakain di maiwasang mapatingin ni TEKLA kay TEROY. Lalaking lalaki si TEROY. matipuno ang katawan, mala adonis ang pagmumukha, kung kayat sa bawat tingin ni Tekla kay Teroy ay isang matamis na ngiti ang iginaganti ni TEROY.Ngunit sa dako ng puso't- isip nya ay sa Jepoy pa rin ang hinahanap nya.

TEKLA: Sabay bulong sa sarili. "Jepoy! nasaan ka na" nangigilid na ang luha ni Tekla, pagkat naalala nya ang lalaking unang minahal nya...

Das könnte Ihnen auch gefallen
Inhaltsverzeichnis
Volumen 1