webnovel

HINDI DAPAT TAYONG MAGALALA

Mga Taga-Roma 8:15

Sapagkat hindi ibinigay sa inyo ng Diyos ang Espiritu upang kayo'y gawing mga aliping namumuhay sa takot. Sa halip, ibinigay sa inyo ang Espiritu upang kayo'y gawing mga anak ng Diyos, kaya nakatatawag tayo sa kanya ng "Ama, Ama ko!"

Mga kapatid, mga kapamilya, mga kaibigan, mga kakila, mga kapuso, mga kabayan, mga kamundo hello po!

Huwag po kayong mabahala, ni matakot sa kahit ano mang bagay pagkat nandyan ang Diyos para sa atin.

Para saan ba ang pagkamatay ni Jesus sa Krus ng Kalbaryo?

...

?

Kundi upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan at upang ipaalala sa atin na si dapat tayo matakot sa kung ano mang pagsubok na ating susuungin sapagkat nariyan lang sya para sa atin.

Lumapit lang tayo sa kanya!

Huwag po tayong matakot lumapit sa kanya ni mahihiya.

Pagkat para saan pa ba ang kanyang pagliligtas sa atin?

Para ba lumayo pa sa kanya?

Hindi, inilapit na nga ng Diyos ang kanyang sarili para lapitan natin sya sa pamamagitan ni Jesus.

Di ba?

At ayon rin po sa Bibliya na ang pagsubok ay test ni God at di parusa, kaya kung sinumang nakakaranas nito'y huwag po kayong matakot lumapit kay God. Si Jesu-Cristo ang ating mediator, kung ano mang hingin natin sa kanya ay ipararating nya sa ama.

At ito pa po pag tinupad naman po ni God ang ating wish o tinugunan ang ating problema o binigyan nya ng solusyon ang ating problema, matuto naman po tayong magpasalamat(maliit o malaki mang bagay)!

Remember: Ang tugon po ni God sa hinihiling natin ay Yes, No, or Wait lang ang answer nya!

God bless and ingat sa COVID po tayong lahat!😉

Nächstes Kapitel