webnovel

Mundo tandaan mo nariya ang Diyos

Mundo, mundo, mundo!

Mundo ay bilog,

Minsan ika'y nasataas,

Minsan ika'y nasababa.

Ika nga nila walang permanente sa mundong ito.

Ang tao ay namamatay,

Ang kasuota'y naluluma,

Ang talino'y nawawala,

Ang lakas ay humihina,

Ang kagamitan ay nawawalan ng halaga,

Ang panahon ay lumilipas,

Ang emosyon ay nagbabago,

Ang uso ay nalipas rin,

Ang lubid ay napuputol din,

Ang damo't bulaklak ay nalalanta,

Ganyan maibahalintulad ang mundong ito...

Maaaring maimprove,

At maaaring maging worst.

Ika nga walang nakakaalam ng bukas.

Ngunit mayroong isang nananatili,

Walang iba kundi ang pag-ibig ng Diyos sa atin,

Ito'y walang hanggang at walang katapusan.

Ang pag-ibig nya'y tapat, tunay at walang hanggang.

Ang Diyos ay:

Di namamatay, di naluluma, di nawawala, di humihina, di nawawalan ng halaga, di lumilipas, at di nagbabago.

Kaya tunay syang mapagkakatiwalaan,

Kaya tunay syang maaasahan.

Ang Diyos ay nariyan lang para sa iyo,

Di ka nya iiwan ni pababayaan man.

Tandaan po natin na ang Diyos ay nariyan lang palaging nakabantay sa atin, inaantay nya tayong lumapit sa kanya at humungi ng tulong, pagkat handa syang tumulong sa sinumang sa kanya'y lalapit, mananalig at sasampalataya.

Nächstes Kapitel