webnovel

Chapter 11

HINDI ko alam kung ano ang idadahilan ko ngayong ang pamilya ko, ang pamilya ni Lorenzo at maging ang pamilya ni Josh ay matiyagang naghihintay sa mga sasabihin ko.

Si Papa ay matiimtim pa ring nag-iisip at hindi ako magawang tingnan. Si Mama ay nasa tabi ni Tita Mikaela na patuloy pa ring nag-sosorry.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Malaking abala ang nagawa namin sa pamilya Buenavista. Nakakahiya talaga kila Josh.

Nasa loob na kami ng Hotel. Sinubukan kong ibuka ang aking bibig pero agad ko din itong itinikom nang wala akong maisip na dahilan.

Ang gusto ko lang naman ay mapakalma silang lahat at hindi sila magkasakitan, pero mukang pinalala ko pa ang lahat.

Napahilamos ako ng mukha, buti na lang waterproof ang make-up ko kaya hindi ito masyadong masisira.

Tumingin ako sa katabi kong si Lorenzo upang humingi ng tulong, pero mukang wrong move. Nang tingnan ko kasi ito ay agad din akong umiwas dahil sa talas ng tingin nito na parang any moment ay sasakalin na ako nito sa inis.

Napakit ako. I know it's all my fault.

Bumuntong hininga ang aking ama. "You know that I really trusted you Lorenzo. Because I know both of you eversince you're a kids." Tumayo ito sa pagkakaupo.

"Kaya hindi pumasok sa isip ko na magagawa niyo ito." Tumingala si Papa, bumuga ito ng hangin na parang kinakalma ang sarili.

"Alam mo.. at ikaw Kara na ginagawa lamang ito ng mag-asawa." Tumingin sa'kin si papa.

"Pero Pa.. Nasa new generation na tayo, 'yung iba nagli-live in muna bago ikasal-" Agad kong kinagat ang ibabang labi para mapigil ang anumang nais ko pang sabihin nang lahat sila ay mapatingin sa akin.

Kahit kailan talaga pahamak itong bibig ko! "Okay sabi ko nga po tatahimik na ako." Yumuko na lamang ako at baka may masabi pa akong mas lalong ikagalit ni Papa.

"I-I'm sorry Tito." ani Lorenzo.

Tinignan ko si Lorenzo na ngayon ay nakayuko. 'Yun lang at hindi na ito nagsalita pa. Siguro ay dahil wala rin itong masabing dahilan kasi ako naman talaga ang may kagagawan ng lahat ng ito.

"Hindi ako papayag na hindi niya panindigan ang anak ko, Kevin!"

Shit talaga!

"Pa, okay lang po ako- "

Napatingin naman ako sa Dad ni Lorenzo. Si Tito Kevin nang putulin nito ang sasabihin ko. Hays, walang gustong makinig sa kanila.

"I know Oscar, lalo na't babae ang anak mo. It's just that... I'm really disappointed to you son."

Mas lalo lamang akong na-guilty sa ginawa ko. Tinignan ko si Lorenzo na ngayon ay nakatingin na lamang sa sahig.

"He will marry your daughter Oscar. Let's not waste this preparations. You two will marry today." Nanlalaki ang matang tumingin ako sa ina ni Lorenzo.

Tumayo ako para pigilan sila sa planong pagtuloy ng kasal.

"It's okay Tita Karen, we don't have to do this. Just forget about what I said-" Pagputol nito.

Napabuntong hininga na lang ako. For the nth time hindi ko na naman natuloy ang sasabihin ko.

"Forget?" Napalunok ako ng tumingin sakin si Mama na halatang hindi nagustuhan ang mga narinig mula sakin. "I may be pushing you to a blind date. But this is different! Karen is right. You will marry him today and that's final." Napapikit ako ng talikuran ako ni mama at lumabas nang kwarto.

"Pero-" Akmang hahabulin ko si Mama nang maramdaman kong may humawak sa kaliwang braso ko. Si Lorenzo. Nakita kong umiling ito. Sinyales na wag ko daw muna ito sundan.

"Iiwan muna namin kayo para makapag-usap. But after that, Lorenzo you have to get dress properly." si tito kevin.

"Yes Dad."

Hinintay muna ni Lorenzo na makalabas ang lahat bago ito nagsalita.

"What the hell is that Kara?!" Nagulat pa ako lakas ng sigaw nito.

"I-I'm sorry Loren-"

"That's bullshit!" Hindi ko napigilang maluha dahil nakikita ko ang tindi ng galit ni Lorenzo.

"Hindi ako puwedeng ikasal dahil may mahal akong iba. Alam mo 'yun Kara!" Tuluyan na akong napahagulgol sa sakit. Masakit malaman na hindi ako nito kayang pakasalan.

Ang sakit lang isipin na sa kanya mismo nanggaling na hindi ako nito gustong pakasalan. Pakiramdam ko tinutusok ng paulit-ulit ng karayum ang puso ko. Sobrang bigat sa pakiramdam.

Walang tigil ang pag-agos ng luha ko. Kahit anong pahid ko ay patuloy pa rin ang pag-agos nito.

Napabuntong hininga naman si Lorenzo. Nakokonsensyang lumapit ito sa akin. "Look, I'm sorry for shouting you. It's just that... I'm courting Cristine." Pinahid pa nito ang takas na luha sa mata ko.

"Sinagot ka na ba niya?"

"Hindi pa-" Pinutol ko ito.

"Oh, hindi pa naman pala." Katwiran ko.

"Kara!" Naiinis na sabi nito.

"Sorry na... Pumayag kana Lorenzo, puwede naman tayong mag-divorce after 1 year eh."

"I know but I value marriage, it's not just a game where you can quit easily." Napakamot ito batok.

"And Kara 1 year is too long. Magtataka na si Cristine pagnangyari yon."

Puro na lang Cristine!

"Edi 9 months!"

"Make it 3 months."

Napanganga naman ako sa layo ng binaba nito. "Lorenzo, magtataka sila Mama at Papa pag masyadong maaga. Let's make it 7 months."

"Okay, 5 months. Siguro naman ayos na 'yun."

"No! last na 6 months please.. please Lorenzo." Pamimilit ko dito. Pinagdikit ko pa ang palad at nagpa-cute dito.

Sana makalusot! please god! chance ko ng makasama si Lorenzo. Let me be with him...

"Tsk. Oo na. Itigil mo na nga 'yang ginagawa mo." Napalabi naman ako pero agad din itong napalitan ng ngiti.

"My only intension is to take you away for awhile. Para mapabago ang isip nila tito. Pero hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyari." Napasabunot ito sa sariling buhok at nanlilisik ang matang tiningnan ako nito.

Patay malisya akong umiwas ng tingin. Pinatalikod ko ito at tinulak palabas. "Sige na.. Magbihis kana baka lalong magalit si Papa dahil di ka pa bihis."

"Bakit pakiramdam ko gustong-gusto mo ang mga nangyayari?"

Nanlalaki ang matang umiling ako dito.

"Assuming ka din 'no! Sige na bye. Magbihis ka na." Agad kong sinarado ang pinto nang masigurong nakalabas na ito. Hindi ko mapigilang mapasandal sa pinto.

Oh my! I can't believe that Lorenzo is the one I'm marrying. Thank you talaga god!

- - -

"ANG flower girl nasa'n?"

"Nakapila na po."

"Okay. In a minute magstart na ang wedding."

Nakapila na ang lahat sa harap ng pinto ng simbahan. Maya-maya ay narinig ko ang tunog na nanggagaling sa simbahan kahit na nasa loob pa ako ng sasakyan. Parang doon lang talaga pumasok sa isip ko na totoo na ito, hindi na lang siya na nanaginip.

Lalo ko pang nilakasan ang volume ng aircon ng sasakyan dahil pakiramdam ako pinagpapawisan pa rin ako. Kasama ko sa loob ng sasakyan si Mama. Hindi pa rin ako nito pinapansin kahit na magkatabi lamang kaming dalawa.

"Ma..." tawag ko dito.

Imbis na harapin ako nito ay mas humarap pa ito sa katabi nitong bintana.

"Ma, wag ka na magalit," kinalabit ko ito pero iniwas lang nito ang braso sakin.

"Ma..."

Napabuntong hininga na lang ako.

"Naalala mo Ma, dito rin tayo lagi nagsisimba nung bata pa ako."

"Lagi mo pa akong sinasaway kasi palagi akong natakbo sa gitna malapit kay father." Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing naalala ang pagiging pasaway ko. Well, lahat naman tayo nakaranas na maging pasaway nung bata pa. It's just that, napakabilis talaga ng panahon.

"Buti hindi nagagalit si father kasi agaw pansin ako lagi sa tuwing nagmimisa siya." Natawa ako.

"Baka magulat siya, na 'yung batang pasaway na laging natakbo sa gitna. 'Yun na pala ang ikakasal niya." Muli kong nilingon ang simbahan.

Naramdaman ko ang kamay ni mama na pumatong sa kamay ko.

"He will surely remember you." namumula ang mata ni mama, mukang kanina pa nito pinipigil ang pag-iyak.

Hindi ko na napigilan ang luha ko dahil sa wakas ay pinansin na ako ng aking ina. Bigla ko ito niyakap para pagtakpan ang luha ko.

"I'm sorry Ma. I disappointed you."

Niyakap ako ng mahigpit nito. "Your not a disappointment, anak. You are brave. You are our strength. You even give up your own happiness just to save our company. Always remember that we're always here for you, alright?"

Tumango naman ako kahit alam kong hindi naman nito nakikita iyon dahil nakayakap ako sa kanya.

Naputol ang pagyayakapan namin ng kumatok ang wedding organizer ko.

"Ma'am your turn na po."

Huminga ako ng malalim at lumabas ng sasakyan.

I've always wanted to be a bride with a gorgeous gown and a loving husband, and now my dreams are coming true. If it's all a dream, I don't want to wake up. It was such a lovely dream.

Pero alam kong hindi ito panaginip.

Dahil sa dulo ng altar ay naghihintay ang lalaking kailanman ay hindi ko inaakalang mapapasakanya.

Isang hakbang.

Isang hakbang lang pero parang tumigil ang mundo ko.

Eto na yun Kara! Ikakasal ka na.

Napalingon ako ng magbago ang musika.

🎶Not sure if you know this

But when we first met

I got so nervous I couldn't speak

In that very moment

I found the one and

My life had found its missing piece🎶

Sana katulad ng kanta..

Ganu'n din ang nararamdaman mo Lorenzo. Kasi ako iyon ang naramdaman ko.

Tumingin ako sa harap. Hinihintay na sana tumingin sa akin si Lorenzo... pero nakayuko lang ito. Nakaramdam ako ng lungkot. Ni hindi ako nito kayang tingnan sa mata.

🎶So as long as I live I love you

Will have and hold you

You look so beautiful in white

And from now 'til my very last breath

This day I'll cherish

You look so beautiful in white

Tonight🎶

Pero nagulat ako nang sa kalagitnaan ng kanta ay tumingin ito sa akin.

🎶What we have is timeless

My love is endless

And with this ring I

Say to the world

You're my every reason

You're all that I believe in

With all my heart I mean every word🎶

Napangiti ako ng ngumiti ito sa akin. Nakita ko ang Lorenzo na minahal ko.

🎶So as long as I live I love you

Will have and hold you

You look so beautiful in white

And from now 'til my very last breath

This day I'll cherish

You look so beautiful in white🎶

Lorenzo, I promise to hold my love as a love everlasting.

To you I promise to cherish and share in everything.

Not just for this moment, not for an hour, or day, or year - I will always love you.

Tonight🎶

Then he mouthed something..

So beautiful in white...🎶

- - - - -

Author's Note: Salamat po sa lahat ng mga nagbabasa ng Wedding in Trouble. I heart you guys.

Nächstes Kapitel