Muling nanumbalik ang karagatan. Samantala , ang mga mamamayan ng Atlantis ay nagising sa nangyaring pag yanig. Nagsi - labas ang lahat kabilang na sina Sirekoy, Fishna at Banak.
Nagtungo sila sa gate na Atlantis kung saan natanaw nila si Arnie at bathalang Neptuno .
dali - dali silang lumapit sa mga ito upang alamin kung ano ang pinag mulan ng pag yanig...
Inabutan nila si Bathalang Neptuno na nag aapoy ang galit sa dib - dib at nag tatagis ang mga ngipin sa pag pipigil ng galit.
Sa paanan nito ay nakita nila si Sirenita na nakahandusay sa tabi ng gate ng Atlantis, hawak ang trident at walang malay.
Banak : Sirenita, anak ko... ang sigaw ni Banak na mabilis na dinaluhan ang nakahandusay at walang malay na anak.
Fishna : ina.... ang nag aalalang tawag naman ni fishna kay Sirenita, habang si Sirekoy ay tahimik na naka - tingin sa kabiyak at labis na nag tataka kung ano ang nangyari dito.
Banak : bathalang Neptuno..... ano ang nangyari sa aking anak? Bakit pinabayaan ninyo siyang masaktan, matapos ang pag sisikap niyang mabawi ang iyong tinidor? Tingnan mo ang babaeng iyan! may nagawa ba siyang tulong upang mahanap ang iyong tinidor? Ang pang - uusig ni Banak kay Neptuno.
Inakala nitong tinangkang bawiin ni Sirenita ang trident, kung kaya at napahamak ito, at ngayon ay kaawa - awa ang kaayusan sa pagkaka lugmok sa sahig ng Atlantis.
Mamamayan Ng Atlantis : oo nga, tama nga ang sinabi ni inang Banak. Isang bayani si Sirenita na ginawa ang lahat upang mabawi ang trident. Hindi siya dapat na nagka - ganito at napahamak. Ang pag sang - ayon ng lahat sa sinabi ni Banak.
Sukat sa narinig na sinabi ng kanyang mga nasasakupang mamamayan, lalong nag alab ang galit ni Neptuno. Kuyom. ang kamao at halos mag apoy ang mga mata sa galit, hinarap ni Neptuno ang lahat at mabalasik na sinigawan.
Neptuno : MGA LAPASTANGAN!!! ANONG PINAG SASABI NINYO? ALAM NINYO BA KUNG ANO ANG NANGYARI??? IKAW BANAK!!! ALAM MO BA ANG BUONG PANGYAYARI PARA SUMBATAN AKO AT LAPASTANGANIN PATI ANG ITINAKDA!!!
ang galit na galit na usig ni Neptuno sa lahat na hindi nagawang sumagot sa sinabi ni Neptuno.
Sirekoy : Pero bathalang Neptuno, ano nga ba ang totoong nangyari? Bakit naka lugmok at walang malay sa tabi ng gate ng Atlantis ang aking kabiyak??? Ang nalilitong tanong naman ni Sirekoy kay Neptuno habang hawak sa kamay ang nagpupumiglas na anak.
Neptuno : Tingnan ninyong mabuti si Sirenita..... nasa itsura nya nga ba na siya ay nakipag laban upang mabawi ang aking trident???