webnovel

CHAPTER 45 : BINYAG

REYNA MAREANA : Totoo ba anak? Anong plano mong gawin ngayong handa na s'yang tanggapin ang kanyang kapangyarihan ? muling tanong ng reyna sa kanyang anak.

PRINSIPE BORJO : nangako po ako sa kanya na ituturo ko sa kanya ang ibat ibang gamit ng kanyang kapangyarihan sa aking pagbabalik sa siyudad ng mga tao, paliwanag nito sa kanyang ina....

HARING BORAS : aba!!! kung ganon dapat siguro ay bumalik ka na sa siyudad ng mga tao, upang maturuan mo na ang babaeng itinakda.? mungkahi ng hari sa kanyang anak

PRINSIPE BORJO : tama ka ama, nagbalik lang ako rito pansamantala upang ihatid ang magandang balita, saad ni Prinsipe Borjo

Sa mundo ng mga itim na nilalang, nagngingitngit si Prinsipe Matuling, ipinatawag siya ng kanyang amang hari dahil natuklasan nito ang pagkabigo ng kanilang pagtatangka na makuha ang babaeng itinakda...

HARING DILIM : prinsipe Matuling ... paano at nabigo kayo sa inyong pagkuha sa itinakda? usig nito sa kanyang anak

PRINSIPE MATULING : nakaluhod na nagpaliwanag sa kanyang amang hari...

Ama..... dumating po ang mga tikbalang kasama si prinsipe borjo at tinangkang iligtas mula sa amin ang babaeng itinakda.....

HARING DILIM : paanong nangyari na nalaman ng mga tikbalang ang plano ninyo? hindi ba't sinadya ninyong sa pamamagitan ng panaginip isagawa ang pagkuha sa itinakda? pamuli ay tanong ng hari kay prinsipe matuling

iyon din po ang hindi ko malaman ama kong hari, bigla ang naging pagsulpot nila at naging mabilis po ang pangyayari kung kaya't marami sa ating mga tauhan ang nasugatan at nasawi

isa pang dahilan ay ang tila paglakas ng pangkat ng mga tikbalang paliwanag ni prinsipe matuling sa hari...

HARING DILIM : hmmmmm kung ganoon natagpuan na nga ang itinakda kinakailangang makuha natin siya at madala dito sa ating kaharian.....

PRINSIPE MATULING : ama... may bali balitang kumakalat na may nakakakita sa grupo ng mga balakyot .... hindi kaya natunugan na rin nila ang paglitaw ng senyales na nasa paligid lang ang itinakda?

Sa olongapo naghanda na sila Arnie at ang pamilya ni Lia at Yel na magbalik sa Indang para sa nalalapit na kapistahan ng bayan at binyag....

sumama rin sa kanila ang ama at ina ni Yel pati na ang nakatatandang binatang kapatid ni Yel....

LIA : Arnie siguradong matutuwa ang iyong mga kaibigan sa nayon sa iyong pagbabalik mahigit isang buwan din ang inilagi mo dito sa Gapo ang sabi ni Lia sa kapatid na noon ay excited nang makauwi sa kanilang baryo.

hindi ko alam ate Lia, kasi ngayon lang naman ako lumayo sa ating nayon ng matagal....pakli ni Arnie sa kanyang ate....

LIA : hindi ba at ninong din si Borjo sa binyag ni Chibog? paano siya dadalo sa binyag? hindi ba at bawal sa kanila ang mawisikan ng holy water?

tanong muli ni Lia, na tinanggap na ang pagiging mag kaibigan ni Borjo at nang kapatid .

ARNIE : Wala naman problema sa bagay na iyon ate Lia, pwede siyang i proxy ni Dedot. Kaya lang... okay lang ba talaga sa inyo na magkaroon ng kumpareng tikbalang?

LIA : Napabungisngis ito sa tinuran ng kapatid.....

Hihihihi ikaw talaga Arnie..... pino problema mo ang bagay na iyon? kumpare lang ba? o baka naman maging bayaw ko pa si Borjo? at saka malay mo? bigyan ni Borjo ng ginto bilang pakimkim ang pamangkin mo... nakatawang sagot ni Lia

YEL : Oo nga naman Arnie... sabat naman ni Yel sa usapan ng magkapatid habang buhat si chibog at bitbit na ang malaking bag ng kanilang damit.

Nächstes Kapitel