webnovel

CHAPTER 34 : tikbalang sa Siyudad ?

ARNIE : PA... PANAGINIP LANG PALA???

walo sa loob na hinaplos ni Arnie ang kaliwang braso.

BETTY; iniaabot kay Arnie ang baso ng tubig; ano ba ang napanaginipan mo anak at umuungol ka? aba'y dinig hanggang sa silong ah???

naparami siguro ang kinain mo kaya ka binangungot? usisa ni betty sa anak

ARNIE : hindi naman po gaanong nakakatakot inay, napanaginipan ko lang po yung impaktong lalake na pilit akong kinakaladkad at isinasama sa kung saan; kwento ni Arnie sa ina at kapatid na si Loida

ganoon ba? oh sige mabuti pa'y matulog kana ulit, maaga kayong bibyahe bukas, ikaw din loida bumalik kana sa higaan mo at mahaba ang oras bago mag umaga; baling ni Betty sa anak na si Loida. at sabay na silang lumabas ng silid upang bumalik sa pagtulog.

Sa kabilang dako....

Nagngingitngit sa galit si Prinsipe Matuling

PRINSIPE MATULING : buwisit !!!! buwisit talagang mga tikbalang na yan!!! lalo na ang Prinsipe Borjo na yon!!! kung hindi dahil sa kanila hindi sana nabigo ang plano kong pagkuha sa halimaw na babaeng yon!!! galit na sambit nito.

ipagpatawad nyo po mahal na prinsipe, hindi namin nagawang talunin ang mga tikbalang.... hinging paumanhin ni Ulinggo kanang kamay ni prinsipe matuling at pinuno ng pangkat ng kanyang kawal.

PRINSIPE MATULING : galit na tumayo ito at dinuro si Ulinggo, isa kang hangal!!! nagtiwala ako sa inyo na magagawa ng maayos ang misyon!!! paanong nangyari at natunugan ng mga tikbalang ang plano nating pagkuha sa HALIMAW sa pamamagitan ng panaginip??? Paano sila nakalapit sa ating grupo ng hindi mo namamalayan????

Napaka simple lang ng gagawin nyo!!! hindi nyo pa nagawa?? ? galit na usig ng prinsipe dito.....

ULINGGO : patawad po, ngunit mabilis po ang pangyayari , bigla na lang silang sumulpot sa kung saan kung kaya't hindi namin napaghandaan ang kanilang pag atake..... palwanag nito...

Aaaaah tama na ang pangangatwiran! ! ! ipunin mo ang mga tauhan at magmanman kayo sa paligid ng bahay ng HALIMAW magmanman din kayo malapit sa kuta lupain ng mga tikbalang..... utos ni Prinsipe Matuling dito.....

ULINGGO : ngunit mahal na Principe karamihan po sa ating mga kawal ay lubhang nasugatan ang iba naman po ay nasawi at tuluyang naging abo... baka po hindi nila kayanin kung muli silang mapalaban sa mga tikbalang.

PRINSIPE MATULING : Gamitin mo ang utak mo kung meron ka!!! malubha pala silang nasugatan!!! e di bigyan agad ng lunas!!! pagkatapos pumili ka sa mga kawal na malalakas at hindi gaanong nagtamo ng sugat !!! pumili ka rin sa ibang kawal ng palasyo na hindi kasama sa misyon kanina....

napakasimpleng bagay, ginagawa mong problema!!! napaka inutil mo!!!!

siya nga pala huwag mong ipaaalam sa hari ang ating pagkabigo, kung hindi malilintikan ka sa akin!!! pahabol na babala nito kay Ulinggo

KARIMLAN : mukhang mainit ang ulo ng mahal kong Prinsipe ? gusto mo bang pawiin ko ang init ng ulo mo?

napatingin si prinsipe matuling sa kabiyak na noo'y kapapasok lamang mula sa hardin at may dalang bulaklak na itim

PRINSIPE MATULING : aaah mahal kong asawa ,narinig mo pala ang usapan namin ni Ulinggo?

mabining ngumiti sa kabiyak si Karimlan....

mahal ko, dinig hanggang hardin ang iyong tinig kung kaya't narinig ko ang inyong pag uusap.. sagot ni karimlan sa kabiyak na noon ay lalong nagdilim ang itsura ng dahil sa galit.

PRINSIPE MATULING : aah mahal ko, mangyari kasi'y nabigo kami sa misyon at maraming tauhan ang nalagas sa atin....

KARIMLAN : ganoon ba? bakit hindi ninyo na lang siya patayin, nang sa ganon mas mabilis na maisagawa ang misyon..... suhestyon nito sa kabiyak habang hinihimas ang malaking tainga nito.

hindi maari, mahigpit ang bilin ni ama na dalhin dito ng buhay ang halimaw na yon!!! siya ang itinakda at susi.... saad nito sa kabiyak habang nag umpisang maglumikot ang maiitim nyang kamay

Kinabukasan alas kwatro pa lamang ng umaga ay gising na at nag aayos ng mga prutas na dadalhin nila Lia si Peter katulong ang manugang na si yel, habang abala sa kusina si Betty at Lia...

Inaykupu... ang matinis na boses na narinig nila Peter habang hawak nya ang isang piling na saging na ilalagay sa sako.....

natatarantang ibinaba ni Peter ang saging, habang si Betty at Lia naman ay hangos na papanhik sa hagdan paakyat sa itaas ng bahay kung saan nagmula ang narinig nilangmatinis na sigaw

BETTY : hangos na pumasok sa silid ni Arnie kasunod si Lia Peter at Yel inabutan nilang gising na si Arnie at hawak ang kaliwang braso. o

anak.... ano ba ang nangyari sa iyo at kaaga aga ay sumisigaw ka dyan? tanong ni Betty sa anak habang habol ang hininga sa ginawang mabilis na pag akyat.

tumingin si Arnie na kasalukuyang namumutla pa sa ina bago ipinakita dito ang hawak na kaliwang braso na may namumulang marka ng KAMAY...

Nabiglang hinawakan ni Betty ang braso ng anak at masusing sinuri ito,; anak saan mo nakuha ang markang ito? kinikilabutang tanong ni betty

ARNIE : ewan ko po inay, paggising ko nakita ko na lang po iyan ng buksan ko ang ilaw....

LIA : hala!!! nanay ku!!! ano ba naman iyan? mukhang kamay ng maligno yan ah?

ARNIE : ay!!! oo nga!!! kagabi nanaginip ako, hinawak ng IMPAKTONG LALAKE ang braso bago ako kibaladkad, pabiglang sabi ni Arnie na noon ay naalala ang panaginip.

o sya sya tama na iyan ! bumaba kana at maghilamos at mumog, may panis kapang laway sa pisngi oh sabat naman ni Peter

ARNIE : si tatay naman! hindi naman tumutulo ang laway ko pag natutulog eh reklamo ni Arnie sa ama....

mabuti pa nga ay bumaba na kayo at ng maaga kayong makalakad paluwas, tulungan mo ang ate mo maghain ng almusal mabuti na ang makaalis na kayo at baka hindi lang marka ng kamay ang makuha mo sa pananaginip mo; ang sabi ni Betty sa anak .

ARNIE : wag kang matakot inay.... di ako takot sa impaktong yon!!! lalabanan ko silang lahat ng kawal nyang mga maligno! pagyayabang pa ni Arnie

husss bata ka, kung ano ano ang sinasabi mo, at pabirong ginulo ni betty ang buhok ng anak bago tumalikod palabas ng kwarto kasunod ng asawa't manugang na nauna na sa pagbaba.

Sa biyahe nalibang si Arnie sa mga nakikitang nadadaanan ng bus sa Manila habang sakay ng bus na Saulog, madali silang nakasakay ng bus byaheng Olongapo ng makababa sa rotonda..... hindi niya halos namalayan na nakarating na sila sa terminal ng Saulog sa Olongapo

Pagkababa ng bus, kinuha nila Lia ang kanilang mga dala sa compartment ng bus habang si chibog ay karga ni Lia at nakasakbat sa balikat ang bag ng mga damit.

Marahang naglalakad si Lia palabas ng Terminal ng bigla siyang mapahinto...

hinabol nya ng tanaw ang isang pamilyar na mukha na kanyang namataan sa di kalayuan.

LIA : oh Arnie? bakit ka huminto sa paglalakad ; tanong ni Lia na napuna ang ginawang paghinto ni Arnie sa paglalakad.

ARNIE : ah? eh..... wala ate, parang nakita ko lang kasi si Prinsipe Borjo sa banda roon, sabay turo sa isang lugar sa di kalayuan.

LIA : hussss nakakita ka lang yata ng amerkano, akala mo si borjo na..... masanay kana Arnie, dahil maraming mestisong kano na pagala gala dito sa GAPO!!! biro pa ni Lia

Nächstes Kapitel