webnovel

Chapter 24 : PAGTITIPON NG PAMILYA AT KAIBIGAN;

kinahapunan nagtulong tulong sa pagluluto si Betty Lia at Arnie sa pagluluto ng mga pagkain, lumipat din ang kanilang kapitbahay na si Cita, Munay Pinang at ang tiyahin ni Arnie na si Orya upang tumulong, nagluto sila ng pancit menudo kalderetang manok at baboy at ginataang native na manok, may gulay din na chopsuey at kare kare nag ihaw din sila ng isdang dagat na binili ni Betty kaninang umaga. si Kiko at ang asawang si Teng ay nagdala din ng adobong manok at tinumis (dinuguan) habang nagluluto si Peter ng minatamis na mura at langka, may nilaga ding saging at balinghoy (kamoteng kahoy) ano pa't napakaraming pagkain sa munting hapag na pinagdugtong dugtong na lamesang kahoy sa harap ng bakuran nila Arnie.

kinagabihan nagsidatingan ang mga kamag anak at kaibigan ng pamilya ni Peter, lahat ay may kanya kanya ring bitbit na kaserola ng ulam si Pat at Ka Tonyo ay may dala ding lutong ulam sa Tupperware. ang kaning niluto ay nakahain sa dahon ng saging sa gitna ng mahabang lamesa.

nag umpisa na ang masayang pagtitipon ng pamilya at mga kaibigan, bilang pasasalamat ng pamilya ni Peter para sa pagbawi kay Arnie sa tikbalang.....

KA TONYO; arnie ako'y natutuwa na makasalo ang iyong pamilya at makilala silang lahat. bagaman at masaya ang ganitong pagtitipon, sana ay maulit ito sa ibang kadahilanan naman. kaya't sana ay mag iingat ka mula ngayon. huwag sanang masayang ang pagod at hirap ng lahat... babala ni Ka Tonyo.

ARNIE; opo ka tonyo, mula ngayon ay mag iingat na ako... pangako ni Arnie

May pangamba man sa puso ng lahat, muling itinuloy ng lahat ang kasiyahan at salo salong pagkain sa munting pagtitipon kaakibat ang tahimik na dalangin'g sanawa'y di na muling balikan ng tikbalang si Arnie

Nächstes Kapitel