webnovel

chapter 6 : Ang mahiwagang estranghero

Nakatayo sa di kalayuan ang lalakeng ilan beses ng nakita ni Arnie, may dalang mahabang lubid at matamang nakatingin sa kanya.

nakarandam ng kilabot si Arnie kaalinsabay ng pagtataka kung bakit lagi nyang nakikita ang lalakeng ito. di yata't mayron syang stalker? take note!!! isang gwapo at mahiwagang stalker.

mama pwede po bang magtanong tawag ni Arnie sa lalake, ngunit di ito tumugon sa halip tinitigan sya nito ng matiim at saka tumalikod paalis

mamaaa... sandali! wag ka umalis! gusto ko lang itanong kung nakita mo ang inay ko!?! narinig ko ang boses nya na tinatawag ako dito sa lugar na to, kung saan ikaw lang ang inabutan ko, pahabol na paliwanag ni Arnie.

ngunit di sya pinansin ng lalake, sa halip mas lalong bumilis ang mga hakbang nito na tila ba nakasakay sa kabayo.

nag mamadaling tumayo si Arnie tangkang habulin ang lalake, ngunit nawala na ito na parang bula. tila ba isang guni guni o malik mata lamang na nakita sya ni Arnie sa lugar na iyon!

nanlulumong nagpatuloy sa paglalakad si Arnie nagbabakasaling muli nyang makita ang lalake o di kaya ang kanyang nanay.

Naiiyak na minasdan ni Arnie ang kanyang paligid, di nya alam kung saan lugar na s'ya nakarating, kabisado nya ang lahat ng lupain mula sa ibaba ng kanilang lupa hanggang sa ilayang pulo at simba simbahanan na karatig ng lupang minana ng kanyang itay sa kanyang lolo.

kahit anong gawin ni Arnie di nya malaman kung saan o kaninong lupain na ang kinaroroonan nya.

Nanlalambot na naupo si Arnie pinapawisan at nauuhaw na rin s'ya, di nya alam kung anong oras na,maging ang dala nyang inumin ay naiwan nya sa lugar na unang hinintuan sa pagmamadaling malapitan ang estranghero. nag aala sya na hinahanap na rin s'ya ng mga magulang

Nächstes Kapitel