webnovel

Vixen and Blitzen

Autor: semi_block
LGBT+
Laufend · 7.1K Ansichten
  • 1 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • N/A
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

Tags
3 tags
Chapter 1Vixen and Blitzen

Vixen and Blitzen

Di' ko talaga mawari sa magulang ko kung ba't ako pinangalan sa isa sa mga reindeer ni Santa. Ewan ko kung anong tama ng mga magulang ko at ipinangalan pa ako sa pinakamalanding reindeer-si Vixen.Una sa lahat,hindi ako malandi,slight lang.Pangalawa,hindi ako babae,parang lang.Pero at least napanatag kaluluwa ko,pati laman at dugo ko ng malaman kong di' lang pala magulang ko ang may hataw.Pati mga magulang mo rin sa pagpapangalan sa'yo ng Blitzen.I think it suits you.Sa tansya ko ikaw 'yong tipo na sakit sa ulo ng magulang,antipatiko,sira-ulo,at luklukan ng yabang.Samantala ako naman 'yong tipong napakaperpekto,'yon tipo bang handa akong gawan ng rebulto sa EDSA para lang di' ma-stress ang mga tao sa traffic dahil nakaka-relax 'yong presence ko.Di' tulad ng mukha mo,nakakainit ng ulo.

Vixen is a b!tch,Blitzen is a d!ck.

Unlike you,hindi ako sumali sa school's magazine na Saenthereese dahil sa tingin ko pipityugin lang ang publication na 'yan.Mga walang kuwentang issue,mga walang katuturang insights na napaka-common naman.Tuwing maglalabas ng issue ang Saenthereese laging bukang-bibig ko nalang:"Walang kuwenta","Ang pangit nung article","Sayang ang papel,save more trees".Napaka-judgemental ko ba?Pero kahit na hindi ko trip ang trip niyo,may isang bahagi naman akong nagustuhan sa Saenthereese magazine.'Yon 'yong ipa-publish ang feedback ng mga readers niyo at papatulan naman ng manunulat or editor sa next issue.Napasulat ako ng feedback sa isa sa mga article na isinulat mo Mr. Blitzen sa Saenthereese magazine.'Yong tungkol sa "Bakla".Hindi naman siya actually laban sa mga bakla.Pabor pa nga sa kanila--sa amin--'yong sinabi mo,eh.Tungkol 'yon sa mga namamakla.'Yon bang mga bakla na naghahanap ng call boy para pampainit laman.Sabi mo do'n sa issue na 'yon na dapat turuan ng mga bakla 'yong mga lalake na pumapayag i-kama sila,na dapat respetuhin din nila ang sarili nila.Okay naman sa akin 'yon eh pero ang di' ko lang maatim ay nanggaling pa sa'yo ang mga katagang 'yon.Nanggaling sa Mr. Blitzen Romero na walang kasing yabang ang magkakaroon ng stand para ilaban ang mga bakla?Watawaw,ah.

Kaya ayon,nagbigay ako ng feedback.Sumagot ako,"Kaya nga nagpapabayad di' ba?Kasi wala silang respeto sa sarili nila.Tapos tuturuan mo sila ng Good Manners and Right Conduct?Anong ka-perpekan yan,ah?Matuto ka munang maghanap ng trabaho katulad ng mga bading na pinatulan mo para ikaw naman bumili sa kanila.Oh right,bakit ka naman bibili ng Made in Thailand,kung puwede ka namang bumili ng Original".At dahil do'n sa ginawa ko,naging usap-usapan na ngayon sa buong campus kung sino 'tong si "Anonymous".Sa totoo lang,nagka-engkwentro na tayo noon Mr. Blitzen,eh.Hindi mo na siguro maalala dahil hindi naman sa'yo mahalaga.Hindi ka nga humingi ng tawad eh no'ng pina-landing mo sa mala-NAIA kong noo 'yong bola.Inutusan mo pa nga akong ihagis 'yong bola pabalik sa'yo,eh.Nag-sorry ka?Hindi!Gano'n ka ka-antipatikong hayop ka!

Kaya gano'n nalang ako kainis sa'yo dahil sa ginawa mo.Kaya gano'n nalang ang galit ko sa article mo dahil may pinanghuhugutan ako.Lumabas na ang bagong issue ng Saenthereese,feedback mo agad ang inusisa ko.Alam kong hindi lang ako,pati buong mambabasa niyo nagaabang.Sagot mo sa feedback ko,"Mukhang negative ata ang dating ng sinulat ko sa isa nating reader.Akala niya ata namamakla ako.Hindi ba puwedeng may pinagbasehan lang?Kung makapuna ka naman,akala mo kilalang-kilala mo ako.Baka kasi natamaan ka?".Lumabas ang bagong issue,ni-replayan kita.Ang kinaibahan mo lang sa akin,wala kang screen name,kaya pinagpipiyestahan ka ng madla.Total gusto mo naman ng atensyon kaya ibibigay ko sa'yo.Reply ko sa'yo,"Oo natamaan mo ako(ang tinutukoy ko dito 'yong bola). Literal. Hindi ko lang talaga maatim na ang katulad mo Mr. Blitzen Romero ay magbibigay ng "Words of Wisdom"? Ha! Kilala kita!". Tulad ng iba,nainip ako na ilabas ang susunod na issue at mabasa ang reply mo. Malaking promotion 'to sa publication niyo dahil mukhang marami ang napukaw ang atensyon sa sagutan natin pero mukhang di' niyo naman pansin ang nai-ambag ko. Dumating ang next issue,sumagot ka," Maraming nagke-claim na kilala ako para mapalapit sa akin.Ito ba ang paraan mo ng pagpapapansin?Well,good job,napansin na kita.Pero sinasabi ko sa'yo,di' mo pa ako lubusang kilala."Kinausap ko ang Editor-in-Chief ng Saenthereese para hindi mo malaman ang identity ko.Kaya nga ang lakas-lakas ng loob ko na sagut-sagutin ka.Reply ko,"Mawalang galang na po Mr.Walang-Galang.Hindi ko taktikang mapalapit sa isang Mr. Romero.'Kala mo siguro porket gwapo ka,eh,mahuhumaling ako sa'yo.Hindi,uy.Hindi ka nga abot sa standard ko.Di' kita type."Totoo ang mga sinabi ko,di' kita type.At lalong hindi mo rin ako magiging type.Next issue:Ito sagot mo,"Hindi patas 'to.Alam mong gwapo ako pero ako walang alam sa'yo bukod sa masungit ka,prangka't ubod ng maldita.Papatunayan ko sa'yo na hindi ako 'yong Blitzen na ikinahon mo sa iyong persepsyon."

Katabi ko no'n 'yong bessywap kong si Hannah."Vix,pustahan tayo,magkakatuluyan 'tong aso't pusang 'to." Sagot ko,"Magkakatuluyan ka diyan.Nevah uy. Magkakapatayan,puwede pa siguro."

Sumagot ako sa issue mo, "Eh,ano ngayon?Eh,ano kung masungit,prangka't ubod ng maldita ako?At least ako 'to.Hindi ako mapagkunwari.At hindi rin ako magkukunwaring hindi ko tinawanan ang sinabi mong mababago mo ang persepsyon ko sa'yo.I mean,paano?". At alam mo kung anong ginawa mo kay Hannah at sa iba pang mambabasa?Tinuruan mo silang maging brutal.Tinuruan mo silang manghampas dahil sa dalawang salitang iyong sinabi."Mag-date tayo".Na-shock ako sa sinabi mo.FYI,Mr. Blitzen,hindi pa ako nakikipag-date at mababago 'yon kung papayag ako."Hindi ako pumapayag,"reply ko.

"ARGHH!! Sasabunutan ko talaga si Anonymous 'pag nagkita kami."ani ni Hannah." OA nito," tugon ko." Eto kasing si Mr. Anonymous,eh.Papatunayan na nga ni Oppa Blitzen na hindi lang siya pampamilya,pangkama ay este pang-sports pa tsaka naman siya aarte kemfet."

" Malay mo takot lang.Baka kasi resbakan ako ay este siya ni Blitzen pag nalaman niya kung sino 'tong si Anonymous." Sa sumunod na issue,pumayag nalang ako.Hindi dahil sa gusto ko kung di' dahil sa pinipilit na ako ng publication na pumayag dahil marami na daw ang nag-request na readers na papayagin ako."Sige Mr. Romero pumapayag na ako pero hindi dahil sa gusto ko/kita."

Sumagot ka," Wampake kung ke gusto mo ko o hindi,ang akin lang ay maipakita sa'yo kung sino ba talaga ako...bukod sa gwapo."Ang tingin ng iba,sweet ka.Ang tingin ko naman punyeta ka.Siguro kinulong mo rin ako sa persepsyon mo na isang mataray,masungit at walang ibang ginawa kung di' mamuna. Huy, mali ka dodong. Sa katunayan nga,volunteer ako sa isang orphanage,nagluluto ako kasama ang mama ko sa mga bata.Malayo sa hitsura ko,oo.Pero sinasabi mong walang nagpapangiti sa'kin,nagkakamali ka.Kaligayahan kong makitang nakangiti ang mga bata.Nagpalitan tayo ng numero kasi sabi mo "Kailangan" pero di' mo parin ako kilala dahil binigay ko sa Editor-in-Chief niyo ang number ko."Mag-date tayo sa Sabado,"sabi mo sa text.Sabi ko,"Di' puwede,may aatenan akong Christmas Party."

"May aatenan din akong Christmas Party.So,sa gabi nalang natin ituloy,"reply mo.Pumayag ako.Dumating ang Christmas Party.Tinulungan ako ni mama na magdala ng niluto namin para sa mga bata.Idinaan namin 'yon sa likod na gate ng orphanage para walang batang makakita. Naroon na rin sa kusina ang iba pang volunteer naglalagay ng pagkain sa mga styro plates."Pagkatapos ng pa-program ni Sir Blitz,ipapamigay na na'tin 'tong foods,"wika ng isa sa mga volunteer.Dagli akong nakiusyuso."Blitz,as in,Blitzen Romero?"

"Vixen,ba't di' ka nagsi-Sir?,"singit ni mama.Hindi ata alam ni mama na magka-edaran lang tayo."Oo tama,Blitzen Romero nga.Pamangkin siya ng nagpatayo nitong center na ito.'Pag christmas season,pumapasyal siya rito para magpasaya."Siyempre,hindi ako agad naniwala kaya sumilip ako sa bintana.Ikaw nga. Nakaupo ka no'n sa harapan,may hawak kang puppet na unggoy(kamukha mo nga). Samantala,nakapalibot naman sa'yo ang mga bata-nakatingala at namamangha. Ventrilloquist ka rin pala. Ang lakas ng hagalpakan ng mga bata kahit na sa M.O.R. mo lang naman nakuha 'yong script.Pinasaya mo sila.Habang ako,pinakaba mo ng dire-diretso kang pumasok ng kusina pagkatapos mong mag-perform. Dagli akong tumabi sa mga kapwa ko volunteers, kunwari may ginagawa. Nakatalikod para di' mo makilala. Hanggang ngayon naman hindi mo ako kilala at wala akong balak magpakilala,ngayon man o kahit mamaya dahil wala akong balak sumipot sa date na'tin. "Mga manang,ready na po ba ang pagkain ng mga bata," tanong mo sa lupon ng mga may edad.

"Ready na hijo."

"Tara,dalhin na natin sa--sino 'yon?"

Kinabahan ako. Ako marahil ang tinutukoy mo.

"Ah Sir Blitz,bago nating volunteer."

Narinig ko ang paglapit mo.Napayuko ako.

"Hi,Blitzen Romero.And you are?"

Iniabot mo ang kamay mo sa akin pero ng hindi ko ito tinanggap,pinasok mo 'to sa bulsa ng pantalon mo.Pinahiya kita,Buwahahaah!!!

"Uhm,sige po,i-distribute niyo na sa mga bata,"mando mo sa iba. Akala ko kasali ako doon pero bigla mong inanunsyo.

"Sila lang.Hindi ikaw." Inis na inis ako sa'yo.

"Uhm,hijo,pagpasensyahan mo na si Vixen,ah," ani ni mama ng masaksihan ang kasupladahan ko." Medyo mailap 'yan sa mga tao."

"Sa mga tao o sa mga...guwapo?". Just like that,napangiti mo si mama. Banidoso. Humarap ka sa akin...nagpapapansin.

"So...Vixen pala name mo?"

"Karirinig mo lang di' ba?!,"sabi ko sabay ikot ng mata. "Alam mo may kilala akong kaugali mo," sabi mo pa. Hindi kita sinusundan ng tingin no'n.Basta ako,desidido akong hiwa-hiwain ang tinapay ng pinung-pino sa pag-asang ikakainip mo ito. 'Di ko nga dapat 'to hinihiwa pero ito lang nakita ko.

Hanggang sa mag-ring ang cellphone kong Lenovo. Salamat sa Diyos, may dahillan ako para pag mukhain ka diyan tanga. Hindi ko na inusisa pa kung sino 'yong caller. Sinagot ko nalang ng diretso. "Hi babe,napatawag ka?Na-miss mo 'ko 'no?,"saad ko kahit hindi ko naman alam kung sino 'yong caller.

"Oo babe,na-miss kita.Pa-kiss naman 'o."

Naka-speaker kasi 'yon so nilingon kita kung narinig mo lahat. Pero sh!t. Ikaw pala ang tumawag. Binalik ko sa bulsa 'yong cellphone at hiniwa ng mas pino pa ang kinchay. Oo,sa tinapay na walang kalaban-laban ko binaling ang sama ng loob at kahihiyan ko. Bumalik ka sa puwesto sa may harap ko in such way na mababanas ako.Kenginamo. Di' ka man lang nasindak sa bread knife na hawak ko at tahasan mo kong tinanong. "Ba't ba laki ng galit mo sa'kin?"

"Tinamaan mo'ko ng bola,eh."

Gusto ko pa sanang salain ang pahayag kong iyon ngunit huli na. Tinawanan mo na. Natawa ka pa gayong pawang katotohanan lang naman ang aking inilathala. Tinamaan mo lang naman ako ng bola habang binabagtas ko ang kahabaan ng quadrangle papuntang gym habang nakikinig ako sa "Here Comes Santa Claus" ni Mariah Carey.Si Elvis Presley ang orihinal na kumanta no'n at kinumpisal na sa akin ni mama na do'n niya nililok,hinulma at binase ang pangalan ko.I think,sa'yo rin.Sayang nga at ngayon lang lumabas 'yong kantang may lyrics na Balitik-balitik.Balitik sana pangalan mo ngayon.

Opinyonado ako,malakas ka namang mangatwiran.Ba't di' tayo magsulong ng Debate Club?Siyempre sa huli,ako palaging panalo.Kagaya ngayon.

"Okay,humihingi ako ng dispensa.I'm sorry,"sabi mo.Mukha namang sincere no'ng una pero ng pre-occupied ako ng kinchay,bigla mo nalang dinagdagan ng,"O,wala ba namang reply katulad ng,'O sige gwapo ka naman,e.Pinapatawad na kita."

"Hindi mo kailangang idagdag na gwapo ka."

"O,bakit.Hindi ba?."Hindi ako nakapalag.

Bumukas noon ang pinto.May naghahanap sa'yo.

"Nice bumping you Vixen.Mamaya,ah?,"sabi mo ng may kindat pa tapos tapik-tapik sa balikat ko.'Close tayo?,'sa isip-isip ko.

"Hindi na natin kailangan magkita mamaya,"sabi ko bago ka pa makalabas.Nainis ka sa mungkahi ko.Apparently.

"Bakit?"

"N-nagkita na tayo,eh,"sabi ko sabay dugtong ng,"Duh."

"Nagkita lang pero di' nagkakilanlan,"ang sabi mo na napakaseryoso."Pupunta ka mamaya.Papatunayan mong mali ang persepsyon ko sa'yo na 'Wala kang isang salita'."

Di' ko alam kung paano pero may paraan ka para ako'y mapapayag mo.

Dumating ako sa usapan natin.Sabi mo sa Jollibee lang pero nasa may Amity Restaurant na tayo.Ang dami mong in-order.

"Masiba ay este mayaman ka pala,"ika ko habang pinagmamasdan kang ngumuya.

"Kaya napaka-imposible ng paratang mo na namamakla ako,"kaagad mong sinagot kahit puno pa ang bibig mo.Walang table etiquette.Walang modo.

Mabilis talagang lumundag ang isip ko kaya bigla ko nalang naitanong."So parang ang dating,binili mo'ko?Na ikaw na ngayon ang taga-pondo?Excuse me,I can pay."

Bigla ka na namang tumawa.Buwang talaga.Tapos bigla kang nagkuwento.Tito mo pala ang inspirasyon mo sa article na 'yon ng Saenthereese.

Nagkuwento ka pa tungkol sa tito mo.Sabi mo na isa ang tito mo do'n sa nagtatawag.Booking ang tawag do'n.Sabi mo pa na ang thrilling no'ng ginagawa ng tito mo pero after the chugchugan,wala na.Parang may kulang parin.

Medyo naintindihan ko na 'yong point of view mo sa article na 'yon pero dahil ikaw nagsabi no'n,parang ayaw ng sistema kong paniwalaan ka kaya I'm still not convinced.

"Ayaw mong maniwala.Ba't di' mo alamin sa mismong inspirasyon ko,"saad mo.Tapos bigla nalang may lumabas sa may kitchen at hinahanap ka.

"O,Blitzen,kamusta ang pa-Christmas party sa mga bata?Nag-enjoy ba sila sa handa?"

"Oo 'to.Ansarap talaga 'pag lutong Amity."Dagdag mo pa,"kasama ko na siya 'to."

"Vixen,tama ba?,"saad ng tito niya sabay palakpak,"Ang galing.Para lang kayong mga reindeer ni Santa."Sinabi niyo pa!

"'To ayaw maniwala ni Vixen na nagbago ka na,"pagsusubong mo na parang bata.

"Vixen,maniwala ka sa kanya.I have change.People changed.Napagtanto ko na kahit ilang hotdog pa ang pumasok sa akin,hindi pa rin talaga sapat.I mean,parang may kulang kaya ayun I've decided to built this orphanage para sa mga bata,"mahaba nitong litanya.

"Alam mo 'yong feeling na tumutulong ka sa kapwa,ang saya lang.Hindi ko kini-claim na malinis akong tao.Na ka-berks ko si Mama Mary o kaya si Mother Theresa.Pero in the end,hindi ka naman huhusgahan sa dami ng nagawa mong kasalanan,e,kundi sa dami ng iyong natulungan,nabahagian ng pagmamahal kahit isa ka lang din namang hamak na makasalanan."

At habang naglilitanya itong si tito ni Blitzen ay sinubukan ko namang i-process 'yong sinabi niya.Lahat naman tayo sinner.Inherent na 'yon.In-born kumbaga.Pero kahit na by default,makasalan tayo,it's not a hindrance nor a discouragement to try kindness.

"And I commend Blitzen for following my footsteps,"puri niya sa'yo.Masyado lang siguro akong galit sa'yo kaya nasabi ko,"Nag-puppet show lang naman siya do'n.Sapat na ba 'yon?"

Hindi na siguro natutuwa si Santa sa pangde-degrade ko sa'yo.I'm pretty sure nagsisisi ka na dine-date mo ako.

"Vixen,my dear,alam ko na may pagkapasaway 'tong gunggong na 'to,but its not right to contain him in a box,"ani ng tito mo.Bigla kang nahiya.

"Siya kasi 'yong tipo ng tao na hindi pala-kuwento ng milestones niya,eh.But if you take time to know him,matatawag mo siyang amity,kaibigan o puwedeng ring ka-ibigan."Salitan niya tayong tinignan pagkatapos ay kumindat at umalis na't bumalik sa kitchen.Iniwan niya tayong tahimik at di' alam ang gagawin.

Sinunod ko 'yong sinabi ng tito mo.I take time to know you.Sincerely.For the first time.No judgement added.No checking of cellphone.And I can believe how mesmerizing your eyes.As mesmerizing as your confessions.

'Yon palang araw na tinamaan mo ako ng bola sa noo ko ay nagri-ready na kayo for the finals para mapanalunan 'yong crash prize dahil hindi ka humihingi ng pera sa mga magulang mo pang-tuition at pang-allowance.Akala ko nga BS Basketball ang course na kinuha mo dahil walang araw na di' ka laman ng quadrangle.Sports scholar ka pala.Hindi ko alam na minsan sa isang taon ay nagro-roaming around kayo ng tito mo para maghanap ng mga bata sa kalsada at patuluyin sa orphanage.Nalaman ko rin na ang mga napapanalunan mo sa basketball ay ibinibigay mo sa orphanage.

"Proud siguro ang pamilya mo sa'yo,"sabi ko.Hindi na ako nagdamot at nginitian kita.What else can I give to a man like you who gave everything he had to others,right?

"Salamat,Vix Vapor Rub,"ancute mo ring tumanggap ng compliment no?May kasamang lait.

"Ano,uhm,sorry pala Blitz,ah.Sorry kung kinakahon kita kahit di' ka naman kasya.I mean,sa laki mong 'yan."

"Uhm,ano ba?Matutuwa ba ako do'n o mapipikon."

"I have the right to remain silent,"ang sabi ko.Dagdag ko,"Pero Blitz,tama si lolo mong Shakespeare.'I may have known what you are but not what you may be."

"Aray.Dumugo ilong ko,"inarte mo."Ano bang ibig sabihin do'n ni lolo Shakespeare?"

"'Big sabihin no'n hindi talaga ikaw 'yon 'yong pagkakakilala ko sa'yo.Na hindi ibig sabihin na suplado tingin ko sa'yo ay 'yon ka o 'yon ka lang.You may become one of the most influential people in Times.Who knows?Baka makatanggap ka pa ng Humanitarian Award,e,o kaya ng Grammy,ng Oscar,ng People's Choice,ng Nobel Peace Prize o kaya---"

"You could just simply be mine.Award na 'yon sa'kin,"tugon mo na sa sobrang bilis ayaw mong ipaintindi sa'kin.

"A-ano?!"

"W-wala.Kumurap ka naman 'ka ko.Titig na titig ka sa'kin,eh.Hehehe!"

"Pinanindigan mo talaga 'yan,eh,'no?,"ani ko."Well..."

"Well ano?"

"Totoo naman,"dugtong ko.And here goes his killer smile.Killing me..again.

"Sa next date natin ikaw naman mag-kuwento,okay?"

Nasamid ako sa iniinom kong iced tea na walang ice.

"N-next date?"

"Oo,next date,"sabi mo."And the following date.And the dates following that date.'

How you could say such things that leave me breathless and clueless af.

"Akala ko last na 'to?,"saad ko.

"Akala ko rin,eh.I guess one date was not enough for me"tugon mo naman.

And we have our second,our third,our fourth and so on and so forth na date.

At akalain mo 'yon,pagkatapos ng marami nating date,nagkatotoo 'yong prediksyon ng impaktang bessywap kong si Hannah.

Naging tayo nga.

Das könnte Ihnen auch gefallen
Inhaltsverzeichnis
Volumen 1