Chapter 11. Irritated
PAGKALABAS ni Rellie sa gusali ay saka pa lamang niya napansing kanina pa may tumatawag sa kaniyang cellphone. Hindi niya lang narinig kanina dahil s-in-ilent niya iyon.
"I'm sorry, Rel, sinumpong kasi ang allergy ko kaya dinala ako sa emergency." Si Cham iyon.
"Ayos lang. Okay ka na ba?"
"Oo, medyo may mga pantal nga lang, pero mawawala rin naman kaagad ito."
"Ano ba kasing nangyari? Saan ka allergic?"
"Hindi ko pa alam, eh. Hinihintay ko pa ang resulta."
Napatango siya saka sinabing pupuntahan niya ito maya-maya, pero pinigilan siya dahil gusto raw nitong makapagpahinga.
Sighing heavily, she thought of going straight to the mall to kill some time. Una siyang nagpunta sa boutique kung saan palagi siyang dinadala ng mama niya noon upang makapamili ng mga damit. Kaagad siyang inasikaso roon dahil bukod sa VIP, ay naging endorser siya ng mga damit pambata sa one-stop baby shop na sister's company ng boutique.
She only bought three denim jumper; and she went to National Bookstore to buy some acrylic paints and paintbrushes. Parang gusto niyang gamitin iyong brand na na-try niya noong huling exhibitna pinuntahan niya. Parang ang gaan kasi sa kamay at madaling i-blend ang mga pintura. Bumili na rin siya ng sketchpad at ilang mga lapis na i-stock.
When she went home, she immediately went to her workroom to focus on painting. On the canvas, she splashed solid colors, and she stroke her paintbrush in any way she would want with the thought that she was irritated with a certain person. Hence, the theme of that abstract painting was "Irritated".
She expected that the colors would contrast to each other, but surprisingly, it was pleasing in the eyes. Mahahalata ang madiin na pagdampi ng brushes sa canvas pero mapapansin din namang may ingat sa bawat pagdampi.
Ayaw niya na maganda ang kinalabasan niyon! Kaya nga ba napasabunot siya at kumuha ng isang maliit na lata ng pintura sa may gilid ng silid—kung nasaan ang mga stock niya ng pintura, saka nagmadaling bumaling sa canvas para ihagis ang laman ng lata. Itim na pintura iyon.
Subali't imbis na dumiretso sa canvas ay hinarang ng Kuya Arc niya ang sarili roon kaya parang ito tuloy ang tinapunan niya ng pintura.
"Bakit ang init ng ulo mo?" tanong kaagad nito nang hindi alintana ang pintura sa puting damit nito at denim pants.
"Kanina ka pa?" she asked instead. Parehas silang matangkad ng kaniyang kuya; pero mas matangkad ito sa kaniya. They also had the same blue eyes. Kaya nga hindi maipagkakailang magkapatid sila nito, eh.
"Kanina pa. Kitang-kita ko kung paano kang nanggigil sa pagpipinta. Bakit ba parang galit na galit ka? Ang pangit mo tuloy kasi lumalaki ang butas ng ilong mo."
She only rolled her eyes. "Umalis ka nga riyan at itatapon ko iyang painting na iyan!"
"Why?" kuryosong tanong nito.
"Basta!"
He only tilted his head to level their gazes. "Sinong iniisip mo?"
"Anong iniisip ang pinagsasabi mo?"
Naningkit ang mga mata nito. "So there is someone," he stated as if he was affirmative.
"What if there's someone I thought of while painting this?"
Arc, her brother, only patted her head and said, "Just an advice, do not ruin this one."
"Wala kang pakialam!"
"Chill!" He shrugged. "One more thing, you should make him your muse. Effective naman kasi maganda talaga ito. Mas maganda pa nga kaysa sa nude sketches mo."
"How did you know he's a he?"
"I am right again." Pinagtaasan siya nito ng kilay. "Ipakilala mo sa 'kin iyan, Rellie. Huwag mo munang sasagutin, hindi ka pa naka-graduate."
"He's not a suitor! He's just some piece of heartless... shit!"
"Why don't you make that piece of heartless shit your model?" he suggested out of the blue. Hindi na ito tunog-nanunukso.
Nanlaki ang mga mata niya sa tinuran nito. "Are you hearing yourself, Archibald Arthur?"
Napangiwi ito. "Kuya Arc, Rel," he corrected her.
"Whatever. Basta, hindi ko siya kukuning model! Ang pangit pangit kaya niya, mukha siyang kampon ng kadiliman!"
"Aren't you overreacting?" he idly replied; still protecting her latest painting. "Knowing you, you like good-looking guys. Mga matitipuno, malakas ang karakas, ganiyan."
Sinamaan niya ito ng tingin.
"Anyway, if you're just going to waste this one, let me just have it. Isasabit ko sa bahay." Arc lived by his own.
She sighed harshly. She knew her brother. He would never let her ruin that abstract painting that was why she let him do what he wanted to do. Tutal ay wala naman na siyang pakialam doon.
"Ah, isusumbong nga pala kita kay Mama na nagpapaligaw ka lang kaya ang baba ng grades mo."
"As if maniniwala sila."
"They will believe me. I'll make up some stories that you have a lover's quarrel and I am going to show them this painting."
She only rolled her eyes. She watched his every movements when he looked closer to the details of the painting.
"A... S... H, huh?" nanunuksong bulalas nito habang nakatitig sa bandang gitna ng canvas painting.
"Anong A. S. H.? Abo?"
He was still half-bending forward, staring at the painting, then, he glanced at her. "I should be the one who's asking you that. Who is this A. S. H.?" Diniinan nito ang huling sinabi.
"Ano?"
Bumaling ulit ito sa painting. "This one."
She crouched to look at where he was looking, and her eyes widened in fraction seeing that she unconsciously wrote those initials.
"Bloody hell!"
Mabilis na binuhos niya ang hawak na maliit na lata ng pintura sa direksyon kung nasaan ang canvas, pero mas maliksi ang kaniyang Kuya Arc kaya mabilis nitong inilayo ang canvas sa kaniya. Ang bandang kaliwang ibabang bahagi lang tuloy ng painting ang nabuhusan niya ng itim na pintura.
"Kuya naman!"
"I already told you, Rellie. This is mine now if you're just going to throw it. Don't waste this one, it's a masterpiece." Sumeryoso na ang kuya niya at alam niyang totoo ang sinabi nito.
Napanguso tuloy siya saka napaiwas ng tingin, at kaagad na nabitiwan ang latang kakaunti na lang ang laman na pintura nang mahagip ng kaniyang paningin ang isang sketch niya na malapit na niyang matapos kung saan ang modelo ay isang lalaking nakahawak lang ng isang basket ng prutas at walang suot na saplot. That was made the other day, when she attended an exhibit hosted by his brother's friend.
She was frustrated because that sketch on that easel stand got dirty because the black paint splashed on the lower extremities part of the sketch.
She screamed to the top of her lungs and glared at her brother.
"Oops!"
"Nakakainis ka, Kuya!"
"Hey, look at that. It's unique. Kahit nadumihan, maganda pa rin."
"Tantanan mo ako! Alam kong hindi na totoo iyan." Pampalubag-loob na lang ng huli ang pagsabi na maganda pa rin ang sketch niya. Hindi siya naniniwala roon. Oo at okay pa namang tingnan, ngunit hindi na maganda.
Lakad-takbong lumapit siya sa kuya niya saka hinampas ang braso nito. Nagreklamo naman ito. "Masakit!"
"I'm pissed off! I had a hard time sketching his dangling thing and now, you ruined it!"
"Just redo it. Practice mo na iyan."
"Ilang beses ko nang inulit iyan. Ngayong natatapos ko na, saka mo sinira!"
"Hindi ako ang nagtapon ng pintura—"
"Get out!!!" sigaw niya.
Mabilis itong tumalima; bitbit-bitbit na ang basa pang abstract painting na kagagawa lamang niya kani-kanina lamang.
"O, anong nangyari at nagsisigawan kayo?" Narinig niyang tanong ng mama nila nang makalapit siya sa pintuan.
"Naka-mens 'ata si—" Hindi na niya narinig ang sinagot ni Kuya Arc nang pabalyang sinara niya ang pinto at nanggigigil na ni-lock iyon.
Napatingin ulit siya sa sketch na balak na sana niyang i-paint at nanggagalaiting napasabunot sa sarili dahil hindi niya alam kung mauulit pa ba niya ang obra na iyon.
Remember that abstract painting na makikita sa bahay ni Arc? Sa may bungad??? Yes, ito nga iyon.