webnovel

Silence

Chapter 24. Silence

     

    

"WHAT did you say?"

Napantig yata ang tainga ni Timo sa narinig. Nasa Phoenix Agency siya ngayon at ipinaalam sa kaniya ni Dice Usui na ginawa nito agad-agad ang pinasuyo niya kahapon. Ano ba'ng pakisuyo iyon?

"You asked me about what flowers would I give to my someone special, and when I said Baby's Breath, you told me to send a bouquet to Jinny Canciller's address right away. Damn, man, I'm so proud of you!"

Minura niya ito dahil tunog nang-aasar ito. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung kailan siya naging malapit ng mga agents ng Phoenix, o baka nature na ng mga ito ang maging palakaibigan kuno pero sa huli ay sisirain ang tiwalang ibinigay sa mga ito... Yes, he's definitely talking about Rexton dela Costa.

"I also sent your full name just as instructed. Hindi ko na lang sinali ang middle name, parang corny na masyado."

"Said the man who recited a poem in front of her crush."

Speaking of the devil, it was Rexton who commented that thing. Nasa loob sila ng situation room at katatapos lang ng briefing ng kasong hahawakan ng mga ito. Hindi iyon ang kaniyang tatrabahuin, napaaga lang siya ng dating kaya naabutan niya ang mga ito

But, wait... "What full name?"

"Nakalimutan mo na agad? You texted me yesterday right after that call."

"Yes. I know that. Pero ano iyong sinasabi mong full name?"

Iiling-iling na tumapik lang si Rexton sa balikat niya. "Patay na patay ka talaga sa kaniya, 'no?"

Nagsalita ulit si Dice. "You told me to send that note to her."

"What the fuck?" Now, he remembered as he checked on his phone. Fuck. But he didn't realise he told Dice to write his complete name on the note as well. Kahapon kasi'y halos buong araw siyang tila lasing at wala sa sarili dahil okupado ni Jinny ang buong sistema niya.

Humalakhak si Rexton. "'Tangina. Ang corny mo, dude," komento nito sa pagitan ng pagtawa. "Nakakakilabot!"

"Why did you send it?" bayolente niyang tanong, tunog naninisi sa hacker ng agency.

Dice tilted his head. "Wala man lang thank you? Nagpa-utos na nga ako—"

"—at nagpauto."

"Shut up!" singhal niya kay Rexton. 'Tangina, tama naman nga ito. Ang corny niyong nasa note na pinadala niya. Ano ba'ng pumasok sa kukote niya't nagpadala ng ganoon?

Pero ang mas inaalala niya ay ang reaksyon ni Jinny. Paano kung mailang ito at hindi siya pansinin? Oo nga't binabalak niyang magpakilala pero hindi sa ganoong paraan! He planned to do it smoothly...

"Anyway, we need to go," paalam ni Rexton at nawala na ang dalawa sa harapan niya.

Paano pa siya makakapag-focus sa briefing ng hahawakang misyon ngayon? He decided to be pulled out on that mission instead and the job was given to the other dela Costa, Jave Harold. Pinsan ni Rexton at bago lamang sa Phoenix.

He went to AIA to meet Nikolaj. Pag-uusapan ulit nila ang tungkol sa layuning pabagsakin iyon, pero wala roon ang huli. Mukhang nautusan na naman ito ng tito nitong dapat ay sa correctional na nakatira.

He called him ang told him he'd be waiting at The Eve, they're going to be on one of the VIP rooms where they'd talk while drinking their favorite alcoholic beverages.

By nine, Nikolaj was already there. Ampon ito ng mga Devila at alam na niya ang totoong pagkatao nito. Panganay na anak ito ng mga Altaraza, na dating kasama ni Arellano sa pagpapatakbo ng agency. Subalit dahil hindi kontento si Eulogio Arellano sa tinatamasa ay pina-massacre nito ang buong angkan ni Nilokaj, nakatakas ito at ang nakababatang kapatid na babae, at parehong lumaki sa isang bahay-ampunan hanggang sa inampon na sila ng magkaibang pamilya.

Pero iba rin maglaro ang tadhana dahil ang umampon kay Nikolaj ay ang mga Devila, ang pamilya ng taong bumilog sa kaniyang ama—sa kaniyang tunay na ama.

"Wala ka na naman sa sarili."

He just poured the brandy in his glass and drank it.

"What will you do once we bring Arellano down?"

"Me?" Sumandal ito sa sofang inuupuan nito. "I'll probably live in jail."

He raised his middle finger. "Alam kong wala sa plano mong himasin ang rehas, Devila. Tell me everything."

"I already did, L.A., and that's the only plan I have."

Napailing siya't napapalatak. "Kung ganoon, mabubulok ka nga sa bilangguan."

"Wala akong pakialam basta masiguro kong mawawala na ang mga taong nagmamanipula sa amin ng kapatid ko."

"Bakit hindi mo pa sabihing magkapatid kayo?"

Umiling lang ito. "Eh, ikaw, bakit hindi mo pa sabibing ikaw ang tunay na—"

"Hi, boys, want to have some fun?"

Nagkatinginan sila ni Nikolaj at nginisihan siya nito.

"Sure, why not?"

"Pass ako," tanggi niya kaagad na ikinabusangot ng isang babae.

He's not a saint. He tried having sex with other women after what happened but they didn't excite him anymore. Oo't nakararaos siya pero hanggang doon lang.

"Don't be sad, kitten, come here, I'll make you feel good, too."

Gago.

He went out there. Wala siyang mapapala kay Nikolaj ngayon kaya hahayaan na niya itong magpakasasa sa mga babaeng iyon.

He went straight to his house and continued drinking in there. Nasa sala siya at nakatitig sa family picture na nakasabit sa dingding. Pinalakihan niya iyon at pina-frame.

Nangilid ang luha niya habang minamasdan ang nakangiting mukha ng mga magulang at nakababatang kapatid na kumupkop sa kaniya sa larawang iyon.

He immediately wiped his tears as he drank straight to the bottle.

Hindi siya ang totoong Valentino Estacio, at alam ng buong pamilya ng lalaking iyon. Pero kinupkop pa rin siya at namuhay bilang si Timo.

It happened while he was living abroad, weeks ago after he broke up with Orange. He was as drunk as fuck when he drove in the race track. The real Timo was there as well and told him he wanted to try his race car so they exchanged cars and had a race, but they met an accident. Parehong sunog ang katawan nila at nang gumising siya makalipas ng ilang araw ay kapiling na niya ang mga Estacio.

The real Timo, on the other hand, was supposed to be dead on the spot. Nagkapalit ang katawan nila't siya na ang namuhay bilang si Timo, subalit hindi siya idineklarang patay. Pero nasisiguro niyang may namatay sa aksidente noon, at iyon ang hinahanapan niya ng impormasyon mula pa noon.

His face was fixed to be exactly as the original Timo Estacio, he also learnt he was under Torres Broadcasting Station at that time, and what he did was he acted as if he's had partial amnesia. He was originally a model so being a journalist was hard for him. But he must had been born with the skills because he became well-known in that field in no time—it was when he became a whistle-blower on that said broadcasting station amd exposed the head of TBS' dirty jobs.

Naging madali ang pagpapanggap niya, hanggang sa nalaman niya ang katotohanang alam ng mag-asawa ang totoo. They just let him live as their son because they couldn't accept that the real Timo was gone already. Ibig sabihin ay alam ng mga ito na may namatay noon. Pero bakit hindi idineklara?

Someone rang the doorbell and he scowled. Naputol ang pagbabaliktanaw niya't inalerto ang sarili. Gabi na kaya nagtataka siya kung sino ang ang nasa tapat ng bahay, wala siyang inaasahan na darating na bisita.

Nang pagbuksan niya ng pinto ang taong iyon ay minura kaagad siya nito.

"Putcha, ang tagal mo namang magbukas ng pinto!"

"Why are you here? Aren't you supposed to be having threesome?"

"'Tangina, iniwan kong nagsasabunutan. Hindi magkasundo kung sino ang unang kakabayo sa 'kin."

He's about to shut the door when Nikolaj stopped it.

"Lasing ka na ba?"

Tuloy-tuloy itong pumasok.

"I suddenly thought of a plan..."

"What plan?"

"I lied, man. I still didn't tell you everything."

He knew it.

Pumasok siya nang masarado na ang pinto, nakaupo na ito sa mahabang sofa habang siya'y umupo sa pang-isahan. Tumayo ulit siya para ikuha ito ng sariling baso at alak. Kahit may alak ay nasisiguro niyang hindi lamang iyon usapang lasing. Hindi muna ito uminom at piniling magsalita na.

"Aren't you curious about what I'm going to say?"

Minura niya ito pero naalala kaagad ang kutob niya. Sakto. Doon naputol ang pag-iisip niya kanina. At iisa lang ang dahilan kung bakit hindi idineklrang patay ang kasama niyang naaksidente sa race track noon. Buhay pa ito.

"Where's he?" he asked right away.

"You really don't know?"

He glared at him. If he knew, he wouldn't keep still. He'd be avenging right now because he had been looking for that bastard for so long now. Malakas talaga ang kutob niyang hindi ito ang namatay noon lalo na nang mangyari ang krimen sa—

"I know where the real Timo is. He's being kept by my family." Nikolaj sounded sarcastic as he mention his family.

He narrowed his eyesight, tinitimbang kung gaano katotoo ang isiniwalat nito. He watched him poured the cognac he grabbed for him in his cognac glass and he drank it. That's what he did, too.

"So, what's your plan?" he asked right away.

"I'll keep him. Tiwala sila sa akin kaya alam kong ipagkakatiwala nila sa akin ang gagong iyon."

Mas naningkit ang mga mata niya nang ngumisi ito na parang may masamang binabalak. "Are you going to kill him for real?" Nagtagis ang bagang niya. Kung may papatay sa totoong Timo, siya dapat iyon. Ang mga taong katulad ng gagong iyon ay dapat na inililibing ng buhay. Punyeta! Tama ang lahat ng hinala niya. Wala lang siyang ebidensya noon kaya hindi niya gaanong mapagtuunan ng pansina, pero patuloy pa rin siya sa paghahanap ng nga impormasyong maaaring konektado sa mga nangyari.

"No. He will never be killed. Even by you."

"Why?" He raised an eyebrow.

"I will manipulate him, L.A. He will live as Nikolaj Devila at the right time." Natawa pa ito matapos isiwalat ang balak.

"Why? Are you going to kill yourself?" He actually meant fake death.

"No. I'm going to live peacefully using my birth name, and that bastard will pay for my sins."

"Are you nuts? How are you going to live as Altaraza with that face? Are you going to use makeup forever?" He deduced. But he's in favor with his plan. Kung hindi niya mapapatay ang lalaking iyon ay mas mabuti ngang mabulok na sa bilangguan. He fucking deserved to be punished for life.

"Plastic surgery," Nikolaj responded and drank his cognac again. "Relate ka?" Nakuha pa nitong itanong sa kaniya sa paraang nang-aasar.

"Gago."

Since he got third degree burn during that car accident, he underwent to major surgeries before. Lalo na ang plastic surgery hanggang sa naging kamukha na niya si Timo. Damn that man, he may be good looking and all but he's such an ass. He remembered having troubles living as him on the start, and he learnt about his dirty works under TBS and AIA. Ito ang totoong asong sunud-sunuran sa mga Devila at Arellano.

Ang lahat ng kabalbalan nito ay sinalo niya, lalo na ang kagaguhan nito sa mga ginalaw at pinaglaruang babae. Punyeta! Nanggagalaiti siya sa tuwing naaalalang may nahanap siyang files sa computer nito na puro hubad na larawan ng mga babaeng naikama nito ang nandoon. Pati sariling kapatid ay hindi pinalagpas ng animal!

"Mukhang handa ka nang pumatay, pero hindi ko hahayaang makalapit siya sa iyo."

"Siguraduhin mong mangyayari ang plano mo, kung hindi, baka pati ikaw ay mapatay ko."

"Oh, I'm scared," natatawang komento nito. "But you will meet him soon. You may fucking meet your doppelganger, too."

Nangunot ang kaniyang noo.

"Timo Estacio is my cousin now, Nathaniel. Does his name ring a bell?"

"What the fuck?"

Nathaniel was supposed to be with his high school lover and their child. Nagtanan ang mga ito noong nabuntis ang dalaga, ilang taon na ang nakalipas. He knew their history.

"Then, where is Nathaniel?" He's confused about the real Nathaniel's whereabouts. But instead of answering him, Nikolaj just continued drinking.

Nagpuyos siya sa galit nang maikonekta ang mga nalamang impormasyon. Ora mismo ay gusto niyang sumugod at kitilin ang buhay ng mga gagong iyon lalo na nang isiwalat sa kaniya ni Nikolaj ang isa pang impormasyong ikinagulat niya.

"That person who died wasn't Timo. It's one of our agents who was his partner at that time. Base sa nilabas na report ay dalawa lang kayong naaksidente, pero ang totoo'y tatlo kayo." He drank his cognac again. "Iniisip din nilang ikaw ang namtay, at ang namumuhay na Timo ay ang dating agent ng AIA. At kaya hindi ka idineklarang patay ay dahil may plano pa silang gawin sa buhay mo. If you remember your father's wicked plan..."

Putangina.

He was also told that AIA's head originally sent Timo to him to befriend him so he'd be recruited as a secret agent. But that mission was manipulated by the Devilas without Arellano's knowledge.

Nagtagis ang bagang niya. He had a hunch about the next thing he would know.

"They sabotaged the plan and ordered Timo to silence you."

Nächstes Kapitel