webnovel

Talk

Chapter 21. Talk

    

    

UMILING si Kanon bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi ko na maalala ang eksaktong isinulat ko. But I was thanking you for beating that guy from before. Sa likod ng gymnasium..."

Hindi na kailangang mag-isip pa kung tungkol saan iyon dahil mukhang naalala naman na ni Dice iyon.

"You knew?"

"I saw the footage."

"Ah..." Napatango ito.

"Pero bakit hindi mo ako pinuntahan noon kung alam mo naman palang ikinulong ako sa banyo?"

"Because I know that the snake was already dead. I heard those two talked before, and I saw that guy poisoned it."

"Iba ka rin kumilos, 'no? Sana nagsumbong ka na para nailigtas kaagad ako."

"Why do you sound as if you're blaming me? Were you really grateful?" kunwa'y nasasaktang tanong nito nang mag-angat ng tingin sa kanya.

Nag-iwas siya ng tingin. "I was just curious, you know."

Bumusangot siya't hindi na kumibo, nanatili namang nakatitig sa kanya si Dice, pinakikiramdaman siya

"Mag-kape na lang tayo."

"We will eat."

She shook her head. "I won't eat." Parang nawalan kasi siya ng ganang kumain. Halata na may itinatago ito sa kanya't hindi niya mapigilang magtampo. It was petty for her but she couldn't help but feel it.

"Alright... I'll talk." He held his hands and cleared his throat. "Hanggang saan ang napanood mo?"

"Iyong... binugbog mo siya tapos nakita ang mukha mo sa CCTV kasi tumingala ka."

"Then?"

"Hanggang doon lang."

Bumuntong-hininga ito at marahang siniwalat ang mga sumunod na salita, "Awhile ago, you were asking about my scars... I've got these from that time."

Pinisil nito ang palad niya, parang senyas na huwag muna siyang magsalita. Siya nama'y nagulat nang husto sa nalaman.

"After that fight, he stabbed me thrice. Nasagi ko lahat at dumaplis sa braso ko."

"B-but—" Nataranta bigla ang isipan niya. Nasaksak ito! At dahil sa kanya.

"Hindi ako nasaksak dahil sa iyo, alam kong iyan ang iniisip mo. Nasaksak ako dahil masamang tao ang bodyguard ng kaklase mong iyon."

Tinakasan siya ng kulay sa nalaman, parang gusto niyang maiyak subalit walang luha ang naglalandas.

He squeezed her hands again. "I was rushed to the hospital, I stayed there for, if I remember correctly, two days."

Napakurap-kurap siya. Hindi niya talaga matandaan na may benda ito o kahit na ano noon. O baka nga tama ito na dahil hindi naman talaga niya pinagtuunan ng pansin ang huli kaya hindi niya matandaan?

"Listen, Kanon, you didn't do anything wrong, okay? Don't be guilty about it."

"Tinulungan mo na nga ako, may gana pa akong m-magreklamo na bakit hindi k-ka kaagad na nagsumbong n-noon," humihikbi na aniya na para bang kahapon lamang nangyari iyon. Hindi na niya napigilan ang sariling emosyon.

Napapikit ito ng mariin at hinila siya paupo sa kandungan nito, nagpahila naman siya.

"I'm sorry," bulalas niya.

He wiped her tears using his free hand. The other one was still holding her free hand and squeezing it gently.

"I'm sorry," ulit niya. Now that he mentioned it, she remembered that news before. May nasaksak daw na estudyante sa loob ng school premises. Marami pa ngang nagduda sa seguridad ng paaralan pero kaagad ding nakabawi ng Gonzales High School dahil mas pinaigi ng mga heads ang seguridad at naging maselan na ang pagpasok ng mga hindi estudyante roon.

"Hush... Let us not blame ourselves about what happened in the past."

She bit her lower lip to stop herself from sobbing, then, she nodded once.

"Sabi mo nga, mag-focus tayo sa future natin, hindi ba?"

Tumango ulit siya.

"Hush now..."

Tumikhim siya. "Anong gusto mong kainin?" pag-iiba niya sa usapan kahit namumula pa ang mga mata niya't ilong, pati na ang buong mukha.

Dice just pinched her cheeks and she grimaced.

"Ano nga?"

"You are so adorable! Can I kiss you?"

Napanguso siya. Tinatanong pa ba iyon? Pero, hindi. Magpapakipot siya. "Ligawan mo muna ako."

"Sinong maysabi?"

She frowned.

"Huwag ka nang bumusangot. Liligawan kita kahit hindi mo sabihin..."

Napangiti siya, kontento sa isinagot nito.

"At hindi lang ikaw ang liligawan ko kundi ang buong pamilya mo, ang mama mo, ang papa—"

"Huh?" putol niya sa litanya nito. Nabura ang ngiti sa kanyang labi at nagtatakang tumingin dito. "My father's dead."

Ito naman ngayon ang natigilan, at napalunok.

"What do you mean by that?"

"I meant, papa ng papa mo..."

Nangunot lalo ang noo niya. "Si lolo?"

Tumango ito.

"Why?"

"Lumaki ka kasama sila, hindi ba?"

"Ah, oo." Iyon pala iyon. Pati mga kawaksi sa tahanan nila ay kasama niyang lumaki, pati na rin ng driver niya noon na driver na ng mama niya ngayon.

Um-order sila ng pagkain at nang ma-deliver ay pinagsaluhan nila kaagad iyon. Ang dami nilang napag-usapan nang gabing iyon. Maging ang paggi-girlfriend nito noong elementary ay kinutya niya.

"Imagine? We were just barely twelve, and you wanted me to be your girlfriend? Do you even know what that was? And really? Elementary, may girlfriend ka na?"

Natawa ito ng bahagya. "Honestly, I didn't know what did it mean, ang akala ko kasi kapag crush, gagawing girlfriend. So my mom castigated me lots of times whenever I go home and told her stories that I already had a girlfriend. Katakut-takot na sermon ang natanggap ko noon. But my dad's cool with it, saying it was just a phase."

"Phase, huh? Kaya pala hanggang high school, ang dami mong babae."

"Hey, I was a curious teenager back then."

"Babaero 'kamo."

"Hindi ako babaero. Hindi ko pinagsabay ang mga naging girlfriend ko."

"Ang mga!" ulit niya sa dalawang kataga. "I bet you had lots of girlfriends during college, too!"

"I didn't—but, hey, you're raising the tone of your voice. Are you jealous?" A ghost of smile formed on his lips.

Napatuwid siya ng upo at uminom ng tubig. "Hindi."

"You are jealous," nakangisi nang tukso nito sa kanya.

"Hindi nga sinabi! I just find it ridiculous na elementary pa lang, naggi-girlfriend na. Kapag nagkaanak ako, walang sawa ko siyang hahabilinan na huwag na huwag magpaligaw o manligaw ng elementary pa lang. That should be done in legal age. Mas mainam pa nga kung tapos na ng pag-aaral para—" She stopped talking when she noticed him grinning even more widely. She raised an eyebrow. "Why?"

"Ang daldal mo pa rin."

"I... Uh, na-carried away lang ako."

"I like you better when you talk, your expressions show. Lalo na kapag komportable ka sa pagkukwento. Just like in your vlogs."

She blinked twice. "Do you really watch my vlogs?"

"Yes. I repeatedly watch your videos especially when you have new uploads. Even your makeup tutorials. Gustung-gusto ko kapag fino-focus mo iyong camera habang naglalagay ka ng kung ano-ano sa mukha mo. Pakiramdam ko nga, marunong na akong mag-make up sa kanonood ng vlogs mo."

"Heh!" singhal niya rito at sinabing magpatuloy na sa pagkain.

"Pero sang-ayon ako sa iyo, Kan," biglang bulalas nito matapos ng sandaling katahimikan.

"Huh? Sang-ayon saan?"

"Na sasabihin ko sa magiging anak natin na huwag manliligaw o magpapaligaw habang nasa elementary pa lang—"

"Magkakasundo tayo riyan," sabad niya at tumangu-tango. Nasamid siya nang may mapagtanto.

Kaagad naman siyang dinaluhan ni Dice at inabutan ng isang basong tubig. "Dahan-dahan kasi sa pagnguya."

"A-anong anak natin? Ang sinabi ko, magiging anak ko..."

Ngumisi ito at kaagad na nag-iwas siya ng tingin. Baka mabale-wala ang sinabi niya kapag napatitig na naman siya sa mapang-akit nitong ngiti, eh.

"Umuwi ka na nga. Inaantok na ako."

"Alright. Don't think about our kids too much. Darating din tayo riyan—"

Malakas na tinampal niya ang braso nito at tatawa-tawa lang nitong inasikaso ang pagliligpit sa pinagkainan.

"Ako na riyan," pigil niya rito.

He shook his head. "Ako na. Magpahinga ka na lang sa sala, kamahalan."

Napailing na lamang siya. Hindi siya makapaniwalang ganoon sila kabilis na magiging palagay sa isa't isa. It must be because despite of everything, the fact that they were friends before made them feel comfortable towards each other.

Nächstes Kapitel