webnovel

Shipping Lines

Chapter 33. Shipping Lines

    

    

BUMALIK ang atensyon ni Lexin sa dalawang gwardya dahil kanina pa pala nagri-ring ang cellphone niya. She excused herself to answer the phone.

"O, Niko, bakit?"

"Help me. Fuck. No. We should help each other. Mikael told me I'm going to be with you."

Nagtaka siya. "Why?"

Hindi siya nito sinagot. "Kailangan nating makatakas sa lalong madaling panahon, Lex," madiin na saad nito.

"At bakit naman tayo tatakas?"

Nagmura ulit ito at naputol ang tawag. Ilang sandali pa ay tumunog ulit ang cellphone niya. It was her husband.

"Hello? I miss you," bungad niya. Nagsimula na rin siyang lumakad pabalik sa kanyang clinic para makakain, kung makakakain pa ba siya matapos nang mga nalaman.

"I miss you, too. How's everything going?"

Ngumuso siya. "Nagpunta ka pala rito, bakit hindi ka nagsabi? Hindi mo man lang ako hinintay." Hindi niya sinagot ang tanong nito dahil sinadya niyang iiwas ang usapan.

"A—" Saglit itong natigilan. "Ah... Nagka-emergency kasi. But I'll be in your apartment later. Be sure to be there, okay? Huwag ka nang matutulog sa clinic mo."

She pouted even more. "Nakakabagot kasi sa apartment, wala akong kasama. At least dito, nakakakwentuhan ko ang mga kasama ko sa trabaho kapag nabagot ko."

"You should eat now. I'm sorry but I have to take another call."

Tumango siya kahit hindi nmn nito nakikita. "Sige, 'kita na lang tayo mamaya. Anong gusto mong kainin?"

"Ikaw," agad na sagot nito at tumawa. Napangisi naman siya't pinamulahan kaagad ng mukha. "Don't cook. Magte-take out na lang ako ng pagkain."

"Sige. Ayaw mo yata ng luto ko," biro niya.

"No, baby." He chuckled. "Alam kong pagod ka na, kaya huwag ka nang magluto para hindi ka na mas mapagod pa."

Ngumiti siya. "Sige. I want some pasta. Hmm..." Napaisip siya. "Risotto."

"Alright, baby. Can't wait to see you."

"Me, too. Sige na, mukhang kanina pa nasa call waiting ang tumatawag sa iyo." Pilit niya itong tinaboy dahil mukhang importante ang tawag.

He chuckled once more and uttered, "I love you."

Natigilan siya sa paglalakad. They don't usually exchanged I love yous. Iba pa rin pala talaga kapag naririnig ang mga katagang iyon kahit ramdam na ramdam naman niya ang pagmamahal ng huli.

       

       

MABILIS na sinagot ni Kieffer ang tawag ni Jave Harold matapos kausapin si Lexin. Nagulat siya nang sabihin ni Lex na nagpunta raw siya sa VPC kanina, samantalang pupunta pa lamang siya maya-maya pagkatapos ng meeting niya sa inhinyerong humahawak sa renovation ng hotel. Mabuti at mabilis na nakapag-isip siya ng dahilan para hindi mapansin ni Lexin ang pagtataka niya.

"Anong sinasabi ni Lexin na galing ako riyan?" bungad niya kay Harold.

"Ah," sagot ng nasa kabilang linya. "That's the reason why I called. Sasabihin ko sanang magdahilan ka na lang sa kanya."

"Nasabi ko na lang na may emergency. Ano ba ang nangyari?"

Sinabi nito kung bakit kinailangang magdahilan.

"Did you get some information?"

Bumuntong-hininga si Harold, at sinabing wala pa ring nakukuhang ebidensya o impormasyon man lang. He passed the phone to Hue.

"I think everything's normal in here," bungad ni Hue. "But Miss Sensual—"

Nagmura siya. Tumikhim naman ito.

"I mean your wife—"

"What happened to Lexin?!"

"Damn it! Patapusin mo muna ako!"

Bumuntong-hininga siya at sumandal sa swivel chair. "Fire away."

"I saw her going out that laboratory awhile ago." Hue was pertaining to that suspicious lab. "She kind of looked so disturbed. At may tumawag din pala sa kanya bago ka tumawag. We heard her say quote At bakit naman tayo tatakas? unquote."

Nangunot ang noo niya. "Sinong kausap niya?"

"Hindi gaanong malinaw ang narinig ko pero parang 'Nemo'?"

Nemo?

"Mukhang close sila. Baka magtatanan na," ani pa nito.

"Sinong Nemo?"

"Uh..." Hue paused for a while. "Finding Nemo?"

"Sira!" Narinig niyang minura ni Harold si Hue. Mukhang binatukan ang huli dahil umaray ito.

"It's 'Niko', Sky." Ngayo'y si Harold ulit ang kausap niya.

"Nikolaj Devila," he said knowingly.

"Yes."

"We should focus on him as well."

"No, we should focus in here first. Huwag mong idamay ang selos mo sa trabaho."

But he wasn't jealous. He was. But that's just a bit. Totoo ang sinabi niyang dapat ay bigyan din nila ng pansin si Nikolaj Devila lalo pa't hindi sila sigurado kung sino ang lalaki. Pero tama si Harold, mas kailangan nilang mag-focus sa VPC ngayon. 'Tsaka na nila kahaharapin ang iba pa.

And he must protect Lexin at all cost. Nalaman na nila ang tunay na dahilan kung bakit biglaan ang paglipat ni Lexin sa probinsya. Hindi dahil kailangan nitong tumao roon, kung hindi dahil tuluyan na ngang nag-iba ang target ng l'Association de l'Orage. They stopped meddling with the Sandovals because their target now was the Osmeñas.

Lexin's family.

At mukhang walang kamalay-malay ang asawa niya na tinitira ito nang patalikod ng asosasyong kinabibilangan nito. And he was certain that those people would dispose Lexin and her family once they successfully acquired the Osmeña's assets and businesses. Mainly, the Ramos-Osmeña Shipping Lines.

Ibinalik ni Harold kay Hue ang cellphone. "You should persuade your wife to join forces with us. Sa palagay ko ay siya ang makakasagot sa mga tanong na kailangan natin ng kasagutan."

"No," matigas niyang tugon.

"If you're worried about her safety, we can put her in our Witness Protection Program—"

"No," ulit niya.

Hue sighed. "How about her family? Don't you think they need to be safe? Sila ang pinupuntirya ngayon."

"Ako nang bahala sa kanila. Lexin doesn't need to be a witness or be with us. I can protect her in my way."

Pumalatak ito. "You're drowning your judgment with your own feelings. You should set aside that in this mission. Mas kailangang tapusin natin ito."

"Matatapos natin ito nang hindi madadamay si Lexin."

"Damay na siya. Matagal na."

"Basta!"

"Aye, aye, Captain!"

"I am not a captain. Harold is."

"Was," pagtatama naman ni Hue. Dating kapitan ng barko si Harold, at kailan lang napabilang sa Phoenix. "Kung bakit ba naman kasi nag-iba pa ng target ang mga gagong iyon. Mas madali sana sa atin kung ikaw pa rin."

That was true. Kunwaring hinayaan nilang makatakas ang isang taong dahilan kung bakit nasabotahe ang renovations ng hotel nila sa Bohol, pero ang totoo ay hinawakan nila sa leeg ang dati nilang accountant para maging espiya nila sa organisasyong kinabibilangan nito.

At doon nga nila nalaman na nag-iba na ang target ng mga ito. The reason why de l'Orage was targeting the Osmeñas was because they failed to fully acquire the shipping lines of the Punzalans in Davao. Natugis ang ilang tao ng mga ito bago pa man tuluyang magawa ang trabaho.

Napapitlag siya nang may kumatok. Ang sekretarya niya pala iyon.

"O, Ice, bakit?"

Walang sabing pinatay niya rin ang tawag ni Hue.

"Hindi ka pa raw kumakain?"

Ice was also his friend now. Kahit sekretarya niya lang ito ay malapit pa rin siya, pati sa matalik nitong kaibigan ay malapit siya. Kahit babaero siya noon ay hindi niya kakantiin ang dalawa dahil totoong kaibigan ang turing niya sa mga ito. But they also didn't know he got married already. Ayaw ipaalam ni Lexin sa madla na kasal sila.

At kahit iba ang idinahilan nito ay alam niya ang totoong dahilan kung bakit.

"Kakain ako maya-maya."

Tumango ito. "At pinapahatid mo na raw ako pabalik ng Maynila?"

"Oo, ako nang bahala rito. Wala ka namang masyadong ginagawa rito dahil wala naman akong meetings kadalasan. Just take a leave first."

"Can't I just stay here for longer? Wala naman akong gagawin. At ang ganda pala talaga rito sa Bohol."

Natawa siya. "Alright. Enjoy your stay, then."

Ngumiti ito at nagpasalamat 'tsaka lumabas na ng opisina.

Nächstes Kapitel