webnovel

The Oracle

Dahan-dahan kaming pumasok sa loob ng madilim na kweba.

Nangunguna parin sa amin si Raven na may hawak ng torch na syang nagbibigay ng ilaw sa amin sa pagpasok namin. May hawak ding torch sina Jared at Cornelius na nasa magkabilang gilid namin ni Bea. Nakakapit lang ng mahigpit sa akin si Bea at katulad ng sinabi ni Raven ay nakataas parin ang hood naming dalawa para hindi kami maamoy ng mga vampire bats na nasa loob nun.

Nasa likuran ko naman sina Alex, Zeke, Andromeda, Rika at Bogs.

Walang gumagawa ng ingay sa amin kaya ang tanging naririnig ko lang ay ang ingay ng malakas na hangin na nagmumula sa labas.

We step forward cautiously lalo na't unti-unti na kaming nalalayo mula sa opening ng kweba.

Mas lalong dumidilim habang papasok kami ng papasok sa pinakailalim na parte ng kwebang iyon.

And then...

Nakasalubong na nga namin ang mga vampire bats na yun na tahimik lang na natutulog sa itaas.

Parang normal lang naman ang itsura nila kung ikokompara sa mga normal na paniki sa mundo ng mga tao. Pero ang sabi ni Raven kanina ay kakaiba ang mga bats na 'to dahil dugo ng tao o ng bampira ang pagkain nila. At sinadya itong inilagay dito ng matandang oracle para maging gwardya nya sa loob ng kweba din na yun.

And good news, there are more likely hundreds or even thousands of them.

Tahimik lang kaming nagpatuloy sa paglalakad sa ibaba nila.

Not making any single noise.

We all know that a simple noise could be the death of us.

Naramdaman kong mas humigpit ang hawak sa akin ni Bea habang patuloy lang kami sa tahimik na paglalakad doon. Maski ako ay nakaramdam narin ng takot habang inihahakbang ko ng dahan-dahan ang mga paa ko.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad sa ganuong posisyon.

Wala paring gumagawa ng ingay sa amin hanggang sa matanaw ko ang liwanag na nagmumula mula sa malapit. Mukhang malapit na naming maabot ang dulo.

At hindi nga ako nagkamali. Naabot na namin ang dulo ng kwebang iyon at ang liwanag na nakikita ko kanina ay nanggagaling sa dalawang torch na nakalagay sa magkabilang gilid ng isang napakalaki at napakalapad na dingding na gawa sa bato.

Mukha itong isang napakalaking tablet at may nakaukit na mga words dito. Pero hindi ko lang maintindihan ang nakasaad doon. Kung tama ang hula ko ay hindi iyon dingding lang. Kundi baka yun na ang lagusan papunta sa matandang oracle.

Pinatay ni Raven ang apoy na nanggagaling sa torch na hawak nya at nabigla pa ako nang kunin nya ang espada nya na nasa likuran nya at hiniwa nya ang sarili nyang braso.

Nakita kong lumapit sya doon at itinapat nya ang dugo nya sa harapan din ng dingding na yun. And the moment his blood touches the ground, ay biglang umilaw ang mga letters na nakaukit doon.

I felt the ground shake as the stone slowly moved to open. Pero kahit ganun ay hindi parin nagising ang mga vampire bats na nasa likuran namin.

Hanggang sa tuluyan na itong nabuksan at isang mahinang ihip ng hangin ang sumalubong sa amin dahilan para mamatay narin ang torch na hawak nina Jared at Cornelius at maiwan kami sa madilim na kalagayan na yun.

Wala akong makita.

Naramdaman ko rin ang impit na iyak ni Bea habang nakakapit ng mahigpit sa akin.

And then that old and scary voice of a woman suddenly echoed around us.

"State thy claim or perish in the dark"

At after nyang magsalita ay napasinghap nalang ako nang biglang sabay na umilaw ang mga torch na nasa loob ng kwartong iyon dahilan para makita ko na ang kabuuan nito.

Isa pala itong napakalawak at napakalaking bilugang kwarto na gawa din sa bato. At napapalibutan ito ng mga torch na sabay na umilaw kanina. Yun lang ang laman ng napakalaking kwartong yun pero...

Pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang magawi ang paningin ko sa harapan.

Dahil sa gitna din ng kwartong iyon ay mag-isang nakatayo ang isang batang babae na mukhang nasa edad lang ng pitong taon. She have this white long hair and red eyes that's now looking at us coldly. She's wearing a short white dress na abot hanggang hita nya at wala din syang suot na sapatos o tsinelas man lang kaya nakaapak lang ang mga paa nya sa lupa.

Pero ang napansin ko ay ang isang malaking bolang crystal na yun na yakap-yakap nya ng mahigpit. Napakalaki pa ng bolang crystal na yun para sa kanya dahil narin sa liit ng katawan nya.

Teka...bakit...

Bakit may bata dito?

At nasaan yung matandang oracle?

"Waaaahh~~! Ang cute nya~~!" ang tili ni Bea na likas ng mahilig sa bata at nakita kong kumuha pa sya ng lollipop sa bulsa nya at nakangiting lumuhod at inilahad sa batang kaharap namin. "Gusto mo ba ng lollipop ha? Gusto mo ng lollipop? Masharap 'to~~! Sige na! Kunin mo na! Wag ka ng mahiya kay ate! "

Pero nanatili lang na nakatayo at hindi nagsasalita ang batang babae.

"Stupid" I heard Andromeda said na nasa tabi ko rin pala.

"Ayyy~!" Bea said na parang frustrated sya dahil hindi lumalapit ang bata. "Kunin mo na to baby girl tapos umuwi ka na sa inyo kasi baka hinahanap ka na ng mommy mo. Atsaka hindi safe ang lugar na 'to kaya kunin mo na 'to at lumabas ka na dito"

"Bea..." I heard Jared called her na para bang binabalaan sya nito.

Nilingon naman sya ni Bea.

"Ays, eh ano naman ang---"

Pero naputol ang sasabihin nya nang...

"Mortal..." that little girl suddenly said in that old and scary voice na katulad ng narinig namin kanina. "I smell mortal's blood..."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko na ang boses nya. Mukhang ganun din si Bea na natigilan din sa pagkakaluhod at nanigas pa ang kamay nya sa ere na may hawak paring lollipop na nakaturo sa batang babae.

Hindi maaaring...

Sya ang...

Sya ang...

"Forgive us my lady" ang biglang sabi ni Raven na katabi ni Bea. "Pero nandito po kami dahil may gusto lang po kaming malaman na alam kong kayo lang po ang makakasagot"

...sya ang matandang oracle?! EH?!!!

Napakurap nalang si Bea sa tabi ko.

"S-sya ang...s-sya ang..." halos hindi rin sya makapagsalita mula sa pagkakaluhod ng dahil din sa sobrang pagka-shock.

I heard Cornelius smirk na nakatayo sa likuran ni Bea.

"If I were you, you should stand up quickly before she thinks of beheading you" ang bulong nya kay Bea.

Agad namang nanlaki ang mga mata ni Bea at mabilis na tumayo mula sa pagkakaluhod.

"Ahehehehe..." ang tawa nya ng hilaw saka bumulong. "Sarreh, okay? Sarreh...akala ko kasi baby pa sya eh...yun pala lola na...ahehehehe"

Hindi sumagot ang oracle kay Raven at nanatili lang syang nakatitig sa amin.

Pero...

Nabigla ako nang bigla nalang mabilis na magawi sa akin ang paningin nya.

And everything went so fast.

Like a flash, she suddenly appeared in front of me at nanlaki ang mga mata ko nang bigla nyang kinuha ang braso ko at kinagat yun.

I screamed with pain and shock from what she did.

Narinig ko pa ang sabay na paglabas ng mga kasamahan namin ng mga espada, ready for any attacks and I heard Alex screamed.

"Annah!"

But then I saw in the corner of my eyes na itinaas ni Raven ang kanang kamay nya na ang ibig sabihin ay walang dapat na ikabahala.

I felt my blood rushing into her mouth as she fed on me.

Saka sya mabilis na nagtaas ng mukha at nanlalaki pa ang mga mata nyang napatitig sa akin.

Ano ang...ano ba ang nangyayari?

"Titanian..." she whispered in that old voice habang nanlalaki parin ang mga mata nya.

Hindi ako makapagsalita.

Narinig kong nagsalita si Raven.

"Yes, we are here to know where we can find the other six esylium---"

"Death..." she whispered.

My brows met.

Her red eyes is just looking at me directly in my eyes.

"My lady" ang narinig kong sabi sa kanya ni Raven. "We have no so much time left. We need to find the other esylium"

Pero nanatili lang na nakatitig sa akin ang pulang mga matang iyon. Saka nya ako binitiwan at itinaas nya ang kanang kamay nya. And in a flash, isang lumang parchment ang lumipad papunta sa kamay nya at inilahad yun sa akin.

Nagtataka ko namang kinuha yun mula sa kanya at binuksan. Nakita kong isang lumang mapa pala yun. At sa mapa na yun ay may nakaguhit na apat na bilog sa iba't ibang parte ng buong mapa.

Kung ganun...

Ito ang...

Mabilis akong nagtaas ng mukha at tinitigan ang pulang mga mata nya.

Ito ang mapa kung saan mahahanap ang anim na esylium. Pero bakit apat lang ang bilog na nanduon?

"A breath of wind beholds the crown where thy first can be seen" ang sambit nya.

Ha?

Ano daw?

"Sky shed tears. Sword thy cries. Crowd shall cheer. Second is on the stone." She continued.

Ngayon ko naintindihan.

Itinuturo nya kung nasaan ang mga esylium pero hindi ko naman maintindihan ang mga pinagsasabi nya.

"Wait lang po---"

"A flower that blooms in the middle of thy grave. A heart that fails shall give thy third" ang putol nya sa akin.

Napalingon nalang ako sa ibang kasamahan ko pero katulad ko ay parang hindi rin sila makapagsalita at mukhang iniisip din nila ng maigi ang mga sinasabi nya.

"The fourth shall cast upon from two birds that cries half blood. Mend thy bond and esylium is on hand"

Hindi ko na talaga alam kung ano ang sasabihin ko. Basta't minememorado ko nalang ang mga sinasabi nya.

Pero habang nakatingin ako ngayon sa mapa ay nagtaka ako dahil apat na lugar lang ang nakalagay doon na may esylium.

Nagtaas naman ako ng mukha at nagsalita.

"Nasaan po ang ikalima at ang ika-anim na esylium?" ang takang tanong ko sa kanya.

Hindi sya sumagot.

Tumalikod sya sa akin kaya mas nagtaka ako.

"A flame that rests upon the red roses with a heart that cries for thy love shall give the fifth"

Mas lalo na akong naguguluhan.

Ano bang ibig sabihin nya doon?

At saan ko hahanapin ang ikalima at ang ika-anim kung wala naman sila sa mapa?

"Pero---"

Naputol ang sasabihin ko nang bigla nalang syang lumingon sa akin at nagpatuloy.

"When scars sigh the truth and appears a sword that hides behind the white, thy sixth shall be seen"

Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko.

Masyado na akong naguguluhan at wala na akong maintindihan sa mga sinasabi nya. Ang ginagawa ko nalang ay pinipilit kong i-memorise ang lahat ng sinasabi nya dahil alam kong yun lang ang mga salita na magbibigay sa amin ng clue kung nasaan ang anim na esylium.

At mukhang katulad ko ay naguguluhan din ang mga kasamahan ko.

Pare-pareho kaming walang clue kung ano ang mga sinasabi nya.

Magsasalita pa sana ako nang marinig ko ang sabay na paglabas ng espada ng mga kasamahan ko at doon ko narinig ang sigaw ni Raven.

"Aarvaks!!!" he screamed.

Mabilis akong napalingon sa bungad ng pinto na nasa likuran ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mabilis na pagpasok ng pamilyar na mga naka-pulang mga bampirang iyon.

Sila ang mga Alethean Aarvaks noon na sumugod sa amin nang makarating kami dito.

Tuluyan na kaming nanigas sa kinatatayuan namin nang makitang napalibutan na kami ng mga nakapulang mga bampirang iyon.

Paano...paano nila nalaman na nandito kami? At anong ginagawa nila dito?

"Master! We need to get away from here quickly!" I heared Andromeda yelled beside me.

Pero nabigla ako nang maramdaman ko ang paghawak ng batang babaing yun sa braso ko dahilan para mapalingon ako sa kanya.

At hindi ko alam kung bakit kumakalabog ngayon ng mabilis ang dibdib ko habang nakatitig sa pulang mga matang yun.

And while holding my arm firmly with both of her hands and with those emotionless red eyes that's now looking at me directly in my eyes, ay may sinabi pa sya na mas lalong nagpagulo ng isipan ko.

"The stars will sleep as the remnants have awakened. Trust thy false. Face thy true. The seven stones of death is now upon on your shoulder"

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanghina sa sinabi nyang iyon.

"Ano ang...ano ang ibig sabihin nun?" I asked almost whispering.

Pero hindi sya sumagot. Nanatili lang syang nakatitig sa akin na para bang may gusto syang sabihin pero may pumipigil sa kanya na gawin yun.

"Anong ibig sabihin nun?" ang tanong ko uli.

At sa paraan ng pagtitig nya sa akin ngayon ay parang hindi maganda ang ibig sabihin ng sinabi nya.

Naramdaman ko nalang ang pamilyar na bisig na yun na bumuhat sa akin habang nakatulala parin ako sa mukha ng batang babaing yun at naghihintay ng sagot nya.

"Kailangan na nating umalis" I heard Alex voice.

Oo. Sya ang bumuhat sa akin sa balikat nya na para akong isang sako ng bigas.

Pero nagpumiglas ako at lumingon sa bata.

"Wait lang! May itatanong pa ako sa kanya!" ang sigaw ko kay Alex.

"We need to get away from here!" He screamed.

Wala na akong nagawa nang buhatin na nya ako ng mahigpit at katulad ng dati ay wala paring nagawa ang pagpupumiglas ko kaya mabilis nalang ako lumingon sa batang babae.

"Anong ibig sabihin nun?! Please! Sabihin mo!" ang natataranta ko ng sigaw.

I don't know.

But there is something in me which telling me that I need to know what she means.

Pero katulad ng dati ay nakatingin lang sa akin ang walang emosyon nyang pulang mga mata. And with that emotionless and old voice, she spoke.

"Death..." she whispered. "I can only see death in your eyes, Titanian..."

And that's the last thing she said to me before I felt the fast cold wind that's hitting my back from Alex fast running. Oo, tumatakbo na ngayon ng mabilis si Alex kasama ang ibang kasamahan namin papalayo sa kwartong iyon.

Napatulala lang ako sa batang mukha nya na ngayon ay naguhitan na ng lungkot habang nakatitig din sa akin pabalik.

Palayo sya ng palayo hanggang sa bumalik na kami sa kadiliman ng kwebang iyon at hanggang sa ang mga naka-pulang mga bampirang iyon nalang ang nakikita kong nakasunod sa amin.

Meanwhile...

"Good job, my beloved oracle..." ang biglang sulpot ng babaing boses na yun sa likuran nya habang nakadungaw parin sa labas kung saan nawala ang Titanian na kausap nya kanina kasama ang mga kasamahan nito at ang mga nakapulang mga bampirang iyon.

Mabilis naman syang lumingon sa pinagmulan ng boses at ang magandang babaing yun na may mahabang silver na buhok ang sumalubong sa paningin nya.

"My loyalty only lies on you..." ang sambit nya saka yumuko. "...mistress"

Tumayo lang ang silver haired girl na yun sa harapan nya at ngumiti.

"And now we will see of how things will turn out..."she said then an evil smile drawn up on her face. "...Titanian..."

to be continued...

Nächstes Kapitel