webnovel

Chapter 78

Crissa Harris' POV

Tumabi sakin si Christian na kani-kanina lang ay kausap si Tyron at Elvis sa malayo.

"You can sleep girls, we'll be watching over you." sabi ng kakambal ko sabay akbay akin kaya sumang-ayon ako.

"Oo nga. Harriette, Fionna, Renzy, and Alessa, you can sleep sa van. Babantayan namin kayo."

Bigla namang ginulo ng magaling kong kakambal ang buhok ko. "And ikaw din, Crissa. You sleep together with the girls, babantayan namin kayo."

Agad akong tumayo at umakyat sa bubong ng pickup. "No I won't! I will be watching din!"

Binelatan ko muna sya bago inirapan. Ang epal nya e! Lalaki lang ba ang may karapatang magbantay at magsiguro na ligtas ang babae!? Damot nya! Pagbabarilin ko silang lahat na lalaki e! Tsk.

Nagmatyag na lang ako sa paligid. Buti maliwanag ang buwan kaya may maaaninag pa rin. Wala namang undead. Pero hindi kami dapat magpaka kampante dahil tao ang threat sa buhay namin ngayon. Hindi undead. Mas mapanganib kasi may kakayanang mag-isip.

Nagsipasukan na sa van yung apat na babae. Si Christian at Renzo nasa may hood ng pick up. At yung limang iba pa, nagkukwentuhan sa may paligid ng van.

Humiga ako sa bubong nung pickup at tumingala sa maliwanag na buwan. Clear na clear ang langit. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip, nasan na kaya ang mga kapatid ko? Pare-parehas lang din ba kaming nakatingin sa magandang buwan na ito ngayon? Naniniwala naman akong buhay pa rin sila lalo pa at inassure na ni Zinnia iyon. Pero, si Brandon, lalo na si Scott? Paano nila pinagtatanggol at dinedepensahan ang sarili nila ngayon? Anong mga armas nila? Sinong mga kasama nila.

Umupo ako saglit para silipin yung big bike ni Zinnia at bike ni Scott. Pagkatapos, humiga ulit ako at tumingala sa langit.

Bukas na bukas, kukulitin ko tong si Christian na gagamitin ko tong big bike ni Zinnia. Baka nanlalamig na makina nito dahil matagal nang hindi nagagamit e. Tapos para may panuhol ako kay kambal, hahayaan kong sya gumamit ng kay Scott.

Odiba, patas naman? Hihihi.

Ipinatong ko sa noo ko ang kaliwang braso ko saka pumikit. Ang lamig dito. Ang sarap makalanghap ng open air. Walang halong masangsang na amoy dahil wala rin namang mga nagkalat na undead.

May pag-asa pa bang dumating yung pagkakataon na magiging normal ulit ang lahat?

Sana..

Pero hindi na ako aasa..

"Do you have a blanket? Baka nilalamig na to si Crissa."

"Buti nga, hindi malamok dito e."

"Akala ko ba hindi matutulog yan?"

"Ewan ko ba dito sa kakambal ko. Feeling lalaki."

"Baka gustong matubuan ng etits pare? Hahaha!"

"Etits sa noo? Pffttt. Does it mean, ipapahiram ko na ba ang mga brief ko sa kakambal ko para isuot nya sa ulo nya? Shit. Cute af. Pfffttt.."

Bigla akong bumalik sa ulirat matapos kong marinig yung mga bulungan ng lalaki sa hindi kalayuan sakin. Hahawakan ko na sana yung baril ko para paputukan sila pero hindi ko na nagawa dahil may mainit nang bagay ang bumalot sakin.

"You will be watching pa ha? Tsk. Sleep well kambal."

Hinaplos-haplos ng kakambal ko yung buhok. Naging dahilan yun para magkaroon ng ginhawa ang kalooban ko. Nakakawala ng pagod, sobra.

Pero nakakainis lang talaga dahil buong hapon ang inubos namin para sa mga undead na yon pero dahil sa mga walang hiyang nanggugulo na yon, hindi tuloy natuloy yung mataya-taya with a twist namin.

Unti-unti na akong nakatulog dahil sa paghaplos haplos ni Christian sa buhok ko. At sa muling pagdilat ng mata ko, medyo may konti nang liwanag ang langit. Mukhang maya-maya lang, sisikat na ang araw.

Bumangon ako at naabutan ko doong gising pa rin yung mga lalaki. Lahat sila nakaupo sa may damuhan, maliban lamang kay bestfriend Renzo na nakaupo sa hood ng pick up. Nakatalikod sya sakin at halatang may malalim na iniisip dahil nakatingin sa buwan na nakababa na.

Hihihi. Nagmumuni ka pa dyan bestfriend ha.

Nagbilang ako ng tatlo at..

"Waaaaa---- ARAAAAAAAYYYYYY!!"

Napantingin silang lahat sakin na gulat na gulat. Maabutan ba naman nila kong nakasubsob sa lupa, hindi ba sila maguglat? E alam nilang natutulog pa ko?

"Tsk! Bestfriend Renzo! Bakit naman bigla kang umalis!? Gugulatin pa kita e!" hirap akong umupo mula sa pagkakasubsob. Hahawakan ko dapat sa balikat si bestfriend pero sabay bigla syang umalis kaya nagdere-deretso akong sumubsob sa lupa.

Puta ang sakit!

"A-ay, sorry naman Crissa. Iihi kasi ako e. Ayos ka lang ba?" biglang nagbago ang kaniyang ngiti at naging nakakaloko. "Kaya mo pa bang samahan akong umihi? May lakas ka pa ba para ikaw ang magbaba---"

Binigyan ko sya ng isang sobrang lakas na batok. "Ayan bestfriend! May lakas pa ako para ako magbabatok sayo! Tsk!"

Narinig ko yung tawanan nung mga lalaki sa di kalayuan. Inirapan ko nalang silang lahat. Ang sakit kaya ng pagkakalaglag ko!

Tinignan ko si bestfriend Renzo sa tabi ko. Nagkakanda laylay na yung labi nya.

"Tsk. Nagpapaawa ka pa bestfriend! Alalayan mo nga akong tumayo! Dun tayo sa bubong ng pickup!"

Wala na syang nagawa kundi alalayan nga akong tumayo, lumakad, at umakyat sa bubong ng pickup. Unti-unti nang nagiging orange yung langit. Sisikat na ang araw. Sobrang sarap tignan.

Napatingin ako sa nasa ibabaw ng hita ni bestfriend Renzo. Kinilig ako bigla sa nakita ko.

"Hihihi. Bestfriend? Patingin naman ako nyan."

Takha syang lumingon sakin. "Ang alin, Crissa?"

"Ayan oh." nginuso ko yung nasa kandungan nya. "Pahawak ako nyan."

"H-hahawakan mo?"

"Oo. Bakit, masama ba?" nagpacute ako sa harapan nya at tinaas baba ang kilay ko. "Sige na, bestfriend Renzo. Ipahawak mo na sakin yan. Para makapagpaputok ako. Kahit isang putok lang."

Halata kong natigilan si bestfriend. "H-hahawakan mo? C-crissa? P-paraa pumutok? Sure ka?" utal na sabi nya kaya tumango ako.

"Sure na sure. Dali, baka mahuli tayo ni Christian." bulong ko

"S-sige, basta isang putok lang ha? Tas, t-tama na. Mahirap maglinis."

Tumango ako.

"P-pero, dun kaya tayo sa tago, C-crissa? Para di t-tayo mahuli?"

Tinapik ko sya sa balikat. "Hindi na, bestfriend. Dito nalang. Mabilis lang naman e. Hihihi."

Wala na ngang nagawa pa si bestfriend Renzo at inalis na nya sa pagkakasukbit sa balikat nya yung sniper na bitbit nya. Kumislap na parang constellation ang mata ko habang sinusundan ng tingin yun.

Isang putok lang naman ang gagawin ko pagkahawak ko dito. Hindi naman siguro magagalit si Christian kahit na mahuli nyang nagpaputok ako. Saka, bakit ko naman aalalahanin na mahirap maglinis? Una at sa lahat naman hindi kami naglilinis ng dugo ng mga undead na napapatay namin.

Dadakmain ko na sana yung sniper nang biglang makita kong humawak si bestfriend Renzo sa zipper ng pantalon nya at akmang ibababa iyon.

"What the fuck, bestfriend! Ano bang ginagawa mo!" sigaw ko na pabulong habang nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya.

"E-h, sabi mo diba? Hahawakan mo to? T-tapos magpapaputok ka? K-kahit isa lang?" napapalunok na sabi nya.

"Oo nga! Etong sniper mo! May sarili rin akong pistol kaya bakit ko hihiramin yung sayo. Tsk. Ano pa bang ibang pinapaputok mo dyan--- ohmy.." natigilan ako bigla at pagkatapos, limang magkakasunod na hampas na ang pinakawalan ko sa balikat ni bestfriend Renzo. Nakuha ko na kasi kung anong iniisip nya.

"Hahahahahahahaha! WTF! Kadiri ka bestfriend! Alam kong hari ka ng kahalayan, pero wag mo kong idamay, okay?"

Mabilis syang tumayo at naglakad palayo habang nakasayad ang nguso. "Bahala ka dyan. Palilipasin ko muna to. Akala mo ganon lang kadali yung ganto? Tsk. Walang puso. Huhuhu."

Tatawa-tawa pa rin ako habang pinagmamasdan syang hirap na naglalakad palayo. Oo alam kong mahirap yung ganon, pero ewan ko. Natatawa talaga ako. Hahaha. Di ko naman kasalanan yun e. Sya tong may nag-uumapaw na kahalayan ang taglay sa katawan.

Kinuha ko nalang yung sniper at saka isinukbit sa balikat ko. Sumilip ako sa scope nun at tinignan si bestfriend Renzo na naglalakad pa rin palayo. Hahahaha! Nakakaawa naman. Magsosorry nalang ako pagbalik nya mamaya.

Yung mga lalaking nag uusap usap naman ang tinignan ko. Unang nafocus yung scope dun sa messy blonde hair ng kakambal ko. Huhu, ang pogi talaga! Sumunod naman ay dun sa singkit na mata ni Owen at ni Elvis. May kamukha talaga tong mga kpop idols huhuhu! Nagpalipat lipat naman ang focus ng scope dun kay Sed, Lennon, at Alex. Ang artistahin pa rin netong tatlong to kahit taggutom na oh! Waaaa! Ang gaganda ng ilong! Tsk.

Nung madako naman yung scope dun sa pamilyar na namumula at bilugang labi, inalis ko na ang tingin ko. Nagrereflect na rin kasi yung sikat ng araw sa scope kaya ang sakit na sa mata.

Bumaling ako sa kabilang direksyon at tinalikuran ko yung araw. Sumilip ako sa scope at nagmatyag sa paligid. Doon sa may direksyon ng daan na pinanggalingan namin, may napansin akong dalawang undead. Na parang nakaluhod sa lupa at nakaharap sa isa pang undead.

Tao kaya yun? At kinakain nila?

Tumayo ako para mas maaninag kong mabuti. Sumilip ako sa scope at dun ko nasiguro. Pare-parehas silang mga tao. At yung dalawa na akala kong undead na kinakain yung nakahandusay sa lupa, parehas silang umiiyak. Dalawang matanda. Isang lalaki, isang babae. Hindi sila magkanda-ugaga at pilit na pinapainom ng tubig yung batang lalaki na nasa harap nila.

Mabilis akong tumalon pababa sukbit pa rin yung sniper ni bestfriend. Tinakbo ko yung daan patungo dun sa mga matanda. May nakakita siguro sa akin kaya maya-maya lang din, may ilang yabag na akong naririnig na sumusunod sa likod ko. Nang lumingon ako saglit, nakita ko nalang si Christian, Owen, at Lennon na tumatakbo kasunod ko.

"Fuck, Crissa! What are you doing? Bakit bigla-bigla ka nalang umaalis nang hindi man lang nagsasabi? Pasalamat ka, nakita ka ni Tyron!" dinig kong sigaw sakin ng kakambal ko mula sa likuran.

"Oo na, kambal! Pwede, mamaya nalang yung sermon? Bilisan na lang natin!" sagot ko at mas binilisan ko yung takbo ko.

Nang makarating ako doon, naabutan ko ang paghagulgol nung matandang babae na kandong-kandong na yung batang lalaki.

"Inang, ano hong nangyayari?" lumapit ako sa kanila. Kasabay naman nun ay ang pagdating nila Christian.

"Tulungan mo ko, ine. Itong apo ko, inaapoy ng lagnat e." pagluha ng matanda.

Hinipo ko yung noo ng bata at napangiwi ako sa init non. "Eh Inang, asan ho yung matandang lalaki na kasama nyo rito kanina?"

"Ay, yung asawa ko? Sinubukang manghingi ng tulong doon." deretsong sagot ng matanda at tinuro yung matandang lalaki na hindi pa nakakalayo. Tinatahak nito yung kasunod na subdivision na nasa hindi kalayuan.

"Lennon and Christian, sundan nyo si manong. Owen, pakibuhat yung bata. Ako na aakay dito kay Inang." binuhat nga ni Owen yung bata. Pero si Christian, binigyan lang ako ng makahulugang tingin.

"Please, go." nakikiusap na sabi ko.

Pinukulan muna ulit ako ng isang makahulugang tingin ni Christian bago sumunod kay Lennon na malapit nang maabutan yung matandang lalaki.

Hinawakan ko sa balikat yung matandang babae at inakay patayo. "Tayo na ho, Inang. Tutulungan ho namin ang apo nyo." yun nalang ang sinabi ko at sinundan na namin si Owen na itinatakbo yung bata papunta sa grupo namin.

Nächstes Kapitel