webnovel

Chapter 20

Crissa Harris' POV

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong sakin nung babae at umupo sya sa tabi ko.

"Crissa Harris. Ikaw?"

"Harris? Familiar sakin yung apelyido mo. Hmm.. Danna nga pala ang pangalan ko at 23 nako. At yung boyfriend ko naman, si Gio. 23 lang din sya."

"Boyfriend mo palang pala sya? Akala ko, kasal na kayo. May suot ka kasing singsing e." itinuro ko yung ring finger nya sa kaliwang kamay.

"Ito ba? Regalo nya lang sa akin to. Pero actually, dapat nga ikakasal na kami two weeks from now. E hindi naman namin inaasahan na may mangyayaring ganito." nakita kong nalungkot sya kaya hinimas ko sya sa balikat.

"Nakakabigla talaga. Wala rin kasing makapagsabi kung paano nangyari ito e. Pero nangako syang babalikan ka nya diba? Kung naniniwala ka dun, alam mo na gagawin mo. Wag mong hahayaan na may mangyaring masama sayo. Do your best to survive. Para sa kanya. Kasi, sigurado namang he's also doing his best to survive. Para sayo."

Nakita kong gumaan at lumiwanag yung aura nya matapos kong sabihin yun. Natahimik kami sa ilang saglit at tinanaw nalang namin yung mga lalaki na nagsasakay nung mga supplies namin sa pick-up.

Pero teka..

*kruu kruu..

Napahawak ako sa tiyan kong biglang nag-ingay. Tinignan ko si Danna na nakatingin na rin pala sakin na halatang nagulat.

Nagpeace sign ako sa kanya.

"Hehe. Sorry. Hindi pa pala ako kumakain ng almusal."

"Bakit di mo sinabi? Ang daming pagkain oh." tumatawang sabi ni Danna. Tumayo sya at naglakad papunta dun sa mga shelf at rack ng pagkain. Sumunod naman ako sa kanya.

Kumuha sya ng tinapay. Isang loaf naman ng Gardenia Butterscotch yung kinuha ko. Baka maubos ko pa to dahil sa gutom ko e. Hahaha. Bumalik na uli kami dun pagkatapos naming kumuha ng drinks. Soya ang kinuha ko.

Sakto namang pumasok sila Elvis at dumeretso sa inuupuan namin.

"Daya ni Crissa. Kakain pala, hindi man lang nang-aaya." - Renzo

"Wow, ako pa ba? E samantalang nung naglamunan kayo kanina, di nyo man lang ako ginising." sabi ko sabay irap sa kanya.

"Sorry na. Penge naman nyan." sabi nya at nakisabay naman si Elvis at Alex sa pagkuha ng tinapay. Hinayaan ko nalang sila. Tanggap ko na naman ang pagka-patay gutom nila e.

Nung matapos kaming magpakatimawa at hindi man lang mahiya sa harapan ni Danna, nagpaalam na kami sa kanya. Malapit na rin kasing maglunch e.

Hindi man namin gustong iwan syang mag-isa dito, mukhang wala na rin naman kaming magagawa.

"Take care of yourself. Wag na wag mong aalisin sa kamay mo yang baril at kutsilyo. Don't hesitate to kill if your life is at stake." hinawakan ko sya sa balikat. "Pupunta-puntahan ka namin dito. At kapag nakabalik na si Gio, sumama na rin kayo samin. Okay? Mas safe kayo dun."

Ngumiti sya sa amin at isa-isa kaming kinamayan.

"Sure. Salamat talaga sa inyo." sinundan nya kami hanggang dun sa may pinto.

"Oy, Renzo! Aalis na tayo!" sigaw ni Elvis. Napatigil kami sa paglalakad.

Anak ng.. Napakatakaw talaga ng isang to. At nakuha nya pa talagang dumekwat ng 3 loaf ng Gardenia ha? Nakakahiya.

"Salamat sa mga pagkain ha, Donna?" sabi nya tapos tinapunan ng malagkit na tingin si Danna.

"Danna. Hindi Donna. Saka wag mo nga syang tignan ng ganyan. May fiance na yan." pagsasaway ko sa kanya at hinaltak ko na sya palabas. Mahirap na. Baka landiin nya pa to.

Bago kami umalis, pinauna muna naming papasukin si Danna dun sa loob ng employee's quarters. Pinalock namin yun at sinabi namin na wag na wag nyang bubuksan yun kapag hindi nya pa nasisiguro na si Gio yung kumatok o tumawag.

Hanggang sa huli, pinilit pa rin namin sya na sumama samin. But she insisted. Kaya pagkatapos nun, bumalik na kami sa mansyon.

Hindi ko alam pero hindi ako talaga mapalagay. Parang ayoko talagang iwanan dun si Danna. Gusto ko syang balikan.

Harriette Kobayashi's POV

Almost 11am na nang makabalik sila Crissa. At inaamin ko, nung time lang na yun ako tuluyang nakahinga ng maluwag. Sa sobrang pag-aalala ko kasi sa kanila kanina, pigil lang din ang paghinga ko.

Nakakatuwang tignan na napakarami nilang nakuhang mga supplies. Nagtulung-tulong kaming lahat para madala lahat ng iyon sa guest's living room. Nung okay na at naipasok na ang lahat, kumain na kami ng tanghalian.

Tinipid nalang namin ang mga sarili namin. Kahit pa sobrang dami nitong mga supplies, hindi naman namin sigurado kung kelan uli makakapag-run. Kaya kailangan talagang magtipid. Nakuha naman agad yun nung mga lalaki at hindi na sila humirit pa.

Habang kumakain, na-divert yung atensyon ko kay Crissa. Tahimik na tahimik sya habang nakaupo sa harap ng table. Mukhang malalim ang iniisip nya. Napansin ko rin na yung club nya lang ang hawak nya. Wala yung baril at kutsilyo nya.

Tumingin ako kay Christian only to find out na nakatingin na rin pala sya kay Crissa.

"Mukhang may iniisip yung kambal mo. Kanina pa sya ganyan." bulong ko sa kanya.

"I know right." yun nalang ang sinabi nya at naglakad na sya papalapit kay Crissa.

Crissa Harris' POV

Naputol ang malalim kong pag-iisip nang may biglang lumitaw na strands ng noodles sa harapan ko. Pagkatingin ko, ang magaling ko palang kakambal ang may gawa nun. May hawak pa syang chopsticks at dun nakasabit yung mga nakalawit na noodles.

Inirapan ko nalang sya.

"Lalim ng iniisip ha? Di bagay."

"Tantanan mo ko panget. Kumain ka nalang dun." walang gana kong sagot sa kanya tapos isinubsob ko na yung ulo ko sa mesa.

Naramdaman ko naman na tumabi sya sakin.

"Okay lang. Panget ka rim kasi kambal tayo."

"Shut up. Layuan mo ko." sagot ko habang nakasubsob pa rin.

"May iniisip ka. Pag-usapan natin yan."

"Tapusin mo muna yang kinakain mo. Ayokong matalsikan ng mugmog sa mukha."

"Edi okay. Game na."

Napatingala ako bigla at kunot-noong tumingin sa kanya. Nakita ko nalang yung nakataob na cup noodles sa table na wala ng laman.

Seriously? That fast? May halimaw ata sa tiyan itong kakambal ko e.

Wala na tuloy akong nagawa kundi ikwento na nga lang sa kanya kung ano yung nangyari kanina. Lalong-lalo na yung sitwasyon ni Danna at yung mga nakwento nya sa amin ni Elvis.

"So, ang gusto mong mangyari, balikan sya dun?" tanong nya pagkatapos kong magkwento.

"Oo. Ganun na nga. Nag-aalala talaga ko e. Baka anong mangyari sa kanya dun. Binigay ko naman sa kanya yung baril at kutsilyo ko, pero hindi talaga ako mapalagay. What if ma-overrun sya dun diba?"

"Ah. Kaya pala wala yung baril at kutsilyo mo. Pinamigay mo. Tara na." hinaltak nya ko patayo pero hindi ako sumunod sa kanya.

"Anong tara na?"

"Diba gusto mong balikan sya? Bakit ka pa uupo dyan? Tara na." hindi pa ko nakakasagot sa kanya ay lumabas na agad sya.

Mabilis naman akong lumapit sa table kung san nakapatong yung ilang weapons namin. Dumampot ako agad ng baril.

"Oy, akin yan." pokerface na sabi ni Tyron.

"Hindi ko inaangkin! Pahiram muna!" sabi ko sabay alis. Narinig ko pa silang nagtanungan dun kung san kami pupunta ni Christian pero hindi ko nalang sila pinansin.

Pagkarating ko sa may entrance ng mansyon, andun na agad si Christian sa tapat at nakasakay na sa pick-up. Agad naman akong sumakay dun at umalis na kami. Salamat nalang at mukhang alam na ni Sed at Ty na aalis kami dahil pagkarating namin sa may main gate, tumatakbo na agad sila sa may likuran namin para pagbuksan kami.

Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras. Damang-dama ko yung bilis ng pagpapatakbo ni Christian dun sa pick-up. Hindi ko alam na sanay na rin  magdrive ang isang to. Baka naman pati si Scott, sanay na rin? Ako nalang ba ang hindi? Napakadaya ni Jackson. Papatayin ko yun e.

Nasapok ko ang ulo ko. Patay na nga pala si Jackson.

Pagkahinto namin sa tapat ng convenience store, nakita na agad namin yung sitwasyon sa loob. May apat na undead na nagpapagala-gala. Binunot ni Christian yung susi ng pick-up tapos bumaba na sya. Sumunod na ako sa kanya at pumasok na kami sa loob.

Hindi ko na kinailangang gamitin yung club ko dahil si Christian na ang tumapos dun sa apat na undead. Sunud-sunod nyang pinaputukan yon.

"Danna? Si Crissa to. Nasan ka?" binuksan ko yung pinto ng employee's quarters. Wala sya doon. Pero sa pagkakatanda ko, nakalock to at nandito sya sa loob nito nung umalis kami.

"Wala rin sya sa stock room." sabi ni Christian pagkalabas nya doon.

"Ang ibig sabihin ba nito, natakasan nya yung mga undead na yun? Wala naman kasing dugo na nagpapatunay na nakagat o nakain sya ng undead e."

"Siguro nga. Let us just hope na nakalabas sya ng maayos dito."

Hinila na ako pabalik ni Christian sa pick-up.

Mabuti nga kung nakalabas ng maayos si Danna dito. Pero saan naman sya pupunta ngayon? Mag-isa lang ba sya? O kasama na nya si Gio?

At isa pa, napakalinis ng sahig at walang bakas ng dugo doon. Paano nya o paano nila nagawang takasan yung mga undead nang hindi nila ginamit yung baril at kutsilyo na ibinigay ko?

Hindi kaya bago pa may dumating na undead doon, nakaalis na sila?

Third Person's POV

"Alam mo, hindi ka naman namin pipigain pa para sabihin samin kung kanino nanggaling yang baril at kutsilyo mo Danna." hinaplos nya ang buhok nung babaeng nasa tabi nya na nanginginig na sa takot.

"P-paano mo ko nakilala ha?"

"Paano? Sabihin nalang natin na, sinabi sakin nung pinakaimportanteng lalaki para sayo yung pangalan mo."

Mas tumindi pa ang takot na nararamdaman nung babae dahil sa sinabi nung demonyong katabi nya ngayong nakaupo sa isang sasakyan. Hindi nya kilala ang mga ito. Ngunit base sa mga kilos nila, kabilang din sila sa grupo nung mga lalaki na nakita nya na pumunta noong isang araw sa convenience store.

Hindi nya alam kung saan sila papunta. Bigla nalang syang kinaladkad ng isang lalaki papasok sa sasakyan na ito. Gustuhin nya mang tumakas, mukhang napakaimposible naman dahil napapalibutan sya ng limang lalaki na armado ng matataas na kalibre ng baril.

"A-anong ginawa nyo kay Gio? S-san nyo k-ko dadalhin?" umiiyak na turan nya. Sikretong nagdadasal na sana, mayroong tumulong sa kanya.

"Wag kang mag-alala, hindi ka namin sasaktan. Dadalhin ka namin sa boyfriend mo. Pero yun nga lang, simula ngayon, isa ka na sa amin. At simula rin ngayon, susunod ka na sa kahit na anong sabihin ni boss. Kundi, bang." itinuro pa ng lalaki ang kanyang sentido na animo binaril ito.

"At sa oras din na makita mo uli yung mga taong nagbigay sayo ng baril at kutsilyo na to, hindi mo na sila kaibigan. Kaaway mo na rin sila."

Nächstes Kapitel