webnovel

Chapter 60: Mess

Dumami ang tao sa lob ng room ang karamihan pa sa kanila. Mga kaklase nila. Mabuti nalang uwian na. Dahil Kung nangyari hinde, sigurado akong magaguidance kami bukas.

"Gago ka Jaden!..."

"Sinong tinawag mong gago?.." lalapitan na sana nya si Ace pero mabilis akong humarang sa kanya.

"Tanga. Tinawag na nga kita. Nagtanong ka pa. Gago ka talaga Jaden..." mabuti nalang at tumulong na sina Bryle at Billy sakin na awatin sya. Kulang ang lakaa ko upang pigilan syang sugurin si Ace na hawak na rin Nina Ryan at Paul.

This is a big scene Bamby!..

You're in a mess now!..

Kung pwede lang akong tumakbo palayo na sa kanila. Kanina ko pa ginawa. Pero, linek!. Hindi ko magagawang iwan ang mga lalaki sa buhay ko na nag-aaway dahil sakin. Kaya kahit anong mangyari ngayon, dito lang ako. Kung ito na nga ang oras para malaman nya na gusto ko sya?. Bahala na.

"Teka nga?. Kanina mo pa ako tinatawag na gago, may ginawa ba ako sa'yo?..."

Nasa gitna nila ako pareho. Para kaming nasa isang entablado. Sila yung naglalaro tapos ako naman yung referee nila. Na hindi Alam kung pano sila patatahimikin.

Matalim na matalim ang mata ni Ace na tumingin kay Jaden. Bago humagalpak ng tawa. Damn!. Bigla akong kinilabutan.

"Gago ngang talaga?.. Nagtanong ka pa kung bakit kita tinawag na ganun?. Hindi mo alam?.." sarkastikong sumbat nito sa kanya. Like shit!.. Katapusan ko na ba to?.. Oras na ba para malaman nya ang totoo?.. Holy shit!. Hindi pa ako ready..

Natameme so Jaden. Nalilito sa inaasta ni Ace. Mabuti nalang kumalma na ang mga ito. Gosh...

Lihim kong pinunasan ang luha saking mata.

"Hindi mo nga alam?. Wala ka ngang alam.. tsk. tsk.."

"Ano bang hinde ko alam?.." damn!. really?..All I thought you knew?.. Gusto kong sambitin pero masyadong basag ang boses ko ngayon para ipaalam sa kanila.

Tumawa na naman sya. Abnoy!.

"Really Jaden?.. Hindi mo alam kung bakit ganyan si Bamby ngayon?. O well. Sa itsura ng mukha. Mukha ngang wala ka talagang kaalam alam. hahaha.."

"Ace please. Tama na.." pigil ko dito. Blangko lang syang tumingin sakin. Damn him!.

"Gago ka rin Ace!.. Pwede bang sabihin mo nalang...." sigaw ni Jaden. Hawak pa rin sya ng mga kaibigan nya.

"Ikaw ang mas gago.." haharapin pa nya sana si Jaden pero mabilis syang inilayo nina Paul at Ryan. Really damn you Ace!. Anong problema mo ha?..

"Mga pusa!..." biglang tili ni Winly dahilan para matigilan sila. Namaywang ito at binuksan ang pamaymay nyang laging hawak.

"Mga lalaki ba talaga kayo o kagaya ko?.. Makasigaw, daig nyo pa ako tuwing andyan ang crush ko. Mga gago!. Di nyo man lang inisip kung nabibingihan na ba sya sa inyo o hinde?. Di nyo ba kayang mag-usap ng malumay?. Mga pusa kayo..." dinig kong nabungisngisan ang iba sa linyahan ni Winly. Tuloy, yung ibang luha ko, umurong pabalik. Sana lang matapos na to. Gusto ko ng umuwi.

"See?. Kaya nyo palang tumahimik e.. Mga bakla!.. O para pantay, magsalita ka na Jaden.." utos nito dito.

Kinabahan ako ng todo ng mabaling sakin ang malamlam nitong mata. "Anong hindi ko alam?.." sa aking mata sya nakatingin. Damn!. Hindi ako makalunok.

"Hindi mo ba talaga alam na may nasasaktan kang tao Jaden?." inagaw ni Ace ang atensyon nya.

Umiling sya ng bahagya. "Gusto mo bang malaman?.." Gosh Ace!. Can you please zip off your loud mouth!.

Hindi sumagot si Jaden. Dun naman nagpatuloy si Ace. "Alam mo ba kung anong ginagawa ng babaeng karelasyon mo sa kanya?.." Oh God!.. Wala na akong takas dito. Umawang ang kanyang labi nang sundan ang tinuturo ni Ace. Mula kay Denise papunta sakin.

My goodness Bamby!.. Umuwi ka na!..

Nächstes Kapitel