♡ Author's POV ♡
...FLASHBACK...
Natigilan ang presidente sa tapat ng Death building nang makita ang isang pamilyar na babae na nakahandusay sa hallway. Mabilis siyang pumasok sa loob at nag-aalalang nilapitan si Felicity, "Feli, wake up." hinawakan niya ang magkabilang-pisngi nito at hindi nagtagal ay iminulat rin ni Felicity ang mata niya.
Dumudugo ang ulo nito at nakakaramdam ng pagkahilo dahil sa kung anong matigas na bagay ang inihampas sa kanya bago siya nawalan ng malay, "Miss president?" tanong nito kaya inalalayan siya ng presidente para makaupo.
"Where are they?"
"I-i'm sorry. N-nahuli ako ng dating." malungkot na sagot nito, "It's fine. Just tell me kung nasaan sila, Felicity." unti-unting napatingin si Feli sa pinakadulo ng hallway kung nasaan ang kwarto. Napatingin doon ang presidente at kusang ibinaba ang mga kamay niya, "Hintayin mo 'ko dito." saad nito na tumayo na at tinalikuran si Felicity.
Pagdating niya sa pinakadulong kwarto ay binuksan niya ang pintuan at kusa itong natigilan nang bumungad sa kanya ang walang buhay na si Julez. Nag-umpisa itong manginig habang unti-unting lumapit kay Julez at kusang napaluhod. May mga mantsa na rin ng dugo ang damit ng presidente. Unti-unti nitong tinanggal ang maskara niya para maayos na matitigan si Julez na duguan, "I-i'm sorry...if I had to drag you in my plan..." a single tear escaped her eye.
She felt sadness and guilt. Hinawakan niya ang isang pisngi ni Julez, "Isa ka sa mga pinakamatapang na taong nakilala ko, Julez. You were like a little brother to me." mapait siyang ngumiti at hinalikan ang noo ni Julez habang patuloy sa pagluha bago muling ibinalik ang tingin dito, "You fought well, Julez. You may take a rest now."
Mabilis niyang pinunasan ang luha niya at tumayo. Inilibot pa nito ang paningin niya sa buong kwarto hanggang sa matanaw ang dalawang tao sa pinakasulok. Lumapit siya doon hanggang sa makilala niya sina Syden at Dean na wala ring malay at punung-puno ng dugo at mga sugat.
Pareho silang nakahandusay sa sahig at ni isa ay walang gumagalaw. Nang marinig niya ang pag-ubo ni Syden ay mabilis itong lumuhod para iharap si Syden sa kanya at bumungad sa presidente ang duguan nitong bibig na patuloy sa paglalabas ng dugo. Wala siyang malay ngunit halatang nahihirapan siya, "Savannah's poison." mahinang sambit ni Fortune hanggang sa muling mapatayo nang may maaalala siya. Ibig bang sabihin hindi pa naibibigay ni Julez ang gamot? Tanong nito.
Lumapit siya kay Julez at hinanap ang gamot na ibinigay niya dito dahil posibleng ngang hindi nagawang maibigay ni Julez ang gamot. Hinanap niya 'yon sa paligid sa pag-aakalang naihulog ni Julez hanggang sa kinapkapan niya ito at nakita ang gamot sa bulsa niya.
Mabilis niyang kinuha 'yon para buksan at muling nilapitan si Syden. Hinawakan niya ang ulo nito para bahagyang iangat at dahan-dahan na ipinainom ang gamot sa kanya. Patuloy siya sa pag-ubo ngunit unti-unti rin itong naglaho habang wala pa rin siyang malay at tumigil ito sa paglalabas ng dugo mula sa bibig niya.
Napatingin ang presidente sa pintuan nang makita niya ang buong grupo na napaatras naman nang makita nila si Julez. Napatakip ng bibig si Roxanne habang inaalalayan naman ni Raven si Felicity na halatang nanghihina pa rin.
Nanlaki ang mata nila dahil sa nadatnan nila hanggang sa unti-unti rin nilang lapitan at titigan si Julez, "I'm sorry..." mahinang saad ni Fortune kaya napatingin sila sa kanya. Tumayo ang presidente at hinarapan ang buong grupo, "Everything's my fault." nakita naman niya si Finn na kasama rin ng grupo na ipinagtaka niya ngunit hindi nito ipinahalata. It was also their first time na makita ang itsura ng presidente.
"A-alam na namin ang lahat." hindi makapaniwalang saad ni Roxanne na nakatingin kay Julez bago inilipat ang tingin sa presidente, "You don't have to apologize, miss president."
"I think I should..." lumipat ang tingin ng presidente kay Julez habang halata pa rin ang lungkot at pagkabigla sa mga mata nilang lahat, "Kung hindi ko itinuloy ang plano, no one would have to sacrifice." ikinabigla na lang nila nang biglang yumuko ang presidente sa harapan nila, "I apologize for everything that I've done. Kahit siguro ano talagang gawin ko, there will always be a mistake."
Pagtayo niya ay mabilis nitong pinunasan ang mga luha niya gamit ang isa nitong kamay, "If you don't want to lose them, bring them to a safe place." sambit nito na tinignan sina Dean at Syden na wala pa ring malay kaya napatingin sila sa direksyon ng dalawa.
Naglakad ito papalabas hanggang sa malagpasan ang buong grupo, "Don't you want to come with us?" natigilan ang presidente at napatingin kay Roxanne. Isa-isa niya silang tinignan at nakaramdam ito ng tuwa nang makita sa mga mata nila ang walang kahit na anong bahid ng galit sa kanya, "I still have to finish something." nang mapansin niyang magsasalita si Phoenix ay inunahan na niya ito, "Join them, at least be their guide and escape this place. Make my plan a successful one." saad nito na ikinatango ni Finn, "Be careful, Fortune." tumango ang presidente at tinalikuran na sila.
....
Pagkatapos ng tatlong araw na pakikipaglaban, bumalik siya sa dating building at pagpasok niya sa loob ay sumalubong sa kanya si Myrtle, "What are you doing here?" nag-aalalang tanong niya dito na napaluhod pa para tapatan ito, "Hinahanap talaga kita, miss president."
"For what?"
Hinawakan ni Myrtle ang kamay ng presidente at ngumiti, "Come with me. I have to show you something." ngumiti ito at naglakad habang hila-hila ang kamay ng presidente kaya wala itong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Dinala siya ni Myrtle sa secret room at tumigil sa tapat nito bago niya binitawan ang kamay ni Fortune at hinarapan ito, "What are we doing here?" napatingin sa paligid ang presidente at napansin na wala ng katao-tao.
Biglang binuksan ni Myrtle ang pintuan at pumasok sa loob. The president felt something wrong dahil sa paninibago ng kilos ni Myrtle na hindi na lang niya pinansin. Inilibot nito ang tingin niya sa paligid at nang makita niyang wala na talagang estudyante, bahagya itong napangiti. Finally, I was able to do something right. Saad nito bago tuluyang pumasok sa loob para sundan si Myrtle.
Pagpasok niya ay ang kusa namang pagsasara ng tuluyan ng pintuan kaya halos wala na siyang makita lalo na't madilim sa loob, "What exactly is your plan, miss vice president?" tanong niya hanggang sa unti-unting bumukas ang mga pulang ilaw na nasa paligid ng secret room kaya naaninag niya si Myrtle na masamang ngumiti.
"I'm sorry, miss president." kasabay noon ay pinalibutan ng maraming miyembro ng dark eagle ang presidente at sabay-sabay nila siyang tinapatan ng kutsilyo kaya hindi ito nakagalaw ngunit diretso pa rin ang tingin kay Myrtle, "I knew it." ngumiti ito nang may halo ng kalungkutan sa mga mata niya, "You've finally grown, my little sister." lumapit ang isang lalaki kay Myrtle at may iniabot na kutsilyo sa kanya kaya napatingin siya dito.
"The president is a traitor. It's your job to kill her as vice president." saad nito sa kanya kaya dahan-dahan niyang kinuha 'yon bago ibinalik ang tingin sa presidente ngunit nawala ang masamang pagngiti nito.
Napaluhod ang presidente ng biglang sipain ang mga binti nito. Wala itong ginagawa habang nakatingin pa rin kay Myrtle na dahan-dahang lumapit sa kanya at natigilan sa mismong harapan niya. Tinignan niya ang hawak niyang kutsilyo habang patuloy sa panginginig ang mga kamay nito, "Kill the traitor, miss vice president...or else, we're going to kill both of you." sambit ng isang lalaki kaya napatingin si Myrtle dito.
Ibinalik niya ang tingin sa presidente na nakatingin pa rin sa kanya, "Don't worry, I'll do it." saad niya. Ibinaba nila ang mga kamay nilang may hawak ng kutsilyo at bahagyang lumayo. Lumuhod si Myrtle sa harapan ng presidente kaya nagkatapatan ang dalawa.
Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa presidente at bumulong, "Bakit hindi mo iligtas ang sarili mo? You can stop me, hindi ba? You can kill all of us here." pahayag niya ngunit ngumiti at umiling si Fortune, "Do as they say, Myrtle." nagulat si Myrtle sa naging sagot nito sa kanya, "W-what? D-do you really think I can do that?"
"I already got my revenge against Mr. Wilford. My mission here is done. Prove yourself to them...na kahit bata ka pa, you can stand for yourself. You are brave enough, Myrtle. Do it."
Niyakap ni Fortune si Myrtle kaya ganon na rin ang ginawa nito sa kanya at kusa na lang tumulo ang luha sa mga mata nila, "I-i can't, Fortune. Hindi ko kaya. Ikaw lang ang naging pamilya ko!" mas humigpit pa ang pagkakayakap ng presidente sa kanya, "Sorry for letting them drag you here, Myrtle. Wala akong nagawa para mailabas ka dito. Masyado ka pang bata para maranasan 'to."
At a young age, this world already taught you how cruel it is. That's why I gave her the game room, para kahit sa paanong paraan maiparanas ko sa kanya ang saya bilang isang bata but it didn't turn out that way, naging masaya siya sa paglalaro kasabay ng pagpatay. Hindi namin naranasan na maging isang normal na tao sa pamumuno ni Mr. Wilford. Saad ni Fortune sa sarili niya.
Humiwalay sila sa pagkakayakap hanggang sa ipagtaka ni Fortune ang ginawa ni Myrtle. Sabay-sabay silang napatingin sa sahig nang kusang bitawan ni Myrtle ang kutsilyong iniabot sa kanya. Napatingin sa kanya ang presidente kaya ngumiti ito at umiling, "I can't kill the person who loved me. Hindi man naiparamdam sa akin ang isang pamilya, pero naramdaman ko 'yon sa 'yo, Fortune." pahayag niya kaya napailing si Fortune, "N-nooo..." kasabay noon ay mabilis nang inihagis ng isang lalaki ang kutsilyo nito papunta kay Myrtle dahilan upang madaplisan ng kutsilyo ang leeg nito at mabilis na tumulo ang dugo.
Bago niya pa man sila lusubin ay sabay-sabay rin nilang inihagis ang mga kutsilyo papunta sa kanya dahilan para mapaluhod siyang muli sa sahig dahil sa tatlong saksak na natamo niya. Isa sa tagiliran, sa binti at sa balikat nito.
Isa-isa niya 'yong inialis sa katawan niya kaya tumulo ang dugo mula rito. Pinilit niyang tumayo ngunit sa pangalawang pagkakataon ay may dalawa pang naghagis ng kutsilyo kaya muli siyang natamaan sa braso at sa kabilang binti nito dahilan para muli siyang mapaupo sa sahig. Muli niyang tinanggal ang mga ito sa katawan niya habang binabalanse ang sarili sa pagtayo.
Napaluhod siyang muli ng tamaan nila siya sa magkabilang-binti nito kaya dumugo rin 'yon. Pumunta ang isa sa harapan ng presidente habang nakaluhod pa rin ito. Naramdaman niya ang talim ng kutsilyo na gumuhit sa buong mukha nito nang mabilis na tamaan ng lalaki ang buong mukha niya kaya tuluyan itong nanghina. Gusto niya silang labanan ngunit hindi niya nagawa nang makita niyang lumabas silang lahat at tuluyang isinara ang pintuan.
Ramdam na din niya ang tuluyang pagtulo ng dugo mula sa buong mukha niya. Pilit siyang tumayo at kahit nawawalan ng balanse ay lumapit kay Myrtle na patuloy pa rin sa paghahabol ng hininga dahil sa tama nito sa leeg. Napatingin siya sa presidente na napaluhod namang muli sa harapan niya, "You should have just killed me." tumulo ang luha sa mga mata ni Fortune nang makita niya ang paghihingalo ni Myrtle kaya unti-unti niya rin itong niyakap.
"T-that's why...I-i brought you here, Fortune...to kill all of them...p-pero bakit hindi mo ginawa? Y-you should...have end it all..." nauutal na saad nito, "T-they were the last..." napatingin ang presidente sa kanya habang paunti-unti na rin itong napapapikit, "W-what do you mean?" bahagyang ngumiti si Myrtle.
"You told me to hide, r-right? B-but I didn't. I-i wanted to do something right...to help you..." tumulo na rin ang luha sa mga mata nito, "I-i killed most of them..." saad nito na nakapag-pailing sa presidente.
"Seems like I didn't really exist in my entire life, Fortune...but through your eyes...I-i could see that you really care for me...a-at okay na 'yon sa akin." bahagya siyang napangiti, "K-kaya ka nagsusuot ng maskara...dahil mabilis mabasa kung ano ang nasa isip mo...hindi ba? I-i could see right now that you are so sad...w-why do we have...t-to suffer like this?" napayuko ang presidente at napailing dahil sa mga sinabi ni Myrtle, "H-hindi ko rin alam!"
"It's my second time to see the real you, m-miss president." ibinalik ni Fortune ang tingin sa kanya, "I had a glimpse of your face back then...you don't need the mask anymore..." at napatango na lang ang presidente nang makita niyang mas marami pang dugo ang lumabas mula sa leeg nito kasabay ng unti-unti nitong panghihina.
Dahan-dahang hinawakan ni Fortune ang ulo ni Myrtle para ipatong ito sa mismong balikat niya. Napapikit rin ang presidente at mas lalo pa itong napaiyak hanggang sa unti-unti niyang yakapin si Myrtle, "R-rest now, my little sister." mapait itong ngumiti habang hinahaplos ang buhok ng kapatid niya.
Gumawa ng ingay ang pintuan nang pilitin naman itong buksan nina Icah. Nagmadali silang lumapit nang makita nila ang sitwasyon ng dalawa kaya napaluhod si Icah sa tapat ni Fortune, "What happened?!"
"She's gone." saad ng presidente habang mahigpit pa rin ang yakap kay Myrtle na hindi na gumagalaw kaya nagkatinginan ang tatlo.
Napatingin naman sila sa mga sugat at saksak na natamo ng presidente lalo na't patuloy ito sa pagdurugo pati na rin ang buong mukha nito, "Fortune, kailangan na nating umalis." pakiusap ni Icah na hinawakan ang balikat niya kaya umiling ito.
"You should go." mahinang saad nito na ipinagtaka nila, "What?"
"Can't you see? Marami na rin akong sugat. I'll just be a burden to you." saad nito na mapait na napangiti.
"No, you won't be...kaya sumama ka na sa amin habang may oras pa!"
"My mission here is done, three eagles." tinignan niya si Icah at nagsalita, "I won't leave my little sister here. So you should go. Tumakas na kayo habang may oras pa. Make my plan successful." pahayag nito, "But before that, can I talk to him?" tanong nito kaya nagkatinginan ang tatlo at kitang-kita na rin nila ang panghihina ni Fortune, "Just wait for a second, tatawagin ko siya." pahayag ni Icah na mabilis namang tumayo at lumabas.
...END OF FLASHBACK...