"D*mn you, Dean Carson!" inis sa saad nito kaya pinaikut-ikot ko sa kamay ko ang kustilyo niya. Bigla na lang kaming napatingin sa pintuan ng tumunog ito. Tinignan niya ang relo niya at masamang ngumiti bago ibinalik ang tingin sa akin, "We only have 7 minutes left kaya kung gusto mong makalabas agad dito, let me go." pahayag niya na hinarapan ang pintuan kaya inihagis ko doon ang kutsilyo. Tumusok ito sa pintuan dahilan para matigilan si Savannah at unti-unting humarap sa akin, "I won't let you go out unless you are dead."
"You're kidding, aren't you?"
"No, I am not. Kailan pa ako natutong magbiro, Savannah? You know that I always take things seriously, right?" ilang segundo kaming nagkatitigan hanggang sa sabay kaming napatingin sa hologram at lumitaw ang salitang,
'Mr. Wilford calling...'
"I told you, he'll know everything." mabilis siyang tumakbo papunta doon kaya inipit ko ang leeg nito gamit braso ko para mahirapan siyang gumalaw, "And do you think I would let you do that?" masama kong sabi dito habang nasa likuran niya ako at hawak ng dalawa nitong kamay ang braso ko.
"Let me go!" patuloy pa rin siya sa pagpupumiglas kaya mas hinihigpitan ko pa dahilan para unti-unti rin siyang masakal. Pilit niyamg inaalis ang pagkakasakal ko sa kanya pero hindi naman niya magawa, "If you're going to kill me, then do it...baka pagsisihan mo pa kapag hindi mo pa ginawa ngayon!" sigaw nito habang patuloy pa rin sa pagtawag si Augustus.
Habang nasa likuran ako ni Savannah, inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya, "That won't happen." at malakas kong sinipa ang binti niya kaya napasigaw siya at napasalampak sa sahig. Masama ko siyang tinignan bago lumapit sa hologram, "Please!" saad nito kaya napatingin ako sa kanya na pilit iginagalaw ang paa niya na hindi naman niya magawa, "Dean, huwag mong gawin 'to." umiiling niyang sabi habang nakikiusap.
"Marunong ka na pa lang makiusap ngayon? Why? Are you afraid na wala nang darating na tulong sa'yo kapag sinira ko 'to?" sarkastikong tanong ko.
"Don't ever try to do what you're thinking or else-- "
"Or else what Savannah? You're gonna kill me? Ni hindi mo nga magawang makatayo. Then try to stop me if you still can." hinawakan ko ang hologram nang tumigil naman sa pagtawag si Augustus. Bigla ko 'yong hinila dahilan para maputol ang mga kable na nakadikit dito mula sa ilalim ng lamesa. Mission is all done...ngunit hindi pa ako nakuntento at pinutol ko 'yon bago ko inihagis sa harapan niya.
"I REALLY HATE YOU, DEAN CARSON!" sigaw nito kaya nilapitan ko siya at lumuhod ako para tapatan siya na galit na galit sa akin, "I already hate you long time ago, Savannah. Sana 'yan ang inisip mo bago mo ako binangga." saad ko na masama ang tingin sa kanya.
"Pinagkatiwalaan kita!" may diin at galit nitong sabi, "But you trusted the wrong person."
Masama ang titigan namin sa isa't isa hanggang sa tumayo ako nang marinig ko ulit ang timer ng pintuan na ibig sabihin ay ilang minuto na lang ang natitira bago tuluyang maglock ito, "One wrong move, Savannah. Tandaan mo na matagal din tayong nagsama, alam ko na ang bawat kilos mo kaya hindi na mahirap para sa akin na patumbahin ka ngayon. I'll still let you live if you still can. Now try to survive." tinalikuran ko na siya para buksan ang pintuan. I knew na susubukan niya pa rin akong lusubin pero ang mga sumunod na pangyayari ang hindi ko inaasahan. I clearly underestimated her.
Nakita ko ang pagtusok ng isang kutsilyo sa pintuan nang ihagis 'yon ni Savannah na hindi ko alam kung saan niya galing kaya natigilan ako. Bago pa man ako makaharap sa kanya ay naramdaman ko na ang pagdaloy ng talim ng kutsilyo sa buong likuran ko kaya mabilis akong napaatras papalayo sa kanya. Nakita kong pinipilit niya na hindi mawalan ng balanse sa pagtayo niya, "Well, there's one thing you forgot to tell, Dean Carson." at itinaas niya ang isa niyang kamay na may hawak na kutsilyo, "I have three knives and you forgot to take the two away from me." masama siyang ngumiti habang ramdam ko naman ang paghapdi ng likod ko.
Nakita ko na lang ang mabilis nitong paglapit sa akin ngunit naisip ko na huwag ng umiwas sa kanya dahil ito ang pinakamadaling paraan lalo na't ramdam kong dumudugo ang sugat ko sa likod. I let her stabbed me kaya napahakbang ako paatras habang nakatingin kami sa isa't isa at naramdaman ko na ang malamig na pader sa likuran ko dahilan para matigilan ako sa paghakbang. Unti-unti itong ngumiti ng masama kaya mabilis ko rin siyang sinaksak sa tagiliran nito dahilan para matigilan siya.
Unti-unti siyang napayuko hanggang sa makita nito ang pagkakasaksak ko sa kanya bago niya ibinalik ang tingin sa akin, "I gave you a chance, but I think you don't deserve it anymore." saad ko kaya unti-unti rin kaming napaluhod. I could feel that my wound is not at all worse than her. Masyadong malalim ang pagkakasaksak ko sa kanya.
"I-i must be dumb...f-for still trying to kill you..." at natawa na lang ito na muling napalunok bago ulit nagsalita, "You don't deserve this kind of life, Savannah. So please, just rest." pakiusap ko sa kanya. Alam kong pinalaki siya ng Schulz at Wilford sa isang buhay na hindi naman niya dapat na maranasan.
"Tell me...d-did you ever...love me, Dean?" at ito ang unang beses na nakita kong lumuha siya. Walang pagpapanggap sa mga mata niya ngunit hindi ako sumagot dahil ayaw kong magsinungaling, "Even a second? W-wala ka man lang bang...n-naramdaman kahit konti para sa akin?" tanong pa niya habang dumadaing sa sakit.
"I knew it. S-siya pa rin talaga...s-she must be so lucky...for having a man like you. Do you even know....kung b-bakit pinili kong lasunin ang isip mo? B-because I just want to save you. No one aside from me could save you against Mr. Wilford."
"You should have think about saving yourself first, Savannah." at mapait siyang ngumiti na napahawak na sa magkabilang balikat ko at unti-unting napapayuko, "I guess...n-nagsakripisyo ako sa isang tao...na hindi kayang magsakripisyo para sa akin...I-i never felt true love...k-kaya kahit alam kong mali, pinili kong...pwersahin ka na mahalin ako-- n-na kahit minsan, makaramdam man lang ako ng tunay na pagmamahal, Dean."
"Sorry if I can't love you." saad ko na ikinatango niya habang naglalabas na rin siya ng dugo mula sa bibig nito, "Seeing you beside me is already enough for me. K-kung una pa lang sana, n-nagkakilala na tayo-- m-maybe I had the chance to be your Bliss Syden."
"But you will never be." saad ko at ramdam ko na ang paghihirap niya kaya mabilis kong tinanggal ang pagkakasaksak ng kutsilyo mula sa kanya dahilan para malagutan ito ng hininga na pinilit pa ring magsalita, "G-go now. Once they find out what...you did to me...t-they will kill you..." pagkatapos noon ay kusa na lang niyang naibaba ang dalawang kamay niya at tuluyang napahiga sa sahig na duguan. Hinawakan ko ang kutsilyo na nakasaksak sa katawan ko at mabilis ring tinanggal 'yon dahilan para dumaloy din ang dugo sa katawan ko.
Hinihingal na rin ako at pinagpapawisan dahil sa pagod at sa mga sugat na nararamdaman ko. Alam kong malalim ang sugat ko sa likod kaya ganito ang epekto sa akin. Pinilit kong tumayo habang nakahawak sa tagiliran kong dumudugo para buksan ang pintuan ngunit muling tumunog ang timer ng pintuan.
Pinilit ko 'yong buksan ngunit hindi ko magawa kaya nilapitan ko si Savannah at tinignan ang relo niya. Unti-unti na lang akong nakaramdam ng pagkahilo kaya napaupo ako at napasandal sa sahig dahil nanghihina na rin ako.
Hindi ko na naririnig ang ingay sa labas at ni hindi ko alam kung ano ng nangyari kina Phoenix.
I still need to wait for two hours bago ako makalabas and I hope, walang nakaabang sa akin sa paglabas ko dito because of my situation. Hindi ako makakalaban ng maayos.
To be continued...