♡ Syden's POV ♡
"Raven, ano ba?!" galit kong saad dito ng itulak niya ako papasok sa kwarto ko, "I'm sorry if I have to do this, Sy. I just want to protect you." mahinang saad nito at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya nakaramdam ako ng awa lalo na ng maalala ko ang pagkamatay ni Leigh. Nakaramdam ako ng pagsisisi dahil sa inasal ko sa kanya.
"T-totoo ba talagang wala na si Leigh?" napayuko ito tumango dahil sa tanong ko, "S-sorry kung ganon ang inasal ko kanina. A-alam ko naman na sobra kang nasasaktan dahil sa nangyari...p-pero tingin mo ba magagawa talaga ni Dean 'yon, Raven?" nauutal kong tanong kaya tinignan niya ako.
"At first, I expected na itatanggi niya na siya ang pumatay kay Leigh...but he asserted na siya nga ang pumatay kay Leigh kaya kahit ayaw ko at ayaw mong maniwala, wala tayong magagawa dahil 'yon ang totoo. Alam kong takot ka na mawala siya Sy pero hindi na siya yung dating Dean na minahal mo." dahil sa sinabi niya, kahit ayaw kong maniwala...kung 'yon ang totoo wala na akong magagawa at kahit masakit sa akin, kailangan kong tanggapin na siya nga ang pumatay kay Leigh. Alam ko ang nararamdaman ni Raven pero mahal ko pa rin si Dean kaya gagawin ko pa rin ang lahat para protektahan siya.
"Kagaya mo, takot din akong mawalan ulit ng mahal sa buhay Sy...so please forgive me, I have to do this in order to protect you dahil ayaw kong mawala ka rin sa akin." lumuluha siya habang sinasabi niya 'yon. Napatingin ako sa likuran nito nang makita ko ang paglapit ng isang babae sa likuran niya. Maiksi ang buhok nito hanggang sa magkatinginan sila ni Raven. Muli niya akong hinarapan at dahan-dahan niyang isinara ang pintuan. Nag-umpisa na akong makaramdam ng kaba ng marinig kong tumunog ang lock ng pintuan kaya agad kong hinawakan 'yon at sinubukang buksan, "R-raven, huwag mo namang gawin sa akin 'to! Palabasin mo 'ko dito!" sigaw ko dito ng mapansin kong nilock niya ang pintuan mula sa labas. Hindi ko alam kung paano niya 'yon ginawa basta ang alam ko, hindi ako makakalabas dito.
"I'll come back, my twin sister." dinig kong sambit nito habang pilit kong iniikot ang door knob at alam kong lumapit pa siya sa pintuan para mas marinig ko pa siya, "Why do you even have to do this?" dugtong ko pa, "It's for your safety." nang marinig ko 'yon, mas naiyak na lang ako hanggang sa marinig ko ang mga yapak nito papalayo sa kwarto ko.
Napasandal na lang ako sa pintuan habang patuloy sa pag-iyak. Never did I expect na magagawa niya akong paghigpitan. Ano bang dapat kong gawin? Alam kong malaki ang kasalanan ni Dean ngayon sa grupo pero may parte pa rin sa akin na nagsasabing hindi niya magagawa 'yon. Mali man pero mali bang ipagtanggol ko siya kagaya ng kung paano niya ako ipagtanggol date? Wala na akong pakielam kung gaano kadami ang kasalanan niya, basta mahal ko pa rin siya.
Pinunasan ko ang mukha ko na basang-basa gamit ang dalawa kong kamay at lumapit ako sa kama para maupo. Napatingin ako sa pintuan habang nag-iisip. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko ngayon. Masaya at maayos ang lahat hanggang sa magising ako isang araw, naglaho na ang lahat. Nagbuntong-hininga ako at humiga sa kama dahil gusto ko na ring magpahinga pero kahit na ganon, hindi ko maiwasang mag-isip lalo na ng maalala ko yung babaeng kasama ni Raven. Ang mga mata niya, pamilyar sa akin. Parang nakita ko na siya pero hindi ko alam kung paano at saan.
...FLASHBACK...
"Nasaan si Raven?" tanong ko kila Roxanne nang dumating kami sa staff room. Nagkakagulo na kasi kaya kinailangan muna naming magtago at magsama-sama ngayong oras na 'to hanggang sa mawala ang mga kalaban. Sinundo ako ni Dustin pero pagdating namin...wala pa ang iba. Sina Roxanne, Clyde, Stephen at Caleb ay nakaupo sa harap ng isang pabilog na lamesa habang ako at si Dustin naman, kakarating lang.
"Sinundo ni Dave." sagot ni Stephen na sakto namang pagpasok ni Dave, "Dave, si Raven?" tanong ko kaya napatingin siya sa akin lalo na't wala naman siyang kasama, "Pinuntahan niya si Leigh. Babalik rin naman daw agad sila so we don't have to worry." sagot niya kaya hindi ko maiwasang mag-alala at tinignan sila isa-isa.
"Eh si Oliver at Julez?" tanong ko pa. Nagkatinginan silang lahat hanggang sa magsalita si Dustin, "Hindi niyo ba sila kasama Stephen?" napatingin naman kaming lahat kay Stephen na nagtataka at umiling.
"Hindi. Akala ko ba kasama niyo sila?" sagot nito kaya muli kaming nagkatinginan, "Hindi ba sa iisang kwarto lang naman kayo?" tanong naman ni Caleb kay Dustin.
"Actually, madalas na wala si Oliver sa kwarto ko. Kanina pa siya nawawala kaya ang akala ko naman nandon siya sa kwarto niyo at kasama kayo?" naguguluhang sagot ni Dustin kaya umiling si Caleb, "Hindi namin siya kasama."
"Eh si Julez?" tanong ko naman kaya nalipat sa akin ang atensyon nila at napatingin ako kay Dave na naguguluhan rin, "What? Wala din ba siya dito?" tinignan niya ang paligid at nagsalita, "Kakagaling ko lang sa kwarto ko at nadatnan ko si Sean na nag-iisa kaya ang buong akala ko, may sumundo na kay Julez." sambit naman niya.
"Ano ba naman 'yan bakit ang gulo?" iritang sagot ni Caleb na napakamot ng ulo. Sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan ng bumukas ito at nakita namin ang dalawa, "Where have you been?" tanong ni Clyde kaya napatingin sa kanya sina Julez at Oliver at napabuntong-hininga na kami.
"A-ahh Clyde hinanap ko kasi si Julez, buti nakita ko siya." saad nito pero nakakapagtaka kung bakit pawis na pawis siya at pagod na pagod. Siguro nga napagod kakahanap kay Julez.
"I was at the rooftop." sagot ni Julez kaya tumango si Clyde at umupo na silang dalawa ni Oliver pati na rin si Dustin.
"Next time please inform us, Julez." napatingin si Julez kay Clyde pagkaupo niya, "Para hindi kami nag-aalala." saad pa niya kaya tumango si Julez. Lumapit na rin ako sa isang upuan dahil ako na lang ang nag-iisang nakatayo. Aktong uupo ako nang may kumatok sa pintuan kaya sabay-sabay kaming napatingin doon at nagkatinginan kami.
"Baka si Raven?" saad ko na lumapit na at binuksan ang pintuan. Nagtaka na lang ako dahil isang babaeng maikli ang buhok ang nakita ko. Napansin rin 'yon ng grupo kaya nagsitayuan sila at hinila ako papalayo sa babae.
Tinignan ni Clyde ang buong hallway para tignan kung may kasama ang babae ngunit mukhang wala naman kaya nagsalita siya, "Who are you?" hindi ko maiwasang tignan siya mula ulo hanggang paa at napansin kong may mga patak ng dugo sa damit niya.
"I was sent here by Sean Raven." nang sabihin niya 'yon nagkatinginan kami bago siya hinarapan ulit ni Clyde.
"What about him? Where is he?"
"Pinapunta niya ako dito para sabihin na wala na si Leigh. She was killed." nang sabihin niya 'yon natigilan kaming lahat at nabigla, "A-anong ibig mong sabihin?" tanong pa ni Roxanne at alam kong pare-pareho kaming kinakabahan dahil sa narinig namin.
"I guess I don't have to answer all of your questions. Basta ang alam ko lang...Sean Raven is on rampage and he told me that he's going to kill Dean Carson." dahil sa sinabi niya ay nagmadali kaming lumabas para pigilan siya. Please Raven, don't.
...END OF FLASHBACK...
Napatingin na lang ako sa pintuan matapos kong isipin kung ano ang nangyari. Kahit madilim at madaling araw na, kitang-kita ko ang paggalaw ng door knob. Tumayo ako at dahan-dahan na lumapit doon kaya mas nakita ko pa ang mabagal na paggalaw nito. Gumagawa ito ng kakaunting ingay at parang dahan-dahan din itong binubuksan kaya nagsalubong ang kilay ko. Nakita ko rin ang anino ng isang tao na nasa tapat ng kwarto ko nang tumingin ako sa baba ng pintuan.
Nakaramdam ako ng kaba hanggang sa maisip ko na baka si Raven 'yon at bubuksan na niya ang pinto. Dahan-dahan itong bumukas hanggang sa magtama ang mga mata namin. Kahit madilim, kilala ko kung sino siya. Nakatayo siya sa mismong tapat ko at tila naputulan ako ng dila dahil hindi ko inaakalang siya ang makikita ko ngayon sa mismong harapan ko, "W-what are you doing here?" tila mawalan na rin ako ng boses dahil sa pagkabigla. Humakbang ito ng isang beses papalapit sa akin kaya napaatras ako, "Can we talk?" seryosong tanong ni Dean.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung matutuwa ba ako dahil pinuntahan niya ako o matatakot ako dahil seryoso siya. Napansin ko na lang na walang bakas ng galit sa mga mata niya ngayon. Alam na ba niya ang totoong nangyari kaya siya nandito?
"Follow me." saad nito na tinalikuran ako at nag-umpisang maglakad kaya't kusa ring gumalaw ang mga paa ko at sumunod sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya lalo na't nasa harapan ko siya. Seryoso lang siyang naglalakad at hindi ako nagawang lingunin. Noong mga oras na 'yon, wala na akong pakielam kung ano man ang mangyari, ang mahalaga kasama ko siya at pinuntahan niya ako kaya bahagya akong napangiti habang naglalakad kami.
Hindi ko man alam kung saan kami papunta pero alam kong hindi niya ako ipapahamak. Kahit na nilason siya ng babaeng 'yon, alam kong sa puso niya ako pa rin ang nag-iisa. Kahit pa anong gawin niya, hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya at kung kinakailangang paulit-ulit ko siyang iligtas, gagawin ko hanggang sa maalala niya ulit kung sino ako sa buhay niya. Pumasok kami sa isang madilim na kwarto kaya hindi ko malaman ang itsura nito kahit pa tignan ko ang paligid hanggang sa marinig kong isinara niya ang pinto kaya napatingin ako sa kanya.
"A-anong gusto mong...pag-usapan natin?" tanong ko sa kanya at dahil nababalutan kami ng dilim, hindi ko maiwasan na matakot at kabahan habang nakatayo siya malayo sa akin at nasa tapat ng pintuan.
"I brought you here secretly...because I had to." saad nito habang seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin.
"I know. H-hindi ka rin naman pwedeng makita ng grupo dahil baka may gawin silang hindi maganda sa'yo." pahayag ko. Kahit ilang beses na akong nasaktan, nandito pa rin yung pakiramdam na gustung-gusto ko siyang yakapin ngayon.
"Can I ask you something?" tanong nito kaya tumango ako, "A-anything."
"Why did you save me?" sandali akong natigilan nang itanong niya 'yon. Napalunok muna ako bago sinagot ang tanong niya, "Isn't it obvious? Kasi mahal pa rin kita...kaya kahit ilang ulit mo akong saktan at ipagtabuyan, pipiliin at pipiliin ko pa rin na iligtas ka."
"How about you?" tanong ko naman, "Why did you leave me?" kahit ayaw kong masaktan, alam kong ito ang tamang pagkakataon para itanong sa kanya ang lahat. Matagal niya akong tinignan bago nakapagsalita, "Isn't it obvious? Because I don't love you anymore." sagot niya kaya huminga ako ng malalim para palakasin ang loob ko. I expected that I would hear this but still, masakit pa rin.
"And I regret everything about you and me...our relationship...and everything about us." dagdag pa niya kaya sinundan ko, "You just told me that you were never mine, Dean Carson."
"But you kept on insisting about, Us." diin niya dito, "That's why I had to take it...though it was disgusting." saad pa niya. Katulad ng date, bawat salita na sinasabi niya ay unti-unting sumasaksak sa akin. Sobrang sakit pa rin at kahit paulit-ulit ko ng nararamdaman 'to, hindi pa rin nababawasan ang sakit. Imbes na nababawasan, patuloy na nadadagdagan ang sakit.
"Kaya mo ba ako dinala dito para sabihin ang lahat ng 'yan? Para saktan ako ng paulit-ulit?" tanong ko.
"Just like what I've said earlier, I brought you here because I had to."
"Dahil takot kang sabihin ang lahat ng 'yan kapag nakaharap ang buong grupo?"
"Of course not. Why would I be afraid now? When we're going to end all of this right here at sila ang dapat na matakot sa mangyayari." naaninag ko ang masamang pagngiti nito na ipinagtaka ko, "W-what do you mean?" kinakabahan kong tanong.
Napatingin ako sa paligid ng unti-unti kong makita ang mga lalaking nakaitim at nakamaskara na lumabas mula sa pinagtataguan nila. Hindi ko sila agad nakita kanina dahil madilim. Pinalibutan nila ako kaya napatingin ako kay Dean, "A-anong ibig sabihin nito?" natatakot kong tanong lalo na't lumapit pa sila sa akin para siguraduhin na hindi ako makakatakas.
"You should have let them kill me, Bliss Syden." saad pa nito kaya umiling ako, "N-no Dean. Y-you can't do this to me." pahayag ko sa kanya habang nakakaramdam na ako ng kaba at takot.
"They told you that they are going to kill me in order to save you but you didn't listen to them...that's why I have to do it right here and right now..." napalunok ako ng maglabas siya ng isang maliit na kutsilyo kaya napaatras ako lalo na ng tignan niya ako at ngumiti pa ng mas masama, "I'm going to kill you." saad pa nito. Magagawa niya ba 'yon sa akin? I know he can't do that at tinatakot niya lang ako kaya hindi ko dapat ipakita sa kanya na natatakot ako.
"That's right, kill her." napatingin ako sa gilid nito ng makita ko si Savannah na nanggaling sa sulok at nilapitan si Dean. Ipinalupot niya ang kamay niya sa braso ni Dean kaya napatingin siya kay Savannah at ngumiti ng masama ang babaeng 'yon habang nakatingin sa akin hanggang sa makita kong maghalikan silang dalawa kaya umiwas ako ng tingin at pinigilan na umiyak.
"You know what..." muli akong napatingin nang magsalita ang babaeng 'yon at nakatingin na siya sa akin, "I am not certain about your words, Dean. Do you really love me?" sabay tingin niya kay Dean, "Of course." sagot nito at ni hindi man lang siya nagdalawang isip na sagutin ang babaeng 'yon.
"Then prove it to me...kill her." saad nito na tinignan ako kaya napakuyom ang dalawang kamay ko sa galit, "He can't kill me." saad ko kaya tinignan niya si Dean habang nakangiti ng masama, "Really? What can you say about that?" tanong niya kay Dean kaya tinignan ako ni Dean at umiling ako. Don't listen to her please.
Hinawakan ni Dean ang mga kamay ni Savannah na nakahawak sa braso niya at ibinaba 'yon, "Sorry." saad nito kaya nakaramdam ako ng tuwa na ikinabigla si Savannah, "Kung ngayon ko lang 'to magagawa." saad pa niya na tuluyang nakapagpatigil sa akin.
Hinarapan niya ako at unti-unti siyang lumapit sa akin habang hawak niya ang isang maliit na kustilyo. Nakatingin kami sa isa't isa kaya umiling ako, "Y-you can't do this to me, Dean Carson." nauutal kong sabi at kusa na lang tumulo ang mga luha ko kaya napahakbang na ako paatras habang seryoso siyang nakatingin sa akin.
Nakakaisang hakbang pa lang ako paatras nang bigla niya akong hilain papalapit sa kanya at ramdam ko ang mahigpit na pagyakap niya sa akin. Alam kong wala na akong magagawa kaya hindi na ako nagpumiglas pa, "P-pleasee! H-huwag mo naman gawin 'to sa akin, Dean!" pakiusap ko sa kanya at mas napaiyak pa ako.
"I didn't want to do it, but I had to." sagot nito kaya umiling ako, "P-pleaseee, j-just let me go!" pakiusap ko pa ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin kaya unti-unti ring nawala ang pag-asa ko na makatakas dahil alam kong sa mga oras na 'to, hindi na niya ako bibitawan pa, "D-do you really have to do this?" tanong ko na hindi niya sinagot. Alam kong mahirap at masakit na tanggapin ang lahat pero kung ito lang ang paraan, maybe I should just accept it. Tutal sanay na rin naman akong masaktan.
"I-if this is the only way for the both of us to be at ease..." napapikit ako at muling nagsalita. Sobrang sakit, pero para saan pa kung lalaban pa ako. Wala na rin namang saysay lahat ng ginagawa ko.
"Then do it." binuksan ko ang mata kong nanlalabo at mapait na ngumiti, "Let's end it here." mahinang saad ko. Unti-unti kong itinaas ang dalawa kong kamay at mahigpit siyang niyakap. Ang tagal kong pinangarap na mayakap ulit siya pero bakit kailangang sa ganitong paraan pa? Ito ang unang beses na mayayakap ko siya simula ng bumalik siya sa akin pero ito rin ang huling beses na mayayakap ko siya.
Pagkalipas ng ilang minuto, napahigpit na lang ako ng hawak sa kanya. Nalasahan ko ang dugo na lumabas mula sa bibig ko nang maramdaman ko ang biglaang pagsaksak nito sa akin. Sobrang sakit sa pakiramdam ng pumasok ang talim ng kutsilyo sa katawan ko, malaki ang naging epekto nito sa akin pero wala ng mas sasakit pa na isipin na siya mismo ang gagawa nito sa akin, "Y-you used to tell me...t-that before they would be able to kill me...t-they would have to kill you first. Never d-did I...expect na ikaw pa ang gagawa nito sa akin." natigilan ako ng lumabas pa ang maraming dugo sa bibig ko, "B-but you know what-- I will never regret that I saved you...and loved you. I will never regret everything about us...kahit na nakalimutan mo na ako. Maybe...promises are really meant to be broken." pilit ko siyang tinignan kahit na nanghihina na ako at nagtama ang mga mata namin kaya mapait akong ngumiti, "W-why do you even have to do this, m-muffin? B-bakit kailangan mo pa 'tong iparamdam sa akin? Ano bang ginawa ko...p-para parusahan mo ako ng ganito? M-minahal lang naman kita dba? I-isa bang pagkakamali 'yon? Mali bang magsakripisyo para sa mga taong mahal mo?" tanong ko dito habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko, "Maybe loving me was the biggest mistake that you've ever did." sagot nito at unti-unti na akong nanghihina.
Dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi nito gamit ang isa kong kamay na nanginginig at namamanhid na at mapait akong ngumiti, "Ang tagal kong hinintay ng pagkakataon na 'to...y-yung magkita ulit tayo. I badly miss you, Dean Carson. H-how I wish...that you also feel the same for me. You've...totally changed, right? Sana kahit sa huling pagkakataon na 'to, maramdaman mo na may parte ako sa buhay mo. R-remember that I will always choose to love you, m-my muffin. Pwede bang kahit ngayon...m-maramdaman mo ang takot na mawawala ako?" pinilit kong ngumiti habang umaasa na may maririnig akong sagot pero hindi niya ako tinignan kaya nagpumilit akong ngumiti at tumango.
Matakot ka din naman sa pagkawala ko.
Pagkatapos kong sabihin 'yon, kusang bumaba ang kamay ko, napapikit na lang ako hanggang sa magdilim ang paligid. I might be dreaming but I heard something, "I'm sorry...sweetie." at 'yon ang mga huling salita na narinig ko.
To be continued...
Heartfilias, this is not yet the end. Therefore, this is the commencement for the final battle.
In this battle...you and me...together with everyone....we're going to join the battle. Hindi po ako magsasawang magpasalamat sa inyo dahil hindi tayo makakarating dito kung hindi rin dahil sa inyo. Sana rin po huwag kayong magsawa na basahin ang kadaldalan ko dito haha dahil bilang na lang po ang mga oras na magkakasama-sama pa tayo at bilang na lang din ang oras na mapapasalamatan ko kayo sa story na 'to hehe. I hope you understand.
"Let us cherish the remaining memories and let it be revebrated to the memories of those who persuaded it."
-ElysianHeartfilia