webnovel

♥♡ CHAPTER 62.0 ♡♥

♡ Sean Raven's POV ♡

Huminto na ako sa paglalakad nang makarating na ako sa mismong kwarto ni Leigh. Ang tagal kong hinintay ng pagkakataon na 'to, na magkita at makapag-usap ulit kami. Napangiti na lang ako at napayuko bago ulit tinignan ang pintuan. Kumatok ako sa unang pagkakataon habang hinihintay na buksan niya ang pintuan pero nagtaka na lang ako dahil hindi bumubukas ito. Baka naman wala siya sa loob? Kakatok pa sana ako ulit ngunit natigilan ako nang mapansin ko na may mga dating Redblades na paparating. Nabanggit na rin sa akin ng grupo na kinailangang paalisin ang Redblades at Phantoms para hindi na sila madamay pa sa gulo.

Tatlo silang babae at masayang nagkwekwentuhan. Huminto sila sa katabing kwarto ni Leigh at aktong bubuksan nila ang pintuan pero natigilan sila at napatingin sa akin, "Excuse me?" saad ko at itinuro ang pintuan na nasa tapat ko, "A-alam niyo ba kung nasaan si Leigh?" tanong ko sa kanila kaya nagkatinginan sila bago ako sinagot ng isa nang tila may maalala ito.

"Si Leigh? Ahmmm...parang nakita ko siya kanina papunta sa rooftop,

m-magpapahangin siguro?" hindi siguradong sagot ng isa kaya tumango na lang ako, "Ganon ba? Sige, salamat." saad ko at nilagpasan na sila para umakyat sa rooftop. Doon kami huling nag-usap bago ako lumipat ng building at ang saya naman atang isipin na doon ulit kami magkakausap ngayong nakabalik na ako.

Habang paakyat ako doon, hindi ko maiwasan na mapangiti. Kung nandon nga siya, ibig sabihin hindi pa rin siya nakakalimot at pareho pa rin kami ng nararamdaman para sa isa't isa hanggang ngayon. Nang makarating ako sa rooftop, dahan-dahan kong hinawakan ang door knob at binuksan ang pintuan. Sandali akong sumilip sa labas at kagaya ng date, sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Nang makalabas na ako, isinara ko din ang pintuan. Tinignan ko ang buong lugar hanggang sa mapansin ko na nakatayo siya sa may pinakasulok habang nakatingin sa kalangitan at nakangiti kaya nilapitan ko siya. Nakalagay pa ang mga kamay nito sa likuran niya habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin.

"Gabing-gabi na, bakit gising ka pa?" tanong ko kaya napatingin siya sa akin at kitang-kita ko ang pagkabigla sa mga mata niya. Dahil sa lamig, inilagay ko na rin ang dalawa kong kamay sa magkabila kong bulsa, "Sean? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya kaya ngumiti ako, "Bakit? Bawal ba?" umiling siya at nagsalita, "H-hindi naman...hindi ko lang alam na pupunta ka rin pala dito." sagot nito na hindi makatingin sa akin ng diretso. Nahihiya ba siya? For what?

"Of course, I'd come here." sambit ko siya kaya napatingin siya sa akin, "We have unforgettable memories here, right? Bakit ko naman makakalimutan ang lugar na 'to?" marami kaming memorya sa lugar na 'to kaya hindi ganon kadaling kalimutan. Sa tuwing pumupunta ako dito, gumagaan ang loob ko. It's actually my resting place, where I find comfort.

Napayuko siya at napangiti bago ako ulit tinignan at tumango, "Hindi mo pa rin pala nakakalimutan?" saad niya pero hindi ko pa rin mapigilan na titigan siya. She is the most beautiful view I've ever seen. I'm still inlove at wala ni isang araw sa Death building na nakalimutan ko siya. Iba pa rin talaga ang epekto niya sa akin. 

"Kamusta na pala si Syden?" tanong nito kaya napayuko ako at napakamot sa ulo, "I can't respond to that saying that she's fine when in fact, alam ko na hindi talaga siya okay...but for now,  nagpapahinga siya sa kwarto niya."

"Is it okay to leave her right now?" nag-aalalang tanong niya kaya napangiti ako at muli siyang tinignan, "No, she might do something stupid." sagot ko kaya nanlaki ang mata ni Leigh, "Then why are you here?"

"Don't worry, pinagbantay ko muna sina Stephen at Caleb sa tapat ng kwarto niya. She's safe and I hope that she would be fine sooner or later."

"Sana nga maging okay na siya, Sean. We were all worried lalo na sa nangyari sa kanila ni Dean. Nagbago na ba talaga si Dean?"

"People change, Leigh." maiksing sagot ko at sandali akong nakaramdam ng galit nang marinig ko ang pangalan na 'yon. Napansin kong alam ni Leigh na wala akong interes na pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'to kaya tumango na lang siya.

"How did you know?" tanong ko na ipinagtaka niya, "Paano mo nalaman na nasa club si Syden para lusubin si Savannah?" tanong ko pa. Sa pagkakatanda ko kasi, pagkapasok namin ni Feli dito sa building, pumunta ako sa kwarto ni Syden pero wala siya tapos may nagsabi sa akin na nasa staff room ang mga main members kaya dumiretso kami doon...at pagdating ko doon, nabigla sila pero bigla namang dumating si Leigh na hinihingal sa pagtakbo.

"A-ah 'yon ba? Kasi...gabing-gabi na noon at hindi ako makatulog kaya pupunta sana ako dito para magpahangin kaso napansin ko si Syden na naglalakad kaya nagtago ako. Iba kasi ang itsura niya noong mga oras na 'yon, parang ibang tao siya at gustung-gusto niyang pumatay. Nagulat na lang ako nang maaninag ko ang isang kutsilyo sa likuran niya kaya sinundan ko siya...hanggang sa nakita ko sina Savannah at Dean na lumabas sa mismong kwarto ni Dean...and I knew it. Na lulusubin ni Sy si Savannah lalo na't papunta na sila sa club at nakasunod siya sa kanilang dalawa. I was really worried kaya agad kong sinabi sa inyo." pahayag niya kaya tumango ako.

"Thanks for informing us, kung hindi namin agad nalaman baka kung ano ng nagawa ni Dean sa kakambal ko." sambit ko dito kaya ngumiti siya. I miss those, yung mga ngiti niya.

"I am still part of the group kahit na pinaalis niyo kami." saad pa niya kaya natawa ako, "It's for your safety." sagot ko naman.

"How about you, Sean?" tanong naman niya na ikinatigil ko, "I'm glad that you're back. Paano ka nakabalik?" ito rin ang tinatanong ng lahat sa akin kaya paulit-ulit akong nagsisinungaling. Kahit ayaw ko, kailangan kong itago ang totoo dahil alam kong hindi pa ito ang tamang oras.

Yumuko ako at nagbuntong-hininga bago siya tinignan, "Actually, may kasama ako. We made an escape plan." maiksing sagot ko. Sana lang hindi na siya magtanong pa, "And the plan was successful?" sambit ni Leigh kaya tumango ako, "Alam ba ng officers?" dahil sa tanong niya, napaisip ako.

Did Phoenix tell them? Sinabi niya ba sa officers na tinulungan niya kami? O baka hindi alam ng officers na nandito kami ni Feli at patago kaming tinulungan ng lalaking 'yon? Paano kung nalaman nila at ipahuli kami? This can't be, especially si Feli...she can't be revealed. Nahihirapan lang ako sa ngayon dahil naguguluhan ako sa Phoenix na 'yon, kakampi ba siya o kaaway? Pero sa pagkakaalam ko, magkalapit sila ni Savannah. Malapit din siya sa presidente pero bakit pati si Fortune nawawala ngayon?

"Sean, okay ka lang ba?" tanong ni Leigh kaya napatingin ako sa kanya, "O-oo, may naalala lang ako."

"So alam ba ng officers?" tanong niya ulit.

Kahit hindi ko alam ang isasagot sa kanya, ayaw kong mag-alala siya ng sobra, "I think yes, pero kung may balak man silang ipadampot kami, kanina pa sana nila ginawa. Don't worry, nothing will happen." sambit ko dito. Kung hindi man alam ng officers, pwedeng malaman din nila anumang oras ngayon kaya para makasigurado ako, kailangan kong makausap ulit si Phoenix at papagsalitain siya. Kaya lang naman ako pumayag na tulungan niya kaming makapasok ay dahil wala na kaming pagpipilian pa.

"Basta mag-iingat ka palagi, Sean." dagdag pa niya kaya tumango ako at ngumiti, "For you Leigh, I will always be careful." sagot ko kaya ngumiti siya at niyakap ako that's why I also did the same.

"I miss you, Sean Raven." dinig kong sambit nito kaya mas napangiti pa ako at hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya, "I miss you too." mahina kong sabi, "Leigh?" dagdag ko pa. Lumayo siya sa akin kaya nagkatinginan kami, "Can I ask you something?"

"Sure. Ano ba 'yon?" tanong niya sa akin.

Ang tagal kong hinintay na maibalik ang lahat sa date.

"C-can we be...together again?" nauutal kong tanong at pilit ko siyang tinignan ng diretso dahil nakakaramdam ako ng hiya.

Alam kong nabigla siya sa sinabi ko, "Isn't it we promised na kapag nakabalik ako, if we still have the same feelings for each other-- "

"Sean." natigilan ako ng banggitin niya ang pangalan ko. Dahan-dahan itong ngumiti pero nakita ko ang pag-iling niya, "It's better this way." saad niya kaya hindi ako nakakibo.

What does she mean by that?

"W-what do you mean, Leigh?" hindi ko alam kung bakit ganito siya ngayon. Hindi na ba niya ako mahal?

Napansin ko na hindi siya mapakali at bigla niyang inilagay ang isa niyang kamay sa likuran niya na parang may itinatago siya, "Sean, we can't be together anymore. Mas magandang ganito na lang tayo...y-yung magkaibigan na lang-- " natigilan siya ng hawakan ko ang magkabilang-balikat niya para diretso kaming magkatinginan, "Why are you saying that? Hindi mo na ba ako mahal?" tanong ko dito.

"Mahal pa rin kita, Sean. Kahit kailan, hindi kita nakalimutan."

"Pero bakit ayaw mo?"

"Kasi hindi rin tayo magtatagal! Matatapos din agad 'to!" nang isigaw niya 'yon, kusa kong naibaba ang mga kamay ko. Bakit niya ba 'to nasasabi sa akin? May nagawa o nasabi ba akong hindi niya nagustuhan?

"Anong hindi magtatagal? Matatapos din agad 'to? Kung iniisip mong magiging katulad ako ni Kevin, hindi mangyayari 'yon, Leigh." iniisip niya ba na baka isang araw, masaktan ko siya kagaya ng ginawa ng ex niya sa kanya noon? Bakit ko naman gagawin 'yon?

"I know. Alam kong hindi mo katulad si Kevin at hindi mo ako kayang saktan kaya ayaw kong masaktan ka."

"Ano bang pinagsasasabi mo, Leigh? Hindi kita maintindihan." saad ko dito. Dahan-dahan niyang itinaas ang isang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko at nakita ko ang mapait nitong pagngiti, "You'll find out, soon." mahinang sambit niya at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Meron ba siyang hindi sinasabi sa akin? Kasi nasasaktan na rin ako sa ginagawa niya.

Dahil sa hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa at nasasabi ang lahat ng 'to, hindi na lang ako nakakibo. Napayuko na lang ako at napapikit, "Why are you doing this to me, Leigh?" mahinang saad ko habang nararamdaman pa rin ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.

"Ayaw ko lang na masaktan ka." sagot niya kaya mapait akong napangiti at tinignan siya, "Tingin mo ba hindi ako nasasaktan ngayon sa ginagawa mo?" tanong ko dito hanggang sa dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay niya at kitang-kita ko na pilit siyang ngumiti. There was sadness and despair in her eyes pero hindi ko alam kung bakit. Ayaw niya akong masaktan? Masasaktan ba ako kung makikipagbalikan siya sa akin? Mahirap ba talagang ibalik ang date?

Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay niya hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko na nag-iisang nakatayo. Napatingin ako sa pintuan nang marinig kong magsara ito. Bago pa man mangyari 'yon, hindi ko alam kung bakit ganon pero nakita kong mabilis na pinunasan ni Leigh ang mukha niya bago siya makapasok sa loob. Marami akong gustong itanong pero hindi ko magawang makapagsalita. I didn't expect na tatanggihan niya ulit ako. I thought we were going to be alright at maibabalik namin sa date ang lahat.

Nagbuntong-hininga na lang ako at nagpasyang bumalik muna sa kwarto ko para makapagisip-isip. Pagpasok ko sa kwarto, hindi ko nadatnan si Dave. Hindi naman siya nagsabi kung saan siya pupunta pero sa dami ng iniisip ko, naisipan kong humiga muna sa kama ko. Ang tagal ko na ring hindi nakatulog sa malambot na kama dahil halos magtago lang kami ni Feli kung saan-saan sa kabilang building. Sandali akong napapikit hanggang sa may kumatok kaya agad rin akong tumayo at hindi ko maiwasang magtaka. Anong oras na bakit may kumakatok pa? Naisip ko na lang na baka si Dave 'yon.

Nang buksan ko ang pintuan, nabigla na lang ako nang makita ko kung sino 'yon. Mabilis kong tinignan ang paligid at hinila siya papasok sa loob ng kwarto. Isinara ko agad ang pintuan at hinarapan siya, "Hoy babae, anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Felicity na gising na gising pa ng ganitong oras, "Madaling araw na."

"Alam ko." sagot niya sa akin na diretsong umupo sa kama ko kaya hindi ako makapaniwalang lumapit sa kanya, "Alam mo naman pala, bakit ka nandito?" tinignan niya ako na halatang naiirita, "Hindi ako makatulog." sambit pa niya kaya napakamot ako ng ulo. Sakit naman sa ulo ang isang 'to.

"Gabing-gabi na babae, hindi ka dapat pakalat-kalat ng ganitong oras. Alam mo ba kung gaano kadelikado?"

"Kahit kailan talaga ang dami mong satsat. Gusto lang kitang guluhin hanggang sa antukin ako." saad pa nito na humiga sa kama ko at sinolo niya na parang siya ang may ari...kaya nakapamaywang ko pa siyang nilapitan, "Alam ba nila Icah na lumabas ka sa kwarto nila?"

"Hindi." napayuko na lang ako at napabuntong-hininga bago siya ulit tinignan, "Eh paano kung hanapin ka ng mga 'yon?"

"Nagawa ko ngang makaalis nang mahimbing pa rin ang tulog nila. Hindi naman nila mapapansin."

"Fine. Pero paano mo nalaman na ito ang kwarto ko?"

"Ahmm, tinanong ko si Icah."

"Akala ko ba tulog sila?" tanong ko pa. Napakagulo namang kausap nito. 

"Oo nga tulog sila pero nung tanungin ko si Icah, sinagot naman niya ang tanong ko tapos natulog siya ulit." sagot niya kaya tinignan ko na lang siya. Ano ba kasing klasing babae 'to?

End of part 1...  

Nächstes Kapitel