webnovel

♥♡ CHAPTER 58 ♡♥

(Continuation of chapter 56)

♡ Syden's POV  ♡

"W-what do you mean?" tanong ko kay Roxanne. Lahat sila, hindi makatingin ng diretso sa akin at parang naputulan sila ng dila. Pinunasan ko ang mga luha ko at pinigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Nakatayo pa rin kaming lahat at magkaharap kami ni Roxanne habang nasa likuran niya si Clyde. Nasa tabi ko naman si Finn habang ang mga Vipers naman, nasa labas at nakikinig sa usapan namin.

Hindi ko rin maipaliwanag ang mga itsura nila. Alam kong galit sila ngayon sa akin dahil itinago ko sa kanila ang totoo...pero hindi ko ginustong mangyari ang lahat ng 'yon, I had no choice. 

"Bago namin sagutin ang tanong mo, we need you to tell us everything first." saad ni Roxanne na bahagyang lumapit at tinapatan ako, "What exactly happened?" seryosong tanong nito. Tinalikuran ko siya at umupo ako sa kama. Napahawak ang dalawa kong kamay sa ulo ko kaya napayuko ako at sandaling napapikit. Nagbuntong-hininga ako at tinignan silang lahat na hinihintay akong magsalita, "Nung natagpuan natin si Julez, pumunta ako sa secret room para komprontahin ang presidente tungkol kay Dean. I was in a panick that time dahil hindi ko na rin alam ang gagawin ko lalo na't hindi pa nakakabalik si Dean..." napatingin ako kay Finn na nakatingin rin sa akin at kung sakaling sasabihin ko sa kanila na alam niya rin ang totoo, malaki ang posibilidad na sa kanya nila maibuhos ang galit nila kaya sa pangalawang pagkakataon, mas pinili kong huwag ng banggitin ang pangalan niya.

"N-nagkausap kaming dalawa. She told me na dinala nila dito si Dean at itinago sa may abandonadong clinic. Dean never told us..." tinignan ko sina Roxanne at Clyde na desididong nakikinig sa mga sinasabi ko, "That he had been experiencing a retinal migraine at madalas na ring sumasakit ang ulo niya dito pa lang. That's why when he came to Curse building, mas lalong lumala ang sitwasyon niya at nalaman ng mga estudyante ang tungkol sa kundisyon niya. Sa tuwing mararamdaman niya ang sakit ng ulo niya, nanghihina siya, namumutla at pinagpapawisan. There are times na nanginginig din siya." napansin ko na lang na nabigla silang lahat sa sinabi ko kaya napayuko ako at mapait na ngumiti.

"She also told me na madalas nila siyang marinig na sumisigaw dahil sa sakit kaya maraming nakaalam ng tungkol sa sitwasyon niya." muli akong tumingala para tignan sila. There was sadness in their eyes and I could feel it, bawat salitang binibitawan ko, lalong bumibigat ang presensya ng paligid, "They thought that it was the right time to kill him lalo na't hindi niya kasama ang grupo at nanghihina siya. Dean and Julez were both running away from them not until when I was mentioned by their enemy. T-they told him...t-that...." muli akong napapikit habang inaalala ang mga maaaring nangyari noong araw na nahihirapan siya. Iminulat ko ang mga mata ko at pinilit na magsalita kahit mahirap.

 "They threatened him na kung hindi niya sila papatayin, they would come here and kill me instead that's why he decided to attack them kahit alam niyang hindi niya kaya. The president had no choice but to save both of them and bring them back here secretly..." tinignan ko si Roxanne na nakatingin pa rin sa akin at katulad ko, lumuluha na rin siya.

"B-but their presence must remain hidden or else everybody would plan to kill both of them. That's when I realized kung bakit halos hindi na magsalita si Julez... because he witnessed Dean's sufferings at alam niyang wala siyang nagawa noong mga oras na 'yon just like how I felt when I saw him lying on the bed helplessly. Sobrang hina na niya at palala ng palala ang sitwasyon niya. I-it was only Savannah who could treat him and bring him back to normal dahil wala ng ibang paraan. The president told me na sinubukan nilang maghanap ng gamot pero wala silang nakita. It was only her who could treat him and it was only me na gusto niyang makausap. The president didn't want me to tell anyone about it, especially the group dahil kapag kumalat ang balitang nandito siya, they would probably kill him and I can't lose him." habang sinasabi ko ang lahat ng 'yon, katulad ng date ay kusa na lang tumutulo ang mga luha ko ano mang pigil ang gawin ko but I'm glad na nasasabi ko na lahat ng nararamdaman ko.

"K-kaya pumayag ako sa gusto niya in order to protect him. I had to find Savannah and talk to her even though I didn't want to do it...b-but I knew that I had to. I knew that she would have conditions kapalit ng pagpapagaling niya kay Dean. K-kaya kahit labag sa kalooban ko, I had to do it kahit sobrang sakit, kahit sobrang hirap ng sitwasyon at posisyon ko kinailangan kong kayanin para sa kanya. S-sinubukan kong sabihin sa inyo pero natakot ako sa kung anong pwedeng mangyari kaya ko piniling itago sa inyo ang totoo." pahayag ko. Hindi ko magawang tignan sila ng diretso dahil sa nagawa ko. Nakayuko lang ako at nakatingin sa mga kamay kong nanginginig.  

"What was her condition?" napatingin ako kay Roxanne ng itanong niya 'yon sa akin kaya mapaig akong ngumiti, "S-she wanted me to let him go...and...dissappear from his life...if I really want to save him." 

"K-kaya ka pumayag na pagalingin niya si Dean?" tanong pa niya kaya tumango ako, "That girl is really getting into my nerves." saad ni Roxanne at napansin kong nagpipigil ito sa galit habang nakatingin sa ibang direksyon. Nakita ko rin ang pagkuyom ng mga kamay nito, "Believe me guys, I-i didn't want to do it-- b-but I had to." hindi mapakaling saad ko sa kanila because I thought that they might not believe me at baka sabihin nila na madali lang para sa akin ang naging desisyon ko. 

Sobrang hirap ng pinagdaanan ko pero kinailangan ko ring itago.

Dahan-dahang naglakad si Roxanne papalapit sa akin at lumuhod siya para tapatan ako. Hinawakan ng isa niyang kamay ang nanginginig kong mga kamay kaya napatingin ako dito at pareho kaming umiiyak, "You did well, Bliss Syden...b-but it didn't turn out just like how you wanted it to be." pahayag niya na ipinagtaka ko, "You even had to sacrifice your time being with him and we're very sorry for putting you into this situation. W-wala kaming alam na nahihirapan ka na pala. I'm sorry." when they finally managed to understand me....hindi ko na napigilan ang sarili ko na mas lalong mapaiyak. Niyakap ako ni Roxanne kaya ganoon na rin ang ginawa ko, "Sorry for letting you do this on your own." saad pa nito, "But..." inilayo niya ang sarili niya at maayos akong tinignan nang magsalita ako, "P-pwede niyo ba akong samahan?" tanong ko na tinignan silang lahat.

"You just told me that you already met him, gusto ko siyang makita." hindi ko mapigilan ang saya na nararamdaman ko. Nabigla ako ng sabihin nila sa akin ang totoo pero ngayon, nakakaramdam na ako ng tuwa. Nagkatinginan silang lahat na parang may nasabi akong hindi maganda, "M-may problema ba?" tanong ko sa kanila. 

Lahat sila, hindi makatingin ng diretso sa akin hanggang sa mapansin kong lumapit na rin si Finn sa akin at lumuhod sa harap ko para tapatan ako kagaya ng ginawa ni Roxanne, "Uhmmm Sy, I think it's better for the both of you na huwag muna kayong magkita." saad nito kaya naglaho ang tuwa na nararamdaman ko, "Ha? B-bakit naman?" nagtataka kong tanong kay Finn at nakita kong nagkatinginan sila ni Roxanne bago nila ako ulit tinignan, "S-sy, we understand your situation...kaya noong mga oras na 'yon nawala na rin siguro sa isip mo ang mga pwede pang mangyari at mga pwede pang magawa ni Savannah." nag-aalanganing saad ni Roxanne. 

"So?" ramdam ko na walang gustong magsalita sa kanila, "Pwede bang sabihin niyo sa akin kung anong problema?" pakiusap ko sa kanilang lahat na tahimik pa rin. 

"Sigurado namang sinasaksakan at pinapainom ni Savannah ng kung anu-anong gamot si Dean. He's alright now and he's in good condition but..." hinigpitan ni Roxanne ang pagkakahawak sa kamay ko gamit ang isa niyang kamay at ramdam ko ang lamig ng kamay niya, "Habang pinapagaling niya si Dean. M-may iba pa siyang ginawa..."

"When we met him earlier, malaki ang pinagbago ni Dean...and you might not be able to bear it, kaya mas mabuting huwag muna kayong magkita." napatingin ako kay Clyde ng sabihin niya 'yon. My mind couldn't still absorb what they were trying to say kaya nagsalubong ang kilay ko at napatingin ulit kay Roxanne, "Walang ibang pinapakinggan si Dean ngayon...kundi si Savannah lang. She took advantage of your sacrifices, Sy. N-nilason niya ang isip ni Dean." simula ng marinig ko 'yon kay Roxanne, tila nanlamig at namanhid ang buong katawan ko. 

"P-paanong nilason?" hindi makapaniwalang tanong ko. 

Hinawakan ng dalawang kamay ni Roxanne ang mga kamay kong nanginginig at ramdam ko rin na kinakabahan siya dahil sa lamig ng kamay nito, "Hindi na siya katulad ng date. H-hindi rin namin alam kung ano talaga ang ginawa ni Savannah kay Dean." pahayag ni Roxanne, "Hindi niyo alam?" kusang tumigil ang mga luha ko at napatingin ako sa ibang direksyon. Napatango ako at kaagad akong tumayo para lumabas. Natigilan ako ng pigilan ako ni Clyde kaya napatingin ako sa kanya, "We're begging you, Bliss Syden. Your situation might get harder kapag nagkita kayo." pakiusap ni Clyde kaya napatingin ako sa direksyon ni Roxanne na nakatayo na at nag-aalalang nakatingin sa akin. Ganon din naman si Finn na nasa likuran niya at nang magtama ang mata namin, umiling siya para pigilan ako.

"I was the one who had to sacrifice here, kaya aalamin ko ang totoo." sambit ko sa kanila. Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Clyde sa akin at iniwanan ko silang lahat.   

Pagkalabas ko sa kwarto, mas nakaramdam ako ng galit nang maramdaman ko ang presensya ng isang tao sa likuran ko kaya hinarapan ko ito at nakita ko si Finn, "What do you want?!" iritang tanong ko. Napatingin ako sa likuran niya at nakita ko sina Clyde na nakatingin lang sa aming dalawa. Stop looking at me with those eyes full of sympathy. Alam kong umaasa sila na hindi ko itutuloy ang balak ko, "Syden, stop." pahayag ni Finn kaya natawa ako, "So you knew? Alam mo din na maayos na ang lagay niya pero hindi mo sinabi sa akin?" tanong ko dito. 

"I-i met him earlier and they were right, nabigla rin ako sa nakita ko. Ayaw kong masaktan ka kaya hindi ko sinabi sa'yo." 

"Matagal na akong nasasaktan! Nagsakripisyo ako kaya ako dapat ang unang makaalam! Aalamin ko ang totoo dahil hindi ko kayo maintindihan at wala kayong karapatan para pigilan ako!" sigaw ko dito habang umiiyak at tinalikuran ko na silang lahat. Mabilis akong naglakad para puntahan ang isang lugar na pinakakailangan kong puntahan. I need to know what they were all saying.

Nilason?! You've got to be kidding me!

That's bulsh*t!

Lahat ng mga nakakasalubong ko, pansin kong kaagad silang tumatabi sa tuwing makikita nila ako na tila takot na takot sila. Bumaba ako sa ground floor at nakita kong magulo. Maraming mga  nakaitim at nakamaskara ngunit nakahandusay lang ang mga ito sa sahig. Tuluy-tuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa matanaw ko ang clinic kung saan nila itinago si Dean. Hindi ko alam kung ano ang dadatnan ko pero kailangan kong makausap ang babaeng 'yon.

Sinipa ko ng malakas ang pintuan at katulad ng dati, sumalubong sa akin ang nakaharang na puting kurtina. Hinawakan ko 'yon at mabilis na tinignan. Umasa akong makikita ko ulit si Dean pero wala akong nadatnan na nakahiga, "Look who's here?" napatingin ako sa likuran ko ng marinig kong may nagsalita at alam ko na mismo kung sino siya. 

Nagtama ang mga mata namin habang nakakibit-balikat ito at nakangiti ng masama, "I thought maayos ang naging usapan natin that you would never try to come here again?" sambit nito kaya napangiti ako ng masama kahit na basang-basa na ang mukha ko kakaiyak, "Really?" nilapitan ko siya at tinapatan, "Nasaan si Dean?" tanong ko dito at sinamaan ko siya ng tingin dahilan para mapataas ang isang kilay nito, "Nasaan siya?" tanong ko pa dahil sa hindi pagsagot nito. 

"He's now mine at wala ka ng magagawa." saad nito kaya't nang makaramdam na ako ng inis sa kanya, itinulak ko siya sa pader at mabilis na tinutukan ng kutsilyo, "What did you do?" dahil sa ginawa ko ay mas ngumiti pa ito ng masama, "Simple. Kagaya ng usapan natin, pinagaling ko siya." pahayag niya kaya mas inilapit ko sa leeg nito ang kutsilyo, "Pero iba ang sinasabi sa akin ng grupo." sagot ko sa kanya hanggang sa mapansin kong napatingin ito sa may bandang pintuan at mas lumapad pa ang ngiti niya. 

"Bakit? Hindi pa ba kayo nagkikita?" sarkastikong tanong nito, "Then let me tell you what I did. Simple lang naman. Nang mapapayag kita na iwanan mo siya kapalit ng pagpapagaling ko sa kanya, I did everything to make him all mine-- " dumugo na lang ang leeg nito ng tuluyang dumikit sa leeg niya ang dulo ng hawak kong kutsilyo, "What did you do to him?" galit kong tanong at nagpipigil ako ng galit.

"Why are you mad at me, Bliss Syden? Is it because of what I did? Hindi ba pumayag kang layuan siya? I told you to dissappear from his life and that's exactly what I did. Unti-unti ka ng nawawala sa buhay niya." hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya mas lalo ko pang idiniin ang kutsilyo hanggang sa maramdaman ko ang malakas na paghawi sa kamay ko kaya nabitawan ko 'yon.

Napahawak ako sa kamay ko ng makita kong may dugo 'yon dahil natamaan ako ng kutsilyong hawak-hawak ko pa lang. Tumingala ako at nakita ko si Savannah na nakahawak sa dumudugo niyang leeg, "I should have killed you from the start." galit kong saad dito ngunit natahimik ako at nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang lalaking galit na galit na nakatingin sa akin, "D-dean?" mahinang saad ko. Nakasuot ito ng itim kagaya ng mga lalaking nadaanan ko kanina.

Siya ba ang humawi sa kamay ko kaya nasugatan ako? But...t-that's impossible.

Nakaramdam na lang ako ng kirot ng makita ko ang babae na 'yon na dahan-dahang yumakap sa braso niya habang hawak pa rin ng isang kamay niya ang leeg niyang dumudugo. Napatingin sa kanya si Dean habang nakatingin naman sa akin si Savannah at kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata niya, "C-can we talk?" tanong ko dito kaya napatingin siya sa akin. 

"He doesn't like talking to anyone, especially to a stranger." saad ni Savannah pero hindi ko maialis ang tingin ko kay Dean, "Listen to me, please. We need to talk." pakiusap ko dito habang nakatingin din siya sa akin. I miss the way how he looks at me but it felt different this time. Unti-unti niyang hinarapan si Savannah na parang linta na nakahawak sa kanya hanggang sa mapangiti ako ng bahagya dahil sa sinabi niya, "I think we really have to talk." saad niya kay Savannah kaya naglaho ang ngiti nito at sinamaan ako ng tingin.

Mas nakaramdam ako ng sakit ng makita kong may ibinulong siya kay Savannah kaya unti-unting napangiti si Savannah habang nakatingin sa akin, "Well, good luck." saad nito at hindi ko na napigilang maluha ng makita kong hinalikan niya sa pisngi si Savannah. Am I just dreaming? Totoo ba lahat ng nakikita ko? Dahil kung panaginip ang lahat ng 'to, gusto ko ng magising.

Someone please, wake me up. Ayaw kong managinip ng ganito.

Lumabas si Savannah kaya kaming dalawa na lang ang natira. Nabalutan ng katahimikan ang buong clinic dahil nakatayo lang kami at nakatingin sa isa't isa kaya ako na ang nagsalita, "D-do you know how much I miss you?" tanong ko dito. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya. I really really miss him, everything about him, "I'm glad that you're finally awake. We've been waiting for you, muffin." dagdag ko pa. Yung mga yakap niya na palagi kong nararamdaman noon, hindi ko na maramdaman ngayon. Sa aming dalawa, ako lang ang nakayakap. It was like hindi siya natutuwa sa pagkikita namin pero hindi ko maiwasang matuwa dahil maayos na ulit ang lagay niya. Ang tagal kong hinintay na mayakap ulit siya.

"And I'm glad too that you are all okay." his voice sounded too cold.

"B-babalik ka na ba ulit sa amin?" lumayo ako sa pagkakayakap ko sa kanya but his eyes, were as cold as ice, "And why would I?" tanong niya pabalik kaya natigilan ako, "A-ayaw mo ba? O-okay lang kung hindi ka pa handa, handa naman kaming maghintay-- "

"I'm not going back." natigilan ako dahil sa sinabi niya. Ang tuwa na nararamdaman ko ay unti-unting naglalaho at bumabalik nanaman ang sakit, "W-why...would you say that?"

"Because I promised that I will protect her no matter what happens. The group and even you, are trying to kill the person I loved, right?" dagdag pa niya at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Parang mapuputulan ako ng dila at tuluyan akong mabibingi dahil sa lahat ng naririnig ko. I couldn't find the right words to say. Is he serious?

Sa kanya ba talaga nanggagaling ang mga salitang 'to? Masasakit na salita na para sa akin?

"Ano bang...p-pinagsasabi mo? I am that person, right? The person you loved?" halos mawalan na ako ng boses dahil sa mga luha na patuloy sa pag-agos. I couldn't believe na ganito niya ako kausapin ngayon. I did everything but why is he acting like this?

Natawa na lang ito dahil sa sinabi ko, "You? The person I loved? Stop daydreaming. I wouldn't even fall in love with a girl like you? So it's true that you are just a pathetic b*tch na pinagpipilitan ang sarili mo sa relasyon namin?" tila sinasaksak ako ng paulit-ulit dahil sa mga salitang binibitawan niya kaya nanlalabo na rin ang paningin ko  dahil sa ginagawa niya, "H-how could you say that? She was just...deceiving you! I am your girlfriend, Dean Carson! Kung natatakot ka lang kay Savannah kaya mo sinusunod ang gusto niya then don't, I am here to fight with you-- "

"And who are you exactly para sabihin na natatakot ako? Yes, I am afraid. I am afraid that the girl I loved might die because of your filthy hand. Why would I even believe you? Kitang-kita ng mga mata ko na gustung-gusto mo siyang patayin-- " nagpipigil siya sa galit at kitang-kita ko 'yon kaya hindi ko siya pinatapos dahil sa sobrang sakit na binibigay niya sa akin ngayon, "Dahil nilason niya ang isip mo! Do you even know what I did, what I had to do, what I had to sacrifice just to save you?! That girl deceived us! Oo! I really really want to kill her dahil kinuha ka niya sa akin!" 

"I was never yours, Bliss Syden." natigilan ako sa pagsasalita ng sabihin niya 'yon kaya mapait akong ngumiti, "Do you even know what you were saying, Dean Carson? Did I do something wrong para ganituhin mo ako ngayon?" and I bursted out in pain, "A-alam mo bang ang tagal kitang hinintay! Hinintay ko ang pagkakataon na 'to, pagkakataon na magkausap ulit tayong dalawa tapos ito ang mga sasabihin mo sa akin?! Alam mo ba kung gaano kasakit?! Sobrang sakit dahil mas naniniwala ka na ngayon sa iba kaysa sa akin na girlfriend mo?! Nilason ng babaeng 'yon ang isip mo dahil pumayag akong gamutin ka niya kahit na ayaw ko! Pagkatapos ng lahat ng sinakripisyo ko, tratratuhin mo ako ng ganito?! What happened to your promises?!!" 

"I don't care about promises now, Bliss Syden. I don't even know why you are acting like this. You are completely insane!" he seemed to be so disgusted the way he looks at me. Those eyes na palaging nakatitig sa akin noon, wala na ngayon, "Right! Nababaliw na ako dahil sa ginagawa mo sa akin ngayon. Ano bang ginawa niya sa'yo? Bakit siya na lang ang pinaniniwalaan mo ngayon? Nasaan na yung dating minahal ko at yung dating minahal ako? Wala na ba?!" tanong ko sa kanya. 

"If you think that way, wala akong pakielam sa'yo and I would never listen to someone like you!" sagot nito kaya mapait akong napangiti at tumango, "That's why they were saying that seeing you would put me in a harder situation." wala sa sarili kong sabi. Kaya pala pinagbawalan nila akong makita siya, dahil alam nilang mangyayari 'to, "Kasi hindi na talaga ikaw yung lalaking minahal ko but you know what...kahit na nasasaktan na ako sa lahat ng sinasabi at ginagawa mo sa akin, I will still...do everything to save you again and again." at natawa na lang ako sa sarili ko dahil nagpapakatanga nanaman ako. 

Ni minsan, hindi pumasok sa isip ko na hahantong kami sa ganitong sitwayon.

"I don't really know you but..." nilapitan ako nito kaya nagkatinginan kami habang tumutulo pa rin ang mga luha ko, "If you ever lay your hands on her again, I'll be the one to kill you." saad nito kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa sakit na nararamdaman ko, "I'd love to hear that. Kung mapapasaya kita sa ganyang paraan, then do it...para matapos na rin lahat ng 'to. I already proved my love for you and seeing you like this, I'm now at ease." sagot ko sa kanya habang patuloy ako sa pagluha, "I'm warning you..." mas lalo pa siyang lumapit sa akin kaya napapikit ako, "One step away from me, Bliss Syden." nang marinig kong sabihin niya 'yon, unti-unti kong iminulat ang mga mata kong nanlalabo. Nang makita kong naglalakad na siya papalayo sa akin, kusa akong napaupo sa sahig. 

"I never knew that this moment would come...when your one step, one last breath...would turn into one step away from me...and his words and cold voice was clearly echoing in my mind...you were always willing to show how much you love me, but now...you are willing to deny me."

Am I really forbidden to be happy?

What a cruel world....

To be continued...   

Nächstes Kapitel