webnovel

♥♡ CHAPTER 55 ♡♥

♡ Author's POV ♡

"Is it a zigzag pattern or not?" tanong ni Feli habang nakatingin sa labas mula sa third floor ng Death building, "Feli, what are you dong there? Let's go!" mahinang saad naman ni Sean habang maiging nagmamasid sa labas at bahagyang nakasilip sa may pintuan. Napansin niyang seryoso pa rin ang kasama niya na tila hindi narinig ang sinabi niya kaya dahan-dahan niyang isinara ang pinto at lumapit kay Felicity, "Are you even listening?" pagtatakang tanong nito at nang mapansin niyang may tinitignan ang kasama niya ay tumingin na rin siya sa labas. Nakita niya ang isa sa mga officer which is Sylvester de Vera na maiging nilalagpasan ang mga spikes na nakapalibot sa buong building at iniiwasang matamaan ang mga ito, "Tama nga ang hinala ko." mahinang sambit ni Feli kaya nagkatinginan ang dalawa, "We can easily escape from this building not until makarating tayo sa labas at sasalubong sa atin ang mga spikes na 'yan." sambit nito na ipinagtaka naman ni Sean.

 "What does that mean?" tanong niya. 

Muling tumingin si Felicity sa labas at nakitang nalampasan ni Sylvester ang mga matutulis na bakal ng walang bahid ng dugo kaya napangiti ito ng masama at nagkibit-balikat, "So it's true na hindi talaga tayo makakatakas ng buhay sa building na 'to. Unless we know the pattern, makakalipat tayo sa ibang building ng ligtas at hindi nila nalalaman." pahayag pa niya na mas lalong ipinagtaka ni Sean at muling tumingin sa labas, "And how sure are you na tama nga lahat ng hinala mo?" tanong naman ni Sean dito. 

"Matagal na akong nagmamasid kay Sylvester knowing na baka makakuha ako ng impormasyon kung paano makakalabas ng building na 'to. Napansin ko lang kung bakit nagagawang makalabas-pasok ng council sa iba't ibang building knowing that there are spikes surrounding each and every building but now I know." inialis niya ang tingin doon at hinarapan si Raven. 

"Napansin ko na sa tuwing dumadaan si Sylvester sa mga matutulis na bakal na 'yon, iisang daan lang ang tinatahak niya...no more, no less." at dahil sa sinabi niya ay unti-unti na ring nakuha ni Sean ang nais nitong iparating, "Ibig mo bang sabihin,  we have to follow the pattern para malagpasan ang mga 'yon ng hindi tayo namamatay?" 

"Exactly. Kaya kung magbabalak tayong tumakas, we have to memorize it or else kapag nagkamali tayo ng dinaanan, the spikes would surely move at sa isang iglap magkakapira-piraso ang katawan nating dalawa." diretsong sagot ni Feli, "Do you even know the pattern?" 

"I'll tell you later. Kailangan muna nating pag-usapan ang magiging plano natin at kumuha ng mga armas na pwede nating gamitin bago tayo sumabak sa labanan." bigla na lang itong naglakad papalit sa pintuan at sumilip sa labas, "They are already gone." saad ni Sean kaya napatingin si Felicity sa kanya, "Kanina ko pa sinasabi sa'yo kaso hindi ka naman nakikinig-- " inis na saad pa nito kaya madali siyang nilapitan ni Feli at tinakpan ang bibig nito, "Shut your f*cking mouth! Gusto mo bang marinig nila tayo?" inis na saad naman ni Feli at ibinaba ang kamay nito, "Kanina ko pa kasi sinasabi sa'yo na wala na nga sila kaya kailangan na nating umalis, but you were so busy na titigan yung Sylvester na 'yon. Edi sana kanina pa tayo nakaalis, baka ngayon pabalik na dito yung mga humahabol sa atin." pagrereklamo naman ni Raven.

"For your information Sean Raven, hindi ko papanoorin araw-araw ang lalaking 'yon ng walang dahilan. Honestly, nakakaumay ang pagmumukha niya but I had to watch his every move para makalabas na tayo sa lintik na building na 'to tsaka ano bang pakielam mo kung gusto ko siyang panuorin araw-araw?" inis na sagot din ni Feli kay Raven at kulang na lang ay magsigawan ang dalawa na pinipigilan naman nila dahil baka marinig sila. Katulad nina Dean at Julez, hinahabol rin silang dalawa dahil kay Felicity kaya't minabuti nilang magtago muna sa kwarto na 'yon habang hinihintay na makalayo ang mga humahabol sa kanila. Halos ilang araw na ring magkasama ang dalawa at halata sa itsura nila ang pagkainis sa isa't isa. 

"Pwede ba tigilan mo muna kakapanood sa kanya, we need to make a move now. Marami ng nakakaalam ng tungkol sa'yo kaya hindi malayong hahanapin talaga nila tayo." pahayag naman ni Raven kaya halatang inis na inis na si Feli sa kanya, "Tss! Ang dami mong satsat, tara na nga." tinalikuran na niya si Raven at dahan-dahan binuksan ang pintuan para sumilip sa labas. Nang masiguro niyang wala ng tao ay inumpisahan na nila ang balak nilang gawin. Sa tuwing may maririnig silang mga estudyante na papalapit sa direksyon nila ay nagtatago silang dalawa at minsan pa nga, nagsesenyasan silang dalawa kung ano ang susunod na gagawin at kung anong daan ang tatahakin.

"Sigurado ka bang dito 'yon?" tanong ni Raven kay Feli habang aligaga ang dalawa sa pagtingin sa  mga kwarto, "Sigurado akong banda dito 'yon." sagot naman ni Feli. 

"Baka naman hindi dito. Sabi ko na kasi sa'yo kanina sa kabila na lang tayo pumunta eh." 

"Pwede ba maghanap ka na lang, kalalaking tao ang daming satsat!" 

"Tss, iwanan kita dito eh." dahil sa sinabi ni Sean ay tumigil si Felicity sa paghahanap at hinarapan si Sean, "Edi umalis ka." pagtataray nito kaya tinignan na rin siya ni Raven. 

"Ano bang problema mong babae ka?" naiinis na tanong din ni Raven.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko kasi naiinis ako dyan sa pagmumukha mo!" 

"Bakit ako nanaman? Anong ginawa ko- " nagsalubong na lang ang kilay ni Felicity nang mapansin niyang natigilan si Raven sa pagsasalita at napatingin sa likuran niya, "Anong nangyari sa'yo? Para kang nakakita ng multo- " aktong titingin si Feli sa likuran nito ay bigla na lang siyang itinulak ng malakas ni Raven kaya napaupo ito sa sahig. Dahan-dahan itong napatingala at napatingin sa direksyon kung saan nakatingin si Raven. Nanlaki ang mata nito ng mapansin niyang may lalaking nakatayo sa bandang dulo at nang makilala niya ang lalaki, namukhaan niyang isa ito sa mga gustong pumatay sa kanya. Napansin niyang may inihagis na kutsilyo si Raven papunta sa lalaking masama ang tingin sa kanilang dalawa ngunit nabigla na lang ang dalawa nang makita nilang mabilis na naiwasan ng lalaki ang kustilyong inihagis ni Raven. 

Mabilis itong napayuko at muli ring tumingala. Tinignan niya si Raven at ngumiti ito ng masama. Mas ikinagulat pa ng dalawa ang nangyari ng makita nilang hawak na ng lalaki ang kutsilyo at nilaro-laro ito sa kamay niya. Lumipat ang tingin nito kay Feli at mabilis na inihagis papunta sa kanya ang kutsilyo. Dahil sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi nakagalaw sa Feli at natulala ito. She never felt afraid before pero sadyang mabilis ang lahat. Hinintay niyang makaramdam ng sakit pero wala siyang naramdaman. Mas bumilis na lang ang tibok ng puso nito nang maramdaman at makita niyang nakayakap na si Raven sa kanya. Dahan-dahan itong napatingin kay Raven at nakita niyang may saksak ito sa likuran niya. Ramdam ni Sean ang epekto ng pagkakasaksak sa kanya kaya pinilit niyang tignan si Feli, "Run." saad nito kaya umiling si Feli.  

"N-no. Hindi kita pwedeng iwan dito."

"I can handle this. Tumakbo ka na. That guy will definitely kill you." sambit ni Raven habang nararamdaman ang panghihina niya. 

"As if I will let him." nang mapansin ni Felicity na papalapit sa kanila ang lalaki ay bigla niyang inilabas ang kutsilyo niya at inihagis ito papunta sa direksyon ng lalaki. Napangiti ito ng masama nang matigilan sa paglalakad ang lalaki at unti-unting napatingin sa tama nito. He was directly stabbed in the heart, "Your aim was always perfect." mahinang saad ni Raven. Tinignan niya ang lalaki hanggang sa unti-unti itong mapahiga sa malamig na sahig. Nanatili pa ring nakaluhod si Sean habang nakahawak sa sahig bunga ng pagkakatama sa kanya ng kutsilyo.

"Why did you even try to save me? Nahihibang ka na talaga." saad ni Feli at nakita niyang tinanggal ni Raven ang pagkakasaksak nito sa likod. It was his own viper's knife. Inalalayan niya itong makatayo at tumingin siya sa paligid para maghanap ng pwede nilang mapagtaguan. Pumasok sila sa isang kwarto at mabilis na isinara ang pintuan. Pinaupo ni Felicity si Raven sa sahig at tinignan ang sugat nito bago ipinasandal sa pader, "How is it?" tanong ni Raven na hindi naman sinagot ni Feli dahil nagmadali itong tumayo at naghanap ng pwedeng gamitin para gamutin ang sugat ni Raven. Tila isang stock room ang pinasukan nilang kwarto kaya medyo magulo at halos sipain ni Felicity lahat ng nakaharang sa dinaraanan niya. Nag-umpisa itong maghanap at hindi nagtagal ay lumapit rin siya kaagad kay Raven na may dala-dalang first aid kit, "Can you move a little?" tanong nito kaya bumuntong-hininga si Raven at pinilit na gumalaw hanggang sa mapansin niya na parang hindi mapakali si Feli, "Uhmmm, I can't treat your wound..." napakamot ito ng ulo na tila hinahanap pa ang mga salitang sasabihin niya, "I-if you're wearing a shirt." pahayag nito na nag-iwas ng tingin. Naririnig pa niya ang malalim na paghinga ni Raven hanggang sa huminga ito ng malalim at pinilit na gumalaw para tanggalin ang suot niyang t-shirt. 

Nang mapansin ni Felicity na nahihirapan si Sean ay wala na rin siyang nagawa, "Let me just help you, baka hindi ka na sinagan ng araw sa kabagalan mo." pahayag niya na tinulungan namang magtanggal ng t-shirt si Raven, "You can just leave me here kung nakakaabala na ako sa oras mo." sambit ni Raven na bahagyang ngumiti kaya sinamaan siya ng tingin ni Feli, "Kung talagang nakakaabala ka, kanina pa sana kita iniwan dito." mataray na sagot nito kaya mas napangiti pa si Sean, "Sit for a while." saad nito na pumunta sa likuran ni Raven. 

Kumuha na ng gamit si Feli at nag-umpisang gamutin ang sugat nito, "Was this your first time that you felt afraid?" tanong ni Raven kaya napatingin siya dito at hindi nakapagsalita. Nakatalikod si Sean sa kanya pero nakita niya ang pagtataka nito nang tumingin si Raven sa gilid niya "Since I met you, nakita ko kung gaano ka katapang. What happened earlier?" tanong nito. Sandaling natigilan si Feli pero hindi nagtagal ay itinuloy na rin niya ang panggagamot kay Raven, "I-i was shocked. Bigla mo na lang kasi akong tinulak. Hindi ko rin alam-- it just happened." 

"Is that the reason?" tanong pa ni Sean habang nakatingin sa gilid nito kaya natigilan si Feli at napatingin sa kanya, "May iba ka pa bang alam na rason?"

"We were both shocked because of what happened. Karamihan sa mga nakakalaban natin, madali lang nating napapatumba pero yung kanina, naiwasan niya pa yung inihagis kong kutsilyo at mabilis niya lang na nakuha 'yon. Hindi mo ba napansin na parang may nagbago?"

"Katulad ng ano?" nagsalubong na rin ang kilay ni Felicity dahil sa sinabi ni Raven, "Is it just me? Or do you also feel na parang hindi na estudyante ang mga kalaban natin? Something's wrong." nagtatakang tanong nito na halatang malalim ang iniisip. Nang matakpan na ni Feli ang sugat ni Sean ay tumayo na siya para alalayan ulit ito na sumandal sa pader,  "That might also be the reason kung bakit ako natulala at nabigla sa nangyari." saad niya at halatang malalim ang iniisip ng dalawa na ngayon ay magkaharap na at parehong nakaupo.

"Then we need to escape as soon as we can. I really have a feeling na may mangyayaring hindi maganda. I need to tell my group about it. Sigurado rin namang nag-aalala na rin ang mga 'yon sa akin, especially my twin sister." dahil sa sinabi ni Sean ay diretsong napatitig sa kanya si Feli, "So you have a twin sister?" tanong nito na parang nakaramdam ng tuwa kaya tumango si Sean at napapikit habang nakangiti.

"Yeah. I hope you meet her soon, once we get there." unti-unting naglaho ang ngiti ni Feli at napayuko, "I hope I could meet many people here nang hindi ko kailangang magpanggap bilang ibang tao." tumingala siya at tinignan si Raven na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya ng may halo ng pagtataka, "Alam mo naman dba? Na hindi ko pwedeng ipakilala yung sarili ko at yung totoong ako." malungkot na saad nito kaya ngumiti si Raven, "Time will come na maipapakilala mo rin ang sarili mo at masasabi mo ang totoo. For now, you need to hide in order to defend yourself. That must be your priority." ngumiti si Feli dahil sa sinabi ni Sean at tumango, "So can you please tell me kung ano ng plano ang naiisip mo?" tanong pa ni Sean. Sandaling nag-isip ang kasama niya bago sinagot ang tanong niya. 

"Sylvester de Vera owns the gamble room dahil sa pagkakaalam ko, adik siya sa pagsusugal. He uses this room to play his dirty ways of killing. That room is found inside the Curse building. Kapag natalo mo siya, makakalaya ka sa kanya, pero kapag nanalo siya, pahihirapan ka niya. Pero madalas siyang mandaya kaya walang nakakalusot sa kanya. Palagi siyang lumilipat sa building na 'to tuwing gabi kaya gabi natin gagawin ang pagtakas." 

"Kung nandito siya ng gabi, hindi ba tayo mahihirapang tumakas?" nagtatakang tanong ni Raven.

"We need him para makalabas tayo ng building. We can't jump off from the windows because of the spikes. Malaki ang posibilidad na ang mga bagay na yon ang sasalubong sa katawan natin kung sakaling tatalon tayo so we need to use the door para makalabas at si Sylvester lang ang may kakayahan na palabasin tayo dahil siya lang ang may hawak ng susi."

"Once we manage to get out, how can we surpass the spikes without even risking our lives?" 

"As I've told you before, may pattern na sinusundan. It's almost two weeks simula ng panuorin ko ang pagdaan ni Sylvester sa mga 'yon ng hindi siya nasusugatan. It's really confirmed that he was following a pattern. Kapag sinundan natin 'yon, surely makakalabas tayo."

"But the question is, do you remember the pattern?" tumango si Felicity dahil sa tanong ni Raven, "I've memorized half of it." dahil naman sa naging sagot nito ay tumango si Raven, "Then how long would it take for you to fully memorize the whole pattern?" tanong pa niya. Napapikit si Feli at bumuntong-hininga bago ulit tinignan si Raven, "13 days."

To be continued...

Nächstes Kapitel