PAGKATAPOS ng ilang buwang pamamalagi ni Jean sa America, sa wakas ay nasa eroplano na siyang pabalik ng Pilipinas. Of course she was happy. They stayed there for full six months. Kung anu-anong tests ang ginawa sa kanya para masiguro ang gamutang nararapat para sa kanya. At sa awa naman ng Diyos ay madadaan sa gamot ang kalagayan niya. Increased dose of immunosuppressants were given to her. The doctors said it was not that critical ngunit kinailangan pa ring nasa malapit siya ng ospital upang patuloy na maobserbahan ang kalagayan niya.
And through all those months, Apollo was with her. Ito ang kasa-kasama niya sa tuwing babalik siya sa ospital para sa mga pagsusuri. Ito rin ang kasama niya nang panandalian siyang ma-confine sa ospital. He was always beside her kaya naman hindi siya mapakali ngayong bumabyahe siyang mag-isa.
Ilang araw bago ang napagpasyahan niyang araw nang pagbabalik sa Pilipinas ay nagpaalam itong mauuna na sa pagbalik sa bansa, leaving her on Hector's care. Ayon dito, isang mahalagang kliyente ang kailangan nitong pakiharapan kaagad kaya naman hindi na nito mahihintay pa ang pag-uwi niya. Pumayag naman siya. Ung trabaho naman kasi ang pag-uusapan, ayaw niyang makaabala rito. Besides, ilang buwan din nitong hindi naasikaso nang hands-on ang kompanya nito dahil sa pag-aasikaso sa kanya kaya wala siyang karapatang pigilan ito.
Ngunit ngayong mag-isa siyang bumabyahe pauwi nang Pilipinas ay parang nagsisi siyang hindi pa siya sumama rito. Hindi niya alam ngunit nasanay na siyang palagi itong kasama kaya naman kahit ilang araw pa lamang na hindi sila nito nagkikita. Isa pa ay hindi niya na-contact ito simula nang araw na umalis ito and she was getting worried already. Inisip na lamang niyang busy ito sa kompanya nito kaya hindi nito nagawang balitaan siya.
She should have brought Hector with her. At least hindi siya nag-iisa ngayon at kung anu-ano ang naiisip. Hector could distract her. Ngunit hindi naman niya ito naisama dahil abala rin ito sa ospital. He was a doctor after all.
Napabuntong-hininga siya nang sa wakas ay makababa na siya ng eroplano. Inaasahan niyang sasalubungin siya nito sa paglabas niya ngunit ni anino ni Apollo ay hindi niya nakita sa loob ng airport. Nanlulumong naglakad na lamang siyang palaba. Ni hindi na pala ito nag-abalang sunduin siya. Ayaw man niyang mag-isip ng masama ay hindi niya maiwasan. Maano ba kasing tawagan siya nito upang ipaalam sa kanya ang kalagayan nito nitong mga nakaraang araw? O kahit sana naglaan man lang ito ng oras na sunduin siya. Ganoon ba ito kabala upang makalimutang ngayon araw ang dating niya?
Sa sobrang abala niya sa pagmumukmok at pag-iisip ay hindi na niya namalayan pa nang isang lalaki ang lumapit sa kanya. Isang kamay ang tumakip sa bibig niya. And before she could even react, everything went black.
"DITO ka lang." ang narinig niyang sabi ng isa sa mga kidnappers niya. Naramdaman niya ang pagkalikot nito sa buhol ng blindfold niya. Ngunit natanggal na lamang nito nang tuluyan ang piring sa mga mata niya ay wala pa rin siyang makita dahil sa dilim sa paligid. Tinangka niyang aninagin mula sa likuran niya ang lalaki ngunit hindi na niya ito nakita pa.
"H-hello?" she said while scanning the dark place.
Napasinghap siya nang may umilaw sa gilid ng mga paa niya. Sunod sunod na nagsipagilaw ang iba pang nakaset-up na maliliit na ilaw, creating up some sort of path, at sa dulo niyon ay hugis puso ang nalikhang imahe ng mga ilaw. And right at the center of the heart was some kind of a red paper. Hindi man sigurado ay nilakad niya ang gitna ng mga ilaw hanggang sa makarating siya sa dulo niyon.
"Oh my God.." ang naibulalas niya nang makilala ang papel na nasa gitna. Mali, hindi isang papel. It was a valentines card. The valentine's card she made for Apollo when they were very young. Maingat na dinampot niya iyon at kasabay ng pagtayo niya ay ang pag-ilanlang ng isang tugtugin. She could clearly remember the tune. At iyon pa lamang ang naririnig niya ay naramdaman na niya ang pag-init ng dibdib niya.
When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace
And now that I'm stronger I've figured out
How this world turns cold
And breaks through my soul
And I know, I'll find deep inside me
I can be the one
Sa unang bahagi pa lamang ng kanta ay nakilala na niya ang boses nang umaawit niyon. And she felt a drop of tear roll down her face. It felt like déjà vu. Ngunit sigurado siyang hindi siya nananaginip lang.
Umilaw ang isang spotlight at diretso iyong tumama sa gitna ng pamilyar na stage. And there at the middle of the stage was the man she was longing for these past few days. Sa likod nito ay ang bandang hindi niya gaanong maaninag dahil nakatutok lamang sa bokalista ang ilaw. Gayunpaman ay halos nakikilala na niya ang mga iyon.
I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to Heaven
Kinuha nito ang mikropono mula sa stand at walang kahirap-hirap na bumaba ng stage at saktong lumapag sa mismong harap niya. Unti-unting humina ang tugtog sapat upang magkarinigan sila nito. Ang spotlight naman ay sumunod dito kaya naman nakatutok na iyon sa kanilang dalawa.
"Apollo..." nasambit niya nang nasa harap na niya ito. Isang magandang ngiti naman ang isinagot nito sa kanya bago nagsimulang magsalita gamit ang mikroponong hawak pa rin nito.
"Do you remember that card?" ang tanong nito. Tumango siya rito. "The first time I have experienced being so happy was when I received that card from you. Doon ko kasi nakumpirmang pareho tayo ng nararamdaman. "
Nakatulala lamang siya rito habang pinakikinggan ang mga sinasabi nito ngunit ramdam niya ang patuloy na pagdaloy ng mga luha niya.
"And do you remember that time when I confessed to you and you became my girl? I was the happiest back then. Kasi finally akin ka na. And I always thought that I would never leave you." Pagpapatuloy nito. Kusang umangat ang isang kamay nito sa pisngi niya at pinahid ang luhang nanulas doon. "Pero hindi kasi laging masaya. You left me and I hated you. You came back and I realized you are more than important than that hatred. Pero hindi pa tayo nadala nagkasakitan pa tayo ulit. But we made it through all of them, and we still ended up together."
"Bakit ko ba sinasabi 'to? Because I wanted you to know that every little thing that happened between us, kahit pa masaya tayo o nasaktan, wala akong pinagsisisihan sa mga iyon. Lahat kasi ng bagay na involved ka, mahalaga sa akin. Corny mang pakinggan but my world revolves around you now. So I want you to take responsibility for that."
Isinuksok nito ang kamay sa bulsa at hinugot mula roon ang isang kahita. Awtomatikong naitakip niya ang palad sa bibig at napasinghap. Ngunit hindi ito natigil sa ginagawa. Yumukod ito sa harap niya bago binuksan ang tangang kahita. Tumambad sa mga mata niya ang diamond solitaire ring na pinakamaganda na yatang singsing na nakita niya sa buong buhay niya.
Muling dumaloy ang masaganang luha mula sa mga mata niya. A sob even escaped from her mouth. Is this for real?
"Marami pa akong gustong gawin sa buhay. But I want to do them all with you. Share every little thing of my future with you." Iniangat nito ang kahita sa harap niya. "I love you Jean Grace Dela Rama. Please be my wife?"
Ilang minuto muna siyang hindi nakapagsalita. Pilit na sinisiguradong hindi siya nanaginip lamang. But everything looks so real, felt so real. And of course she wanted it to be real.
"O-of course" sa wakas ay nasabi niya sa pagitan ng pagluha.
Lumawak ang pagkakangiti ni Apollo. Mabilis na isinuot nito ang singsing sa daliri niya at saka tumayo.
He gathered her in his arms while she continued to cry. Kailan lang ang iniiyakan niya ay ang dahilang maaaring hindi na niya ito makasama. Now it was different. She was crying because she would be with him now, forever.
"I love you, Jean Grace Dela Rama." Narinig niyang bulong nito habang nakayakap pa rin sa kanya.
"I love you too, Apollo Luis Hernandez." Bulong rin niya rito.
Maya maya ay inilayo siya nito mula rito. Pinalis nito ang mga luha sa mga mata niya. Inilapit nito ang mukha sa kanya and claimed her lips.
Tila naman iyon lamang ang hinihintay ng lahat dahil biglang nagbukasan ang mga ilaw at pumailanlang ang masayang hiyawan. So they were not really alone at the place?
Gusto niya sanang humiwalay kay Apollo dahil sa ingay na naririnig but he didin't let her and she was enjoying the kiss as well kaya naman pinabayaan na lamang niya ang kaguluhan sa paligid.
"Hay sa wakas natapos din ang drama!" dinig nilang sabi ni Darwin.
"Manahimik ka nga! Wala ka kasing lovelife!" pambabara naman nang boses na nakilala niyang pagmamay-ari ni Myla.
"At ikaw meron?" si Darwin ulit.
"Quiet, party people! Kita ninyong may nagtutukaan pa eh!" awat naman ni Josh.
"Ang bongga talaga ninyong magkakaibigan kapag nagpu-propose noh?" si Myla ulit.
"Gusto mo bang ma-try? Ayan si Darwin. Available ang isang 'yan." Sagot naman ng kapatid nitong si Lenard.
"Hindi na lang kuya! Tatalon na lang ako sa bangin." Parungit ni Myla sa kapatid.
"Oh tara. Tulungan na kita." Pang-aasar si Darwin.
Mukha namang hindi na nakatiis pa si Apollo. Humiwalay ito sa kanya bagaman hindi siya tuluyang binitawan. Binalingan nito ang nagkakaingay na audience nila.
Nagulat pa siya nang makitang nandoon ang lahat ng kaibigan nito maging ang mga girlfriends ng ilan sa mga ito. Kanina pa ba ito naroon at pinapanood lang ang ginawang pagpu-propose ni Apollo?
Hindi naman nakaligtas sa mga mata niya ay pagngiti ng bawat isa sa mga ito sa kanya. Myla even gave her a thumbs-up.
"Ang ingay!" iritadong sabi ni Apollo mula sa kanyang tabi.
"Eh ano bang bago?" sagot naman ni Anikka habang nakaakbay naman rito ang fiancé nitong si Menriz.
"Sila. Bagong engaged." Ang nakangising sagot naman ni Eunice na nakaaakap naman sa fiancé nitong si Ethan. Nagawa pa siya nitong kindatan na ikinatawa naman niya.
Nagulat siya nang bitawan ni Apollo ang beywang niya at ang kamay naman niya ang hawakan nito.
"Let's go." He said before he pulled her towards the restobar's exit. Nagkanya-kanyang reaksiyon tuloy ang mga taong iiwan na dapat nila.
"Hoy, Kuya Apollo! Saan mo dadalhin si Ate Jean? Kasal muna bago ang lahat, aba!" narinig niyang sigaw ni Myla mula sa likod niya.
"Shut up, kiddo! Kung hindi wala kang regalo sa kasal ninyo ni Darwin." Sagot naman ni Apollo rito.
"I'm not a 'kiddo'! At hindi ko kailangan ng regalo mo dahil magugunaw na lang ang mundo pero nunca na magpapakasal ako sa bakulaw rito!" ganting sigaw ni Myla.
"Ay hindi ka sure." Narinig niyang singit naman ni Eunice.
"Sure ako 'no! I will never marry that brute. Ni hindi ko nga siya type." Pairap namang sagot ni Myla.
Narinig niya ang bahagyang pagtawa ni Apollo. Gayunpaman ay hindi ito tumigil sa paghila sa kanya.
"That we'll have to find out soon." Narinig niyang bulong ni Apollo saka napailing.
"What?" tanong niya dahil siya na lamang ang nakakarinig rito.
"Nothing. Let's just get out of here."
"Eh saan tayo pupunta?" nagawa niyang itanong.
"Somewhere quiet."
Hindi na siya nagreklamo pa at nagpatianod na lang rito. Kahit pa siguro saan siya nito kaladkarin ay sasama siya rito. Being with him has been since she does not know when. Magrereklamo pa ba siya ngayon hawak hawak na niya ang kamay nito.
And besides, he is definitely her reason to live.
--- WAKAS ---