Time check: 4:45 p.m na.
After kong makita yung balon at makapag-igib si Nathan, pabalik na kami habang bitbit na ni Nathan ang dalawang pail ng tubig.
"Nathan, gusto mo tulungan kita?" me kasi halata ko namang nabibigatan siya sa kanyang dala eh.
"ayos lang, kaya ko ito" him.
Shocks, bigla tuloy akong napa-imagine...
(into my imaginations)
Isang taon na kaming kasal ni Nathan and he's going to be a father 3 months from now.
And he's so masipag since ang tanging ginawa ko lang ay kumain sa mga pagkaing pinaglilihian ko. Ipinagluluto niya ako ng favorite foods ko at iniigiban.
"honey! maligo ka na! andoon na sa banyo ang tubig na inigib ko para sa iyo!" sabi niya habang he's fixing the chair.
"okay honey, pakihanda na lang ng undies ko at mga damit na susuotin ko" me.
"Sige hon...teka lang hon, naamoy mo ba ang naamoy ko?"
"anong naamoy mo honey?"
"mabaho.."
"ha? mabaho ako?"
(back to reality)
"Aikka, takpan mo ang ilong mo" sabi ni Nathan.
"bakit?" tanong ko.
"mabaho, kasi may amoy plastik na nasusunog" him.
Shocks! akala ko ako talaga ang tinutukoy niyang mabaho.
Sighed.
"akala ko naman kung anong mabaho. Teka, sino naman kasi ang nagsusunog banda dito?" me.
"Iyong makulit naming ka-barangay, nandoon lang sa bandang dulo ang bahay nila" sabi niya.
"wait, what? so...you mean, nasa GITNA ng forest ang house nila?" me habang nakasunod naman sa kanya.
"oo, alam mo bang may bali-balitang lagi daw iyang nawawala tuwing hating-gabi?" biglang sabi ni Nathan.
Peacock. Seryoso ba siya?
"w_why?" me.
"ewan, sabi kasi ng kapitan namin, marami daw'ng mga kabarangay namin ang nagrereklamo kasi tuwing hating gabi daw, nahuhuli nila si Manang na nasa labas ng bahay nila..at kung hindi naman daw sa labas ng bahay, nasa bandang pinto daw nila" Nathan.
"ano naman ang ginagawa niya doon at midnight?"
"iyon nga ang nakakapagtaka eh. Bakit siya andoon sa labas tuwing dis-oras na ng gabi?"
Bigla akong nagka-goosebumps kaya nagmadali ako sa paglalakad at inunahan ko si Nathan ng bahagya.
"at alam mo ba kung ano ang malupit?" Nathan.
"a_ano?"
"nag-iiba daw ang anyo ni Manang. Nagkakaroon daw siya ng mahahabang kuko at pakpak, magulo daw ang kanyang buhok at mapupula ang mga mata at_"
"Nathan" tapos dali ko siyang niyakap.
Natatakot na talaga ako..peacock!
Nathan naman eh, dito pa talaga siya nagkwento eh!
Ibinaba ni Nathan saglit ang dala niya tapos tiningnan niya ako't biglang....
Tumawa.
"why are you laughing Nathan?" me tapos kumawala ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya.
"matatakutin ka talaga noh! Ano ka ba Aikka, joke lang iyon. Iyong nakatira sa kakahuyan ay kamag-anak ng kapitan namin dito kaya wala kang dapat na ikatakot, talagang pasaway lang si Manang pero hindi naman siya aswang" him habang nakangisi pa rin.
Because of it, hinampas ko siya.
"you're so mean Nathan" tapos nagsimula na akong maglakad.
"uy Aikka, nagbibiro lang naman ako eh..masyado ka kasing seryoso kanina pa" him.
Paano ba ako hindi magiging seryoso eh hindi niya nagets 'yung confession ko kanina. Nakakahiya kaya iyon.
"Aikka! huy, galit ka ba?" sabi niya.
"I'm not mad at you Nathan. Tinakot mo lang talaga ako kanina" sabi ko na lang.
"kung ganon, huwag kang mag-alala at hindi na mauulit. Peace!" cute na sabi niya.
Shocks Nathan!
Huwag mo nga akong daanin sa cuteness mo. :)
"ayiie...ngingiti na siya" sabi ni Nathan kaya napangiti na ako. Matitiis ko ba siya?
"tara na nga't baka mapagalitan pa tayo ni Abby."
"tama ka. Tara na" tapos dinala n'ya ulit iyong balde.
(fast forward)
Time check: 6:50 p.m
Katatapos lang naming lahat kumain. Grabe, sobrang sarap ng luto ni tatang!
Dinaig pa iyong pork steak at turkey bacon na paborito kong kainin sa bahay.
"guys! guys!!! dahil nabusog tayo sa luto ni tatang, kantahan natin siya ng isang napakagandang kanta" sabi ni Jotham.
"good idea! teka, ano bang magandang song ang alam niyo?" excited namang tanong ni Elaine
Natahimik saglit.
"Aha! alam ko na, Bon Appetit na lang by Katy Perry and Migos..total naman, katatapos lang nating kumain di ba?" sabi ni Jotham.
"hindi ko alam iyon eh, iyong tagalog na lang para mas maganda at para mas feel mo 'yung lyrics" sabi naman ni Elaine.
"how about you Aikka?" sabi ni Abby.
Tagalog song?
Well..hindi naman talaga ako mahilig sa music kasi feeling ko, mas lalo lang akong malulungkot eh. Alam niyo iyong OPM? usually kasi, about sa love ang pinag-uusapan. Hindi naman ako makarelate kasi wala pa naman akong bf.
Not unless, maging kami ni Nathan this week.
Bwahaha! Nakainsert na naman ang malandiii.
"ah..tagalog ba kamo?..Dapit Hapon by Syntax Band" me.
But with what I've said, nagtawanan ng malakas sila Jotham at Elaine.
(Mukhang magkasundo na ata 'tong dalawa ah.)
"what's so funny about it, saka ano ba 'yung Syntax band na sinasabi mo Aikka?" curious namang ask ni Abby.
"tingnan mo Aikka, kahit bff mo..hindi kilala ang Syntax Band mo na iyan" Elaine habang abot tenga pa rin ang ngiti.
"grabe ka naman Elaine"
"eh kasi naman puro jazz instrumental music lang ang pinakikinggan mo kaya wala kang alam na OPM songs"
"di kaya, may alam kaya ako" me.
"sige nga...ano?" Elaine na naghihintay ng isasagot ko. Kilala na talaga ako nitong si bestie eh pero...teka lang..mag-iisip lang ako.
May narinig kasi akong kanta somewhere eh. Ano bang title nun?
"di ba? wala talaga bestie..." pang-aasar ni Elaine.
"meroon, alam ko na! Manok na Pula ba iyon?"
"bwahahah!" nagtawanan silang lahat pati na rin si tatang at 'yung mga kapatid ni Nathan.
Bwiset!
Nakakahiya tuloy. Sana hindi na lang ako nagsalita.
"Alam niyo guys, may sense of humor din pala itong si Aikka noh" sabi ni Jotham.
"naku, mukha lang iyang masungit pero, alam kong mas malala pa ito sa akin" Elaine tapos inakbayan niya ako.
Because of what Elaine said, sumali na rin sa usapan si tatang.
"alam niyo mga ijo at ija...ipagpatuloy niyo lang ang masaya niyong samahan na ganyan.. kasi sigurado ako na kapag nagkapamilya na ang bawat isa sa inyo, hindi niyo na maibabalik ang panahon ng inyong kabataan. Kaya habang mga bata pa kayo, punuin nyo ang inyong mga ala-ala ng magagandang karanasan para sa pagtanda niyo ay may maikukwento kayo sa mga anak niyo"
Dahil sa sinabi ni tatang..naging seryoso kami lahat bigla kasi may point siya.
We need to live our life to the fullest.
We need to build strong friendships and make good memories with each other.
Because we cannot go back in time.
"lagi ko ngang sinasabi kay Nathan na huwag niya masyadong igugol ang oras niya sa paglalaro ng basketball, mas gusto kong magkaroon siya ng oras para sa sarili niya...kaya ayos lang sa akin kung magkaroon siya ng mga kaibigan." tatang.
"you're right tito, and hindi naman po nagkamali si Nathan sa pagpili niya ng mga friends eh..kasi mababait naman po kami" tapos ngumiti si Elaine.
"ahem!" react ni Abby.
Napangiti na lang rin si tatang sa sinabi ni Elaine.
"O siya...mas magiging masaya ang kantahan niyo kapag naglatag kayo ng banig sa labas. Mas klaro ang mga bituin dito sa bukid kaya mas magandang tingnan. Maghahanda ako ng pwede niyong mainom at mapulutan" sabi ni tatang.
"ah...tatang, yung buko juice specialty nyo na lang po" sabi ni Nathan.
"o sige. Napansin mo pala yung buko sa ibaba" nakangiting sabi ni tatang kay Nathan.
"oh yes! tara na sa labas! salamat ulit tatang ha?" excited na sabi ni Jotham.
"kung gusto ninyong magkantahan, may gitara ako sa kwarto. Matagal na iyong nakatago sa gilid, pakikuha na lang anak" sabi ni tatang habang busy na siya sa paghuhugas ng plates . Naisipan kong tulungan siya kaya lumapit ako saglit.
"tatang, ako na po ang maghuhugas dyan" sabi ko.
"naku ija, ayos lang ito, bisita ko kayo kaya huwag ka nang mag-abala pa, samahan mo na lang ang mga kaibigan mo doon" sabi niya.
"sigurado po kayo?" me.
"oo ija, teka ikaw ba si Aikka?" tanong niya.
"opo" me.
"alam mo bang maraming naikwento si Elaine sa akin tungkol sa iyo"
Shocks! Ano na naman kayang pinagsasabi ni bestie kay tatang kanina?
"kahanga-hanga ka ija, ipagpatuloy mo lang iyang mga ginagawa mo"
"ah_ ano pong_"
"bestie, tara na..si tito na ang bahala dyan. Tulungan mo akong dalhin ang mga chips at chocolates sa labas. Andoon na rin ang mga kapatid ni Nathan" tapos hinila ako ni Elaine bigla.
Peacock! Makahila naman si Elaine eh.