webnovel

Akala Ko Lang Pala!

General! General! Totoo ba, hindi lang dalawa yung bomba, meron pang iba?!"

Humahangos si Fidel papasok ng bahay ni Jose.

"Hmmm-mm!"

Simpleng sagot ni Gene na walang bahid na pag aalala.

Ibig sabihin alam din ni Gene at mukhang si Fidel na lang ang hindi nakakaalam.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?"

Tanong ni Fidel.

"Diba sabi mo huwag ipagsasabi?"

Naalala nga ni Fidel na nasabi nga nya yun.

'Pero sana man lang sinabihan nya ako para at least aware din ako!'

'Grabe sila sa akin!'

"Mga ilan yung bombang nahanap nila Dong?"

Tanong na lang nya.

"Sa ngayon ..... nasa 89 na!"

Sagot ni Gene.

"Sa ngayon? Ibig mo bang sabihin patuloy pa rin silang naghahanap hanggang ngayon?!"

"Hmmm! May nakita pa nga dyan kanina sa pinaradahan mo ng sasakyan!"

"Juskupo!"

'Kampante pa naman ako dahil akala ko wala na kami sa pananganib, akala ko lang pala!'

"Mabuti na lang pala at naisipan ni AJ mag change venue at least safe ang lahat!"

Ito ang dahilan kaya ayaw umalis ni Eunice, hindi kaya ng konsenya nya na iwan ang mga trabahador at magsasaka pati na ang mga pamilya nila.

Paano ba nya makakayang isipin na iligtas ang sarili at kalimutan ang iba? Tao rin naman silang gusto ring mabuhay.

"Napaka unfair kung iiwan natin sila!"

Kaya mas minabuti nilang magpaumaga, pero walang natulog ni isa man sa kanila.

Alas sais inumpisahan na nila ang party at duon na rin nag almusal ang lahat.

Masaya ang lahat ng trabahador at nga pamilya nila, wala silang kamalay malay na may nagbabadyang panganib para sa lahat.

Pag kakain ng almusal ay nag aya si AJ na mag punta ng resort. Ito ang dinahilan nya para hindi magpanic ang mga tao.

"Hindi naman sila nahirapan hanapin yung mga nasa bukirin kasi kakabaon lang malambot pa yung lupa kaya madaling makita, yung nasa loob at paligid ng mansyon ang hindi ko sure kasi mahigit sampung taon na itong nakabaon. Baka nga may semento na ang pinagbaunan!"

Sabi ni Gene

Tama ang hula ni Gene, meron ngang bomba na nasa ilalim ng semento.

Yung lugar kung saan naka park ang helicopter.

"Pero General, malapit ng mag alas dose paano kung may nakabaon pa pala at biglang pumutok ito? Kawawa ang mga tauhan mo!"

KRRIIING!

"Hello?"

"Sir, General, may syam pa po kaming bomba na natagpuan!"

"Syam? So ang total bombs ay nasa 98 na.

Okey men, umalis na kayo dyan, malapit ng mag alas dose. Hindi natin sure baka meron pa, mas maigi ng umalis na kayo dyan!"

"Paano yung dalawang matsing sa mansyon?"

Tanong ni Fidel.

"Well, pag hindi sila nakagawa ng paraan na makatakas, malamang maging litson sila! Magdasal na lang sila na wala ng bomba!"

*****

Sa loob ng mansyon.

Nagsisihan pa rin ang dalawa habang sinisira ang pinto sa may kusina.

Hindi kasi tyak ni Congressman kung ilan at saan ang mga bomba sa harap, pero sa likod tyak nyang isa lang ang ibinaon nya dito.

Magkatuwang silang ginigiba ang pinto, parehong determinadong gustong makaalis sa mansyon kahit hindi sila tumitigil sa pagbubulyawan.

Huminto lang sila ng makitang wasak na ang door knob.

"Yes! Nabuksan na rin!"

Laking tuwa nila ng mawasak ang door knob ng pinto.

Pero nawala ang tuwa nila ng makitang may isa pa palang pinto at yari naman ito sa bakal, naka lock ito.

"Wala ka bang baril dyan o kaya maso?"

Tanong ni Cong. Mendes.

"Wala! Nakalimutan mo na ba, matagal na akong hindi dito nakatira!

At wala na tayong oras para maghanap kung meron sila ng kailangan mo kaya pagtyagaan mo na lang kung ano an meron dito sa kusina!"

Kinalkal nila ang buong kusina at ginamit ang pwedeng gamitin.

Itak, kutsilyo, rice cooker, oven toaster, microwave at fire extinguisher.

Hangang sa magiba nila ang pinto.

"Yes! Sa wakas, makakatakas na rin ako! Hehe!"

Sabi ni Cong. Mendes.

Naguunahan silang makalabas, pero mas malakas si Cong. Mendes kaya sya ang unang nakalabas at nagtatakbo papuntang main gate ng mansyon.

Kasunod nya si Leon, pero napatigil ito ng makita ang tent.

'Sabi ni Fidel andun ang asawa ko!'

Pero pagpasok nya ng tent wala syang nakitang tao.

"Asan sila? Kanina nadinig ko pa ang ingay nila nagkakasayahan!"

Aalis na sana ito pero may nakapukaw ng pansin sa kanya at nilapitan ito.

Nakapatong sa isang mesa ang cellphone ng asawa nya.

"Kahit kelan, hindi ka marunong gumamit ng cellphone! Hehe!"

Samantalang si Cong. Mendes, tumatakbo pa rin.

Pagod na ito at hingal pero humahalakhak habang tumatakbo.

"HAHAHAHAHA!"

"Akala nila naisahan nila ako!"

"Mga gunggong!"

Kahit na kinakapos na ito sa paghinga, nagpatuloy pa rin sya sa pagtakbo!

"Ayan malapit na ko sa gate! Hehehehe!"

Pagdating ng malaking gate, agad nya itong buksan.

Pero laking gulat nya paglabas nya ay sinalubong sya ng mga reporters.

'Anong ginawa ng mga bwisit na 'to dito?'

Cong. Mendes, bakit kayo tumatakbo, may tinatakasan ba kayo?"

"Cong. Mendes, anong masasabi nyo na ikaw daw ang naglagay ng bomba sa Hacienda Remedios?"

"Cong. Mendes, ikaw daw ang mastermind sa lahat ng ito?"

Nagpapanic si Cong. Mendes.

Kasabay ng ingay ng paligid ay ang mga ilaw at flash ng kamera.

Hindi nya alam ang gagawin.

Sa isang iglap bigla na lang nalaman ng lahat ang mga katarantaduhan nya pati mga illegal nyang transaction.

'Paano nila nalaman ang lahat ng ito?'

'Sinong nagsabi sa kanila!'

Walang kamalay malay si Cong. Mendes na kanina pa naka live ang nangyayari sa loob ng mansyon.

Nirereport ito ni Matt.

Ito ang plano ni Eunice.

Kita ang tuwa sa mukha ni Matt dahil finally natimbog na rin si Cong. Mendes. Para na ring nabigyan ng katarungan ang kamatayan ng kanyang ina.

Kaya maraming reporters ay naglusuban sa Hacienda Remedios.

Hindi alam ni Cong. Mendes ang gagawin, kung papaano nya tatakasan ang mga reporters na ito ng biglang...

BOOM!

BOOM!

Dalawang magaksunod na pagsabog.

Nagulat ang lahat, nataranta.

Ang unang pagsabog ay nagdulot ng pagkasunog ng helicopter, tumalsik pa ang ilang bahagi nito.

Ang ikalawa ay sa may labasan ng tent.

Tumatakbo si Leon ng madinig ang pagsabog ngunit ...

sa kanya tumama ang tumalsik na bahagi ng chopper, tumusok ito sa binti nya.

"AAAAAHHH!"

Dinig ng lahat ang hiyaw ni Leon.

At si Congressman....

"Nasan?"

"Nasan si Cong. Mendes?"

Naghanap ang lahat.

"Ayun! Ayun sya, tumatakas!"

Nächstes Kapitel