webnovel

Isang Araw

Isang araw, matapos mabasa ni Lemuel sa dyaryo na malapit ang ama ni Cong. Mendes kay Don Aaron, agad nyang pinuntahan ito sa opisina nya.

Inabangan nya ang paglabas nito para makausap. Nasa ayos ang pananamit nya at hindi mukhang taong grasa.

"Congressman, pasensya na po pero bigyan nyo lang po ako ng ilang minuto, may gusto lang po akong sabihin sa inyo!"

Nang mga oras na iyon mainit ang ulo ni Cong.Mendes dahil tinanggihan sya ni AJ. Pero hindi nya maitaboy ang matanda dahil nasa labas sila. Ayaw naman nyang masira ang image nya.

"Ano po ba yun Lolo?"

Sabay tingin sa relo nya.

"Pasensya na po kung naabala ko po kayo, alam kong busy po kayo!"

Sabi ni Lemuel

Naiirita na si Cong. Mendes sa paliguy ligoy ni Lemuel.

"Opo Lolo sobrang busy po ako kaya sabihin nyo na po kung anong kailangan nyo? Kailangan nyo po ba ng pera?"

Kukunin na sana nya ang wallet pero pinigilan sya ni Lemuel.

"Hindi po, nais ko lang pong magpakilala sa inyo! Ako po si Lemuel, ang lolo ni Allan o mas kilala nyo po sya sa pangalang ... Aaron Raquiñon at gusto ko po sanang humingi ng tulong para makita sya!"

Yun lang ang sinabi ni Lemuel at nagiba agad ang mood ni Congressman.

***

Kaya ng tumawag ang shelter kay Cong. Mendes, walang pang 30 minutes personal pa syang sinundo nito.

Ang akala ni Lemuel magagamit nya si Congressman para mapalapit sya kay AJ, ang hindi nya alam gagamitin lang sya ni Congressman at ni Leon para siraan si AJ.

Dahil sa aksyong ito ni Lemuel, unti unti ng lalabas ang sikretong hindi na sana dapat lumabas.

*****

Sa NicEd.

Hindi makapaniwala si Edmund na naisahan na naman si Ames ng tatay nya.

"Bakit parang humihina ka na ata, Ames? Dahil ba sa tumatanda ka na o dahil tatay mo sya?"

May halong pangiinis ang sinabi ni Edmund.

"Edmund, seriously, this time sinigurado kong hindi sya makakatakas, believe me!

Hindi ko lang ini expect yung pagsulpot ng Cong. Mendes na yun. Hindi nga ako aware na magkakilala pala sila!"

Katwiran ni Ames.

"So anong next move mo ngayon? Paano mo sya makukuha dun sa Congressman na yun?"

"Kaya nga ako narito, to know something about that congressman, baka kilala mo yung Cong. Mendes?"

Tanong ni Ames.

"Nope! Ngayon ko lang din narinig ang name nya! Taga saan ba sya?"

"Taga Quiñoza Valley daw, saan ba yun?"

Napapakamot sa ulo si Ames, feeling nya tumatanda na talaga sya.

"Sa Hacienda Remedios!"

Sagot ni Edmund.

Napakunot ang noo ni Ames. Naguguluhan.

"Bibihira ang nakakakilala sa Quiñoza Valley province dahil mas kilala ito sa tawag na Hacienda Remedios!"

Paliwanag ni Edmund

"Teka, that sounds familiar. Yan ba yung hacienda ni AJ?"

Sabi ni Ames.

"Yes it is! Ang namana ni AJ!"

Sabi ni Edmund.

Kinabahan si Ames namutla ito.

Mas lalo tuloy syang naintriga sa pagkatao ni Cong. Mendes at kung ano ang kinalalaman ni Lemuel sa kanya?

"Nasaan si AJ ngayon?"

Tanong bigla ni Ames.

"Nasa Cebu sya ngayon, plano nyang kunin si Manang Inday at isama sa Hacienda Remedios. May gaganapin kasing home coming party, bakit?"

"Kelan ang party? Gusto kong sumama!"

Sabi ni Ames.

"Actually, your invited! Si AJ mismo ang nagsabi sa akin! Plano rin atang isabay ni AJ ang engagement party nila ni Eunice at plano ni AJ na kunin kang ninang sa kasal nila!"

"OMG! Ang tanda ko na talaga! Ninang sa kasal?"

Sabay hawak sa mukha nya.

"Hahahaha!"

Natawa na lang si Edmund sa kanya.

*****

Syempre super excited si Eunice ng sabihin ni AJ sa kanya ang plano nya.

Next month na ito pero super taranta na sya sa kung anong isusuot nya, kung anong dadalhin nya, kung ano ano pa!

"Eunice, anak, will you calm down! Engagement party pa lang yun hindi pa nyo kasal ni AJ! Kung mataranta ka dyan wagas!"

Sabi ni Nichole na nakukulitan na sa anak nya sa dami ng tinatanong at gustong gawin para sa engagement party nila ni AJ.

"Mommy naman eh, kaya nga po ako nandito para humingi ng tulong para sa party, huwag na po kayong mainis! Ano po bang ginawa ninyo nung engagement party nyo ni Daddy?"

"Sa totoo lang wala akong naging preparation kasi sinurprise ako ng Daddy mo, hindi ko alam na engagement party pala namin yun!"

Nangingiti si Nichole at kinikilig habang inaalala ang araw na yun.

"Ang boring naman, wala man lang akong makuhang tips!"

"Boring ka dyan? Ang sweet kaya ng Daddy mo!"

*****

Pero kung si Eunice ay super excited, iba naman ang nangyayari sa Hacienda Remedios.

Dahil sa nawalan ng kapangyarihan si Leon, naglitawan naman ang mga iba pang kamaganak ni AJ.

Malalayo na itong kamaganak na hindi na halos kilala ni Fidel.

Mula sila sa malayong angkan ni Don Aaron na hindi na nya kinikilalang kamag anak nuon pero madalas nilang ginagamit ang pangalan ni Don Aaron dahil magka apelyido sila.

Ngayon naglitawan sila na parang mga lintang gustong kumapit kay AJ at lahat gusto nilang kilalaning silang kamaganak.

Wala pang sinasabi si AJ tungkol dito pero lahat ay inassume ng tinanggap na sila ni AJ.

At lahat sila dismayado sa gaganaping engagement party, hindi nila matanggap na ikakasal na agad si AJ.

May mga babae kasi silang gustong ireto sa binata.

Syempre lahat sila umaasa dahil may gustong ma achieve kapag nagawa nilang ipares at ipakasal ito sa napili nilang babae.

"Sino ba yang pakakasalan ni Aaron? Bakit ang bilis naman ata, engagement agad eh hindi pa nga natin nakikilala yung babae?!"

"Di ba dapat tinatanong muna tayo ni Aaron bilang nakakatanda sa kanya?"

"Saka, saan ba nagmula yang babaeng yan? Ano karapatan nyang mapabilang sa angkan natin!"

"Tyak, kerengkeng yang babae na yan kaya kumapit agad na parang linta kay Aaron!"

"Tama! May babae bang basta na lang kakapit ng ganyan? Tyak na pera lang nya ang habol ng hitad na yun!"

"Dapat nating makausap yang si Aaron para masabihan tungkol sa mga babaeng mapagsamantala!"

Walang kamalay malay si Eunice na sirang sira na sya sa mga taga Hacienda Remedios hindi pa man sya nila nakikilala.

Pasensya na guys, but it's been 4 days alredy pero wala pa rin kaming internet connection.

Pero salamat na lang nakakagawa pa rin ng paraan na makapag post dahil sa mabait na kapitbahay. Hehe!

Praying na sana magkaron na ako ng internet connection.

Thank you and hope you are all fine.

God bless!

trimshakecreators' thoughts
Nächstes Kapitel