webnovel

Okey Lang

"What?"

Nagtatakang tanong ni Eunice ng makitang nakatitig sa kanya ang dalawa.

"Eunice, wala ka man lang bang sasabihin? Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit kami magkasama ni Bea?"

Tanong ni Jeremy.

"Pasensya, nagugutom na kasi ako, hindi kasi ako nakapag breakfast! But don't mind me, you may continue with your bickering!"

Nagpalitan ng tingin ang dalawa.

'Bakit hindi man lang sya apektado ng makita nyang magkasama kaming dalawa?'

'Hindi ba sya talaga apektado o nanadya lang talaga sya?'

Naramdaman ni Eunice ang tensyon sa harap nya at may napansin si Eunice sa daliri ni Bea.

'Diba yun ang singsing ni Lola? Hmmm ... mukhang may pumulot na sa tinanggihan ko!'

Nangisi si Eunice at napansin ito ng dalawa.

'Aba't ... nakangisi pa! Nanadya talaga!'

Tumawag uli si Eunice ng waiter at umorder pa ng mas marami na mas ikinagulat ng dalawa.

'Teka, bakit ang dami nyang inorder? Nagse celebrate ba sya?'

Tanong ng isip ni Bea. Hindi sya sanay na makita si Eunice na maganang kumain.

Pero iba ang nasa iniisip ni Jeremy.

'Bakit tila wala syang pakialam?' 'Hindi ba nya nadinig ang pinaguusapan namin?'

'Ako ang love of her life, nakalimutan na ba nya?'

'Mas mahalaga ba ako sa pagkain?'

Parehong nakatingin sa kanya ang dalawa hindi nagsasalita, pinagmamasdan lang sya habang maganang kumakain.

Pero sa totoo lang kanina pa nagpupuyos sa galit si Eunice wala lang syang planong ipakita sa kanila.

'Hindi ako bababa sa level nyo, isa akong Perdigoñez! Your not worth of my energy!'

Lalo tuloy nainis ang dalawa sa ikinikilos ni Eunice.

"Eunice, nananadya ka ba talaga?"

Tanong ni Bea. Hindi na ito nakapagpigil.

"Huh?"

Napatingin ito kay Bea, nakataas ang kilay ni Eunice.

"Pagod na ba kayong mag away na dalawa kaya ako naman ang nakikita nyo?"

Tanong nya sa kanila.

Bakit nga ba sila nagaaway?

Tila napahiya ang dalawa sa sinabi ni Eunice.

Sabay na naupo ang mga ito, magkatabi habang nasa tapat nila si Eunice patuloy lang sa pagkain.

"Eunice, didiretsahin na kita, mahal ko si Bea! Kaya sana hayaan mo na kaming dalawa na sumaya!"

Sabi ni Jeremy na hinawakan pa ang kamay ni Bea na tila gustong patunayan ang sinabi nya.

Pero ... ni hindi ito tiningnan ang ginawa ni Jeremy.

"Okey!"

Simpleng sagot ni Eunice.

"????"

Nairita si Jeremy sa sagot ni Eunice. Nasaktan ang ego nito.

'Okey?! Anong okey? Hindi ba ako ang pinakamamahal nya since bata pa sya tapos OKEY LANG ang sasabihin nya?'

'Ipinagsigawan pa nga nya sa buong school na mahal nya ako at gusto nya akong pakasalan, tapos OKEY LANG! Ano yun?'

Naiinis na sabi ng isip ni Jeremy.

"Eunice, nadinig mo ba ang sinabi ko? MAHAL ko si Bea, kaya nakikipag break na ako sa'yo! ayaw na kitang maging girlfriend dahil si Bea na ang mahal ko!"

"Okey!"

Muling sagot ni Eunice. Kalmado lang ito.

'Bakit okey lang? Hindi ba dapat nagwawala na sya ngayon, humahagulgol sa pagiyak, nagmamakaawa sa akin na sya na lang ang mahalin ko?'

Naiinis na si Jeremy sa tila pagwawalang bahala ni Eunice.

"Eunice, alam kong galit ka! Pero anong magagawa ko, sya talaga ang mahal ko kaya pwede ba, huwag ka naman ganyan! Tanggapin mo na lang na hindi kita mahal at maging masaya para sa akin?"

Inis na sabi ni Jeremy. Mataas na ang boses nito.

Napansin ito ni Bea, pero patuloy lang si Eunice sa ginagawa nya. Parang walang narinig.

"Eunice, bakit ka ba ganyan, bakit mo pinahihirapan si Jeremy? Bakit hindi mo na lang tanggapin na nagmamahalan kami! Na AKO ang mahal nya at hindi IKAW!"

Nilakasan ni Bea ang boses nya para madinig ng nasa katabing mesa, tila naghahanap ng kakampi sa paligid.

Nagtagumpay naman sya dahil marami ang napatingin.

Hahahahahaha!"

Nagulat ang dalawa sa halakhak ni Eunice.

"At anong nakakatawa sa sinabi ko?"

Iritang tanong ni Bea. Bakit ba sya apektado sa taong ito?

"Your having an affair behind my back, tapos pinalalabas nyo ngayon na kayo ang BIKTIMA? Hindi ba nakakatawa!"

"Hoy! Kahit na ikaw ang girlfriend nya ako pa rin ang ..... "

"Wala. Akong. Pakialam.!"

Biglang tayó ni Eunice.

"Kung gusto mo si Jeremy sa yong sa'yo na! Isaksak mo sa baga mo, wala akong pakialam!

Now excuse me!"

"T-T-Teka, saan ka pupunta?"

Natatarantang tanong ni Jeremy.

"I'm done eating! I have to go! Thank you for the meal!"

"Anong thank you? Sinong magbabayad ng mga kinain mo?"

"You're the one who invited me here, remember? So bakit ako ang tinatanong mo?"

"Pero ikaw ang umorder at kumain nyan!"

"Well, thank you for the free meal! Quits na tayo!

Goodbye!"

Sabay alis ni Eunice na hindi na napigilan ni Jeremy.

Napalunok si Jeremy hindi nya ito inaasahan.

Pag nag de date kasi sila ni Eunice, madalas hati sila ni Eunice or kung minsan si Eunice ang nagbabayad.

Paano nya babayaran ang mga inorder ni Eunice? Hindi ito pipitsugin restaurant, mahal ang price dito at hindi simpleng meal ang mga inorder nya!

Nächstes Kapitel