webnovel

Buhay Ka Pa Pala!

"Oh... Sya pala ang office mate mo, magka opisina pala kayong dalawa ni Eunice."

Sambit na lang ni Jeremy.

"Yes Jeremy, ka office mate ko sya. Diba nabanggit ko sa 'yong nag wowork ako sa company ni Daddy?"

Paliwanag ni Eunice.

"So ibig sabihin dun ka rin nagtatrabaho sa company ni Sir Edmund AJ? Alam ba ni Sir Edmund na sinusundo mo sya?"

"Oo naman Jeremy, sya nga ang nagutos sa akin na sunduin at ihatid ko si Co.... I mean si Eunice!"

Nangiti si AJ dahil muntik na nyang matawag na Coffee si Eunice.

Nakaramdam ng yamot si Jeremy.

'Bakit kaya pinasusundo ni Sir Edmund si Eunice dito sa empleyado nyang si AJ, samantalang ako lagi syang galit pag nakikita ako?'

'Anong nakita nya dito kay AJ na wala sa akin?'

Hindi namamalayan ni Jeremy na ikinukumpara na nya ang sarili nya kay AJ.

"Pareng AJ sandali lang!"

Tinawag ni Jeremy si AJ palapit sa kanya.

Pero hindi lumapit si AJ sa kinatatayuan nya, ayaw nyang malayo kay Eunice.

"Bakit Jeremy anong problema?"

Nang mapansin ni Jeremy na hindi ito sumunod, lumapit na lang ito sa kanya at saka bumulong.

"AJ Pare, diba minsan natulungan naman kita, baka pwedeng ako na lang ang maghatid kay Eunice!"

Bulong nito kay AJ pero nadidinig pa din ni Eunice.

Napatingin si AJ kay Eunice.

"Jeremy, nagpapasalamat ako sa tulong mo ng araw na iyon lalo na at hindi ka nagpabayad at sinabi mong mas matutulungan kita kung may client akong irerecommend sa'yo!

Sa pagkakaalam ko ilan na din ang mga positive clients ang ni recommend ko sa'yo kaya akala ko quits na tayo! Hindi pa pala!"

Naalala nga ni Jeremy ang mga sunod sunod na client na dumating at tumawag sa shop ng Papa nya at masayang masaya nuon ang Papa nya. Medyo napahiya si Jeremy lalo na't sinabi ito ni AJ na nadidinig ni Eunice.

"Hindi naman sa ganun AJ, akala ko kasi we are friends na kaya nagpapaalam lang ako sa'yo ng maayos, gusto ko lang naman kasing maihatid si Eunice! Yun lang pare!"

Naiinis sya dahil napahiya sya pero ayaw din naman nyang mainis si AJ dahil baka magbackout ang mga client na ni recommend nya, marami rami na rin iyon mga 6, tyak na malulungkot ang Papa nya pag nangyari iyon.

"With regards to that, hindi naman ako ang magdedecide kungdi si Eunice, bakit di sya ang tanungin mo?"

Sagot ni AJ

"Asus, yun naman pala e, salamat pare!"

Buong ngiti itong na parang naka jockpot na lumapit kay Eunice at hinawakan ang pulso nito.

"Halika na Eunice!"

Biglang hatak nito kay Eunice na ikinagulat ng dalaga pati na ni AJ.

"Teka Jeremy, sandali!"

Sabi ni Eunice.

Pati si AJ ay naalarma sa ginawa ni Jeremy pero tumigil ng madinig na nagsalita si Eunice.

"Bakit Eunice, may problema ba?"

Tanong ni Jeremy na nagtataka.

"Bakit mo ako isasama hindi mo pa naman ako tinatanong ah?"

Tanong ni Eunice sa kanya.

'Bakit ako agad sasama sa kanya, porket alam nya na inlab ako sa kanya? Ano tingin nya sa akin easy to get? Tanungin muna nya ko nuh!'

Lalong nagtataka si Jeremy sa sinabi ni Eunice. Pinagmasdan nya itong maigi. Hindi naman galit.

'Haay naku eto talagang si Eunice, kunwari pa halatang nagpapapigil lang! Hehe!'

"Ikaw talaga Eunice, ano bang gusto mo buhatin pa kita? Huh?"

At pinisil nito ang pisngi ni Eunice na ikinamula nito.

Pulang pula si Eunice na parang kamatis sa harapan ni Jeremy and at that moment isa lang ang nasa isip ni Jeremy.

'In love pa rin sya sa akin! Hehehe!'

"Halika na Eunice, please!"

Nagpapacute si Jeremy kay Eunice.

Na effective naman. Ngumiti si Eunice at tumingin kay AJ na parang gustong sabihing pumapayag na sya sa gusto ni Jeremy.

Nalungkot si AJ at gusto nyang magsalita pero anong sasabihin nya kung mismong si Eunice ang pumayag. Sa huli isa lamang syang empleyado ng Daddy ni Eunice kaya anong karapatan nyang gawin iyon. Wala.

"Jeremy?"

Nagulat ang tatlo ng madinig nila ang tumawag.

"Uy si Jeremy my friend!"

Si Mel at Kate dumating.

Kalalabas lang nila sa karugtong na Mall ng building na ito at bumaba sila para magkape.

Hindi inaasahan ni Jeremy ang biglang pagkikita nila ni Mel at Kate. Bigla syang nailang. Hindi pa sya handang makita sila lalo na si Kate.

Buhay ka pa pala Jeremy, bigla ka kasing naglaho! Kilala mo pa ba kami?"

"Hi, Mel, Kate!"

Nakangiti ito pero halata pa ring ilang.

Ito ang iniiwasan nya, ang matatalim na salita ni Kate.

"Uy, kilala mo pa pala kami? Nakakabilib ha, matapos mong hindi magparamdam!"

Masasakit ang bawat salita ni Kate na parang sinasadya nito. Maging si Mel ay hindi pinigilan ang matabil na dila ni Kate MyLabs nya.

Tumalim ang mga tingin ni Jeremy, halatang naiinis.

Nächstes Kapitel