webnovel

Mahabang Kuwento

Dumating si Edmund kasama ang anak nyang si Earl sa office ni Nadine at nagulat sila sa nadatnan nila.

"Tita Nadine!"

Naabutan nilang walang malay si Nadine sa sahig.

Binuhat siya ni Edmund at inihiga sa sofa.

"Anong nangyayari?"

Tanong ni Jaime sa kabilang linya.

"Andito po si Sir Edmund at ang anak nyang si Earl. Binuhat nya po si Mam Nadine at nilagay sa sofa!"

Nakaramdam ng kirot sa puso si Jaime.

'Dapat ako ang gumagawa nun!'

Pero nagpapasalamat pa rin sya at naroon palagi si Edmund sa mag ina nya.

Hindi naman nagseselos si Jaime kay Edmund, nuon yun! Pero ngayon iba na.

Ngayon hindi na si Edmund ang pinagseselosan nya kung hindi ang oras at panahon na wala sya sa pamilya nya at si Edmund ang naroon.

Nagkataon na nag bo bonding ang mag ama ng madinig ni Edmund ang balita tungkol kay Kate.

Malapit ang mall na pinuntahan ng mag ama sa opisina ni Nadine, kung kaya sinabi ni Nicole sa asawa na puntahan ang kapatid at hindi nya alam papaano itetake ng Ate nya ang balita sa anak nya.

"Si Jaime ba yan?"

Tanong nya kay Anne ang assistant ni Nadine.

"Yes, Sir Edmund!"

"Amina, tumawag ka ng titingin kay Nadine!"

Kinuha nya ang cellphone.

Alam ni Edmund na pinagseselosan pa rin sya ni Jaime kaya kinausap nya ito.

"Jaime, ako ng bahala sa asawa mo, puntahan mo agad ang anak mo! Kasama ko si Earl, susunod kami agad pag alam kong okey na syang bumiyahe!"

Walang sagot sa kabilang linya. Nag alinlangan si Jaime pero anong gagawin nya, kailangan din sya ni Kate.

"Huwag kang magalala kay Nadine, kaming bahala ni Earl! Diba Earl?"

"Yes po Tito Jaime! Don't worry po we'll take care of Tita Nadine!"

"Salamat Earl!"

At ibinigay na nito sa ama ang phone.

"Sige Pre, salamat!

"Ang sweet naman ng anak mo!

Buti hindi nagmana sa'yo!"

Sambit ni Jaime ng madinig na si Edmund na ang kausap nya.

Nangiti si Edmund sa sinabi ni Jaime.

'Bwisit talaga 'tong lalaking to!'

*****

Sa ospital.

Ginagamot pa rin si Kate. May fractured ribs ito at internal injury. Pati balakang nya ay injured din dahil sa biglaang pagbagsak pero wala naman problema sa brain nya.

Kanina, nang makita ni Mel na biglang tumakbo si Kate sa sasakyan, sinundan nya ito

agad at sinubukan saluhin si Kate ng tumalsik dahil sa lakas ng impact. Nasalo nito ang ulo ni Kate pero hindi ang katawan.

Kaya may mga galos at pasa din si Mel.

"Mel, gusto mo bang tawagan mo ang Mama mo?"

"Huwag na po Tita, ayoko pong magalala si Mama sa akin!"

"Gusto mo bang ihatid na kita sa inyo? Mukhang kailangan nyo ng umuwi ni Eunice para makapagpahinga kayo!"

"Hindi po Tita, aantayin ko po si Kate!"

"No Mom, hindi din po ako aalis dito! Sasamahan ko po si Beshy!"

Hindi na pinilit pa ni Nicole si Mel. Katulad ni Eunice, nakatulala din ito kanina pa, kaya gusto sana nyang ilayo muna dito ang dalawa pero mukhang kailangan nilang manatili dito.

"Okey!"

Kumuha na lang ng room si Nicole para duon mag stay ang dalawa. Malayo sa ingay ng ER.

'Baka ma trauma pa sila sa dami ng nakikita nila!'

Mula sa presinto, natawagan na rin sya ni JR at naikuwento na sa kanya ang buong mga kaso ni Sir Mon.

"Mam hindi na po nagsalita, naghanap na ng lawyer!"

"Sige JR ikaw ng bahala dyan! Huwag ka munang aalis at kinakabahan akong baka biglang lumusob si Kuya Jaime dyan!"

*****

Sa presinto.

Dumating na rin ang mga magulang ni Yna para i identify ang bag at mga gamit nya.

"Bag nga ito ng anak ko! Ako ang bumili nyan, regalo ko sa kanya ng pasko!"

Sabi ng mother ni Yna.

May pirma nga sya dyan sa may loob!"

"Eto po bang cellphone kay Yna rin?"

"Yes Sir, kay Yna po yan!

Ako po ang gumagamit nyan dati, tapos po na bigyan po ako ng bagong cellphone ng company ibinigay ko po yan sa kanya! Pinaganda nya lang po!"

"Sir Mam, hindi ko pa po muna maibabalik itong mga gamit ni Yna lalo na itong cellphone! Kailangan pa po ito for investigation!"

"Naintindihan po namin!"

Nalaman na rin nila ang kwento ni Sir Mon at kung paano sya naging konektado sa bag ni Yna. Kaya muli nilang pinabuksan ang missing case ni Yna.

Pero dahil ayaw magsalita ni Sir Mon hangga't wala syang abogado, hindi na sya pinilit pa ng mga pulis.

Formal na syang sinampahan ng kaso ni Miles para hindi na ito makalabas pa ng kulungan.

Pagkatapos ma process si Sir Mon, ipinasok na sya sa bilangguan at laking gulat ng mga co teacher nya ng makita syang naroon.

"Ano 'to reunion? Bakit ka napunta dito?"

Nangiinis na tanong ni Orly sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?"

Nagulat si Sir Mon ng makita nyang nakakulong pa rin si Sir Orly at mga alipores nya.

Alam nyang nakasuhan ito pero hindi nya iniexpect na nakakulong pa rin sila. Bailable ang kaso nila.

'Bakit kaya?'

"Ewan ko ba, sabi ng abogado ko may humaharang daw para makalabas ako!"

Sagot ni Orly.

"Pero teka, ako ang unang nagtanong! Anong ginagawa mo dito?"

Bumuntung hininga si Sir Mon.

"Mahabang kuwento!"

Nächstes Kapitel