webnovel

Drama

Nabasa ni Kate ang gustong gawin ni Sir Mon.

'Malamang pipilitin nitong makuha ang bag!'

Kung kaya inunahan na nya ito.

Lumapit si Kate sa bag at hinarang ang katawan para hindi makalapit ang teacher.

Napasibangot si Sir Mon.

"Ano ba ang masakit sa'yo, ineng?"

"Mang Johnny yung pong kanang braso nya!"

Sagot ni Mel

"Mabuti pa dalhin natin sya sa clinic!"

"Paano po natin sya dadalhin Mang Johnny, e hindi nya po maigalaw ang kamay nya?"

Tanong ni Kate.

Napansin ni Mel na papalapit ng papalapit si Sir Mon sa bag.

'Mukhang tsumityempo sya! Hmm!'

"Sir Mon, tulungan nyo po kami, Sir!"

Hinarang ni Mel si Sir Mon bago makalapit sa bag at nagmakaawa dito.

'Naloko na! Pag binuhat ko itong bata, maiiwan yung bag!'

'Anong gagawin ko?'

May naisip si Sir Mon.

'Paaalisin ko sila sa tabi ni Eunice, saka ko kukunin ang bag at iiwan sila! Hehe!'

"Teka, magsitabi kayo sa paligid nya para makahinga ang bata!"

Nang madinig ito ng mga bata nagkatinginan sila.

"Ate Kate huwag mo akong iwan, please! Huhuhu!

Dito ka lang! Natatakot ako!"

"Oo, promise, hindi ako aalis sa tabi mo!"

"Papaano ko sya matutulungan kung hindi ka aalis dyan Kate?"

"Sir, pasensya na po pero hindi ko pwedeng iwan ang pinsan ko!"

"Magpinsan kayo?!"

Si Mang Johnny naman ay lumabas para sensyasan ang mga bodyguard ni Kate at Eunice.

Kilala nya ang mga ito dahil ang isa dito ay ang anak nyang si Reah.

"Security, security! Tulong!"

Sigaw ni Mang Johnny.

Lalong na tensyon si Sir Mon.

'Naloko na!Bakit tumatawag ng security yun?'

'Kailangan ko ng magmadali!'

Finokus ni Sir Mon ang tingin nya sa bag at dadakmain na lang sana nya ito ng biglang....

"AAAAAHHH!"

Sumigaw ng malakas si Eunice na ikinagulat ni Sir Mon.

Agad na lumapit si Mel sa tabi ni Kate para hindi na makalusot si Sir Mon. Natatakpan na nila sa lahat ng anggulo ang bag, hindi na nya ito makukuha!

Naiinis na si Sir Mon.

'Lintek na mga batang ito, pinipikon ako! Hmp!'

Galit na si Sir Mon, wala na syang pakialam ngayon kaya lumapit sya para hawiin ang dalawa sa bag pero...

Dadakmain na lang sana nya si Kate ng biglang may humawak sa kamay nito at iniikot ang buong braso nya kaya sya na out balace. Napaluhod sya sa sakit.

"Bakit ninyo sinasaktan ang mga bata?"

Isinubsob nya padapa si Sir Mon saka idinagan ang tuhod nya dito.

Sya si JR, ang anak ng isa sa pinagkakatiwalaang tauhan ng Lolo nya na si Asul.

"Hindi ko sinasaktan ang mga bata!"

Habang busy si JR kay Sir Mon, nilapitan naman ni Reah si Eunice.

"Ms. Eunice, ano pong masakit sa inyo?"

Tanong nito na puno ng pagaalala. Hindi sya kilala ni Eunice pero napamahal na rin sa kanya ang batang ito.

"Masakit ang braso nya!"

Sagot ni Kate sabay kindat kay Reah, na ang ibig sabihin ay drama lang ito.

Alam din kasi ni Kate na bodyguard ni Eunice si Reah.

Ngumiti naman ng bahagya si Reah para iparating kay Kate na naiintindihan nya.

Napansin ni Mel ang pagkindat ni Kate kay Reah.

Nagsalubong ang dalawang kilay nito.

'Aba at may pa kindat kindat pa itong lukaret na 'to!'

Sabay tingin kay Reah na napansin nyang napangiti kay Kate.

'At ang bruhang 'to ngingiti ngiti naman! Hmp!'

Tumayo na si Mel at iniwan sila.

"Anong nangyayari dito? Bakit kayo nagkakagulo?"

Tanong ni Nicole.

Kasunod nya si Secretary Kim at si Mang Johnny.

"Mam, eto pong si Sir, nakita ko sa akto na sasaktan nya sila Sir Mel at Ms. Kate pero tinatanggi nya!"

Hindi pa rin nito binibitawan si Sir Mon. Nakadapa pa rin ito at hindi makakilos dahil nakadagan ang tuhod nito sa likod nya.

"Principal Cole, maniwala po kayo, hindi ko po sinasaktan ang mga bata! Nagpunta lang po ako dito para tanungin kung bakit sila andito!"

"Maniwala po kayo Mam Prinicipal!"

Hirap na hirap nyang paliwanag dahil hindi sya makahinga sa bigat ng tuhod ni JR.

Tiningnan ni Nicole ang paligid. Magulo. Nagkalat ang mga gamit.

"Bakit ganito kagulo dito, Mang Johnny?!"

"Mam, kasalanan ko po, hindi ko po na ayos ang pagkaka salansan kaya po siguro nahulog!"

Pero nagduda si Nicole sa sagot ni Mang Johnny. Pulido itong magtrabaho at laging iniisip ang safety ng mga bata.

Tyak nyang may iba pang dahilan kaya nangyari ito.

"JR, ikaw na ang bahala kay Sir Mon! Sige na ialis mo na sya dito!"

Saka lang nito pinakawalan si Sir Mon at itinayo.

At ng bibitbitin na ni JR palabas ito.

"Teka po Mam Prinicipal! Yung bag ko po!"

Nächstes Kapitel