webnovel

Sorpresa

Habang nagkukumpulan at nagpapalitan ang mga Grade 9 students ng ideya kung paano mas magiging effective ang gagawin nilang pambu bully kay Eunice sa sa entrance ng school, natanaw nila ang kotse ni Jeremy na parating.

"Ayy! Si Jeremy babe ko, andyan na!"

"Teka ang face ko, ang face ko! Pa check naman kung may something?"

"Okey lang girl, eh ang hair ko, naka ayos ba?"

Natataranta sila lahat di magkamayaw ang gagawin. Lahat sila gustong maging maganda sa paningin ni Jeremy. Umaasa na sana naman mabigyan sila kahit konting pansin.

Behave lahat ang girls ng makitang malapit na ang sasakyan. Nagpapaka good girl look, habang hinihintay ang papalapit na sasakyan ni Jeremy na sasaksan ng bagal ang takbo. Nangangawit na tuloy silang ngumiti.

Pati mga estudyanteng bagong dating napapatigil sa pagpapapansin nila.

Ngunit habang papalapit ang kotse ni Jeremy, may napapansin silang nakasakay sa tabi nito sa front seat!

"Sino sya?"

Ang mga ngiting ni ready nila para kay Jeremy ay unti unting nawala. At habang papalapit ang sasakyan ni Jeremy sa kanila nagbabago ang itsura nila.

Kung nung simula ay nakangiti ang mga ito ngayon napalitan ng pagka shock!

"Di..diba...si.... si..."

Hindi nila mabanggit ang pangalan ng kasama ni Jeremy sa kotse.

Lahat sila nakangangang sinusundan ang sasakyan ni Jeremy hanggang sa pumarada ito.

Ang grupo ni Miles na nasa di kalayuan ay napansin din ang pagbabago ng mga itsura nila at nagtataka kung bakit sila ganun.

Nang makita ng mismong mga mata nila na si Eunice ang kasama ni Jeremy sa sasakyan niya, na shock din sila.

"Bakit sila magkasama?"

Nagkatinginan ang apat.

Kasama ng karamihan, sinundan din nila ang sasakyan ni Jeremy hanggang sa pumarada ito.

At pagka parada, nakita nilang dali daling lumabas ng sasakyan si Jeremy at saka umikot para pagbuksan naman si Eunice.

Speechless ang lahat. Walang humihinga.

Pati ang friend ni Eunice na si Mel ay speechless din.

Nang mabuksan ang pinto, inalalayan ni Jeremy na bumaba ng sasakyan si Eunice. Isinara ang pinto at kinuha ang bag nito tapos ay hinawakan ang kamay at sabay silang naglakad.

Hindi binigyang pansin ni Jeremy ang lahat ng mga matang nakatingin sa kanila.

Pero si Eunice, medyo nahihiya sya.

'Bakit ba ganyan sila makatingin?'

'Can't they mind their on business?'

Naiilang tuloy sya.

Pero si Jeremy patuloy lang sa paglakad, hindi binibitiwan ang kamay nya. Wala talaga syang pakialam.

Wala syang pakialam sa kung ano ang iisipin nila.

"Totoo ba ito? Si Jeremy baby ko at yung tabachoy na yun magkasama na magkaholding hands pa!"

"OMG! end of the world na ba?"

"Hmp! Masyado kasing nagpapa pansin yang bruhang Eunice na yan kay Jeremy love ko! Ayan tuloy baka nagayuma na!"

"Hindi! Hindi tama ito, kailangan nating iligtas si Jeremy sa bruhildang Eunice na yun!"

"Tama! She's a witch! An evil witch!"

"Anong gagawin natin? Mukhang wala sa katinuan si Jeremy idol!"

"Oo tama ka! Kitang kita ko din ng dalawang eyes ko na nasa ilalim sya ng evil spell! That witch!"

"Oh, Papa Jeremy wag kang mag alaala ililigtas ka namin mula sa evil witch na yan!"

Nagugulat naman si Mel ng madinig nya kung paano mag isip ang mga Grade 9 students.

"Haay naku malala na itong mga ito! Tsk, tsk, tsk! Kawawa naman!"

"Hoy sinong kawawa? Hmp!"

Nadinig sya ng isa sa kanila.

At sa inis ng isa inisprayan niya ito ng dala nilang pang spray.

Buti na lang naka ilag sya pero nahagip pa rin ng bahagya ang uniform nya.

"Students ano yan?"

Nagulat sila lahat ng makita si Teacher Erica. Sabay sabay nilang tinago ang dala nila.

"Teacher wala po!"

Napataas ang kilay ni Mel

"Anong wala!

Teacher huwag kayong maniwala, may dala silang spray paint at inis prayan ako!"

Sabay turo sa part na nahagip ng spray. Kulay green ito kaya magaling makita.

"Teacher, gagamitin po namin ito sa art work namin!"

Paglapit, nakita ni Teacher Erica ang pintura sa damit ni Mel at naamoy din nya sa paligid ang amoy ng pintura kaya napa hatching ito.

"Amina yan, ibigay nyo sa akin lahat yan!"

"Pero Teacher...."

"Bawal yan! Flamable yan at hindi pwedeng basta basta pinaglalaruan!"

Hindi pa rin sila kumibo.

"Gusto nyo bang itanong ko pa sa Teacher nyo sa art kung totoo ang sinasabi nyo?"

Walang nagawa ang mga estudyante dahil mas malala pag nalaman pa ni Teacher Erica na nagsisinungaling sila, baka ipatawag pa ang parents nila.

Kaya isinurender na lang nila.

May iba pa namang pagkakataon eh.

Kasama si Mel, iniwan sila ni Teacher Erica na dala ang lahat ng spray paint.

"Paano na yan anong gagawin natin?"

"Hmp! Kasalanan ito ng Mel na yun eh!"

Biglang lumapit ang grupo ni Miles sa kanila.

"Oh anong nangyari sa inyo?"

Bati ni Pam sa kanila.

At ikinuwento naman nila. Matyaga silang pinakikinggang ng grupo nila Miles na akala mo interesado sila at kunwari nang mga oras na iyon lang nila nadinig.

"Huwag na kayong malungkot. Nadinig ko kanina sa isang classmate ni Eunice na may sorpresa daw sila sa kanya!"

Nächstes Kapitel