webnovel

WRONG SEND II

*Ben's P.O.V*

Magandang tanawin, masasayang gawain, at naghahalakhakang pamilya. Kitang-kita ko ang ngiti ni Scarlette habang siya'y patuloy sa paglalaro ng duyan. Parke ang tawag ng mga tao rito, ngunit para sa akin ay hindi lang ito isang normal na parke na ituturing kundi isa itong lugar kung saan binubuhos ang lahat ng ating kasiyahan.

Nagtaka na lamang ako matapos mawala ang aking anak sa duyan na kanyang sinasakyan, inilibot ko ang aking mga mata, halos maluwa na ako sa kakahanap sa kanya.

May isang babaeng gutay-gutay ang damit na hindi ko rin maintindihan kung bakit gulong-gulo ang buhok nito? Inilapat ko ang aking kamay sa kanyang balikat pero bakit ganito na lamang ang lamig na aking nadarama, ala singko pa naman nang hapon ngunit bakit lamig ang nanaig hindi init?

Nagtaka ako matapos itong magsalita at dahan-dahang humarap sa akin, "D-daddy tulungan mo ako, pinatay niya ako…

PINATAY AKO NI RO… "

Agad akong napabalikwas nang bangon, panaginip lang pala? Pero bakit ganun, parang may gustong ipahiwatig sa akin ang panaginip na 'yon?

Imposibleng mamatay ang aking nag-iisang anak? Hindi ko mapapatawad ang aking sarili 'pag may nangyaring masama sa kanya!

Umupo akong bigla sa silyang gawa sa kahoy, hindi ko talaga alam pero napahilamos nalang ako sa aking mukha dahil may kutob akong may masamang nangyari sa kanya.

"Diyos ko, sana hindi totoo ang napanaginipan ko." mariin akong nagsumamo sa itaas.

Agad akong naghanda sa mga oras na iyon, kumain lang ako ng sapat upang hindi ako gaanong mapagod.

Nagsuot ako ng isang hindi kalumaang damit, sinuot ko rin ang sombrero na pinapalibutan ng kung anong bagay upang hindi ako gaanong mamukhaan.

Isinarado ko ang nang maigi ang kandado ng aking bahay upang maka-siguradong walang sinuman ang makakapasok dito.

Kung sakaling bumalik si Scarlette ay siguro naman ay may dala siya duplicate keys na aking ibinigay sa kanya.

Tinanaw ko ang langit mukhang hindi pa gaanong nagpapakita ang araw, medyo makulimlim ang panahon. Bago ko simulan ang aking paglalakad ay napabulong ako sa hangin…

"Hahanapin kita aking anak."

Rocker's P.O.V

May mga bagay na kahit kailan ay hindi nagtatagal, parang isang tao na kahit anumang oras ay maaring bawian ng buhay. Kaya nama'y kung maari ay alagaan niyo silang mabuti at sabihin niyo palagi sa kanila na mahal na mahal niyo sila dahil katumbas na iyon nang lahat ng pasakit na idinulot niyo sa kanila.

Halos mawalan ako ng malay sa mga oras na iyon. Hindi ko matanggap sa aking sarili na patay na ang nag-iisang kaibigan ko na nagmulat sa akin na hindi pa huli ang lahat, na may pag-asa pang magbago.

Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pighati na kanyang sinapit. Nakahimlay siya sa kabaong, ngunit kapansin-pansin ang pilit nitong ngiti. Tinanong ko ang aking magulang kung paano ang kanyang ikinamatay.

Nahulog daw siya sa ikalawang palapag ng aming bahay. Hindi ko naman sila masisisi dahil sa mga oras na iyon kung kailan naganap ang insedente ay nasa trabaho ang aking Mommy, ang aking Daddy nama'y nasa harapan ng aming bakuran. Abala sa pagaasikaso sa kanyang mga halaman.

Latay na latay ang aking buong katawan habang papunta sa kusina. Nakaramdam din ako ng pagkauhaw dahil na rin sa walang akong tigil sa paghagulgol. Halos mamula ang kulay ng aking mga mata dahil sa pagkamugto nito dahil na rin sa mga gabing umiiyak akong magisa.

Napahawak ako sa aking noo, "Bakit siya pa ang pinatay niyo? O, Diyos ko bakit ang matalik ko pang kaibigan!" palahaw ko.

Idinabog kong muli ang aking mga paa. Pagkatapos nang ilang minuto ay unti-unti akong nilamon ng katahimikan sa loob ng aming bahay. Tanging ang mga tao lang sa aming labasan ang aking naririnig.

Hindi ko namalayan na unti-unting naguunahan ang aking mga luha sa pagdaloy. Bigla ko na lamang napawi ito matapos tumunog ang aking cellphone sa itaas ng aming bahay.

Kanina ko pa pala iniwan iyon upang ma-full charge. Agad akong umakyat at hinugot kong kaagad ang saksakan.

Inilagay ko ito sa loob ng aking bulsa. Isinara ko ang pintuan ng aking kwarto, masama na baka may pumasok pang magnanakaw sa mga panahon na ito.

Bababa na sana ako matapos tumunog muli ang aking cellphone. Napapitlag ang aking puso sa lakas ng tunog nito.

Dahil na rin sa kuryosidad ay binuksan ko ito upang tignan kung sino ang nagpadala ng mensahe.

Nanlamig ang aking buong katawan matapos kung mabasa ang nakasaad sa mensaheng ito.

From: Scarlette

To: Rocker

T-tulungan mo ako, pinatay niya ako…

Pinatay ako ni Helyo…

Napalunok ako ng sunod-sunod matapos kong mapagalaman na ito nga ang numero ni Scarlette. Pero paano siya nakapag-text samantalang patay na siya?

Tinignan kong mabuti ang aking relo at oras ng pagpasa niya ng mensahe. Sakto lang ang araw at oras!

Mukhang napa-paranoid na naman ako. Siguro isa na naman ito sa mga pakulo ng aking mga ibang kaibigan para takutin ako.

Nagkibit-balikat nalang ako at pinagpatuloy ang aking paglalakad. Nasa ikalimang baitang na ako ng aming hagdan nang tumunog muli ang aking cellphone.

Sa pagkakataong ito ay hindi na text ang binibigay abiso nito kundi pati tawag. TUMATAWAG SI SCARLETTE!

Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ito o hindi. Paano kung buhay pa si Scarlette at mali ang nakita ni Mommy o kaya'y paano kung totoo nga na nakakatawag si Scarlette kahit patay na ito?

Nanginginig ang buong katawan ko, hindi ko mapagilan ang aking mga ngipin sa pagigitgit dahil na rin sa nerbyos!

Pinindot ko ang kulay berdeng button upang sagutin ito. Hindi pa rin mawala ang nginig sa aking mga kamay habang itinututok ko ito patungo sa butas ng aking tainga.

Unti-unti nagsisiabasan ang mga butil sa aking katawan. Nagsisimula na ring lumamig sa aking kinaroroonan.

"H-hello?" mahina ngunit malinaw kong tanong sa kabilang linya.

Mga ilang minuto rin ay nagsimula na akong makarinig ng mga ungol ng kung anong nilalang. Hanggang sa makarinig ako ng tawa ng isang tao.

Inalis ko agad sa pagkakatutok ang aking cellphone. "Mukhang na-goodtime na naman nila ako ah!" umiiling akong sinabi.

Itinuloy ko ang aking paglalakad nang bigla makarinig ako ng isang tangis na nagmumula sa aking cellphone. Ngayo'y sigurado na ako kung sino ang nasa kabilang linya- si Scarlette.

Pinakinggan kong mabuti ang sinabi niya, medyo hindi ito malinaw ngunit nalaman ko naman na iyon ang gusto niyang sabihin. Gusto ko pa sana siyang tanungin ngunit bigla nalang naputol ang linya ng telepono.

Mag-ingat kayo sa kanya…

Ben's P.O.V

Habang tinatahak ko ang aking daan patungo sa mansyon ng mga Sedrano ay may napansin akong isang babae. Tumatakbo at mangahus na hinahabol ang kanyang hininga.

Agad ko siyang hinablot patungo sa isang liblib na eskinita. Bakas ang takot nito sa kanyang pagmumukha.

"Uncle Ben?" gulantang niyang tanong.

Dahan-dahan kong inalis ang suot kong sombrero upang malaman niya kung sino ako.

Labis ang pagtataka ko kung bakit niya ako niyakap ng mahigpit siguro nga matagal na rin akong hindi nakakapasyal sa kanilang mansyon.

"Uncle Ben, namiss po kita." aniya habang nakahiga ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Namiss din kita, Rocker matagal-tagal din magmula nang tayo'y nagkitang muli. Kumakain ka ba nang mabuti, mukhang lalo kang pumapayat. Musta naman ang anak kong si Scarlette, ayos ba siya?" mahaba kong litanya.

Biglang nagbago ang mukha niyang maaliwalas, naging malungkot at nakakabagabag ang inaasal niya ngayon.

"Uncle Ben, huwag po kayong magagalit sa sasabihin ko ah." Parang may kung anong bagay siyang ipapahiwatig.

Tumango nalang ako bilang tugon.

"Patay na po si Scarlette!"

Totoo ba ang naririnig ko? Baka isa na naman itong bangungot. Tinapik ko ng mahina ang braso ni Rocker dahilan upang magtaka ito.

"Uncle Ben, ayos lang po kayo?"

Wari'y nabuhasan ako ng tubig na malamig na dahil sa sobrang lamig ay namanhid lahat ng parte ng aking katawan.

Diyos ko po, hindi nga ito isang panaginip. Totoo ang mga naging kaganapan ngayon.

Marahan akong lumapit sa kanya upang sabihin sa kanya ang aking napanaginipan.

Laking gulat ko nang sabihin niyang nagtext at tumawag ang aking anak, posible bang mangyari ang ganoong bagay? Pero sa kalaunan ay naniwala na rin ako dahil sa pagkatulad ng panaginip niya sa kanyang sinasabi.

Ang pagtataka ko lang ay bakit sabi ni Scarlette sa kanya ay mag-ingat daw siya sa kanya. Ngunit, sino… sino ang pumatay sa kanya. Sino ang taong tinutukoy ng aking anak.

Habang inilipag ni Rocker ang kanyang cellphone na kung saan nandoon ang mensaheng kanyang natanggap galing sa aking anak ay tumayo ako at nag-isip ng malalim.

Lakad dito lakad doon ang nangyari sa akin. Halos maluwa na ako sa kakahanap ng kasagutan. Nauubusan na ako ng pag-asa, naupo nalang ako sa isang sulok at hindi ko na napigilan ang aking luha.

"Kailangan kong malaman kung sino ang pumaslang sa aking anak! Ipapalasap ko sa kanya kong paano magalit ang isang amang nawalan ng anak!" mahigpit kong kinukuyom ang aking kamay.

Niyapos ako ni Rocker dahilan upang gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko. Habang minamasdan ko ang cellphone ay bigla na lamang nagpatay-sindi ang ilaw nito. Nagtaka ako kaya tinignan ko ulit, baka nga ito ang magiging solusyon… aba'y teka mukhang magkaparehas ang nakasulat dito at sa panaginip ko.

"Ro-Rohelyo?" pautal-utal kong tanong.

Agad akong nagtaka matapos matutop ni Rocker ang kanyang bibig.

"Bakit, Rocker ayos ka lang ba?" tanong ko.

Umiling siya at sabing "Rohelyo po ang pangalan ng Daddy ko."

Nanlaki ang aking mga mata, agad kong tinawagan ang mga pulis upang ipadakip ang ama ni Rocker. Masakit man sa akin ay ginawa ko 'yon para matahimik na ang kaluluwa ng aking anak.

Hindi na pumalag si Rohelyo dahil dindalaw na raw siya ng aking anak sa kanyang panaginip. Inamin niya rin na hindi aksidente ang pagkamatay ng aking anak dahil ginahasa niya ito, dahil sa pagayaw niya ay pinagsasaksak niya ito dahilan upang ikamatay niya ito.

Ang tangi niyang rason kung bakit niya ginahasa ay dahil ayaw makipagtalik ng kanyang asawa sa kanya kaya niya nagawa ang krimen na iyon.

Hindi na muling tinanggap si Rohelyo ng kanyang anak na si Rocker. Napagusap-usapan naming ng kanyang Nanay na ako na ang magiging bago niyang Tatay magmula ngayon.

Ang dahilan ng pagayaw ng asawa ni Rohelyo ay dahil sa pagmamalupit nito sa kanya. Kaya nama'y nagawa niya ang bagay na iyon. Sana nga maging leksyun kay Rohelyo ang lahat ng ito. Mabubulok siya sa kulungan hanggang sa hindi na makilala ang kanyang bangkay.

Bago ako pumasok sa bago kong tahanan ay may ibinigay sa akin si Rocker.

"Daddy, ito pop ala iyong sim ni Scarlette. Kaya pala nakatawag siya sa akin sa ibang mundo dahil nakasalpak iyan sa cellphone ko." paliwang niya.

"Sige, ako nang bahala rito."

Ikaw gusto mo bang makausap ang mahal mo sa buhay? Ito tanggapin mo itong sim ngunit huwag mo akong sisihin kung iba ang matawagan mo, baka iba na ang mapasahan mo ng mensahe. Imbis na ang mga pumanaw na mahal mo sa buhay ang makausap mo ay iyong mga demonyong nagmamasid sa'yo habang ika'y nagbabasa nito. Alamin mong mabuti kong sino ang nasa tabi mo baka hindi na siya totoong tao.

Mag-ingat pag gagamitin mo ito at baka ma-wrong send ka.

Nächstes Kapitel