webnovel

KABILANG KWARTO

PADABOG-DABOG na kumatok ang isang boarder sa tahanan ng nagmamay-ari. Bakas sa kanya ang inis dahil sa mga linyang lumalabas sa kanyang noo.

"Aling Chona!!" Buo ang kanyang boses. Pursigido siyang makausap si Aling Chona.

Gabi-gabi nalang kasing hindi siya pinapatulog ng mga ungol na kanyang naririnig. Naiirita na siya dito. Patay sindi ang ilaw ayaw pa naman niya ang dilim. TAKOT SIYA SA DILIM!

"Bakit ano na naman ang sasabihin mo!" papungay-pungay si Aling Chona habang nagsasalita.

Mag-aalas kwuatro na kasi nang umaga. Bitin na naman ang tulog nito. Kaya ganoon nalang ang init ng kanyang ulo.

"Aalis na ako. Hindi ko na kayang tumira pa sa tahanan na ito." Seryoso siya sa sinasabi niya.

Dahil sa paglipat niya rito sa tahanan ni Aling Chona ay nagsimula nang magbago ang kanyang buhay. Natutunan niya ng maglasing, magpuyat, at pati na rin ang magmumura.

Madalas na rin ang pakikipagusap niya sa kanyang sarili. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi kaya't sinapian na siya nang masamang isperitu?

"Kung iyan ang gusto mo." wika niya.

Sa mga salitang binitiwan ni Aling Chona ay nadama niya ang liwanag, ang pag-asa na magbabago sa kanyang buhay.

"Salamat po, Aling Chona."

Agad-agad siyang bumalik sa kanyang kwuarto at nagsimulang mag-empake. Ngunit bagupaman siya maka-alis ay mayroon siyang nakitang batang umiiyak sa sulok.

Humahagulgol ito nang ubod ng lakas. Hanggang sa tumigil ito at nagsimulang humarap sa kanya.

Awang-awa siyang lumapit sa bata. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Alam nitong nakasara lahat ng pinto at bintana. Ngunit bakit tila lumalamig ang pakiramdam niya?

"Bata, ayos ka lang ba?" aniya, habang hinihimas ang magkabilang braso niya.

Laking gulat niya nang makita niya ang mukha ng bata. Wasak ang mukha, at dinukot ang mga mata. Napausog siya nang malaman niyang hindi tao ang kausap niya kundi isa palang MULTO!

"Uma..lis ka...na, ate..hh!! Ha..bang may oras pa!" pilit niyang binubuo ang mga salitang kanyang sinasabi sa kabila nang kanyang wasak na mukha.

Walang siyang inaksayang oras. Agad siyang tumakbo patungo sa labasan ng tahanan ni Aling Chona ngunit may bigla humampas sa kanya. Dahilan upang bumulwak ang sariwang dugo sa kanyang ulo.

**********

"Anak, ano nakahanap ka na ba ng titirahan mo riyan sa Maynila?"

Isang pamilyar na tinig ang narinig ni Gellene sa kabilang telepono. Ang kanyang ina'y na walang tigil sa pagaalala nito sa kanya.

"Ma, wala pa po akong nahahanap. Puro kasi mahal ang renta sa mga nakikita kong bahay rito sa Maynila." ani niya.

"Bakit mo pa kasi gusto riyan mag-aral sa Maynila samantalang magkaparehas lang ang pinagaaralan dito at diyan." Nagsisimula na naman ang kanyang, Ina. Si Gellene ay ang panganay sa kanilang tatlong magkakapatid kaya ganoon nalang ang pagaalala ng kanyang Ina.

"Ma, alam mo naman na malaki na ako. Disi-otso na po ako kaya gusto ko na pong maging malaya." Napatakip bigla si Gellene sa kanyang sinabi. Hindi niya gustong sabihin na kaya siya nakipagsapalaran dito sa Maynila ay upang makatakas sa paningin ng kanyang mga magulang.

"Kung iyan ang gusto mo. Sige mag-ingat ka riyan, anak. Mahal na mahal ka namin," malumanay niyang tugon sabay baba nito.

Napaupo nalang si Gellene sa isang shed malapit sa paradahan ng bus. Mukhang dito na naman siya matutulog. Kailangan niya talaga nang matutuluyan dahil ayon sa balita ay magiging maulan sa gabi ngayon.

Bumili siya ng diyaryo at nagbasa kung mayroon bang bahay na mura ang pagrerenta. Sa 'di inaasahan ay aksidenteng tinangay ng hagin ang diyarong kanyang binabasa at lumapag ito sa isang bahay na bunggalow.

Sumilay sa kanyang mukha ang magandang ngiti dahil ang mura lang ng renta.

"Ineng, magrerenta ka ba? Mag-ingat ka. Dahil marami na akong nabalitaang nagpaparamdam diyan." Pumitlag ang kanyang puso matapos may dumaan sa kanyang likuran. Isang matandang uugod-ugod na.

Hindi niya nalang pinansin ang matanda bagkus, pinagtawanan niya nalang ito at tuloy na pumasok sa gate ng bahay.

"Ineng, magrerenta ka ba?"

Hindi niya alam kong balak ba nilang patayin siya sa gulat.

Tumango nalang siya at ibinigay ng may-ari ang kanyang susi. Hindi na siya nagpatulong sa kanyang bagahe dahil magaan naman ito.

Pagkapunta niya sa kanyang kwarto ay agad naman siyang tumihaya dahil sa pagod.

"Ho! Sa wakas makakapagpahinga na ako." Dinukot niya sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone upang tignan kung nagreply na ang kanyang, Ina. Pero minamalas nga naman siya. Dahil walang signal sa kanyang kwarto.

Binuksan niya ang bintana ng kanyang kwarto. At dahan-dahan inilabas ang kanyang cellphone. Makalipas nang ilang oras ay matagumpay siyang nakapagtext.

Babalik na sana siya nang mapansin ang isang babaeng nakatayo na nakayuko sa harapan nang kanyang pinto.

"Miss, ayos ka lang ba?" tanong ni Gellene na halatang nagaalala.

Bigla nalang tumakbo ang babaeng kausap niya. Nais pa naman ni Gellene na makilala ang babae na iyon ngunit bigla nalang itong nawala sa kanyang paningin.

Bago siya matulog ay napansin niyang may isang maliit na butas sa gilid ng kanyang kwarto. Siguro nakalimutan ng mga karpintero na ayusin ito kaya naiwang ganyan.

Dahan-dahan siyang sumilip sa butas ngunit laking gulat niya nang makita niya ang babaeng tumakbo ay duguan ang ulo.

At mukhang may nangahas na pumukpok sa ulo niya? Mukhang pamilyar ang mukha nang pumukpok...

"Si Aling Chona?" biglang napabulong si Gellene matapos niyang malamang si Aling Chona ang pumukpok sa babae.

Napa-atras nalang siya. Nanginginig ang buo niyang katawan. Ngayon lang kasi siya nakatuklas nang isang krimen.

Siguro imahinasyon niya lang ito kaya inulit niyang muli ang pagsilip sa butas. Nagtataka siya kung bakit kulay berde ang kanyang nakikita. Posible kayang may depekto na ang kanyang paningin kaya ganoon nalang ang kanyang nakikita?

Hindi siya makatulog dahil sa kanyang nasaksihan sa butas. Kailangan niya itong sabihin kay Aling Chona.

"Aling Chona! Aling Chona!"

Isang sigaw ang bumalabog sa pagpapahinga ni Aling Chona.

"Gellene, bakit anong mayroon?" Pilit niyang minumulat ang kanyang mata. Alas-otso na kasi nang gabi kaya ganoon nalang ang galit ni Aling Chonna.

"May..roon po..ng mu...lto!" pautal-utal magsalita si Gellene. Bakas sa kanyang mukha ang takot. Palinga-linga siya sa kaliwa at kanan. Tagaktak din ang kanyang pawis.

"Ah! Ganoon ba! Halika at may ikwekwento ako sa iyo."

Niyaya ni Aling Chona si Gellene na maupo muna upang masimulan niya na ang kwento.

Kwenento niya na mayroong namatay na isang babae roon sa kabilang kwarto. Nagbiti siya dahil sa hindi niya kinaya ang paghihiwalay ng kanyang nobyo sa kanya. Kaya binigti niya ang kanyang sarili. Ang nakakapagtaka ay kung bakit daw berde ang mata nito.

Inilibot ni Gellene ang kanyang mga mata. "Ganoon pala ang nangyari. Sige po kukunin ko na ang gamit ko upang hindi ko na sila magambala."

Nagtatakbo si Gellene sa kanyang kwarto at buong lakas niyang sinarado ito. Alam niyang nagsisinungaling lang si Aling Chona dahil ang alam niya'y mamatay-tao ang kanyang kinausap.

Agad niyang kinuha lahat ng kanyang gamit at nagsimulang magempake. Habang nageempake ay narinig niya na may bumubulong sa kanya.

"Halika dito! Ligtas ka rito!"Isang lagusan ang bumukas patungo sa kabilang kwarto. Wala na siyang oras na inaksaya. Kailangan niyang ialay ang kanyang takot upang makatakas siya sa mamatay tao na si Aling Chona.

"Gellene? Saan kana, may regalo ako sa'yo." Bakas ang pagkademonyo niya dahil sa kanyang ngiting nakakaloko.

Walang pagod nitong nabuksan ang pintuan dahil siguro nasa kanya lahat ng susi. Dahan-dahan niya itong binuksan.

"Tumigil ka na sa mga balak mo!" sumigaw si Gellene.

Dahilan upang malaman niya ito kung saan nagtatago. Ngunit ang hindi niya alam ay si Christine ito na pinatay niya rati.

Hinawakan ni Aling Chona ang balikat nito. "Masasama kana rin sa koleksyon ko!" mensahe niya. Tatawa pa sana siya nang biglang tumawa nang nakakapangilabot ang babaeng hinahawakan niya.

"Dahil sa iyo kaya hindi ko na nakita ang aking pumanaw na Inay. Kailangan ko ng hustiya!" Itinaas ni Christine si Aling Chona at walang awa niya itong pinaikot na parang turumpo sa ere.

"Hahahahha!!! Magdusa ka!" tawa ni Christine.

Tatawa pa sana siya nang bigla nalang magmakaawa si Gellene. "Christine, tama na 'yan! Hayaan mo na ang batas na magdikta sa kanya! Alam ko ang nararamdaman mo. Galit at poot kaya gusto mo siyang magdusa. Mas magdudusa siya kung makukulong siya sa mga rehas na bakal!"

Napagdesisyunan ni Christine na palayain si Aling Chona. Dahil sa tulong ni Gellene ay nakulong ito habang-buhay at pinalibing ng maayos ang mga na nakitang bangkay ng mga niloko ni Aling Chona sa kanyang bahay. Pinalibutan din ang buong bahay ng mga bakal na tinik upang walang mangahas na pumasok dito.

Nächstes Kapitel